You are on page 1of 32

Welcome to A.P. 5 Class!

Ms. Unielyn A. Despogado


Guro
Ang Pananakop ng mga Espanyol
(Puwersang Militar/Divide and Rule)

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang mga pangyayari sa pagsasailalim ng
katutubong populasyon sa pamamaraang puwersang
militar/divide and rule ng Espanya
2. Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong
populayon sa kapangyarihan ng Espanya (Puwersang Militar /
Divide and Rule)
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Tingnan ang larawan. Siya ang sinasabing nakatuklas sa
Pilipinas. Sino siya?
Pagtatalakay
Mga Ekspedisyong Espanyol
 Ang unang ekspedisyon ay pinamunuan
ni Ferdinand Magellan noong 1519 hanggang
1522. Natuklasan niya ang Pilipinas ng marating niya ang pulo
ng Homonhon noong
1521. Itinuturing ito na isa sa pinakamatagumpay na paglalayag
noong Panahon ng
Paggalugad at Pagtuklas (Age of
Exploration and Discovery). Bagama’t
nasawi sa Labanan sa Mactan noong
Abril 27, 1521,ang paglalayag ni…
Pagtatalakay
…Magellan ang nagpatunay na bilog ang daigdig at tama ang
paniniwala ni Christopher Columbus na isa ring manlalayag
tungkol sa hugis ng daigdig.
 Ang ikalawang ekpedisyon ay pinamunuan ni Juan Garcia
Jofre de Loaisa noong 1525. Dala ang limang barko,
naglayag ang ekspedisyon patungong silangan. Nasawi sa
isang karamdaman si Laoisa kung kayat ipinagpatuloy ito
nina Elcano at Alonso de Salazar ngunit sila
man ay nasawi rin. Sa pamumuno ni…
Pagtatalakay
…Martin Iñiguez de Carquisano, nakarating ang
ekspedisyon sa Mindanao hanggang sa Moluccas. Dito siya
dinakip ng mga Portuguese at naging bihag.
 Ang ikatlong ekspedisyon ay pinamunuan ni Alvaro
Saavedra Ceron noong 1527.
Ipinadala ni Haring Carlos I ng
Spain at nakarating lamang sa
Surigao, Mindanao. Sa tangkang
pagbabalik ni Saavedra sa Spain,
siya ay nagkasakit at namatay.
Pagtatalakay
 Ang ikaapat na ekspedisyon ay pinamunuan ni Roy Lopez de
Villalobos noong 1524. Nagsi-
mula ang ekspedisyon sa Mexico. Pagka-
raan ng tatlong buwang paglalayag,
nakarating ang ekspedisyon sa Minda-
nao. Sa kanyang ekspedisyon pinanga-
lanan niya ang Leyte bilang Felipina bilang parangal kay
Felipe na susunod
na hari ng Spain. Paglaon, ito na
ang pinangalan sa buong
kapuluan.
Pagtatalakay
 Ngunit sa apat na ekspedisyong nabanggit, wala ni isa sa
kanila na nagtagumpay upang maangkin ang Pilipinas kung
kaya ipinatigil ni Haring Carlos I
ang pagpapadala ng mga ekspedisyon sa arkipelago ng
Pilipinas. Subalit ng naluklok
sa trono si Haring Felipe II noong 1556,
naging masigasig ito na sakupin ang
kapuluan sa Silangan na ipinangalan sa
kanya.
 Dahil dito, itinalaga niya si Miguel Lopez de
Legazpi, isang opisyal ng Mexico na…
Pagtatalakay
…pangunahan ang ekspedisyon pabalik ng Pilipinas. Naging
katuwang ni Legazpi ang prayle na si Padre Andres de
Urdaneta. Ito ay dahil nakarating na si Urdaneta sa Pilipinas sa
panahon ng ekspedisyon ni Laoisa. Nagsimula ang paglalayag
ni Legazpi sa Navidad, Mexico noong Nobyembre 19,1564.
Pagtatalakay
Ang Pananakop ng mga Espanyol
 Mula sa Mexico tinawid ng mga Espanyol ang Pacific Ocean
hanggang sa makarating sa Samar noong Pebrero 13, 1565.
Dahil sa matinding gutom,
nagpatuloy ang paglalayag ng mga Espanyol sa mga karagatan
ng Visayas. Kadalasang hindi mabuti ang pagtanggap ng mga
katutubo sa kanila kung kaya tumungo siya sa Leyte, sumunod
sa Camiguin at sa huli sa Bohol. Dito nakipagsanduguan si
Legazpi sa pinuno na si Datu Sikatuna noong Marso 16. Bunga
ng…
Pagtatalakay
…pakikipag-alyansang ito, binigyan
si Legazpi ng mga sangkap o pam-
palasa sa pagkain at mga ginto.
 Noong Abril, 27,1565, nakarating si Legazpi sa Cebu.
Tinangkang pigilin ng mga katutubong Pilipino sa pamumuno
ni Haring Tupas ang pagdaong ng mga Espanyol. Nagkaroon
ng maikling labanan. Nabigo ang mga Cebuano dahil sa higit
na makabago ang mga sandata ng mga Espanyol. Matapos
