You are on page 1of 13

Mga Ekspedisyong

Kolonyal ng Espanya
 Saganitong kasaysayan nabuo ang maigting na pagnanais ng
mga Espanyol na mapalawak ang kanilang terotoryo, pati na
rin ang paniniwalang Kristiyano. Sa pamamagitan ng
paglalayag sa malalayong kontinente, napalakas ng mga
Espanyol ang kanilang kapangyarihan at dala-dala ang
layuning mapaanib ang maraming tao sa Kristiyanismo.
Nang dumating sina Magellan sa ating mga pulo noong 1521,
nakita niya ang impluwensiya ng Islam sa ating mga
pamayanan. Nagmistula itong mas mapanghamong layunin
kay Magellan na mapalaganap ang Kristiyanismo at
mabinyagan ang maraming Pilipino.
 Muling nagpursigi ang Espanya na makabalik sa Pilipinas,
matapos ang ekspedisyon ni Magellan. Nagpadala ang
kaharian ng tatlo pang ekspedisyon upang tuluyang
makontrol ang Moluccas at makapagsimula ng kolonya sa
ating kapuluan. Bagaman hindi nagtagumpay ang mga
misyon nina Juan Garcia Jofre de Loaisa (1525), Sebastian
Cabot (1526) at Alvaro de Saavedra (1527) nagging masidhi
pa rin ang pagnanais ng Espanya na makapagsimula ng
kolonisasyon sa bahaging ito ng mundo. Dagdag pa rito ang
lumalakas na kapangyarihan ng mga Portuges lalo na sa
Moluccas at karatig na kapuluan.
 Noong 1542, ipinadala ng kaharian ng Espanya si Ruy Lopez de Villalobos.
Narating ng ekspedisyon ni Villalobos ang Baganga Bay sa silangang
Mindanao noong Pobrero 1543. Dahil sa pinagbawalang makatuntong sa
Moluccas si Villalobos, tanging sa Sarangani, Leyte at Samar lamang ang
naging ruta ng kanyang pananatili sa Pilipinas. Hindi na rinnakalayag sa
ibang ahagi ng ating kapuluan ang mga Espanyol dahil sa masamang panahon
at pagbabawal ng mga Portuges. Ayon sa mga Portuges, saklaw ng Kasunduan
ng Zaragoza ang kanilang pananatili sa mga kapuluang malapit sa Moluccas.
Ang ekspedisyong Espanyol ni Villalobos at ituturing na paglabag sa
kasunduang ito kung makararating ang kanilang mga barko sa teritoryo ng
Portugal. Noong Abril 1544, pumalaot patungong Samar at Leyte sina
Villalobos at pinangalanan niya ang kapuluan bilang Las Islas Filipinas,
alinsunod sa pangalan ng noon ay prinsipe at magiging Haring Felipe II ng
Espanya. Napilitan lamang silang umalis dahil na rin sa pagtutol ng mga
katutubong Pilipino sa kanilang pananatili sa mga kapuluan.
Ang Ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi

