You are on page 1of 65

Kaugnayan ng Rebolusyong

Pangkaisipan sa Rebolusyong
Pranses at Amerikano
Group 4
Rebolusyong Pangkaisipan
• Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang
institusyon o lipunan.
• Tinawag itong “Enlightenment.” Nakasentro ang ideyang ito sa
paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan,
pampolitikal, at pangekonomiya.
Kaisipang Politikal
• Umunlad ang “Enlightenment” noong ika-18 na siglo (1700s). Isa sa
mga kinikilalang pilosopo noong panahong ito si Baron de
Montesquieu dahil sa tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France noong panahong iyon.
Philosophes
• Isang pangkat ng mga taong tinatawag na Philosophes ang nakilala sa
France. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason ay magagamit
sa lahat ng aspekto ng buhay.
Limang Mahahalagang Kaisipan ng
Philosophes
1. Ang katotohanan ay maaaring malaman gamit ang katuwiran.
2. May paggalang ang Philosophes sa kalikasan ng isang bagay. Ayon
sa kanila, ang likas o natural ay mabuti.
3. Ang kaligayahan para sa mga Philosophes ay matatagpuan ng mga
taong sumusunod sa batas ng kalikasan.
4. Ang mga Philosophes ang unang Europeong naniwala na “Maaring
umunlad gamit ang makaagham na paraan.”
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga Philosophes.
• Francois Marie Arouet – Itinuturing na naimpluwensiyahan ng
Philosophes
• Thomas Hobbes at John Locke – may magkatiwalas na ideya tungkol
sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamumuno sa
mamamayan
• Jean Jacques Rousseau – Philosophe ang tumalakay sa pamamahala
Mga kababaihan sa Enlightenment
• Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitignan ng mga
Philosophes na hindi akma sa kababaihan.
• Unti-unting nabago ang pananaw na ito nang magprotesta ang ilang
kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin.
• Catherine Macaulay at Mary Wollstonecraft – ang laban ng
kababaihan
Kaisipang Pang-ekonomiya
• Binibigyang diin ng kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na
hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan.
• Physiocrats – mga naniwala at nagpalaganap sa ideyang “Ang lupa ang
tanging pinagmulan ng yaman o nakakatulong sa pagpapayaman.”
• Francois Quesnay – isa sa mga naniwala sa doktrina ng malayang
ekonomiya
Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan
• Nagbigay ito ng ideya na ginamit ng Pranses at Amerikano sa kanilang
rebolusyon.
• Higit na naging mapanuri ang mga tao noong panahong ito at iba’t-
ibang pananaw ang natutunan nila sa panahong ito.
Rebolusyong Amerikano
• Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging migrante sa
Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa
kanila na Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa
Parliamento upang sabihin ang kanilang hinaing.
• 1776 – Nagdeklara ng paglaya sa mga Ingles. Nagbuo ng malalakas na
hukbo na naging tagapagtanggol sa mga British. Ang digmaan ang
naging dahilan ng pagbubuo ng USA.
Walang Pagbubuwis Kung Walang
Representasyon
• Nagprotesta ang mga kolonya sa pagbabayad sa labis na buwis dahil
wala silang kinatawan sa Parliamento ng British sa London
• Itinapon nila ang tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston Harbor.
• Nagprotesta sila sa ipinataas na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga
kolonya. Kinikilala ang pangyayaring ito bilang “Boston Tea Party”
Unang Kongresong Kontinental
• Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 na kolonya ng Great Britain sa
America ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente.
Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinadaluhan ng mga
kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia.
• Setyembre 5, 1774 – 56 na kinatawan ng mga kolonyaang dumalo
dito. Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa kilalang
kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang
pagkakaiba ang isang taga Virginia, Pennsylvania, New York, at New
England.
Patrick Henry
Pagsisimula ng Digmaan
• Abril 1775 – napadala ng Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa
Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura
sa bayan ng Concord
• Paul Revere – Amerikanong Panday na naging kasangkapan upang
malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British.
• Concord – nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-
organisaat puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa
Boston.
