You are on page 1of 11

Sabusab, Jater Jay Iman

BSE-MATH A2018
Takdang Aralin # 2 - Panitikang Filipino

1. Sino si Miguel Lopez de Legaspi, Ruy de Villalobos, Gob. Jose Basco, Narciso Claveria, Frank
Laubach at Sinibaldo de Mas?
MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
Si Miguel López de Legazpi ay ang kauna-unahang nakapagtatag ng teritoryo sa ngalan
ng Espanya sa East Indies matapos na matagumpay na matawid ng kaniyang ekspedisyon
ang Karagatang Pasipiko at mapayapang masakop ang Cebu noong 1565. Dahil dito, iginawad
ni Haring Felipe II kay Legazpi ang karangalang Adelantado de Filipinas na nakapagbigay sa
kaniya ng kapangyarihang pamunuan ang buong arkipelago noong 1570. [1] [2] Maliban sa Pilipinas,
kabilang din sa pinamunuan ni Legazpi ang iba pang teritoryong bahagi ng Spanish East
Indies: Maluku (Moluccas), Guam, hilagang bahagi ng Formosa (Taiwan), Marianas (Mariana
Islands), Carolinas (Caroline Islands), at Palaos (Palau).[3] Sa pamumuno rin ni Legazpi bilang
gobernador-heneral naging kabisera ang Maynila matapos niyang mapasuko si Raha
Sulayman noong 1572.[4] Ipinangalan sa kaniya ang kasalukuyang kabisera ng Albay sa bisa ng
isang opisyal na kautusan.[5]

Unang Bahagi ng Buhay


Si Miguel López de Legazpi ay ipinanganak noong 1502 sa isang mayamang pamilya sa bayan
ng Zumárraga sa probinsiya ng Guipúzcoa sa Espanya. Siya ang pinakabunsong anak na lalaki
nina Don Juan de Legazpi at Donya Elvira de Gurruchátegui. Ang kaniyang pamilya ay
nirerespeto sa mundo ng militar at politika. Ang kaniyang ama ay unang nagsilbi bilang kapitan ng
militar na lumaban sa hukbo ng Pransya na sinubukang salakayin ang kanilang lalawigan bago
naging alkalde nito. Nang mamatay ang kaniyang ama, sumunod na umupo bilang alkalde ang
kaniyang pinakamatandang kapatid na si Pero López de Legazpi. At bilang wala siyang
makukuhang mana mula sa ama, umalis ang nakababatang Legazpi sa Guipúzcoa at
nagpasiyang manirahan sa Nueva España (New Spain) na kasalukuyang tinatawag
na Mehiko (Mexico).[6]

Buhay sa Nueva España


Mula sa pinakamababa, unti-unting umakyat ang posisyon ni Legazpi sa gobyerno. Una siyang
nagsilbi bilang kalihim ng cabildo ng Nueva España, at kalaunan ay naupo bilang alkalde. At
noong 1532, apat na taon pagkatapos niyang lisanin ang Espanya, pinakasalan ni Legazpi si
Isabel Garcés, at nagsimulang bumuo ng sariling pamilya. Biniyayaan ang mag-asawa ng siyam
na anak, apat na lalaki at limang babae. Pumanaw si Isabel noong 1559 makalipas ang
dalawampu’t pitong taong pagsasama.[7]

