You are on page 1of 6

Mga Aklat Pangwika

Arte y Reglas dela Lengua Tagala - nina Padre de San Jose at Tomas Pinpin

Vocabulario de la Lengua Tagala - ni Padre sa de San Buenaventura

Arte de la Lengua Becalana - ni Padre Marcos Lesba

Mga Anyo ng Dula

Karagatan - ang pagsisid sa singsing ng dalaga ay pamamagitan ng pagsagot sa tanung o palaisipan ng


dalaga.

Duplo - isinasagawa ito sa pamamagitan ng patulang pagtatalo.

Tibag - ang pagsasadula sa paghahanap ni Reyna Elena at Haring Constantino sa nawawalang Krus ni
Hesukristo.

Sinakulo - ang dulang nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at Jose para doon
isilang ang sangggol na si Hesus.

Zarzuela - ang dulang musikal o melo dramang may 3 yugto at may paksang pag-ibig

Karilyo - payak na anyo ng dulang ipinalalabas gamit ang ginupit na karton na ipinalalabas sa likod ng
puting tela.
Moro-Moro o Komedya - isang uri ng dulang puno ng pakikipagsapalaran, pagdanak ng dugo sa digmaan.
Ang komedya ay tungkol sa pakikipaglaban ng mga kastila sa mga moro, na minsang sumakop sa
Espanya.

Mga Patulang Pasalaysay

Awit - tulang may labindalawang pantig at marahang binibigkas. Hal. Florante at Laura

Korido - tulang may walong pantig at binibigkas ngmabilis Hal. Ibong Adarna

Panitikan sa Panahon ng Propaganda

Sa panahong ito naganap ang pagbabago. Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng diwang
makabayan, at ang tahimik na damdamin ay nahulaan ng damdamin paghihimagsik at lantarang
paghingi ng pagbabago sa sistema ng pagmamalakad ng pamahalaang Kastila at simbahang Katoliko. Sa
pangunguna ni Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at Graciano Lopez Jaena, nabuo ang kilusang
propaganda.

Layunin ng propaganda ang mga sumusunod na pagbabago:1) Pagpapanumbalik ng Kinatawang Pilipino


sa Korte ng Espanya, 2) Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas, 3) Gawing
lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, 4) Pagkakaroon ng serkularisasyon ng mga parokya sa kapuluan, at
5), Pagkakaroon ng Kalayaan sa pamamahayag, pananalita, pagpupulong, at pagpapahayag ng mga
hinaing.

DR. JOSE P. RIZAL

Mga Akda
Noli Me Tangere - inilimbag sa Berlin, 1887 sa tulong ng kaibigan niyang si Maximo Viola (kay Viola rin
napunta ang orihinal na manuscrito ng Noli) ang nobelang ito ay nangangahulugang "Huwag Mo Akong
Salingin". Tinalakay rito ang kabulukan ng lipunan. Inihandog ito sa Bayan.

El Filibusterismo (Ghent, 1891). Ang nobelang ito ay nangangahulugan "Pagsusuwail". Ito ay karugtong
ng Noli Me Tangere. Ito ay naglalahad ng sakit ng lipunan.

Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) ito ay isang sanaysay na may
malalim na pagsusuri sa mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.

Ang mga Kababayang Dalaga sa Malolos - ang liham ay isinulat ni Jose Rizal sa kahilingan ni Marcel H. Del
Pilar upang pasiglahin pang lalo ang nag-aalab na damdamin ng mga kababaihang taga Malolos para sa
kanilang paninindigan at pagnanasang matuto.

El Consejo de los Dioses ( Ang kapulungan ng mga Bathala; 1880). Ito ay isang dulang patalinghaga
nagpapahayag ng paghanga niya kay Cervantes.

Brindis - ito ay isang talumpating inihandog niya sa dalawang panalong pintor na Pilipino sa Madrid.
Binigkas niya ang talumpati sa isang tagayang ginanap na handog kay Juan Luna (Spolarium), at Felix
Resurrection Hidalgo (Birheng Kristiyanong Nakalantad sa madla).

Me Piden Versos - (Hinilingan Nila Ako ng Berso; 1882) - binigkas ni Rizal nang sumapi siya sa Circulo
Hispano Filipino, samahan ng mga Espanyol at Pilipino. Naibulalas niya ang kanyang kalungkutan dito.

Kudiman - ito ay isang tulang isinulat ni Rizal sa wikang Tagalog na nagpapahayag na ang Bayang inapi ay
ililigtas sa darating na panahon dumanak man ng dugo.

