You are on page 1of 5

POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

Polangui, Albay

Pamagat ng Kurso: Filipino - MC 109 - Itroduduksyon sa Pamamahayag


Kurso/Seksyon: BSED 2 - Ikalawang Semestre,

I. Pamagat ng Modyul 7 at 8: Ang Pangulong Tudling o Editoryal


*Pagsulat ng Editoryal
*Paggawa ng Flyer
II. Panimula:
Kumusta ang pagsasanay na sinagot mo bess? Panibagong mukha ng pahayagn naman ang
makikilala mo sa modyul natin ngayon. Tama lang na maging mapagmasid ka sa mga pangyayari sa
araw-araw. Kikilalanin mo ngayon ang Editoryal…
Tandaan mong lagi na HINDI mo susulatan ang modyul na ito. Kailangan mong gumamit ng
sagutang papel at inaasahan kong maalam ka na sa maayos na paraan ng pagsusulat. (Cursive
writing, No erasure)

III. Mga Layunin:


Matapos mong mapag-aralan ang modyul ito, siguradong may malawak ka ng kasanayang:
a. Maipaliwanag ang katuturan, layunin, uri ng pangulong tudling o editorial.
b. Maisa-isa ang mga tuntunin sa pagsulat ng pangulong tudling sa pagbuo sa ng editorial.
c. Maipakita ang kaalaman sa nilalaman ng pagsulat ng pangulong tudling o editorial.

III. Panimulang Gawain:


Panuto: Gumupit o kaya’y sumipi ng isang Editoryal sa mga pahayagang Filipino. Suriin ito at
ihambing sa balita. Sumulat ng limang (5) obserbasyon mo o puna sa kung paano ito isinusulat.

IV.Gawain sa Pagkatuto:

Editoryal o pangulong tudling

Editoryal o Pangulong Tudling - ang pangulong tudling ang kuru-kuro ng isang pahayagan. Ito ay
isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang
magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makapaglibang sa mga mambabasa. Isa rin itong pitak
kung saan ang Kuru-kuro, opinyon, at paninindigan ng manunudling ay inilalabas. Ang editoryal ay
bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu na nagbibigay ng
kaalaman, nagpapakahulugan, humihikayat, at kung minsa’y lumilibang sa mambabasa.
Ito ay naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o
patnugot ng pahayagan tungkol sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa. Ito ay maaring
ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong paksa. Ito rin ay matuturing
paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o institusyon tungkol sa iba’t-ibang isyu kaya
matuturing itong politikal sapagkat ang lahatay may opinion.

Tinatawag din itong TINIG NG PAHAYAGAN. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan


ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa
pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay- puna, magbigay-puri,
manlibang at magpahalaga sa natatanging araw. Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o
paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu.

May tatlong bahagi ang balangkas ng editoryal:


1. Panimula - Binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag
pansin. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang
ito'y batay sa balita o isang pangyayari. Maaaring gumamit ng alinman sa panimula: isang tanong,
isang salawikain, pasalaysay na panimula, tuwirang sabi

2. Katawan - Sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na


paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito
rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan.

3. Pangwakas - Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay


din ito ng konklusyon ng may-akda.

Mga Uri ng Editoryal


Pagsasalaysay - Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya.
Naglalahad o nagpapabatid o ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang
kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.

Pangangatwiran (Namumuna at nagpapabago) - Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang


tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng
pagbabago.

Paglalarawan - Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga- hangang nagawa, katangi-tanging
gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.
Pagtutol - Dito ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang
makumbinsi ang mga nagbabasa. Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang
naglalahad ng katotohanan.

Espesyal na okasyon (Pagpapakahulugan) - Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o Kahulugan ng


isang okasyon. Nanghihikayat nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin, sumusuri ng kalagayan, nag-
mumungkahi ng isang solusyon at nanghihikayat ng pagbabago.

Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - Ang Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan ay


naghahatid ng balita o isyung batay sa totoong pangyayari na sinusuportahan ng mga patunay tulad
ng interview sa isang dalubahasa sa isyung nabanggit.

