You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Aralin/Paksa: Mga Paraang Ginawa ng mga Makabayang Pilipino sa Pagkamit ng Kalayaan
Layunin:
 Natatalakay ang kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya at ang Cavite Mutiny (1872)
 Naipapaliwanag ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng
mga Pilipino
 Natatalakay angpagtatag at paglaganap ng Katipunan
 Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan/kilusan at pagbubuo ng
Pilipinas bilang isang bansa
Mga Kagamitan:larawan, activity card
Gabay Pangkurikulum pahina 120 (AP6PMK-Ic-5)
Pilipinas Bansang Malaya 5 pp.
Pamana 5, pp.

Pamamaraan:
A. ALAMIN
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang
kalakalan?
3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan. (Pag-usapan ang larawan)

32
4. Mga Gawain

Pangkat I
Magbigay ng mga salitang kasingkahulugan o may kaugnayan sa salitang
KILUSAN.

KILUSAN

Pangkat II
Ipakita sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan kung paano isinasagawa
ang kilusan.

Pangkat III
Kumpletuhin ang tsart.

Epekto ng Kawalan ng Pagkakaisa sa


himagsikan

Pangkat IV
Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng himagsikan.

33
a. Pag-uulat ng bawat pangkat
b. Pagninilay
5. Pagsubok sa Kakayahan/Pagtataya
Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang 3-5 pangungusap. “Bakit nagsasagawa ng
himagsikan ang mga tao sa isang lugar?

Pamantayan 3 2 1 Iskor
Nilalaman/Makatotohanan Punung-puno ng Maganda ang Nagbabanggit ng
(2 puntos) ideya at ideya ngunit hindi isang ideya ngunit
makatotohanan (6) makatotohanan hindi
(4) makatotohanan(2)
Organisasyon (1 puntos) Napakaayos ng Maayos ang Magulo ang
pagkakalahad (3) pagkakalahad (2) pagkakalahad (1)
Kabuuang Puntos = 9

B. PAUNLARIN
1. Balitaan
2. Balik-aral
3. Pagganyak
Isaayos ang mga letra upang mabuo ang mga salita.

KUESLAIRSAYSON PAROPNADGA
Pagpapanood ng video clip- htttps://www.slideshare.net/lethmarco/kilusang-
propaganda-50634496

4. Paglalahad
Paglalahad ng aralin sa pamamagitan ng powerpoint presentation.

SEKULARISASYON NG MGA PAROKYA


Ang sekularisasyon ay ang pagtatalaga sa mga Pilipinong
pari bilang mga kura-paroko. Dahil sa matinding pagtutol ng mga
Espanol na prayle, ito ay nagdulot ng malaking kontrobersiya sa
simbahan. Binawi ng Hari ng Espanya ang kautusan ni Arsobispo
Santa Justa. Muling ibinalik ang pangangasiwa ng mga parokya
sa mga prayle. Ito ay naging usaping diskriminasyon ng lahi, at
nilabanan ng mga Pilipinong pari.
Dinakip ang mga paring sina Jose Burgos, Mariano Gomez,
at Jacinto Zamora, matapos ang isang pag-aalsa ng isang pangkat
ng mga Pilipinong sundalo at manggagawa sa Cavite. Ang tatlong
pari ang napagbintangan ng mga prayle sa pag-aalsang naganap.
Bagaman nagkaroon ng paglilitis ay hindi pa rin pinakinggan ang
madiing pagtanggi ng mga pari sa kasalanang ibinibintang sa kanila.

34
Bunga nito, binitay sa pamamagitan ng garote na pawing mga martir sina Padre Burgos, Gomez, at
Zamora noong Pebrero 7, 1872.
Bago namatay si Padre Burgos, pinayuhan niya ang kabataang Pilipino na mag-aral. Sinabi
niyang nasa karunungan at kasanayan ang pag-asa ng Pilipinas na umunlad.
Maraming maykayang Pilipino ang nakapag-aral sa ibang bansa noon. Ang mga kabataang ito
namuno sa pakikipaglaban para sa mga reporma sa bansa.

