You are on page 1of 3

Aralin V

Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda

Tatalakayin sa araling ito kung paano kumilos ng mga ilustrados at paano naitatag ang Kilusang
Propaganda.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.


• Nakapagtatalakay sa mga pagkilos na ginawa ng mga illustrados upang ipagtanggol ang ating
bayan.
• Nakapagbibigay ng mga nagawa at ibinunga ng kilusang propaganda.
• Nahahambing at makapagpapaliwanag ng mga layunin ng kilusang Propaganda at La Liga
Filipina.

Dahil sa mga nasaksihan ng mga Pilipinong ilustrados sa klase ng pamamahala na ipinatutupad


ng mga kastila ay unti-unti na silang nagsikilos at bumalangkas ng mga programa at bumuo ng
mga samahan na naglalayon ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya.

Ang Kilusang Propaganda


Isang kilusan na itinatag sa Espanya noong 1872 hanggang 1892 na naglalayon na humingi sa
pamahalaang Espanya ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Sinimulan ito dahil sa
pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
(Gomburza).Nakilala sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga
pangunahing propagandista.

Mga Layunin ng Kilusang Propaganda


1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.
2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas.
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagpupulong
at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso.
6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang sarili sa mga
kasalanang ipinararatang sa kanila.

Ang La Solidaridad ay isang pahayagan na itinatag ng Kilusang Propaganda na pinangunahan


ni Graciano Lopez Jaena. Ito ay unang inilabas noong ika-15 ng Pebrero 1889. Kasama din sa
pagpapalaganap ng mga adhikain ng pahayagan sina Mariano Ponce, Antonio Luna, at Jose
Ma. Panganiban. Gumamit sila ng mga sagisag upang hindi mahalata at mailigtas ang kanilang
mga pamilya sa posibleng paghihiganti ng mga Kastila.

Ang mga layunin ng La Solidaridad ay ang sumusunod:


1. Tumulong sa mapayapang paraan upang makamit ang mga pagbabago sa politika at lipunan.
2. Ipagmalaki ang kalagayan na nakakalungkot ng mga Pilipino sa bansa upang matugunan ito
ng Espanya.
3. Pigilan ang masasamang impluwensiya ng nepotismo at konserbatismo sa pamahalaan.
4. Ipahayag ang mga liberal na kaisipan at pag-unlad ng bansa.
5. Isulong ang mga makatarungang mga layunin ng mga Pilipino sa buhay, demokrasya at
mapayapang pamumuhay.
6. Ipanukala ang hindi mabuting gawain ng mga prayle at tiwaling patakaran ng simbahan.
7. Pagsubok ng mga Pilipino na magkaroon ng pagkakaisa.

Ang La Solidaridad ay isang pahayagan na itinatag ng Kilusang Propaganda noong 1889, at si


Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot nito. Kasama rin dito sina Mariano Ponce, Antonio
Luna, at Jose Ma. Panganiban sa pagpapalaganap ng mga adhikain ng mga Pilipino. Layunin
nito ang tumulong sa mapayapang pagbabago sa politika at lipunan, ilantad ang kahirapan at
magbigay solusyon ang Espanya, hadlangan ang nepotismo at konserbatismo sa pamahalaan,
itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa, ipaglaban ang mga makatuwirang
mithiin ng mga Pilipino, ilantad ang hindi kanais-nais na mga gawi ng mga prayle at tiwaling
patakaran ng simbahan, at himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa. Ang La Solidaridad
ay naging tinig ng pagbabago sa loob ng pitong taon, subalit ito ay nagkalabuan at nagsara
dahil sa iba't ibang balakid at suliraning hinaharap tulad ng kakulangan sa pondo, kawalan ng
kalayaan sa pag-ooperate, at kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Dr. Jose Rizal

Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Pilipinas noong July 3, 1892 bilang
pansibikong organisasyon. Layunin ng La Liga Filipina na magdulot ng pagbabago sa
pamamahala ng mga Kastila sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga Pilipino. Ito ang
paglalayunin ni Rizal matapos ang kanyang pagkabigo sa Kilusang Propaganda sa Espanya.

Ang mga Layunin ng La Liga Filipina

1. Magkaroon ng pagkakasa ang buong kapuluan para sa kapakanan ng lahat.


2. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
3. Mapaunlad ang komersyo at edukasayon.
4. Magkaroon ng reporma o pagbabago sa pamamahala ng mga kastila.

Konsepto ni Rizal tungo sa pagtatag ng isang bansa

Noong mga taong 1882 at 1887, binuo ni Jose Rizal ang kanyang konsepto ng nasyonalismo at
ang pagtatatag ng isang bansang Pilipinas. Nagkaroon siya ng mas malinaw na pananaw sa
kanyang sariling bansa at sa mga problemang kinakaharap ng kanyang mga tao, kabilang ang
mga dayuhang pang-aabuso at pang-iinsulto. Ang pagmamahal ni Rizal sa kanyang bayan ang
nagbunsod sa kanya upang tugunan ang kakulangan ng pambansang kamalayan, hindi sapat
na edukasyon, at kasanayan sa mga tao.

Sa kanyang planong itatag ang bansang Pilipinas, inuuna ni Rizal ang edukasyon,
pagmamahal, at karangalan, pagmulat sa pambansang kamalayan, pagbabago ng maling
pagpapahalaga, at pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayan. Nakatulong ang
edukasyon sa mga Pilipino na magkaroon ng kamalayan sa kanilang sariling bansa, iwasto ang
mga maling aral tungkol sa
Pilipino bilang mababa at mangmang, at
maunawaan na mayroong isang bansa, hindi hiwalay.

Naniniwala si Rizal na hindi madali ang pagtatatag ng isang bansa dahil sa pagdurusa at hirap.
Naniniwala siya na ang pagiging pinuno ay nagtataas ng kalooban at isang pagpapakita ng
pagkatao na patuloy na dumadaloy sa buhay ng isang tao. Bilang mga pinuno, binigyang-diin ni
Rizal ang kahalagahan ng pagkakaisa at ang mga kontribusyon ng lahat ng mamamayan sa
pagkakatatag ng Pilipinas.

You might also like