Sa aking mga Kababata - ito ay isa rin tulang isinulat ni Rizal sa tagalog noong siya ay walong taong
gulang pa lamang.
Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - tulang nagsasaad na ang "Kabataan ang Pag-asa ng
Bayan'. Isinulat niya ito noong 1879 habang nag -aaral sa UST. Ang tulang ito'y nagkamit ng gantimpala
sa isang timpalak - panitikan

11. Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam, 1896) - itinuring ito na obra maestra ni Rizal. Isinalin ito sa
tagalog ni Andres Bonifacio. Ang ikalawang salin nito ay ginawa ni Jose Gatmaytan noong 1898.
Sinundan ni Julian Crus Balmaceda sa panahon ng Amerikan, sinabi na ito ang may pinakamabuting
pagliliwat. Noong 1912, ang salin ni Jose Corazon de Jesus, sinundan naman ito ng salin ni Albino
Dimayuga. At sa panahon ng Komonwelt lumabas naman ang salin ni Guillermo Tolentino.

MARCEL H. DEL PILAR

Mga Akda

Calingat Cayo (Kaiingat Kayo) - ito ay mapangatiyaw na kritika o libretong nagtatanggol sa akdang Noli
Me Tangere ni Rizal dahil sa pagtuligsang ginawa ni Padre Jose Rodriguez. Sinabi ni Rodriguez na ang
magbasa ng nobela ni Rizal ay katampalasan sa Diyos at Santa Iglesia

Ang Cadaquilaan ng Dios (Barcelona, 1888) - isang sanaysay ito na naglalahad ng panunuligsa sa mga
prayleng Kastila at pagpapaliwanag ng kanyang pilosopiya at sariling paghanga sa kagandahan ng
kalikasan.

Ang Kalayaan - isang nobelang di natapos ni Del Pilar dahil sa kanayng pagpanaw. Ito ay naglalaman ng
kanyang mga huling habilin sa mga mamamayang Pilipino hinggil sa kanyang pagbibi-liwanag sa tunay na
kagandahan ng kalayaan.

La Frailocracia en Filipinas at La Sobrena Monacal en Filipinas - ito ay mga sanaysay na naglalarawan ng


kaapihang dinadanas ng taumbayan, ang mga katiwalian at di makatarungang pamamalakad ng mga
prayle at pamhalaan Kastila at Pilipinas.
Dupluhan .. Dalit ... Mga Bugtong (Malolos, 1907) - ito kalipunan ng mga maligsing tula at tugma ni Del
Pilar na inilathala sa "Life of Marcelo H. Del Pilar ni Cagingin.

Dasalan at Tocsohan - isang polyetong panggising sa damdamin ng mamamayang Pilipino. Ito ay


tumatalakay sa mga nilalaman ng aklat-dasalan bilang pagtugligsa sa mga prayleng Kastila.

GRACIANO LOPEZ-JAENA

Mga Akda

La Hija Del Fraile (Ang Anak ng Prayle) - nobelang nang-uuyam sa kayabangan at kahalayan na ginagawa
ng mga prayle. Inilahad dito ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipino kung mapakasal sa isang Kastila.

Sa mga Pilipino (1891) - isang talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan ng Pilipino na malaya,
maunlad at nagtatangol at natatamasa ang kanilang karapatan.

En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas) talumpating nagbibigay pugay at nagbubunyi sa
tatlong Pilipino na nagwagi sa Exposisyon sa Paris, Sina Juan Luna at Felix Resurrection Hidalgo (Pintor)
at Joaquin Pardo de Tavera (Iskultor).

Mga Kahirapan sa Pilipinas - ang akdang ito ay tumutuligsa sa maling pamamalakad sa pamahalaan at sa
maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

En Honor del Presindente de la Assosasion Hispano-Filipino - binibigyang papuri ni Jaena siHen. Morayta
sa pantay-pantay na pamamalakad sa mga pinamumunuan.

Ang Lahat ay Pandaraya - isang lathalin tungkol sa mayamang Filipina na nagmamalaking sinasabi sa mga
tao na siya'y magiging Kondesa dahil isa raw na konde ang kanyang mapapangasawa at buhat sa
maharlikang pamilya at lahiKastilasubalitang ama pala ay isang hamak na sapatero at nakatira sa abang
lugar ng isang distrito sa Madrid.

You might also like