ANG KILUSANG PROPAGANDA


Ang walang katarungang pagbitay sa tatlong paring martir ang siyang naging daan upang higit
mag-alab ang diwang rebolusyonaryo ng mga Pilipino. Maraming mga Pilipino ang nagsimulang mag-
alsa upang humingi ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol. Ilan sa mga Pilipinong ito
ay ang mga eukadong Illustrados na sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena,
Mariano Ponce, Antonio N. Luna, Juan N. Luna, Pedro A. Paterno, Isabelo F. delos Reyes at Felix R.
Hidalgo.
Sa simula, ilan lamang ang naniwala na magiging ganap na Malaya ang Pilipinas sa Europa.
Marami kanila ang naniwala na ang pagkakaroon ng isang union o pagkakaisa ng dalawang bansa ay
higit na makabubuti. Kaya itinatag ang Kilusang Propaganda noong 1882 na may layuning humingi ng
pagbabago sa tahimik na paraan. Ito ay isang kampanyang isinagawa hindi lamang sa Pilipinas kundi
pati sa Espanya kung saan ito itinatag.
Mga layunin ng kilusan ang mga sumusunod:
1. Gawin ang Pilipinas na bahagi o lalawigan ng Espanya
2. Muling pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes ng Espanya
3. Pagiging pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas
4. Sekularisasyon ng mga Parokya sa Pilipinas
5. Pagbibigay sa mga Pilipin ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag at pagpupulong
Kabilang sa mga repormang natamo ng Kilusang Propaganda ang sumusunod:
1. Pagbuwag ng monopolyo sa tabako
2. Pagpapalit sa buwis na sedula
3. Pagbabawas sa sapilitang paggawa mula sa 40araw hanggang sa 15 araw sa loob ng isang
taon
4. Pagpapatuloy sa ibang probisyon ng batas sa mga pamahalaang local noong 1893

ANG LA SOLIDARIDAD

Dahil sa paghihigpit sa pamamahayag sa Espanya naisipang itatag ni Graciano Lopez Jaena


opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda, ang La Solidaridad. Ang mga paksang isinulat dito ay
ang pang-aabuso at pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Inilimbag ang pahayagang ito sa
Espanya at palihim na ipinadala sa Pilipinas upang ipamahagi sa mga Pilipino. Inaasahang
makatutulong ito sa paggising sa kamalayan ng iba pang mga mamamayan sa tunay nilang kalagayan
at mahikayat silang sumapi sa paghingi ng mga reporma. Si Marcelo H. Del Pilar ang naging patnugot
ng La Solidaridad.

ANG LA LIGA FILIPINA

Bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas mula Espanya noong 1892. Sa kanyang pagbabalik ay
itinatag niya ang samahang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892. Ito ay isang samahang sibiko na

35
naglalayong makamit ang mga pagbabago para sa ating bansa sa tahimik at legal na paraan. Layunin
ng samahan na humiling ng mga pagbabago- matamo ang pagkakaisa ng buong bansa; magkaroon
ng proteksyon para sa lahat; mapaunlad ang edukasyon, agrikutura at kalakalan; at pag-aaral at
pagsasagawa ng mga reporma.
Hindi nagtagal ay nakita ng mga Pilipino na walang hakbang na ginagawa ang pamahalaang
Espanyol upang mapagbigyan ang mga kahilingan ng mga mamamayan. Bagaman may ilang
pagbabago ring naipatupad. Ito ay ang pagtatanggal ng monopolyo ng tabako at ang pagpapakilala ng
ilang batas gaya ng Batas Becerra at Batas Maura. Ang Batas Maura ay nagbibigay ng may ilang
awtonomiya sa pamahalaang local. Subalit ang mga pagbabagong ito ay hindi nakapagdulot ng
maunlad na katarungang sosyal at pulitikal sa bansa. Hindi rin nito natugunan ang mga hinaing ng mga
taong bayan.
Dahil dito naniwala na ang mga Pilipino na walang intension ang Espanya na pakinggan ang
kanilang mga pangangailangan. Naging mapait para sa mga tao ang awaln ng katarungang ito at
naging mapaghimagsik sila sa kanilang mga diwa at pag-iisip. Naniwala silang hindi sapat ang
pakikibaka sa tahimik na paraan.
Kaya nagsimula ang taong bayan na magtatag ng mga samahang reblusyonaryo kung saan
natatali sila ng mga sumpa nang pagsunod, paglihim at kapatiran.
Ang La Liga Filipina ay nabuwag dahil sa pagkadakip kay Rizal. Pinaghinalaan o ipinalagay ng
mga Espanyol na ang samahang ito ay may kaugnayan sa rebolusyon o kilusang laban sa
pamahalaang Espanyol. Hindi lamang ikinulong si Rizal sa Fort Santiago. Siya ay ipinatapon pa sa
Dapitan, Zamboanga noong Hulyo 7, 1892. Gayunman, maraming kasapi nito ang naghangad na pag-
ibayuhin ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.

