You are on page 1of 8

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Tomas Oppus
Tinago Elementary School
S.Y.2020-2021
First Quarter Lesson in Araling-Panlipunan 6

Name:____________________________________ Teacher: Vimael F. Sala Score:____

MELC 2:Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan


sa paglinang ng Nasyonalismong Pilipino
Aralin 2: Mga layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang propaganda at Katipunan sapaglinang ng
Nasyonalismong Pilipino
Code:
Duration: Week 2-Day 1-5

Ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda

KILUSANG PROPAGANDA

Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA sumidhi ang diwang makabansa ng mga


Filipino.Naghangad sila ng mga repormang panlipunan.
Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng kalutasan ang mga
kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa Paraang Panulat.

LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA


 Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes sa Spain
 Pantay sa Pagtingin sa mga Filipino at Kastila sa harap ng batas
 Sekularisasyon ng mga Parokya sa Pilipinas
 Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas
 Ipagkaloob sa mga Filipino ang karapatang pantao at Kalayaan sa pananalita
LA SOLIDARIDAD

Ang opisyal na pahayag ng kilusang propaganda.Unang


inilathala sa Barcelona,Spain noong Pebrero 15,1889 sa
pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena na pinalitan ni
Marcelo H. Del Pilar noong Disyembre 15,1889.

LAYUNIN NG LA SOLIDARIDAD
1. Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran.
2. Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan
3. Ilarawan ang kaawa-awang kalgayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain
na ayusin ang mga ito.

NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO


 Si Rizal ay tinuligsa dahil sa dalawang akda na ito na kanyang isinulat
 Inilahad sa mga akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at kabuluhan ng Sistema ng
pamahalaanng mga Espanyol.

LA LIGA FILIPINA
 Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3,1982 matapos makabalik sa Pilipinas
 Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng reporma sa
mapayapang paraan
ILANG MGA KASAPI SA PROPAGANDA

Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar
Graciano Lopez Jaena
Dominador Gomez
Jose Maria Panganiban
Antonio Luna
Juan Luna
Mariano Ponce
Gawain 1:
Gumawa ng graphic organizer tungkol sa layunin ng Kilusang Propaganda

Layunin ng Kilusang Propaganda

Gawain 2:
Kumpletuhin ang tsart.
Kilusang Propaganda Mga Layunin
1.La Solidaridad

2.La Liga Filipina

Pangwakas na Pagsubok:
Pagpipili
Direksyon: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pahayag.

1. Bakit nahatulan ang tatlong pareng martir, Gomez, Burgos at Zamora?


A. dahil sa pagiging madasalin
B. dahil sa pagtulong sa mahihirap
C. dahil sa pamumuno sa mga pag-aalsa
D. dahil sa pagtuturo ng banal na kasulatan

2. Ano ang isa sa mga layunin ng kilusang propaganda?


A. karapatan sa edukasyon
B. gawing malaya ang Pilipinas
C. paring Secular ang humawak sa parokya
D. pagkakapantay-pantay ng mga tao sa batas

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng La Liga Filipina?

A. pagkakaisa ng mga Pilipino


B. paglaya mula sa Espanya
C. pagpapabuti ng edukasyon
D. pagsasagawa ng mga reporma sa bansa

Tama o Mali
Direksyon. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay nagsasad ng tamang pangyayari at titik M
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____4. Isa sa mga namuno sa kilusang propaganda si Mariano Ponce.


_____5. Itinatag ni Lopez- Jaena ang La Solidaridad.
_____6. Nagkakaroon ng kamalayan ang mga nakabasa ng
pahayagan.
_____7. Natupad ang repormang ipinaglalaban ng La Liga Filipina.
_____8. Ang kilusang propaganda ang nagpasiklab ng himagsikan
noong 1896.