 Noong Nobyembre 20, 1564, tumulak papuntang Pilipinas ang


panibagong ekspedisyong Espanyol sa pamumuno ni Miguel Lopez de
Legazpi. Kasama ang ilang dating tauhan ni Magellan na nakabalik sa
Espanya, sinundan niya ang ruta ni Magellan. Parating sa Leyte, hindi
naging maganda ang pagtanggap ng mga katutubo kay Legazpi, kung
kaya't inutusan na lamang niya si Martin de Goiti upang humanap ng
ilang pagkukunan ng pagkain at kagamitan. Nakapaglayag din si De
Goiti sa Camiguin at Butuan, hanggang sa matunton ang Bohol.
Dumating si Legazpi sa Bohol noong Marso 16, 1565.
 Sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa mga rajah, nakuha
ni Legazpi ang tiwala ng mga pinunong katutubo ng Bohol.
Nakipagsanduguan dinsiya kay Rajah Sikatuna at sa mga
kasama nitong pinuno.
 Ang sanduguan ay tanda ng pagtanggap at
pakikipagkaibigan. Ang dalawang tao nais makipagkaibigan
ay hihiwa ng kaunti sa kanilang braso at papatakan ng
kanilang dugo ang isang kopita ng alak. Pagkatapos, kapwa
sila iinom mula sa kopita na may alak at dugo. Ito ang tanda
ng kanilang pagkakaisa.
 Pagkatapos ng pakikipagsanduguan kay Rajah Sikatuna,
lumipat si Legazpi sa Cebu. Bagama't hindi pumayag si
Rajah Tupas ng Cebu na kilalanin ang kapangyarihan ng
mga dayuhan, natalo ang kanilang hukbo ng mas
makabagong armas ng mga kalaban.
Simula ng mga Pananakop
 Nilusob ni Legazpi ang Cebu at dito nagtatag siya ng isang lungsod, ang Villa del
Santisimo Nombre de Jesus. Ito ang kauna-unahang lungsod na itinatag ng Espanya sa
Pilipinas. Pinuntahan din ng pangkat ni Legazpi ang pulo ng Panay at sinakop ito.
Nagtatag din siya ng pulo ng Panay at sinakop ito. Nagtatag din siya ng mga
pamayanang Espanyol sa Masbate, Albay at Mindoro.
 Mula Mindoro, napag-alaman nilang may isang maunlad na komersiyal na
pamayanan ang mayayaman at makapangyarihang Muslim. Ito ang Maynila.
Ipinadala ni Legazpi si Martin De Goiti upang sakupin ito. Nang makarating si De
Goiti sa Maynila, nadatnan niya ang isang maunlad na pamayanang pinagyman din
ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Ilang katutubo ang nakapag-asawa rin ng mga
Tsino at Hapones at malakas ang impluwensiya ng Islam.
 Ang Maynila ay nasa pagitan ng Ilog Pasig at ng Manila Bay. Mainam
ang kinaroroonan nitong lokasyon para sa kalakalan at pakikidigma.
Nang dumating ang mga Espanyol, isang Muslim na pamayanan ang
Maynila na pinamumunuan ni Rajah Sulayman. Kasama niyang
namumuno sa mga karatig na barangay katulad ng Tondo ang kanyang
tiyuhin na si Rajah Matanda at si Lakandula.
 Hindipumayag na magpasakop sa mga Espanyol si Rajah Sulayman.
Magiting silang nakipaglaban gamit ang mga katutubong
kanyon(lantaka) at gulok. Ngunit nang magtagal, natalo rin sila ng mga
hukbo ni De Goiti. Sinunog ng mga katutubo ang Maynila bago ito
iniwan papunta sa kabilang pampang ng Ilog Pasig.
 Nangsumunod na taon, si Legazpi na mismo ang lumusob sa
Maynila. Nagdala siya ng mas malalaking puwersa ng mga
sundalong Espanyol at mga kaanib na katutubo. Nakita nina
Rajah Matanda at Lakandula na hindi nila kayang labanan
ang mga dayuhan. Hinimok nila si Rajah Sulayman na
tanggapi na lamang ang mga ito.
 Nasakop ni Legazpi ang Maynila at idineklara bilang isang
punong-lungsod noong Hunyo 24, 1571. Simula noon,
nagsilbing sentro na ang pamamahalang Espanyol ang
Maynila. Si Legazpi ang kauna-unahang gobernador-heneral
ng Espanya sa Pilipinas.
 Sasimula ng kanyang pamumuno, naging abala ang mga
Espanyol sa maraming bagay- ang pagsakop sa iba pang
pamayanan sa Luzon, ang pagpapataw ng buwis sa
mangangalakal na Tsino, Potuges at Hapones at ang
pagpapadala ng mga misyonero sa maraming lugar.
Ipinadala rin niya ang kanyang apo na si Juan de Salcedo
upang galugarin ang Bikol(Paracale) at maghanap ng
pagkukuhanan ng ginto. Narating din ni Salcedo ang Paracle
noong Setyembre 1572, ngunit hindi na ito napag-alaman pa
ni Legazpi na namatay noong Agosto 20, 1572.
 Sapagpatuloy na pananakop ng mga Espanyol, hindi naging
madali ang kanilang pananatili sa ating bansa. Maraming
naging problema at pagtutol dito, kasama na ang pag-aalsa
ng mga katutubo sa Zambales (1592) at ang mga tangkang
pagsakp sa Moluccas (1593) at Mindanao(1596). Ang
kabundukan ng Hilagang Luzon ay hindi nasakop kaya
napanatili ng mga katutubong Pilipino ang kanilang kultura
hanggang sa pagdating ng ika-19 na siglo.
 Bagama't napasailalim ng mga Espanyol ang Luzon at Visayas,
nahirapan naman silang lubos na pagsakop sa Mindanao. Sa
pamumuno ni Sultan Kudarat, nagbuklod-buklod ang mga Muslim
upang labanan ang mga dayuhan at ilang katutubong kakampi nila.
Nagdeklara si Sultan Kudarat ng isang jihad o banal na digmaang
panrelihiyon laban sa mga Espanyol. Sa tulong ng mga sultan ng
Makassar, Brunei, Sulu at Ternate, naipagtanggol nila ang halos
kabuuoan ng Mindanao.
 Nakapagtatagkasi ng isang pamayanan ang mga Espanyol sa
Zamboangga noong 1569, kung saan nanggagaling ang mga
misyonerong Katoliko at hukbong Espanyol. Maraming beses ding
tinangka ng mga Espnyol na salakayin ang iba pang bahagi ng
Mindanao ngunit hindi sila nagtagumpay.
Sagutin ang mga katanungan:
 Ano-ano ang naidulot ng kasaysayan sa pag-iisip at layunin ng mga Espanyol sa
panahon ng Kolonyal ng Espanya?
 Sa iyong palagay, sapat bang dahilan ang relihiyon upang manakop ng ibang
lupain?
 Ano ang pinatutunayan ng isang sanduguan?
 Paano pinagtibay ang isang kasunduan ni Legazpi at Rajah Sikatuna?
 Ano ang kahalagahan ng pagsakop sa Maynila?
 Paano pinilit na ipagtanggol ng ating mga ninuno ang kanilang kalayaan laban sa
mga mananakop?
 Ano ang nagtulak sa Espanya na sakupin ang ating bansa?
 Paano mo ilalarawan ang mga pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?

You might also like