Ikalawang Kongresong Kontinental
• Mayo 1775 – Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa
ikalawang pagkakataon at idineklara ang pamahalaan na tinatawag
nilang United Colonies of America
• Continental Army – hukbong militar na naatasan na CIC ay si George
Washington
• Natalo ang hukbo ng sinubukan nilang kunin ang Boston (Bunker Hill)
at Canada
Deklarasyon ng Kalayaan
• Hunyo 1776 – ay nagpadala ng malaking tropa ang Great Britain sa
Atlantiko upang tuluyang duruginat pahinain ang puwersang
Amerikano.
• Thomas Jefferson – Manananggol na nagsulat ng dokumento na
nagbibigay-diin na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang
teritoryo ng Great Britain
• Sa panahong iyon, kinikilala sila bilang malayang nasyon sa
katawagang USA.
Paglusob mula sa Canada
• 1777 – Sinimulan ng British ang pag-atake sa Amerikano mula sa
Canada. Umabot ang Continental Army sa halos 20000 sundalo.
• Nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging
dahilan sa pagwakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa
Canada.
• Sumuko ang British na mula sa pamumuno John Burgoyne laban kay
Horacio Bates.
Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan
• Ang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga French ay
nagiging lihim na tagasuporta ng mga rebeldeng amerikano simula pa
lamang ng labanan.
• 1778 – Nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaan France
ang US bilang isang malayang bansa
• Nagpadala sila ng mga bapor upang matulungan ang mga Amerikano
sa kanilang pakikipaglaban.
Labanan sa Yorktown
• Charles Cornwallis – namuno sa tinangkang pagsakop ng Great Britain
sa Timog Carolina
• Natalo ang mga British sa labanan sa King’s Mountain noong huling
bahagi ng 1780 at sa labanan sa cowpens ng mga unang bahagi ng
1781.
• Mayroon pang hukbo ang Pranses kay napagpasiyahan ni Washington
na talunin ng lubusan ang British.
Paghangad ng Kapayapaan
• Ang mga Great Britain ay itinuturing bilang isang malakas na
amayroong mahuhusay at sanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga
Amerikanong sundalo sa panahong iyon.
• Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng
kasaysayan sa mundo.
• Naging daan ng pagkapanalo ng amerika na umunlad at maging isang
makapangyarihang bansa sa hinaharap.
Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno ng
Karaniwang Uri
• Ano ang mga salik na nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses?
- Kawalan ng katarungan ng rehimen
- Oposisyon ng mga intelektwal sa mamamayang kalagayan
- Walang hangganang kapangyarihan ng hari
- Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at XVI bilang mga Pinuno
- Krisis sa pananalapi na kinahaharap ng pamahalaan
Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789
• Haring Louis XVI – bourbon na absolute ang pamumuno (1789)
• Absolute – makapangyarihang pinuno ng isnag nasyon na ang
basehan ay ang Divine Right Theory
• Divine Right Theory – “Ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa
diyos para pamunuan ang bansa.
Tatlong Estates ng Lipunang France
• Unang estate – binubuo ng mga Obispo, pari, at ilan pang may
katungkulan sa simbahan
• Ikalawang Estate – binubuo ng maharlikang Pranses
• Ikatlong estate – binubuo ng maraming bilang ng mga Pranses gaya ng
mga manggagawa
Pambansang Asembleya
• Pinagpulong ni Haring Louis ang lahat ng kinatawan ng tatlong estate
noong 1789 sa Versailles upang mabigyang lunas ang kakulangan sa
salapi na kailangan ng France
• Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi
nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto
• Mula sa panukala ni Abbie Seyes, idineklara ng ikatlong estate ang
kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789
Ang Pagbagsak ng Bastille
• Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagon
Assenbleya.
• Nagpadala ang hari ng mga sunadalo sa Paris at Versailles upang
payapain ang lumalaganap na kaguluhan
• Isang kaguluhan ang nangyari nang sugurin ng mga galit na
mamamayan ang Bastille (Kulungan)
• Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t-ibang panig ng France.
Kalayaan, Pagkapantay-pantay, at Kapatiran
• 1789 – Ang Constituent Assembly, ay nakapagpalabas ng bagong
saligang-batas.
• Ang pambungad na pananalita ng Saligang Batas ay tungkol sa
Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan.
• Setyembre 1791 – lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan na
ang France sa pamamagitan ng bagong saligang-batas.
Pagsiklab ng Rebolusyon
• Maraming mga Monarko ang naapektuhan ng pagsiklab ng Rebolusyong Pranses.
