You are on page 1of 3

Kilusang Propaganda

Ito ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang


matamo ang pagbabago sa mapayapangpamamaraan. Ang pangunahing
adhikain ay mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino at ang paghiling
ngasimilasyon sa pamahalaang Kastila. Ito ay upang maranasan ng mga
Pilipino ang mga karapatang bilangmamamayang Kastila. Kung susuriin, ang
hinihiling lamang ng mga propagandista ay pagbabago at hindi ganap
napagsasarili ng bansa.

Ang pamamaraang ginagamit ng mga repormista o propagandista


ay ang pluma.

Sumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at iba pang babasahin


upang maipahayag ang kanilang mgakahilingan sa pamahalaang Kastila.

Layunin ng Kilusang Propaganda

- Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila


- Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o probinsiya ng Espanya
- Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish Cortes ng Espanya
- Pagtatalaga ng mga Pilipinong paring secular sa mga parokya
- Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino
- Pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad sa pamahalaan
La Liga Filipina

Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal


sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na
maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula
ng pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing layunin
nito ay maging malaya ang Pilipinas sa España sa mapayapang paraan. Ang
pangulo nito ay si Ambrosio Salvador. Ito ay nagtagal lamang ng tatlong
araw.
Kilusang Katipunan
Ang Kataas-taasang, Kagalang-galang na Katipunan ng
mga anak ng Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim
na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning
palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1896, matapos na
mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang
Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan
miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga
panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng
mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga
ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang
reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol

You might also like