You are on page 1of 33

PAGSULAT NG EDITORYAL

NEMIROSE B. DE CAPIA
Tagapayo- Gintong Butil, Opisyal na Pampaaralang
Pahayagan ng Paaralang Elementarya ng Lantic, Carmona,
Cavite
ANG PAHINANG PANG-EDITORYAL
ito ang BALITA SA LIKOD NG
BALITA kasi sa pamamagitan ng
editoryal, nagkakaroon ng
paliwanag sa mga balitang
nababasa natin. Kaya, makikita
natin kung ano ang ‘behind the
scene’.
maituturing na kaluluwa ng diyaryo,
ang heartbeat ng anumang pahayagan
ang pahayagan natin ay isang public
forum para sa opinyon ng mga mag-
aaral, inilalathala rito ang mga
problema sa paaralan, inaanalisa,
pinag-uusapan at kung posible,
nilulutas
DEPINISYON NG EDITORYAL
isang ekpresyon ng katotohanan at
opinyon sa paraang maikli ngunit
malaman (concise), lohikal at
kaaya-aya para manlibang,
makaimpluwensya ng opinyon o
kaya’y magbigay interpretasyon sa
mahahalagang balita
TUNGKULIN NG EDITORYAL
magbigay ng impormasyon, kasama ang
pagpapaliwanag sa balita
punan ang kulang na impormasyong isinulat
sa balita
tumulong sa patuluyang proseso ng edukasyon
lumikha ng sitwasyon ng pag-iisip
tungkol sa public affairs healthy climate
of thinking
magkaroon ng atmospera para ang
publiko ay umabot sa pagpapasya
na mahalaga ang demokrasya
magbigay ng hinuha sa magaganap
magbigay ng paghusgang moral
URI O TIPO NG EDITORYAL
Editoryal ng impormasyon at
interpretasyon
Pagtatangka ito na ipaliwanag ang
kahulugan o kahalagahan ng isang
sitwasyon o balita.
Editoryal ng kritisismo
Layuning hikayatin o payuhan ang
mga mambabasa para kumilos
kaugnay ng ilang isyu sa lipunan.
Ipinupunto ng manunulat ang
masasama at mabubuting panig ng
suliraning panlipunan na
nakaaapekto sa bansa.
Editoryal ng panlibang
May dalawang kategorya ang uring
ito. Ang una ay iyong nakatatawang
pagbanat sa isang magaang paksa. Ang
pangalawa ay medyo satirikal na
pagbanat sa isang seryosong paksa. Sa
ika-2, nagpapatawa ang manunulat na
may tangkang mapabuti ang sitwasyon.
Editoryal ng komendasyon,
pagpapahalaga o pagpaparangal
Nagpupuri o nagpaparangal ito sa
tagumpay na natatamo at imbensyon
ng mga may K na lider, edukador,
siyentista, bayani at iba pang public
official o institusyon.
Editoryal ng argumento at
panghihikayat
Naglalayong makipagtalo para sa
kapakinabangan ng mambabasa. Ang
pagsulong ng argumento ay mula sa
sanhi tungo sa bunga na malinaw na
ipinakikita ang mga dahilan kung
bakit aasahan ang pagbabago.
HANGUAN NG PAKSANG EDITORYAL

