You are on page 1of 1

Iba`t ibang Pangalan ng Filipinas Ang Pilipinas ay isang matandang bansa na tinaguriang OPHIR ni Rodrigo de Aganduru Morriz, isang

ang prayle at mananalaysay na Rekoleto noong 1584-1626. Ang Pilipinas ay pinangalanang MANIOLAS sa mapang ginawa ni Cluadius Ptolemy, isang banyaga na heograpo ng Alexiandra, na nabubuhay noong panahong 90-168 AD. Pinangalanang MA-I o MAYI ang Pilipinas ng mga unang mangangalakal na Instik na dumating dito sa ating bansa. Ito ay nakatala sa lumang aklat na pangkasaysayan ng mga Instik na pinamagatang Wen Shian Tun Kao (General Investigation on the Chinese Cultural Sources) na sinulat ni Ma Tuan-Lin noong 1317 -1319. Taon 1521 dumating ang mga manakop sa ating bansa. Pinangalanan ni Magellan ang ating bansa ng ARCHIPELAGO DE SAN LAZARO. ISLAS DEL PONIENTE (Mga Isla ng Kanluran) ISLAS DEL ORIENTE (Mga Isla ng Silangan) ARCHIPELAGO DE MAGALLANES (Kapuluan ni Magellan) ARCHIPELAGO DE LEGAZPI GEMS OF THE EAST EMERALD ISLAND TREASURE OF THE PACIFIC LAND OF THE MORNING Ang pinakaromantikong pangalan ng ating bansa ay PERLAS NG SILANGAN na ipinangalan ng misyonaryong kastila na si Padre Juan J. Delgado noong 1751. Ito`y pinabantog ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal sa kanyang artikulo noong 1892 at sa kanyang tulang Huling Paalam bago siya namatay noong 1896. Ang opisyal na pangalang PILIPINAS FILIPINAS ay ibinigay ni Ruy Lopez de Villalobos, isang kastilang eksplorador noong 1543 bilang parangal sa tagapagmana ng korona na si Prinsepe Felipe, na naging Haring Philip II ng Espanya (1566-1598)

You might also like