ang labanan sa pagitan ng mga dayuhan at ng mga Cebuano
nagsimulang…
Pagtatalakay
…magtatag ng mga pamaya-
nang Epanyol si Legazpi sa Cebu.
 Itinakda ni Legazpi ang Cebu bi-
lang kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas.
Pinangalanan niya itong La Villa de Santisimo Nombre de
Jesus. Sa utos ni Haring Felipe II, 2,100 katao ang dumating
mula sa
Mexico. Itinayo nila ang Port of
Fuerza de San Pedro na naging
kauna-unahang istasyong pang-
kalakalan ng mga Espanyol at…
Pagtatalakay
…pangmalakasang puwersa sa Kabisayaan.
 Nang makarating sa kanila ang yaman ng Kaharian ng
Maynila, naghanda si Legazpi upang sakupin ito. Itinalaga
niya si Martin de Goiti bilang pinuno ng puwersang Espanyol
sa Maynila. Kasama ang 300 tauhan, naglayag si de Goiti
patungong Maynila. Sa kanilang paglalakbay nadaa-
nan nila ang isla ng Panay at Mindoro. Sa
Panay sunod na nagtayo ng mga pama-
yanan si Legazpi noong 1569. Sinundan ito ng pagtatag ng
pamayanan sa Masbate, Ticao,…
Pagtatalakay
…Burias, Mindoro, Mamburao, at Albay.
 Noong May 8, 1570, narating nila de Goiti ang Maynila.
Noong una ay magiliw ang pagtanggap nina Rajah Sulayman
at Rajah Matanda sa mga Espanyol sa paniniwalang
kapayapaan at pakikipagkaibigan ang layunin ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Sa huli ay nauwi ang kanilang
pakikipagkaibigan sa labanan ng matuklasan ng mga katutubo
ang tunay na hangarin ng mga Espanyol. Dahil sa puwersang
militar ng mga Espanyol, nagresulta ito sa pagkatalo ng
hukbo…
Pagtatalakay
…ni Sulayman, pagkatupok ng 1,500 kabahayan at pagkasawi
ng 500 katutubo. Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa mga
tao sa Maynila noong Mayo 19, 1571. Dahil dito tuluyang
napasailalim ang Maynila sa pamamahala ng mga Espanyol.
Pagtatalakay
 Nang malaman ito ni Miguel Lopez de Legazpi, tumungo
siya ng Maynila upang samahan si de Goiti at
nakipagkasundo kay Rajah Sulayman, Lakan Dula at Rajah
Matanda na siya ring simula ng panibagong alyansa. Nangako
ang mga
naninirahan sa Maynila ng
kanilang katapatan sa ba-
gong pinuno. Noong Hunyo
24, 1571, kinilala ang Maynila
bilang isang ciudad o lung-
sod ng Spain.
Pagtatalakay
 Nagpatuloy ang pananakop ng mga Espanyol pagkaraang
sakupin ang Maynila. Pinangunahan ni Juan de Salcedo, apo
ni Legazpi, ang pagsakop sa mga karatig-lugar ng Maynila
hanggang sa mga pamayanan sa timog ng Luzon at Bicol.
Nakarating din siya sa hilagang bahagi ng Luzon patungong
Cagayan at pabalik ng Maynila. Dahil din sa sandatahang lakas
umano’y nasa 4,000 kabahayan ang nasunog at mahigit 500 ang
nasawi.
Pagtatalakay
 Napasailalim din sa kapangyarihan ng Spain ang mga
pamayanan sa Gitnang Luzon sa pamumuno ni Martin de
Goiti.
 Ipinagpatuloy ng mga Espanyol ang pananakop sa iba pang
pook sa bansa at malaking bahagi ang napasakamay nila,
maliban
sa mga pamayanang nasa
bulubundukin at ang mga
pamayanang Muslim sa Sulu
at Mindanao na pawang na-
natili sa kanilang kinagisnan.
Pagtatalakay
 Kung ating iisiping mabuti, kakaunti lamang ang bilang ng
mga Espanyol kung ikukumpara sa bilang ng mga katutubong
Pilipino ngunit bakit naisagawa nilang sakupin ang Pilipinas?
 Ito ay dahil sa kanilang puwersang militar na may mga
makabagong sandata tulad ng mga baril at kanyon na kanilang
ginamit sa
pakikipaglaban samantalang
tanging mga pana at tabak
lamang ang sandata ng mga
katutubo.
Pagtatalakay
 Isa pang nakitang paraan kung paano nakontrol ng mga
Espanyol ang Pilipinas ay ang istratehiyang divide and rule.
Ang mga Filipino ay watak-watak.
Hindi nila inisip ang kanilang sarili bilang isang bansa.
Nahahati ang mga pangkat ng Pilipino sa iba't ibang barangay.
Wala pang ideya ang ating mga ninuno sa isang matatag
na bansa. Wala silang sapat na
kaalaman tungkol sa kung ano
ba talaga ang bumubuo ng
isang bansa. Iba't iba ang mga
Pagtatalakay
nagpapalakad sa bawat barangay, para bang ang bawat
barangay na ito ay isang bansa dahil sa pagkakaroon ng