ANG KATIPUNAN

Ang pagkakatapon kay Rizal sa Mindanao ang nagbigay ng pagkakataon sa iba pang mga
Pilipino upang mamuno. Isa na rito si Andres Bonifacio. Di tuladni Rizal na isang maprinsipyo, si
Bonifacio ay isang agresibong pinuno. Noong Hlyo 7,1892 ay kanyang itinatag ang Katipunan. Isang
lihim na samahang rebolusyonaryo na ang mga kasapi ay nagmula sa mamamayang mahihirap. Hindi
na paghiling ng pagbabago ang nilalayon nito kundi ang makamit ng mga Pilipino ang ganap na
kalayaan na gagamit ng armas sa pakikipaglaban. Nanguna sa pagtatatag ng Katipunan sina Andres
Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Valentin Diaz. Si Andres Bonifacio ang
itinuring na pinuno at nakilala bilang Ama ng Katipunan. Samantala, si Emilio Jacinto naman ang
nagsilbing Utak ng Katipunan.Si Melchora Aquino ang kinilala bilang “Ina ng Katipunan”. Ang sagisag
ng samahang ito ay “ KKK” na nangangahulugang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan.
Ang bawat kasapi sa Ktipunan ay tinaguriang “Katipunero” at sila ay nauuri sa tatlo:
1. Ang pinakamataas na kasapi ng Katipunan ay tinaguriang “Anak ng Bayan”
2. Ang “kawal” ay kilala bilang “Gomburza”
3. Ang “bayani” ay may palatandaang “Rizal”
Ang mga kasapi ay sumumpang di ibubunyag ang lihim na samahan at nilagdaan ang sumpang
ng sarili nilang dugo.
Naging mabilis ang pagdami ng mga sumapi sa Katipunan. Sa simula ay pawang mga taga-
Maynila ang mga kasapi nito. Pagkaraan ng ilang buwan, lumaganap na ang kilusan sa iba’t ibang
lugar tulad ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan at Nueva Ecija. Puspusang pagsasanay ang ginawa
ng mga Katipunero bilang paghahanda sa rebolusyon.

36
Noong Agosto 19,1896, dahil sa pagkakamaling Katipunerong si Teodoro Patiño, ang lihim na
samahan ay nabunyag sa mga Espanyol. Naipagtapat ni Patiño ang sikreto ng samahan sa kanyang
kapatid na si Honoria na nangumpisal naman kay Padre Gil. Ipinarating ito ng pari sa mga opisyal ng
pamahalaan at ang sumunod ay ang paglusob sa kuta ng mga katipunero.
Marami sa mga kasapi ang nadakip at napatay ng mga sundalong Esppanyol. Ito ay lumaki
isang lantarang himagsikan. Noong Agosto 23, 1896, tinipon ni Bonifacio ang kanyang mga tauhan sa
Balintawak at doon napagkaisahan ng mga Pilipino na lumaban sa mga manlulupig na dayuhan.
Sa pangunguna ni Bonifacio, sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang mga sedula sa gitna ng
ng “Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas!” Ito ang tinaguriang Ang Sigaw sa Pugad Lawin na naghudyat
ng himagsikan.