Basahin!!!!!
Layunin at resulta ng Katipunan sa paglinang ng Nasyonalismong Pilipino
Katipunan Noong Hulyo 7, 1982, matapos hulihin ng mga Kastila si Dr. Jose Rizal
nagpulong sa isang maliit na bahay sa Daang Azcarraga ngayo’y Claro M. Recto,
sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at ilan pang kasama.
Itinatag nila ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o KKK ito ang Katipunan. Sa simula ng pagkatatag nito, ang Katipunan ay
naglayong pukawin ang damdaming nasyonalismo at ibalik ang kalayaan ng mga
Pilipino.
Naniwala din ang mga Katipunero na kailangan ng pagkakaisa upang makamit ang
minimithing kalayaan. Kaya naman pinagyaman nila ang pagtutulungan,
pagmamahal sa bayan, ang pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran ng mga
Pilipino. Ngunit higit sa lahat, itinaguyod ng samahan ang pamamaraang mabagsik
at pangahas – ang pag-aalsa.
Noong una’y isang lihim na samahan ang Katipunan. Ang mga miyembro ay
palihim kung magpulong. Ang pagpaparami ng miyembro ng samahan ang unang
pinagtuunan ng mga gawain ng mga Katipunero. Pangalawa ang pagtatalakay at
pagpaplano ng mga gawaing nagpapakita ng pagtutulungan, pagmamahal sa
bayan at pagkakapatiran. Tatlong layunin ang isinulong: (1) kasarinlan para sa
bayan, (2) pagtuturo ng kagandahangasal sa pag-iisip at paggawa, pagtatakwil sa
mga bulag na paniniwala, at (3) pagtatanggol sa maralita at mahihina. Nakapaloob
ang mga ito sa Kartilya ng Katipunan na binuo ni Emilio Jacinto, ang tinaguriang
Utak ng Katipunan.
Ang paraan ng pagsapi ay masalimuot ngunit mabisa.Tinawag nila itong sistemang
tatsulok. Ang isang kasapi ay kukuha ng dalawang bagong kasapi na hindi
magkakilala. Ang kumuha lamang ang may kilala sa kanila. Bawat isa sa dalawang
bagong kasapi ay kukuha rin ng tigdalawang bagong kasapi, kaya’t parami nang
parami ang mga naging miyembro. Nang malaunan, hinayaan nang kumuha ang
mga kasapi ng kahit anong dami. Kaya’t lalong lumaki ang mga miyembro at
nagtatag na ng lupong pamunuan.
Si Andres Bonifacio ay tumangging maging pangulo at naging interbentor o
tagapamagitan lamang. Kaya’t iba’t iba ang naging pangulo ng Katipunan. Bawat
kasapi ay nagdaraan sa mahigpit na pagsubok na nagtatapos sa paghiwa sa may
pulso ng kaliwang bisig at gagamitin ang sariling dugo sa pagpirma ng pagiging
kasapi. Gaya ng mga repormista, nagtatag din ng lihim na diyaryo ang Katipunan,
ang “Kalayaan.” Ito ay naglayong mapalaganap ang mga simulain at mithiin ng
samahan.
Gawain 2
Gumawa ng graphic organizer tungkol sa layunin sa pagkakatatag ng Kilusang
Katipunan
Layunin sa Pagkakatatag ng Kilusang Katipunan

Gawain 1: “Tanong Ko,Sagot Mo”


Sagutan mo ang mga sumusunod na tanong.
.1. Kailan at saan itinatag ang Kilusang Katipunan?
2. Bakit tinaguriang ‘’Ama ng Katipunan’’ si Andres Bonifacio?

3.Ano – ano ang layunin ng Katipunan?

4. Ano ang naging resulta ng pagkakatatag ng Katipunan sa nasyonalismong Pilipino?

5. Sa palagay mo, bakit sila gumamit ng dahas sa pakikipaglaban?

6. Ano ang ibig sabihin ng KKK?

7. Anong ang naging epekto ng pagkakatatag at paglaganap ng Katipunan sa mga Pilipino?

You might also like