Ekspedisyon sa Pilipinas
Dahil sa napakalaking gastos sa pagbuo at hindi inaasahang pagkatalo ng Spanish Armada,
pinaigting ni Haring Felipe II ang paghahanap ng bagong mapagkukunan ng ginto at ibang
yaman. Nais din ng hari na matapatan ng Espanya ang lumalaganap na kapangyarihan noon
ng Portugal sa East Indies na hindi nilalabag ang Treaty of Zaragoza (Kasunduan sa Zaragoza).
Kaya naman noong 1561, inatasan ng hari si Luís de Velasco, ang biseroy ng Nueva España, na
maghanda para sa panibagong ekspedisyon sa Pilipinas at magtalaga ng taong mamumuno nito.
Sa suporta ni Padre Andres de Urdaneta, si Legazpi ang napili ng biseroy, at nang aprubahan ng
hari ang pasiyang ito, kaagad inumpisahan ang paghahanda para sa paglalakbay. [8]
Nagtagal ang paghahanda para sa ekspedisyon nang humigit-kumulang tatlong taon dahil inilihim
ni Legazpi at ng Real Audiencia ang ilang detalye ng ekspedisyon mula sa mga napiling tauhan
bilang pag-iingat laban sa pag-eespiya ng Portugal. Nalaman na lang nila Padre Urdaneta at
kasama niyang mga misyonero na ang  tunay na destinasyon nila ay sa Pilipinas at hindi
sa Nueva Guinea (New Guinea) nang sila ay nakaalis na ng daungan at ibinahagi sa kanila ni
Legazpi ang mga utos ng Real Audiencia. [9][10]
Nang matapos ang lahat ng paghahanda, kaagad na naglayag ang grupo ni Legazpi. Umalis sila
sa daungan ng Navidad noong 21 Nobyembre 1564 na may apat na barko. Ang pinakamalaki sa
eskuwadron ay ang San Pedro na may bigat na humigit-kumulang limandaang tonelada. Ang
nanguna sa paglalayag nito ay si Legazpi kasama sina Esteban Rodríguez bilang piloto
mayor (pangunahing nabigador) at Pierres Plin bilang kaniyang second-in-command. Ang
sumunod na pinakamalaki ay ang San Pablo na may bigat na halos tatlong daang tonelada, at
ang komandante nito ay si Mateo de Saz, kasama sina Jaime Martínez Fortún at Diego Martín
bilang mga pangunahing nabegador.
Ang dalawang pinakamaliit na barko sa eskuwadron ay tinatawag na pataches. Mayroon silang
tig-dalawang palo (mast) na nagpapagaan sa mga ito. Ang isa sa mga patache ay ang San
Juan na may bigat lamang na walumpung tonelada. Ang komandante nito ay si Juan de las Isla at
ang kaniyang pangunahing nabegador ay ang kaniyang kapatid na si Rodrigo de Espinosa. Ang
pinakamaliit sa apat ay ang San Lucas na may bigat lamang na apatnapung tonelada. Si Don
Alonso de Arellano ang tumayo bilang komandante at si Lope Martín bilang nabegador nito. Sa
kalagitnaan ng kanilang paglalayag palayo palayo ng Mehiko, nawala ang barkong San Lucas
dahil sa isang bagyo at sinasabing nakarating hanggang Mindanao ngunit walang nakasalubong
na ibang barko at naunang bumalik sa Navidad.
Mahigit sa tatlong daan at limampung tao ang sumali sa ekspedisyon ni Legazpi. Ito ay binubuo
ng dalawang daang sundalo, isang daan at limampung marino, ilang Agustinong misyonero, at
piling mga tagapaglingkod. Ang bilang ng mga sundalo at mandaragat ay hinati ayon sa
kinakailangang mga tripulante sa bawat barko. [11][12]

