You are on page 1of 3

Aralin 1 ng Pag babagong diwa

Masasabing ang diwang malaya sa bawat puso ng mga Pilipino na naghangad ng pantay at
matuwid na pagtingin ay nagpasimula ng payagan ng Espanya ang Pilipinas na makipagkalakalan
(market) tayo sa labas ng ating bansa.

Ang mga ideolohiyang pag-aaklas ng mga Amerikano, Pranses, at mga pananaw ng kalayaan
sapanulat nina Rousseau, Voltaire, at Monteesquieu ay lumikha ng hangarin sa bawat damdamin ng mga
Pilipino na magkaroon ng pagbabagong-bihis sa pamamahala ng ating bansa sa panahon ng Kastila.

Sumabay ang Pilipinas sa pagunlad ng sistemang Pandaigdigan (globalization). Ang patuloy na


produksyon ng pagsasaka at patuloy na pagkikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan ang nagluwal sa mga
pangkat ng mga Pilipino na kilala sa tawag na "Ilustrado" o Middle Class.

Sumilang ng mga kabataang Pilipino na namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay


na pagtingin o pagtrato sa atin ng mga Kastila (mananakop). Ang kanilang mga lantarang paniniil at
maling mapapalakad ng simbahan at pamahalaan.

Nakadagdag pa ang pagaalsa ng mga manggagawangarsenal sa Kabite at pagbitay kina Padre


Gomes, Burgos, at Zamora sa pamamagitan ng garote (dahan-dahang pagsikip ng nakapulupot na bakal
sa leeg) ang naging dahilan ng pagsibol at paglaganap ng dadaming makabayan.

Sa pagsimula ng pagaaklas maraming Pilipino, marami ang pinatay at itinapon sa iba't ibang
pook sa labas ng bansa sa Hongkong, Barcelona, Singapore, at iba pa.

Sa ganitong pangyayari, itinalaga ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili at gumanap ng
tungkulin sa pamamagitan ngpanulat at ng salita upang sa ikagagaling at ikatitiwasay ng Inang Bayan.

Nagkaroon ng mga pangkat ng mga Pilipinong nakapagaral sa Europa na nanguna sa paghiling at


paghain ng pagbabago sa pamahalaang Kastila ng Pilipinas. Naging daan ito upang itatag na ngayo'y
kilala sa kasaysayan ng Pilipinas sa tawag na "Kilusang Propaganda".
Aralin 2 Kilusang Propaganda

Ang kilusang Propaganda

 Hindi karahasan o paghihimagsik ang tuwirang

pakay.

 Mas lalong hinding paglabag sa batas o lumaban sa may kapangyarihan.


 Ang tanging inaasam nila ay mga pagbabagosa mga batas, reporma, at hindi ang mapaghiwalay
ang Espanya.

Ilan sa mga tiyak na layunin ng kilusan

 Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas,


 Pagkapantay-pantay ng pagtingin sa Pilipino at Kastila sa harap ng batas,
 Ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Korte ng Espanya.
 Italaga ang mga Pilipino bilang mga kuraparoko at
 Kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino,gaya ng kalayaang makapagpahayag,
makapagsalita, kalayaang makapaglunsad ng pagtitipon at pagpupulong at gayon din sa paghingi
ng katarungan sa kaapihan.

Ang mga Propagandista

 Karamihan sa mga propagandista ay may angking talino,


 May damdaming makabayan,
 May dakilang katapangan,
 May lakas ng loob,
 Mga anak ng mga angat o nakaluwag-luwag na pamilya at nagsipag-aral at nakatapos sa mga
kilalangunibersidad. Naitatag ang samahang La Solidaridad.

Ang La Solidaridad

 Isang diyaryo sa wikang Español ang La Solidaridád at naging pangunahing tinig ng Kilusang
Propaganda para sa mga kailangang reporma sa Pilipinas noong panahon ng

kolonyalismong Español.

 Pangulo = Galicano Apacible, pinsan ni Jose Rizal

Pangalawang Pangulo = Graciano Lopez Jaena

 Ingat-yaman = Mariano Ponce


 Sa loob ng halos pitóng taón, naging tinig ang LaSolidaridád sa payapang paghingi ng reporma.
Wala mang nakamit na reporma, mahalaga ang pahayagang ito dahil matutunton dito ang
pagyabong ng pampulitikang kaisipan ng mga Pilipino.
 Ang dyariyong La Solidaridad ay may tatlong bahagi.

Ito ay mga sektion nang iba-ibang larangan:


 Pampolitika - pinangunahan ni Marcelo H. Del Pilar
 Panitikan - pinangunahan ni Mariano Ponce
 Rekreasyon - pinangunahan ni Tomas Arejalo

 On February 15, 1889, the first issue of La Solidaridad came out and its editorial expressed

its aim:

Our aspirations are modest, very modest. Our

program, aside from being simple, is clear: to

combat reaction, to stop all retrogressive steps,

to extol and adopt liberal ideas, to defend

progress; in a word, to be a propagandist, above

all, of democratic ideas in order to make these

supreme in all nations here and across the seas.

The aims, therefore, of La Solidaridad are

described as to collect, to gather, libertarian

ideas which are manifested daily in the field of

politics, science, art, literature, commerce,

agriculture and industry.

We shall also discuss all problems relating to the

general interest of the nation and seek solutions

to those problems in high-level and democratic

manner.

You might also like