You are on page 1of 31

Ikalawang Yugto ng

Imperyalismong
Kanluranin
Pananakop sa Makabagong Panahon
• Gamit ang barko, isa-isang nanakop ng lupain ang
Portugal, Spain, Netherlands, France at Britain at
nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America
• Bumagsak ang lahat ng imperyo bago magsimula
ang ika-19 na siglo
• nawalan ng kolonya sa North America ang
Netherlands at France
• nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya
ng Britain sa America
• ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal
na Timog Canada ay nakapag-alsa din
Pananakop sa Makabagong Panahon
• Habang nangyayari ang ikalawang rebolusyong
industriyal, nabuo ang mga makabagong imperyo
noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20
siglo
• 1871 hanggang Unang Digmaang Pandaigdig
(1914) ay panahon ng mabilis na paglawak ng
pagkakanluranin o Westernization ng ibang lupain
Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
1. Manifest Destiny – paniniwalang may
karapatang ibigay ng Diyos ang United States na
magpalawak at angkinin ang buong kontinente
ng Hilagang America
2. White Man’s Burden – paniniwala ng Ingles na
si Rudyard Kipling na tungkulin ng mga Europeo
at ng kanilang mga inapi na panaigin ang
kanilang maunlad na kabihasnan sa mga
katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop
Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
3. Sanayin ang sarili sa pamamahala at marami
pang pagbabalat-kayo sa pamamagitan ng
pagtatayo ng protectorate, concession at
sphere of influence
• Protectorate - pagbibigay sa kolonya ng
proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa
• Concession - pagbibigay ng espesyal na
karapatang pangnegosyo
• Sphere of influence - isang lugar o maliit na
bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang
pamahalaan at pulitika ng makapangyarihang
bansa
Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
4. Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga
sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo at
paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga
Kanluranin na magpalawak ng teritoryo at
ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap
ang Ikalawang Yugto ng Pananakop.
• May mabuti at hindi mabuting dulot ang
pagbabagong politikal, kultural at
pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang
sinakop.
Paggalugad at Pagaagawan sa Gitnang Africa
• Hindi gaanong kilala ng mga Europeo
ang Africa sapagkat mahirap
marating ang kaloob-looban nito.
• Hindi maaasahan ang mga ilog dahil
marami sa mga ito ang malalakas ang
agos at lubhang mapanganib.
• Madilim ang gubat dito at maraming
hayop na naglipana.
Paggalugad at Pagaagawan sa Gitnang Africa
• Nagkaroon lamang ng kaalaman dito
nang marating ito ng isang misyonerong
Ingles, si David Livingstone
• Noong 1854, ginalugad ni Livingstone
ang Ilog Zambesi.
• unang dayuhan na nakamasid sa
magandang talon ng Victoria na
ipinangalan sa reyna ng England.
• Nakita rinang lawa ng Nyasa at Tanganyika.
• Dito siya namatay dahil sa sakit
David Livingstone
Victoria Falls
Paggalugad at Pagaagawan sa Gitnang Africa
• Sa panahon ng katanyagan ng pananakop,
ang paglaganap ng relihiyon, ang pambansang
ambisyon at mga pangkabuhayang
pangangailangan ang nagbunsod upang pag-
agawan ang gitnang Africa.
• Sa loob ng 30 taon, ang dating hindi kilalang
mga pook ay naangkin lahat ng mga
Kanluraning bansa.
• 1885 – nakuha ng Belgium ang pinakamalaking
bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng
pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring
Leopoldo I.
• Pinaghatian ng France, Britain, Germany,
Portugal at Italy ang ibang bahagi
Leopold I of Belgium
Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga
Bansa ng Europe
• Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng
Africa –
• ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat
Mediterranean
• ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na
bahagi at;
• ang malamig na bahagi sa may timog
• Islam ang naging malaganap sa hilagang Africa at
naging mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo sa
Europe.
• Yumaman ang mga lungsod sa Tunis at Algiers
dahil sa pangungulimbat sa mga sasakyang-
dagat ng mga Europeo
Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga
Bansa ng Europe
• Sa simula, interesado lamang ang mga
Europeo sa kalakalan ng alipin.
• Ngunit sagana sa likas na yaman ang mga
pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas,
mga punong citrus, butyl at pastulan ng
hayop at magagandang panirahan ng mga
Europeo.
• Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang
bundok ng Atlas sa Morocco.