Ang Pagdating sa Pilipinas


Sa kabila ng mga inisyal na pagdududa ng mga tauhan ni Legazpi  sa kaniyang kakayahang
pamunuan ang ekspedisyon, matagumpay nilang narating ang Pilipinas at dumaong sa Look ng
Gamay sa Samar noong 13 Pebrero 1565. Ngunit dahil sa malamig na pagtanggap at
panghihinala sa kanila ng mga katutubo, lumipat ang mga Espanyol sa isla ng Manicani, malapit
sa Golpo ng Leyte, makalipas lamang ng dalawang araw. Maliban sa rasyon ng pagkaing binigay
ng mga katutubo, parehong pagtanggap ang nadatnan nina Legazpi at kaniyang mga tauhan sa
islang ito. Nang hilingin ni Legazpi na pababain ang lahat ng kaniyang tauhan sa isla, sinalubong
sila ng mga katutubo na may kasamang mga armas. Para maiwasan ang engkuwentro, daling
pumalaot ang Espanyol patungo sa kalapit na nayon ng Cabalian. [13]
Ibang senaryo naman ang nadatnan ng puwersa ni Legazpi sa maliit na nayon ng Cabalian.
Malugod silang tinanggap ng mga katutubo rito, ngunit hindi sila pinagkalooban ng rasyon ng
pagkain ng pinuno ng nayon. Kaya naman, inutusan ni Legazpi ang kaniyang mga sundalo na
nakawan nila ang mga katutubo para sa kanilang pang-araw-araw na panustos nang walang
dahas. Kapalit ng kanilang mga kinuha, ipinamahagi ni Legazpi ang ilan nilang bakal na
kagamitan tulad ng kutsilyo sa nayon. Sa sumunod na mga araw, narating nina Legzapi at ng
kaniyang mga tauhan ang mga isla ng Limasawa at Camiguin at muli ay itinaboy sila ng mga
naninirahan dito bago pa man makadaong. [14]
Nagpatuloy sa paglalayag ang eskuwadron ni Legazpi hanggang sa noong 14 Marso 1565, sa
halip na patungong Mindanao, itinulak sila ng hangin patungo sa isla ng Bohol. Hindi tulad ng mga
isla na kanilang unang dinaungan, ang mga Espanyol ay mainit na tinanggap dito ng mga
katutubo. Upang mapatibay ang namuong pagkakaibigan sa dalawang lahi, nakipagsanduguan si
Legazpi sa dalawang pinuno ng isla na sina Datu Sikatuna at Datu Sigala.[15]

Ang Pagsakop sa Cebu


Nakapagtatag lamang ng base rito sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Legazpi noong marating nila
ang Cebu. Sa pagdaong nila sa isla noong 27 Abril 1565, isang bomba mula sa isa nilang barko
ang hindi inaasahang pumutok at sumunog sa daan-daang kabahayan ng mga katutubo.
Natagpuan ng isa sa mga tauhan ni Legazpi ang isang estatwa ng Santo Niño (Holy Infant) sa
gitna ng mga gumuhong kabahayan. Sinasabing ito raw ang parehong imaheng inihandog
ni Antonio Pigafetta kay Reyna Juana, asawa ni Raha Humabon, noong 1521. At dahil tumakas
sa kabundukan ang mga katutubo sa takot matapos ang sunog, unti-unting nagtayo ng base at
tirahan ang mga Espanyol sa isla na bininyagan at pinangalanan ni Legazpi Santissimo Nombre
de Jesus (The Most Holy Name of Jesus), sunod sa imahen ng Santo Niño.[16][17]
Makailang ulit tinangka ng mga katutubo na atakihin ang kampo ng mga Espanyol. Natigil lamang
ito nang magpulong ang kanilang pinuno na si Raha Tupas at si Legazpi at bumuo ng kasunduan
para sa ikatitibay ng relasyon ng dalawang panig. Ngunit, hindi pa rin nito napigilan ang nabuong
pag-aaklas ng ibang tribu ng mga katutubo laban sa mga Espanyol at kay Tupas. May ilang
sundalong Espanyol ding nagbalak mag-aklas laban kay Legazpi dahil sa labis na kakulangan ng
pagkain at panustos. Lumalala ito noong mga taon ng 1568 hanggang 1570 nang mas maraming
sundalo mula sa Nueva España ang ipinadala sa Cebu at may ilang barko ng mga Portugese ang
biglang lumitaw sa baybayin nito. Matapos ang biglaang engkuwentro sa mga Portugese na
tumagal ng ilang buwan, nagpasiya si Legazpi na kailangan nang lumipat ng base
sa Panay bilang pag-iingat at para makahanap ng panibagong mapagkukuhan ng pagkain. [18][19]