kanikaniyang batas at pinuno na tangi nilang pinaniniwalaan at
pinagkakatiwalaan.
 Walang mas mataas na institusyong politikal ang namuno sa
kanila upang sila’y pag-isahin at ito ay nakitaan ng
oportunidad ng mga Espanyol. Ginamit nila ang mga
katutubong lider na nakipagkaibigan sa kanila upang
maganyak ang mga ayaw sa kanila.
Pagtatalakay
 Dahil sa pagiging watak- watak ng ating mga katutubong
ninuno, hindi man lamang sila nakabuo ng isang malakas na
alyansa laban sa mga mananakop na ito.
Paglalapat
Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
titik D kung mali ang pahayag at S naman kapag wasto ang
isinasaad ng pahayag.
_________1. Likas na palakaibigan ang mga katutubong
Filipino kung kaya magiliw ang kanilang pagtanggap sa mga
dayuhan.
_________2. Malakas ang puwersang Espanyol kaya nagawa
nitong sakupin ang Pilipinas.
_________3. Duwag ang mga taga- Visayas at taga- Luzon kaya
madali silang nasakop ng mga Espanyol.
Paglalapat
_________4. Nabigo ang mga katutubong Filipino sa pagpigil
sa mga dayuhang Espanyol na sakupin ang kanilang pamayanan
dahil sa napakaraming bilang ng mga ito.
_________5. Dahil sa kakulangan sa pondo, mga tabak at pana
lamang ang sandata ng mga katutubo sa kanilang pakikipaglaban
sa mga mananakop.
_________6. Ang pagiging watak- watak ng ating mga
katutubong ninuno ang isang dahilan kung bakit hindi man
lamang sila nakabuo ng isang malakas na alyansa laban sa mga
mananakop.
Paglalahat
 Sa limang ekspedisyong ipinadala ng hari ng Spain sa Pilipinas
ang ekspedisyon ni Legazpi ang nagtagumpay. Tuluyan
nitong napasailalim ang
Pilipinas sa kapangyarihan ng Espanya. Ginamit nila ang
kanilang puwersang militar gayundin ang taktikang divide and
rule.
Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang bansang Europeo na sumakop sa Pilipinas noong 1565.
a. Portugal b. Spain c. Mexico d. France
2. Kauna-unahang pamayanang Espanyol na itinatag sa Pilipinas
ay ang _______________.
a. Bohol b. Samarc. Cebu d. Maynila
3. Siya ang pinuno ng Bohol na nakipagsanduguan kay Legazpi
noong Marso16,1565.
a. Datu Humabon b. Datu Sikatuna
c. Rajah Tupas d. Rajah Sulayman
Pagtataya
4. Bakit sinasabing iba-iba ang reaksiyon ng mga katutubong
Filipino sa ekspedisyong Legazpi?
a. May mga katutubong hindi mabuti ang pagtanggap sa
kanila samantalang mayroon namang magiliw ang pagtanggap.
b. May mga katutubong namangha at mayroon namang
nagulat.
c. May mga katutubong naaliw sa kanilang pagdating
mayroon namang hindi
d. May mga katutubong nag-alok ng pagkain, mayroon
naming naghamon ng giyera.
Pagtataya
5. Kailan narating ni Legazpi ang Cebu?
a. Nobyembre 19,1564 b. Pebrero 13,1565
c. Abril 27,1565 d. Mayo 19,1571
6. Bakit nabigo ang mga katutubong Filipino na ipagtanggol ang
kanilang pamayanan mula sa mga Espanyol?
a. dahil sa higit na makabago ang sandata ng mga Espanyol
b. dahil nabigla sila sa pagdating ng mga Espanyol
Pagtataya
c. dahil hindi marunong makipaglaban ang mga katutubong
Filipino
d. dahil likas na palakaibigan ang mga katutubong
Filipino
7. Ano ang naging resulta ng pagkapanalo ng mga Espanyol
laban sa mga taga-Maynila noong Mayo 19,1571?
a. Pinagpapaslang ang lahat ng mga naninirahan sa Maynila
b. Naging kilala ang Maynila sa mga bansang Europeo
Pagtataya
c. Tuluyang napasailalim ang Maynila sa pamamahala ng mga
Espanyol
d. Pumunta sa kagubatan ang mga mamamayan ng Maynila
8. Ang mga sumusunod ay bunga ng pangmalakasang puwersa ng
mga Espanyol. Alin ang HINDI?
a. Nabigo ang mga Cebuano sa labanan.
b. Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa mga tao sa
Maynila.
c. Naging masunurin ang lahat na mga katutubong Filipino saan
man.
Takdang-Aralin
Basahin at sagutin. (10 puntos)
1. Sa kasalukuyang panahon at sitwasyon ng
bansa, mas mainam ba na paghandaan at palakasin ang ating
puwersang militar?

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________

You might also like