• 1792 – nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang
talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses nguni’t tinalo pa rin ito ng mga
rebolusyonaryo.
• Georges Danton – pinalakas ang puwersa ng rebolusyon
• Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na ang mga noble ng France ay
bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang
kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyon.
• Hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya at pinatay gamit ang
guillotine.
Reign of Terror
• Malaking bilang ng mga kababatang kalalakihan ang puwersang
sumama sa hukbong sandatahan upang idepensa ang bagong
republika.
• Abril 1794 – binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang
pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety.
• Maximilien Robespirre – pinakamabisa at aktibong miyembro ng
pamahalaan, isa siyang masidhing republikano.
Maximilien Robespierre
• Isa sa naging pangunahin niyang Gawain upang maipagpatuloy ang
rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos
sa mga kaaway ng Republika
• Ang mga kaaway na ito ay pawing pinatay sa pamamagitan ng
guillotine at tinawag ang panahong ito bilang “Reign of Terror.”
Ang France sa ilalim ng Directory
• 1794 – Humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha
ng mga moderates ang pamamahala
• Kabilang sila Danton at Robespierre sa mga pinatay gamit ang
guillotine
• Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay dahil nawalan sila ng
pera
Ang Pagiging Popular ni Napoleon
• Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang
rebolusyon, kaya noong 1799, si Napoleon ay hinirang na pinuno.
• Sa panahon ng kanyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking
bahagi ng Europe at kinikilalang Emperor Napoleon I noong 1804
• Naging mga disipulo ang kanyangg hukbo ng mga ideya ng
rebolusyong Pranses.
• Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang
pampolitika gaya ng republiknismo at ng mga praktikal na ideya gaya
ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsulat.
Napoleon
Napoleonic Wars
Mga Pangunahing dahilan ng digmaan
• Ang Digmaang Napoleonic ay magsimula sa panahon ng Rebolusyong
Pranses.
• Nagtagumpay ang mg Rebolusyonaryo na mapatalsik ang mga hari sa
Fracne at maitatag ang Republika.
• Natakot ang iba pang mga monarko sa pagpalaganap ng rebolusyon
na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno.
• 1792 – Nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng
sandatahang hukbo upang lubusin ang France. Natalo sila ng mga
rebolusyonaryong Pranses.
Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon
• Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europe ay nanatili ang lakas ng France sa
pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan.
• Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europe ay naipanalo
niya sa mga labanan sa katubigan at sa kalupaan.
• Noong 1805 ay nasakop ni Napoleon ang Hilagang Italy, Switzerland, at ang Timog
Germany.
• Tinalo niya ang mga Austrian sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa ng
mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz.
• 1806 – Dinurog ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battle of
Gena
• Sinakop niya ang Gitnang Germany (Rhine Confederation)
Peninsula War
• 1808 – nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga
Pranses sa Spain at Portugal
• Nagpadala ng mga sunadalo ang Great Britain sa mga rebelled ngunit
tinalo sila ng mga Pranses sa Spain.
• Ang bahagi nito nga Napoleonic Wars ay kinikilala bilang Peninsular
War dahil ang Spain at Portugal ay nasa bahagi ng Iberian Peninsula.
Paglusob sa Russia
• Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang
kapag ito ay kaniyang masakop, madali niyang mapapasok ang Britain.
• Nagpadala si Napoleon ng 600000 na mga sundalo upang lumaban sa
Battle of Borodino
• Umabot ang kanyang hukbo sa Moscow Nguni’t laking gulat nila na
Makita na wala nang tao dito nang sila ay dumating.
Ang Pagkatalo ng France
• Pinabalik ni Napoleon ang hukbo sa France dahil sa malamig na
panahon sa Russia, ngunit maraming namatay sa gutom at sa lamig
nga panahon o napatay ng mga Russians.
• 20000 na sundalo nalang ang nakabalik sa France.
• Sinamantala ng mga British sa Espanya habang nakikipaglaban si
Napoleon sa Russia.
• 1813 – Nasakop ng mga British ang Timog France at pingsanb-
puwersa ng mga Russian at Austrian naman ang sumakop sa Hilagang
France.
Pagtatapos ng mga Labanan
• Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Great Britain,
Austria, Prussia, at Russia si Napoleon.
• Bumagsak ang imperyo ni Napoleon at siya ay sumuko na sa kanyang
nagbubunying kalaban.