Ang Pagsakop sa Manila


Mula Panay ay dinala ni Legazpi ang sakong-sakong ani at mga panibagong utos mula kay
Haring Felipe II sa Cebu. Inatasan niyang magtatag ng panibagong bayan sa isla si Legazpi at
igawad ang pamumuno nito kay Guido de Lavezaris. Kasama rin sa mga kautusan ang paghirang
kay Legazpi bilang gobernador at kapitan-heneral, o gobernador-heneral, ng mga kolonya sa
Pilipinas. Matapos maisakatuparan ang ibang kautusan, bumalik si Legazpi sa Panay at inutusan
si Martin de Goiti na tunguhin at siyasatin ang isla ng Luzon kung saan nabalitaan nilang may
bayan na tinatawag na Maynila na malapit sa iba't ibang katawang katubigan at sagana sa
pagkain at ginto noong 3 Mayo 1570.[20]
Pagdating ng puwersa ni Goiti sa Maynila, kapansin-pansin agad kung gaano kahanda ang buong
bayan para sa labanan. May malalaking pandayan at kanyong nakapalibot sa tirahan ng pinuno
nito na si Raha Sulayman. May hinala na ang raha sa rason ng biglaang paglitaw ng mga
Espanyol sa kaniyang nasasakupan, kaya agad naghanda ang mga Tagalog at nakipaglaban.
Ngunit dahil sa tulong ng mga kakamping katutubo mula sa Visayas, natalo ng puwersa ni Goiti
ang mga Tagalog at sinunog ang buong Maynila. Nang bumalik si Goiti at ang kaniyang mga
sundalo sa Panay upang ibalita ang nangyari kay Legazpi, bumalik ang puwersa ni Sulayman sa
Maynila at itinayo muli ang nawasak na kuta nito. [21]
Makalipas ang isang taon, bumalik ang mga Espanyol, at sa pagkakataong ito, kasama na si
Legazpi upang pangunahan ang tuluyang pagsakop sa Maynila. Kasama ang mga pinuno ng
ibang barangay, muling nakipaglaban si Sulayman. Ngunit, muli silang natalo dahil mas malaki
ang puwersa ni Legazpi na may humigit-kumulang na 280 Espanyol at Bisayang mandirigma.
Natapos ang ilang buwang digmaan at pagnenegosasyon kina Raha Sukayman at Lakan
Dula noong 3 Hunyo 1572, at opisyal na idineklara ni Legazpi ang Maynila bilang sentro ng
kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas. [22]

Huling Taon Bilang Gobernador-Heneral


Isa sa mga unang kautusan na binaba ni Legazpi bilang gobernador-heneral sa bagong kapitolyo
ay ang pagpapatapos sa pagtayo ng kuta sa may bunganga ng Ilog Pasig. Inutusan din niya ang
mga Tagalog na magtayo ng isang malaking tirahan para sa kaniya, isang malaking tambakan,
isang kumbento at simbahan, at singkuwentang mas maliliit na bahay para sa mga Espanyol na
sundalo. Noong 3 Hunyo 1572, opisyal niyang hinirang ang Maynila bilang isang lungsod at
nagtakda ng dalawang alkalde, labindalawang konsehal, isang kalihim, dalawang pampublikong
notaryo, at isang punong kawal. Ipinagpatuloy rin niya ang pagpuksa sa mga pag-aaklas ng mga
Tagalog na naninirahan malapit sa Laguna de Bay. Ang kaniyang termino bilang gobernador-
heneral ay biglang natapos nang siya ay mamatay dahil umano sa atake sa puso noong 20
Agosto 1572. Ang sumunod na umupo bilang gobernador-heneral ay si Lavezaris. [23][24]
Ruy de Villalobos
Si Ruy López de Villalobos[1] (isinilang 1500 - namatay 1544) ay isang eksplorador na nagbigay
ng pangalang Las Islas Filipinas o "Filipinas" (Ang Kapuluan ng Pilipinas) para sa arkipelago ng
sinaunang Pilipinas noong 1564. Naglayag siya sa Pasipiko mula Mehiko (Bagong Espanya) para
magtatag ng bagong kolonya para sa Espanya sa Silangang Indiyas, na malapit sa Linya ng
Demarkasyon (o paghahati) ng Portugal noong 1543.