ANG PAGKALAT NG HIMAGSIKAN

Noong Agosto 27, 1896, matapos ang makasaysayang kaganapan sa Balintawak nagpalabas
ng isang manipesto si Bonifacio na naghihimok sa lahat ng taong bayan na mag-armas at lumaban.
Dininig ito ng mga mamamayan at kumalat nang mabilis ang himagsikan.
Dahil sa pagkakaisa at determinasyon ng mga tao, maraming labanang napagwagian ang mga
katipunero. Ang mga lalawigang unang pag-alsa ay ang Maynila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan,
Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija.Sa pagkabahala ng mga Espanyol na kumalat ang kaguluhan sa
buong bansa, nagdeklara si Gobernador Heneral Ramon Blanco ng batas-militar sa mga lalawigang
ito.
Sa naitalang bahagi ng mga lalawigang ito sa kasaysayan ng Pilipinas, sila ngayon ay
ginugunita sa walong silahis ng araw sa watawat ng bansa.

5. Pangkatang Gawain

Pangkat I- Gamit ang Icon Map, isulat ang mga Propagandista na naghimagsik sa mga Espanyol

Pangkat II – Magtanghal ng isang dula-dulaan tungkol sa pagkakatatag ng Katipunan

37
Pangkat III- Isulat sa loob ng bilog ang mga pangyayari sa sekularisasyon ng mga parokya

Pangkat IV- Punan ng kasagutan ang bawat katanungan nasa tsart sa ibaba.

Ano ang La Liga Filipina?

Bakit ito itinatag? Anu-ano ang layunin


nito?

Ano ang naging epekto nito sa mga


Pilipino?

Nakamit ba ang layunin nito? Bakit o


bakit hindi?

6. Pag-uulat ng bawat pangkat


7. Pagninilay

38
8. Pagsubok sa kakayahan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Gawing gabay ang mga titik para sa pagbuo ng
diwa ng pangungusap.

ALAM MO BA?

1. Anong K ang pinakamataas na kasapi ng KKK?


2. Anong L ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda?
3. Anong B ang may palatandaang Rizal?
4. Sinong T ang naging dahilan ng pagkatuklas ng lihim na samahan o ng Katipunan?
5. Sinong J ang nagtatag ng La Liga Filipina

C. PAGNILAYAN
1. Balitaan
2. Balik-aral
Anu-ano ang mga samahang itinatag upang makamit ng bansa ang kalayaan mula sa
mga Espanyol?
3. Pagganyak
Mga bata, sang-ayon ba kayo na dapat magkaisa sa larangan ng himagsikan? Bakit?
4. Mga Gawain

Pangkat I
Lumikha ng jingle tungkol sa pagkakatatag ng KKK

Pangkat II
Ipahayag ang inyong saloobin sa nagawa ng Kilusang Propaganda
upang mapukaw ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Gawin ito sa
pamamagitan ng isang tula.

Pangkat III
Sumulat ng sanaysay batay sa paksa:
“Kawalan ng Pagkakaisa sa Isang Labanan”

Pangkat IV
Isadula ang kaganapan sa paglagablab ng himagsikan.

5. Pag-uulat ng bawat pangkat


6. Paglalahat
Anu-ano ang mga kilusang naitatag dahilan sa nangyaring sekularisasyon sa mga
parokya?
Paano nakatulong ang Kilusang Propaganda upang mapukaw ang damdamin ng
makabayang Pilipino?
Sa paanong paraan makakaapekto ang kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan sa

39
pagbuo ng bansa?