• Ipinatapon na si Napoleon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang
baybayin ng Italy.
• Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Fracne matapos
ipatapon si Napoleon.
Haring Louis XVIII
Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t-ibang
Bahagi ng Daigdig
Pagpapahalaga ng Nasyonalismo sa Iba’t-ibang bahagi ng daigdig
• Kailangang madama, at paghirapan
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union
• 988 – Ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong
Griyego.
• Ika-13 na siglo – Dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at
sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit na 200 taon.
• Nag-iwan ng mga bakas na pananalita, pananamit, at kaugalian ng
Ruso ang nasabing pananakop.
• Ivan The Great – tagapagligtas ng Russia
Ivan The Great
Himagsikang Ruso
• Bago magkaroon ng himagsikan, Ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa
mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya
• Ang kanilang Industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar.
• Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang
makapunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong
makapag-aral
• Dahil sa paghigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungo sa
kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at
Friedrich Engels.
Josef Stalin at Leon Trotsky
Nasyonalismo sa Latin America
• Nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain matapos
makamit ang kalayaan nila sa Great Britain.
• Naktulong ang Heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag kung
bakit ito umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa.
• Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng mga
talampas at bulkan ang Blovia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t-isa
ang Colombia, Venezuela, at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok
Andes.
Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng
Nasyonalismo
• Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America
tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica, at Chile.
• Ang Populasyon ng ibang lalawigan ay halos American Indians.
• Sa Dominican Republic, itinuturing na mababang uri ang ibang mga
lahi.
• Nag-alsa ang mga kolonya ng mga Espanyol sa iba’t-ibang panahon at
sa ilalim ng iba-ibang pinuno.
Ang mga Creole
• Tinatawag na creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may
lahing Europeo.
• Ibinibilang sa lipunan na mas mababa at hindi maaaring humawak ng
mataas na posisyon sa lipunan.
• Mestizo, Zambo, Mulatto
Mga Sagabal sa Nasyonalismo
• Pinaghati-hti ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang
malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga
maharlikang Espanyol.
• Peones – mga taong nakabaon sa utang at mga alipin
• Ang mga bansang Latin Amerikano ay napabayaan ang nasyonalismo
sapagkat napatagal bago sila nagkaroon ng panggitnang uri ng
lipunan.
• Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig upang magkamit ng
kayamanan.
Si Bolivar – Ang Tagapagpalaya
• Si Bolivar ay isang creole na nais palayain ang Timog Amerika laban sa
mga mananakop. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa
nasimulan ni Francisco de Miranda.
• 1816 – Namatay si Miranda sa isang bartolina ng mga Espanyol
• 1819 – Pagtapos lumaya ang Venezuela, ginulat ni Bolivar ang mga
Espanyol nang dumaan sa Andes ang kaniyang hukbo
• Tinawag siyang liberator at naging pangulo
• Pagkalipas ng 5 taon, tinalo ni Antonio Jose de Sucre, ang mga
Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes.
Simon Bolivar
Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin
America
• Maraming pinuno ng Latin America ang gumawa ng mga hakbang sa
pagpapaunlad, ngunit sinalungat ito ng mga diktador.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa
• Ang Sahara ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa.
• Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygy ang
sinasabing unang tao sa Africa.
• Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab, mga
Asyano, at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang
masalimuot.
• Samantalang ang putting minorya ay nagtatamsa sa kayamanan ng
Africa, ang nakararaming itim naman ay naghihirap.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa
• Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon
sa kanilang sariling kapakanan.
• Nagtayo sila ng daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang
kapangyarihan.
• Ang Ethiopia, Liberia, at RoSA lamang ang malalayang bansa sa Africa
bago magsimula nag 1914.
• Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng WWII.
Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektwal sa
Paglinang ng Nasyonalismo
• Ang nasyonalismo, bagama’t masalimuot na damdamin, ito ay nag-
uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at
nagmumulat sa katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may
karapatang mabuhay, lumaya, at maging maligaya.
• May mga bansang nakamtan ang kanilang kalayaan sa pamamagitan
ng paraang mapayapa, subalit marami ding bansa na may mga buhay
na ibinubuwis upang lumaya tulad nating mga Pilipino, Amerikano,
Hindu, at marami pang iba.
Maraming
Salamat!

You might also like