Ekspedisyong Villalobos

Ang 'Ekspedisyon ni Villalobos' ay isang ekspedisyon na pinamumunuan Ruy López de Villalobos.


Umalis sila noong ika 1- Nobyembre taong 1542 sa Barra de Navidad Jalisco, Mehiko kasama ang
tatlong daang pitumpu't pito hanggang apat na daan na kalalakihan. Ito ay mayroong anim na barko.
Ito ay nagngangalang Santiago, San Jorge, San Cristobal, San Martin at San Juan. Ang layunin nito
ay marating ang Islas del Poniente (Pilipinas). Noong ika 26- Disyembre 1542 ang Marshalls ay
tinawag na "Corals". Noong Enero 6 1543 sila'y umalis. Si Villalobos ay namatay noong Abril 4 1544

Ang ekspidisyong ito ay pinamumunuan ni Ruy Lopez De Villalobos kasama ang anim na barko at
370 katao. Sila ay umalis sa Juan Gallego (Navidad), Mehiko noong Nobyembre 1542. Noong mga
unang buwan ng 1543, narating nila ang Sarangani sa Timog Cotabato. Binalak nilang magtatag ng
pamayanan at nagsimula na silang magtanim. Subalit ng lumaon, marami sa kanila ang namatay sa
gutom at marahil sa mga lason na taglay ng iba't ibang uri ng halaman at hayop sa pag-aakalang ang
mga ito ay makakain. Hindi rin naging matagumpay ang paglalakbay na ito maliban sa
pagpapangalan sa ating bayan na Pilipinas bilang parangal kay Haring Felipe II ng Espanya. .

Gob. Jose Basco


Si José Basco y Vargas[1] ay naglingkod bilang ika-44 na Kastilang Gobernador-jjhb HINDI KO UN
KILALA ng Pilipinas, noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Namuno siya ng siyam na taon
mula 1778 hanggang 1787. Di katulad ng ibang gobyerno sa panahon, itinuon ni Vargas ang
kaniyang pansin sa ekonomiya kaysa sa militar. Pinalaya niya rin ang koloniyang Pilipinas mula sa
kapangyarihan ng Bagong Espanya (ngayon ay Mehiko). Ipinangalan para sa kaniya ang Basco,
Batanes.
Bilang gobernador-kapitan (gobernador-heneral) ng Pilipinas, inilunsad niya ang Sociedad
Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, o Lipunang
Ekonomiko ng mga Kaibigan ng Bansa. Binuksan niya ang bansa sa mga dayuhang mangangalakal,
na nakasanhi sa paglago ng ekonomiya.[1]
Nauna sa kaniya sa tungkulin si Pedro de Sarrio, na muling naging gobernador-heneral noong 1787.

Narciso Claveria
Si Narciso Clavería y Zaldúa (Mayo 2, 1795 – Hunyo 20, 1851) ay isang opisyal ng hukbong
panlupa ng Kastila na naglingkod bilang isang Gobernador-Heneral ng Pilipinas magmula
Hulyo 16, 1844 hanggang Disyembre 26, 1849. Noong panahon ng kaniyang panunungkulan
sa Pilipinas, tinangka niyang mabigyan ang kapuluan ng isang pamahalaan na katulad ng sa
makabagong Espanya. Naglakbay siya sa maraming mga lalawigan na sinusubukang
matutunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino. Hinikayat niya ang pagsasagawa
ng agrikultura, pagpapainam ng mga lansangan at ng mga pook na sub-urbano ng Maynila at
nagtagumpay siya sa pagtulong sa bansa.[2] Nabigyan siya ng pamagat na Konde ng Maynila.
[1] Ang mga bayan ng Claveria sa lalawigan ng Misamis
Oriental, Claveria sa lalawigan ng Masbate, at Claveria na nasa lalawigan ng Cagayan ay
ipinangalan mula sa kaniya bilang parangal.[3]

Unang mga taon


Si Narciso Clavería ay katutubo ng Gerona, Espanya (subalit may oriheng Biscayano). Naging
kasapi siya ng Tauhang Panlahat ng Espanya noong 1838: isang Koronel noong 1839 at
Tenyente Heneral noong 1844.[4] Naging gobernador siya ng Pilipinas noong Hulyo 16, 1844.