Imperyalismong Ingles sa Timog Asia
• Lalo pang lumawak ang imperyo ng Britanya.
• Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America
sa Rebolusyong Amerikano, nadagdagan
naman ito sa ibang dako.
• Ang British East India Company ang naging
lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at
dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon
at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon,
inilipat ang kontrol ng kompanya sa
pamahalaan ng imperyo
Imperyalismong Ingles sa Timog Asia
• Huling bahagi ng 1800 - Tinawag na
“pinakamaningning na hiyas” ng
imperyo ang India.
• 1763 - Sa Kasunduan sa Paris na
nagwakas sa Pitong Taong Digmaan ng
France at Britain, nawalan ng teritoryo sa
India ang France.
Ang United States sa Paligsahan ng
mga Bansang Mananakop
• Hindi nagpahuli ang United States sa mga
bansang industriyalisado.
• 1898 - bagaman marami sa Africa ang hindi
sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo,
napasali ito nang nakipagdigmaan ang United
States laban sa Spain.
• Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay
nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico at
Pilipinas.
• Ayon kay Pangulong William Mckinley, pinag-
isipan pa niya kung ano ang nararapat gawin sa
Pilipinas.
William McKinley
Ang United States sa Paligsahan ng
mga Bansang Mananakop
• Matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig, nakuha rin nila ang
dalawang teritoryo :
• Samoa - na naging mahalagang himpilang-
dagat at;
• Hawaii - dito makikita ang Pearl Harbor,
pinakatampok na baseng pandagat ng
United States sa Pacific.
Ang Protectorate at Iba pang Uri ng
Kolonya
• Mahihina ang West Indies, Australia, New
Zealand at mga bansa sa Central America
at walang pagkakaisa ang mga ito upang
maipagtanggol ang kanilang bansa.
• Ang hukbo ng America ang nagsilbing
tagapangalaga sa mga pook na ito upang:
• mapanatiling bukas ang pamilihan,
• makakuha ng hilaw na sangkap at;
• mapangalagaan ang ekonomikong interes
Ang Protectorate at Iba pang Uri ng
Kolonya
• Ang malalaking samahan sa negosyo ng
America ay nakakuha ng malalaking
bahagi ng lakas-pangkabuhayan sa pag-
aari ng mga minahan, mga balon ng
langis, mga taniman, mga daang-bakal at
samahan ng mga sasakyang dagat.
Ang Protectorate at Iba pang Uri ng
Kolonya
• Nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan
ng mga bansang mananakop ang
Australia at ang kalapit na New
Zealand dahil matibay itong hawak ng
Great Britain.
• Ipinadala ng Britain ang mga
bilanggo matapos ang himagsikan sa
Amerika.
Ang Protectorate at Iba pang Uri ng
Kolonya
• Nang makatuklas ng ginto sa
Australia, maraming Ingles ang
lumipat dito at ito ang simula ng
pagtatatag ng mga kolonya sa
Australia at New Zealand.
• Ito ang isang halimbawa kung
paanong ang sakop na lupain ay
magagamit na tirahan ng
dumaraming tao
Epekto Ng Ikalawang Yugto Ng
Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop
• Ang mga gawaing pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan at espiritwal at
pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga
bansang sakop na sumunod sa kanilang
ipinagagawa tulad ng:
• pagtatrabaho sa pataniman
• pagawaan ng barko at;
• pagsisilbi sa hukbo
Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang
Sakop
• Maraming pagbabago ang ibinunga ng
kolonisasyon sa lupaing nasakop.
• pampolitika
• pang-ekonomiya
• panlipunan at;
• pangkultura
Epekto ng Imperyalismo
• Ang imperyalismo sa Africa at sa Asya ay
naging daan upang makaranas ng
pagsasamantala ang katutubong
populasyon mula sa mga mapaniil na
patakaran ng mga dayuhan
• Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin
ang kanilang likas na yaman at lakas-
paggawa
Epekto ng Imperyalismo
• Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng
kulturang katutubo sa ilang bahagi ng
kolonya dahil sa pananaig ng
impluwensiyang Kanluranin
• Sa usapin ng hangganang pambansa, ang
pamana ng mga Kanluranin ay ang
hidwaan sa teritoryo na namamayani pa
rin ngayon sa ilang bahagi ng Africa at
Asya bunga nang hindi makatuwirang
pagtatakda ng mga hangganan
Gawaing pang-upuan (Trio)
BUNGA ANG PANANAKOP
BANSANG BANSANG
Sa bansang Sa bansang
NANAKOP SINAKOP
nanakop sinakop
Gawaing pang-upuan (Trio)
Pamprosesong tanong
1. Sino ang higit na nakinabang sa Ikalawang
yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang
mga bansang nanakop o ang mga bansang
nasakop? Pangatuwiranan.
2. Nakaapekto ba sa kasalukuyang ugnayan
ng mga bansang nanakop at sinakop ang
mga pangyayari sa panahon ng pananakop?
Patunayan.
3. Sa kasalukuyang panahon, makabubuti pa
ba sa mga bansa ang pananakop? Bakit?

You might also like