Balita
 Research o pananaliksik
Special occassions
BAHAGI NG EDITORYAL
Pamagat
Panimula/Lead/Newspeg/
Introduction
Katawan/Body
Conclusion
HAKBANG SA PAGSULAT NG
EDITORYAL
1. Pagpaplano
siguraduhing kawili-wili, napapanahon at
kontrobersyal ang paksa
ilimita ang artikulo sa isang aspeto
lamang ng piniling paksa, isang
espisipikong ideya lamang na idedebelop
Maging malinaw ang layunin sa pagsulat,
pati ang stand o posisyon sa kontrobersya
magkaroon ng datos at materyal
pag-isipan ang paksa at buuin nang
maayos
pag-isipan ang pangangatuwiran
upang bawat bahagi ay lohikal na
tutungo sa kongklusyon
2. Pagsulat ng editoryal
maging maikli (300 salita)
maging simple at direkto ang
pagpapahayag
maging impersonal; gamitin ang ika-3
panauhan, hindi “AKO” maliban kung
may tuwirang pahayag
organisahin ang sulatin sa tatlong
bahagi (1) introduksyon (2) katawan at
(3) pagwawakas
KASANGKAPAN PARA MAKATAWAG
NG INTERES ANG EDITORYAL
makatawag-pansing pamagat
magandang lead
ilustrasyon sa anyong maikling
naratibo
analohiya
hambingan at kontras
angkop na pagwawakas
pag-uugnay ng editoryal sa buhay
ng mambabasa
Gaya ng pananaw ng Griyego, ang
manunulat ng editoryal ay dapat:
“Think like a wise man and talk in
the language of the people.”
Tandaan, ang tagatanggap mo ang
mambabasa.
FORMULA SA PAGSULAT NG
EDITORYAL
S – state the problem
P _ position on the problem
E – evidences to support your
position
C – conclusion; Who’s going to be
affected and how?
S – solutions to the problem; give
atleast 2
HALIMBAWA NG EDITORYAL
Pamagat: Pagkaing masustansya, ihain sa
kantina
S – state the problem
Dumarami na ang bilang ng malnourished
children sa bansa kaya ipinag-utos ng
Department of Education (DepED) ang
pagbabawal sa mga paaralan na magtinda ng
junk foods na nakasaad sa DepED Order No.
8.
P – position of the problem
Dapat lamang na sumunod ang mga
paaralan sa kautusang ito.
E- evidence No. 1
Ipinahayag ng DepED noong 2013
na 562, 262 mag-aaral sa
elementarya ang severely wasted
kaya isa sa mga solusyon ang
pagtitinda ng masusustansyang
pagkain upang mabawasan ang
bilang na ito.
E- evidence No. 2
Ngunit umalma ang mga paaralan
dahil hindi tinatangkilik ng mga
mag-aaral ang mga pagkaing
kanilang itinitinda at hinahanap pa
rin ang junk foods.
E- evidence No. 3
Bagamat ganito na ang mga uri ng
pagkaing nakasanayan nila, dapat pa
ring magtinda ng pagkaing
masusustansya ang mga kantina nang
sa gayon makaiwas sa mga junk
foods ang mga mag-aaral. Ito rin ay
isang paraan upang matuto ang mga
bata na kumain ng masustansya.
E- evidence No. 4
Madali namang sumunod ang mga
mag-aaral sa kung anuman ang
sabihin ng kanilang mga guro. Kaya
hindi mahirap ipatupad ang
kautusang ito. Siguro sa umpisa ay
medyo mahirap ngunit unti-unti ay
masasanay din sila na ang kanilang
kinakain ay kabaligtaran ng kinakain
nila sa labas ng paaralan.
E- evidence No. 5
Oo nga at may kalayaan ang mga
mag-aaral na bumili at kumain ng
gusto nilang kainin, wala silang
magagawa kundi bibili sa kung ano
na lamang ang nabibili sa kantina.
Kahit pa sabihing hindi hilig ng mga
mag-aaral ang pagbili ng
masusustansyang pagkain bagkus
sitsirya at softdrinks, mapipilitan
E- evidence No. 6
Isa pa, napakaraming mag-aaral ang
hindi nag-aalmusal dahil sa
pagmamadali sa pagpasok. Sa mga
pagkain sa paaralan na lamang sila
umaasa kaya naman dapat walang
junk foods sa paaralan upang
maiwasan ang mga sakit na
nakukuha rito tulad na lamang ng
urinary tract infection (UTI).
E- evidence No. 7
Mainam na rin na walang junk foods
sa paaralan para mabalanse ang
kinakain ng mga bata. Kung junk
foods na sa bahay at junk foods pa
rin sa paaralan, lalo lamang
magkakasakit ang mga bata.
C- conclusion
Wala namang masama sa
pagpapatupad ng kautusang ito. Ang
layunin ay nakatuon sa mabuting
kalusugan ng mga mag-aaral na
dapat talagang pangalagaan lalo na
at sa panahon ngayon ay sari-saring
sakit na ang lumalabas.
S- solution/recommendation
Kaya hiling naming mag-aaral sa
Kagawaran ng Edukasyon, higpitan
ang kanilang pagpapatupad sa
DepED Order No. 8 upang
masigurong ang lahat ng paaralan ay
sumunod dito dahil ang kalusugan
namin ay nakasalalay sa
masusustansyang pagkain na sa
kantina ay nakahain.
PAGKRITIK NG SINULAT
Narito ang ilang mga tanong para
matulungan tayo sa pagtsek o pagkritik
ng ating mga editoryal.Kung oo ang
sagot sa mga tanong, epektibong
manunulat tayo.
1. Angkop ba ang anyo at estilo sa
nilalaman at sa layunin?
2. May layunin ba ito at mukha bang
nagawa o natamo mo ba ito?
3. Pinapag-isip ba ang mambabasa?
4. Namalas ba ang orihinalidad at
pagkamalikhain ng sinulat?
5. Malinaw, malakas at simple ba ang
pagkakasulat?
6. May lohikal na pag-iisip bang
nakikilatis?
7. Sinsero ba at hindi nagsesermon?
8. Sinasangkot ba kaagad sa unang
pangungusap pa lang ang mambabasa?
9. Maikli ba at tutok sa ideyang nais
ihatid?
Pagsasanay
Sumulat ng isang editoryal ng argumentasyon
at panghikayat na hango/base sa balita sa ibaba.
Kinuwestiyon ni Congressman Sherwin Gatchalian
ang pagpapaimprenta ng Department of Education
(DepED) ng 16 milyong textbooks na aabot sa P608
milyon samantalang hindi naman ito magagamit sa
bagong kurikulum sa ilalim ng K-12 program.
Sa inilabas na Commission on Audit (COA) report,
umabot sa 16, 296, 231 textbooks na may halagang
P608, 712, 658 ang ipinaimprenta ng DepED ngunit
magsisilbi lamang itong reference materials dahil sa
pagbabago ng kurikulum.

You might also like