Pagbabalik sa Espanya
Hiniling ni Clavería ang kaniyang pagreretiro at iniwan niya ang posisyon ng pagkagobernador-
heneral ng Pilipinas, at nagbalik sa Espanya.[5] Isa siyang tao na mayroong kultura,
katapatan, at industriya.[2] Naging isa siyang senador noong 1850 subalit namatay noong
sumunod na taon noong Hunyo 20, 1851 sa Madrid.[4][6]

Frank Laubach
Si Frank Charles Laubach (Setyembre 2, 1884 - Hunyo 11, 1970), mula sa Benton,
Pennsylvania ay isang kongregasyong Kristiyanong Kristiyano na nagturo sa Union
Theological Seminary at Columbia University, at isang mistiko na kilala bilang "The Apostol
to the Illiterates." Noong 1915 (tingnan ang Laubach, Thirty Years With the Silent Billion),
habang nagtatrabaho kasama ng mga Muslim sa isang malayong lokasyon sa Pilipinas,
binuo niya ang programang literasiya ng "Each One Teach One". Ginamit ito upang magturo
tungkol sa 60 milyong tao na magbasa sa kanilang sariling wika. [1] Labis siyang nag-aalala
tungkol sa kahirapan, kawalang-katarungan at hindi makababasa, at isinasaalang-alang ang
mga ito hadlang sa kapayapaan sa mundo

Noong 1955, itinatag niya ang Laubach Literacy, na tumulong na ipakilala ang tungkol sa
150,000 mga Amerikano sa pagbabasa bawat taon at lumago upang yakapin ang 34
umuunlad na mga bansa. Tinatayang 2.7 milyong mga tao sa buong mundo ang natututo na
basahin sa pamamagitan ng mga programang kaakibat ng Laubach. [2] Noong 2002, ang
grupong ito ay nagsama sa Mga Muntisyong Bumasa ng Libro ng Amerika, Inc. upang
mabuo ang ProLiteracy Worldwide.

Sa huling mga taon ng kanyang buhay, naglakbay si Laubach sa buong mundo na


nagsasalita ng mga paksang literacy at kapayapaan sa mundo. Siya ay may-akda ng isang
bilang ng mga debosyonal na pagsusulat at gumagana sa literasiya.

Ang isa sa kanyang pinaka malawak na maimpluwensyang mga gawaing debosyonal ay ang
isang polyeto na pinamagatang "The Game with Minutes." Sa loob nito, hinimok ni Laubach
ang mga Kristiyano na subukang isaisip ang Diyos nang hindi bababa sa isang segundo ng
bawat minuto ng araw. Sa ganitong paraan maaaring masubukan ng mga Kristiyano ang
saloobin ng patuloy na pagdarasal na binanggit sa Unang Sulat sa mga taga-Tesalonica.
Ang polyetong ito ay nagpayabang sa mga birtud ng isang buhay na nabuhay na may
walang tigil na pagtuon sa Diyos. Ang pananaw ni Laubach ay nagmula sa kanyang mga
eksperimento sa pagdarasal na detalyado sa isang koleksyon ng kanyang mga liham na nai-
publish sa ilalim ng pamagat, Mga Sulat ng isang Modern Mystic.