7. Pagsulat ng Dyornal
Dugtungan ang sumusunod na pangungusap tungkol sa paksang tinalakay.

Sa araling ito, natutunan ko __________________________________________


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Nais kong iwasto ang pakaunawa ko dito tulad ng ________________________


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

D. ILIPAT AT ISABUHAY

1. Balitaan
2. Balik-aral
Paano nagsimula ang mga kilusang itinatag ng mga Pilipino?
3. Pagganyak
Sa inyong palagay, bukod sa kawalan ng pagkakaisa, ano pa ang posibleng maging
dahilan ng hindi pagtatagumpay sa isang kilusan?
4. Pagtataya
A. Punan ang patlang ng wastong sagot. Piliin ang salita sa ibaba nito.
reporma
kolonya
mapagsama-sama
mapabuti
maipagsanggalang

Itinatag ang La Liga Filipina upang __________________ ang mga Pilipino.


__________________ang mga Pilipino sa pang-aabuso at katiwalian ng mga Espanyol.
Magsagawa ng __________________sa bansa at __________________ ang edukasyon,
pagsasaka at kalakalan sa __________________.

B. Piliin ang wastong sagot.


1. Nagsulat ng dalawang tanyag na nobela si Jose Rizal tungkol sa masamang
karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng Kastila. Ano ang nobelang ito?
A. Dasalan at Tocsohan C. Diariong Tagalog
B. Fray Botod D. Noli Me Tangere at El Filibusterismo

2. Ang mga repormista ay mga ilustrado na naghahanagad ng pagbabago sa


pamamahala ng mga Kastila. Sino ang hindi kabilang sa pagkat na ito?
A. Jose Rizal C. Graciano Lopez Jaena
B. Andres Bonifacio D. Marcelo H. Del Pilar

40
3. Si Marcelo H. Del Pilar ay nagtatag ng kauna-unahang pahayagang tagalog na dito
ibinunyag ang kalupitan ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ano ang tawag sa
dyaryong ito?
A. Diariong Tagalog C. La Solidaridad
B. Philippine Buletin D. La Liga Filipina

4. Ang kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga reporma.


Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kanilang layunin?
A. Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa mga Pilipino
B. Maging alipin ang mga Pilipino sa mga Kastila
C. Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan
D. Ang mga kastilang pari lamang ang may karapatan na magsilbi sa pamahalaan

5. Hindi maituturing na tagumpay ang Kilusang Propaganda sa kahilingan nitong


pagbabago sa pamahaaan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
dahilan?
A. Walang sapat na pondo na panggastos sa paglathala ng pahayagan
B. Bingi ang Espanyol sa mga hinaing na inihain sa kanila
C. Hindi nakasagot ang mga prayle sa mga batikos at pag-atake ng mga repormista
D. Kulang sa pagkakaisa ang mga repormista

C. Punan ang patlang ng nararapat na sagot.


1. Ang ____________________ay itinatag matapos bitayin ang mga paring
GOMBURZA. Layunin nito na gumamit ng lapis, papel at karunungan upang
mapaabot ang kanilang karainagn sa kainauukulansa mapayapang paraan.
2. Ang ________________ang opisyal na pahayagan ng mga propagandista.
3. Itinatag ni Jose Rizal ang _______________nang siya ay magbalik sa Pilipinas
noong 1892.
4. Ang ____________________ ay isang lihim ana samahang naghangad ng kalayaan
mula sa mga Kastila sa pamamagitan ng rebolusyon.
5. Sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula at sumigaw ng “
Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas”. Nakilala ang pangyayaring ito sa kasaysayan
bilang __________________.

D. Tukuyin ang inilalarawan ng sumusunod.


1. Siya ang unang patnugot ng La Solidaridad
2. Kilala rin sa sagisag na Pingkian. Siya ay tinaguriang Utak Ng Katipunan dahil siya
ang nagsilbing tagapayo ng samahan.
3. Nabunyag ang lihim ng katipunan dahil sa kanyang pangungumpisal kay Padre
Mariano Gil nang sila ay magkaoon ng hidwaan ni Apolinario De la Cruz.
4. Bukod kina Jose Burgos at Mariano Gomez, siya ay isa ring paring martir.
5. Ito ay ang pagtatalaga sa mga Pilipino pari bilang kura paroko

41

You might also like