Pangulong Tudling na Bakasan - Sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan at
kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan

Nagpaparangal o Nagbibigay Puri (Editorial of Appreciation, Commendation or Tribute)- Ito ay


pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang
katangi-tanging gawain, at nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang
kabutihan o sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

 Kahalagahan ng Editoryal
1. Ito’y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at
napapanahong isyu.
2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay
ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.
3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang
magkaroon ng pagbabago.
4. Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman.
5. Hinihiyakat ang mga kinauukulan na kumilos.
6. Minumulat ang mga mata ng mambabasa.

O Hayan, natapos mo na bess… Medyo mahaba-haba ang pinag-aralan mo. Binabati kita!
Gawin mo na ang kasunod na gawain…
VI. Pangwakas na Gawain/Pagsubok:
A. Panuto: Kilalanin kung anong uri ng editoryal ang sumusunod:
1. “Labing apat na taog gulang pa lamang ako noong nabuntis ako. Ginawa namin iyon ng aking
boyfriend dahil sa pag-uudyok ng mga kaibigan namin at dahil sa ginusto rin namin. Pero hindi namin
inaasahan na may mabubuo agad. Pareho kaming hindi handa na magkaroon ng responsibilidad
dahil dito iniwan ako ng boyfriend ko. Masakit na takasan niya ang responsibilidad niya sa akin at sa
baby namin.
Sinabi ko kina mama at papa ang sitwasyon ko,noong una nagalit sila pero hindi nagtagal ay
tinanggap rin nila ang naging kapalaran ko. Naging mahirap sa akin ang pagbubuntis dahil nasa
murang edad pa lamang ako. Sising sisi ako na ginawa pa naming ng boyfriend ko iyon pero nang
nasilayan ko na si baby ay napaiyak na lamang ako dahil sa saya.
Ngayon apat na taong gulang na si baby at ang kasama ko sa pag-aalaga sa kanya ay si
mama. Mahirap man dahil hindi ko na magagawa yung mga dati kong nagagawa pero masaya naman
dahil kay baby.” Iyan ay isang pahayag mula kay Mara Maxine Lorenzana na ngayon ay labing walong
taong gulang na. Kabilang siya sa kaso ng maagang pagbubuntis o mas kilala sa Teenage Pregnancy.
Ayon sa Department of Health (DOH) nangunguna ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa
pinakamataas na bilang ng kaso ng Teenage Pregnancy. Ang pinakabatang naitala sa kasong ito ay
nasa edad na labing tatlong taong gulang.

2. HINDI lamang ang Meralco ang nagbabantang magtataas ng kanilang singil, pati na rin ang mga
pribadong eskuwelahan (mapa-elementarya at high school ay magtataas din ng matrikula ngayong
school year 2016-2017).  Ngunit binatikos ito ng mga grupo ng mag-aaral ang pag-apruba ng
gobyerno sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan , kung  kayat nagsagawa ng kilos
protesta ang mga grupo ng mag-aaral at mga magulang upang ihayag ang kanilang pagkadismaya sa
umano’y lumalalang krisis sa edukasyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Department of
Education, Commission on Higher Education at sa Malacañang.

3. Para sa akin ang isa sa napakahalaga at importanteng dapat parangalan ay ang pag-aaral. Sa araw
ng pagtatapos ang parangal na matatanggap ng isang estudyante ay parangal rin para sa kanyang
magulang at ito’y kailanman maaalala at hindi mawawala sa ating isipan. Ang lahat ng iyong nagawa
mula sa simula ng iyong pag-aaral ay maituturing na pambihira sapagkat nalampasan mo lahat ng
pagsubok na kinakailangang harapin at tapusin ng walang pag-aalinlangan.

B. Panuto: Sumulat ng isang halimbawa ng Editoryal tungkol sa inaakala mong “napapanahong isyu”
sa paaralan (Licom).
VII. Karagdagang Gawain
Pagbuo ng flyers (short bond paper, folded into 3)
• Ipakita ng iyong kaalaman sa mga batayang nilalaman ng Editoryal sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang flyer. Nilalaman nito ang pagpapaliwanag sa katuturan, layunin at mga uri ng editorial gayundin
ang pag-iisa-isa sa mga tuntunin sa pagsulat ng isang epektibong pangulong tudling.
• Ipakita rin ang iyong kasanayan sa postibong paggamit ng ICT sa pagtitimbang ng mga argumento

You might also like