Si Laubach ang nag-iisang Amerikanong misyonero na pinarangalan sa isang selyo ng US,


isang 30 ¢ Mahusay na serye ng mga Amerikanong serye noong 1984. [3]

Si Laubach ay nagkaroon ng malalim na interes sa Pilipinas. Sumulat siya ng talambuhay ng


pambansang bayani ng Pilipino na si Jose Rizal: Man and Martyr, na inilathala sa Maynila
noong 1936. Isinalin din niya ang tulang may valedictory na bayani, "Mi Ultimo Adios" (My
Last Farewell.) Ang kanyang bersyon ay nasa pangalawang pwesto sa mga ideya,
nilalaman, tula at istilo sa 35 mga salin sa Ingles sa isang koleksyon. [kailangan ng banggit]

Sinibaldo de Mas
Si Sinibaldo de Mas y Sanz (ipinanganak noong 1809, Barcelona – namatay noong
1868, Madrid) ay isang kilalang diplomata ng pamahalaan ng Espanya sa Asya noong ika-19
siglo. Bilang adbenturero at makata, sinimulan niya ang potograpiya sa Pilipinas noong 1841.
Isa rin siyang embahador ng Espanya sa Macau, Tsina.[1]

Nilisan ni De Mas ang Espanya noong 1834. Nagnegosyo si De Mas sa pamamagitan ng


pagkuha ng mga larawan Sa loob ng kaniyang dalawa at kalahating pagtigil sa Pilipinas, dahil
sa kakulangan ng suportang pinansiyal mula sa pamahalaang Espanya. Pinaniniwalaan na
maaaring nabili ni De Mas ang kanyang kamera (isang daguerreotype) mula sa Espanya o
mula sa Bengala, Indiya noong 1839. Isinulat niya ang Informe sobre el estado de las Filipinas
en 1842 (Isang Report Hinggil sa Kalagayan ng Pilipinas noong 1842).

2. Ibigay ang mga layunin ng Espanya sa kanilang pananakop.

Pampolitikang Hangarin:
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong
ika- 1400 na siglo ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad ng mga kayamanan sa
Silangan. Ninais nilang maging tanyag at makapangyarihan sa buong daigdig.

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Bukod sa Portugal, ang Espanya ay isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo noong
1500s. Ang dalawang bansang ito ay parehong bansang Kristiyano kung kayat humingi sila ng
pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI na ipalaganap ang Kristiyanismo
sa mga bansang kanilang makolonisa.

Pangkabuhayang Layunin:
Merkantilismo Layunin ng mga bansa sa Europa na madagdagan ang kanilang kayamanan at
pangkabuhayan. Ang mga produktong matatagpuan sa Silangan ay malaking motibasyon para
sa mga Espanyol na maghangad ng panibagong rutang pangkalakalan .

3. Ibigay ang mga impluwensya ng Kastilla sa Panitikang Filipino.


MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO
1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng
alpabetong Romano.

2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.

3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon. Marami sa mga
salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.

4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa

5.Ang pagkakasinop at pagkakasalin ngmakalumang panitikan sa Tagalog at saibang wikain.

6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklatna pambalarila sa wikaing Filipino tulad saTagalog,
Ilokano at Bisaya.

7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyonghimig ng mga lathalain ng mga panahongyaon .


4. Ano ang unang aklat Pangrelihiyon nalimbag sa pamamagitan ng silograpiko at ibigay ang
nilalaman nito.

Doctrina Cristiana
kauna-unahang aklat Cristianana nalimbag sa Pilipinas noon 1593, sapamamagitan ng
silograpiko. Aklat ito ninapadre Juan de Placencia at padre DomingoNieva. Nasusulat ang
aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng mga dasal,sampung utos, pitong sakramento,
pitongkasalanang mortal, pangungumpisal atkatesismo. May 87 pahina lamang

5. Ipaliwanag ang ibang aklat pangrelihiyon at ang nilalaman ng bawat isa ayon sa kahulugan.

Nuestra Senora del Rosario


ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni PadreBlancas de San Jose noong 1602at
nalimbag sa Imprenta ngPamantasan ng Sto. Tomas satulong ni Juan de Vera, isang
mestisong Intsik. Naglalaman itong mga talambuhay ng mga santo,nobena, at mga tanong at
sagot sa relihiyon.

Barlaan at Josaphat
ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja.Orihinal
na nasa wikang Griyego. Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas.

Pasyon
aklat na nauukol sa buhayat pagpapakasakit ni Kristo. Binabasaito tuwing Mahal na Araw.
Nagkaroonng apat (4) na bersyon sa Tagalog angakdang ito, at ang bawat bersyon ayayon na
rin sa pangalan ng mganagsisulat. Ang mga ito ay ang Versionde Pilapil ( Padre Mariano
Pilapil);Version de Belen (Gaspar Aquino deBelen); Version dela Merced ( Anicetodela
Merced); at Version de Guia (Luisde Guia ). Isinaalang-alang napinakapopular ang Version de
Pilapil.

Urbana at Felisa
aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa
Tagalog”.Naglalaman itong pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang
nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’tmalaki ang nagawang
impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino

6. Ipaliwanag ang kahulugan ng Awit Korido, Duplo, Karagatan, Tibag, Dalit, Panunuluyan,
Karilyo, Pananapatan, Moro - Moro, Pangangaluluwa, Sarzuela, Awiting Bayan, Kantahing
Bayan at Panubong.

Awit
May labing dalawa (12)na pantig sa bawat taludtod. Tualang pasalaysay na kung saan
makatotohanan ang mga tauhan at maaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang
pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o adante.
Korido
May walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na may kasamang
kababalaghan; ang mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaring magawa sa
tunay na buhay
Karagatan
uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan. Ang
paksa ng karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan.
Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang makakakuha ng singsing ay
magiging asawa ng prinsesa.

Duplo
isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa sa
lamayan.tinaguriang punong halamanan ang haring namumuno rito.nagsimula ang
paligsahan sa pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.

Tibag
Ang Tibag ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa
Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol. Ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta.
Elena sa mahal na Sta. Cruz na kinamatayan ni Kristo

Dalit
Popular at katutubòng tula, may apat na taludtod bawat saknong, at may súkat na
wawaluhin; anyo ng awiting-bayan

Panunuluyan
Ang panunulúyan ay tradisyonal na dula sa bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap
ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus
sa isang sabsaban

Karilyo
pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang
kumot na putî na may ilaw

Pananapatan
Ang pananapatan[1][2] /pa·ná·na·pá·tan/ o kung tawagin
sa Ingles ay Caroling /ka·ro·ling/ ay ang pagkanta ng mga awiting Pamasko na
karaniwan ay sa tapat ng mga bahay-bahay na may layuning manghingi ng regalo na
malimit ay pera.[3]
Moro – Moro
Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya" sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa
dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat
walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad
nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang
obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos
dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa
pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay
nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa
Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Kastila laban sa mga Pilipinong
Muslim na nasa Timog ng Pilipinas

Pangangaluluwa
pananapatan sa bisperas ng Todos los Santos, inaawitan ng nananapatan ang nása
tahanan upang kunwa’y maawa sa kanila na mga kaluluwang naligaw mula sa
purgatoryo

Sarzuela
Ang sarsuwela o zarzuela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa
hanggang limang kabanata. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may
kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay
impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang
realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa
sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang
sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na
tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Ito ay
ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.

Awiting Bayan
Ang mga awiting-bayan  ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang
Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong Bukid.
Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-
bayan ang tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran,
kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, at paglalahad ng iba-ibang ugali at kaugalian

Kantahing Bayan
Ang mga kantahing bayan  ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang
Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong Bukid.
Panubong.
mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan.Masasaksihan ito sa Quezon at sa
Marinduque

7. Ibigay ang mga aklat Pangwika

Arte Y Regalas de la Lengua Tagala - sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni
Tomas Pinpin noong 1610.

Compendio de la Lengua Tagala - inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703

Vocabulario de la Lengua Pampango- pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo


Sanchez noong 1711

Vocabulario de la Lengua Bisaya- unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa
noong 1754

Arte de la Iloka- kauna-unahang balarilang Ilokano na isinulat ni Francisco Lopez

You might also like