You are on page 1of 5

Pagsulat ng Pangulong Tudling

-Nagsasaad ng pagpuna, panunuligsa, pagtuturo, pagpapaunawa, pagbibigay-puri,


pagbibigay-kahulugan napapanahongbalita at kumakatawan sa paninindigan ng buong
patnugutan at pahayagan.
- Maituturing na ambag sa pakikipagtalo ukol sa napapanahong isyu.
Mga Uri ng Editoryal
• Editoryal ng Pagpapabatid (Editorial of Information)
• Editoryal ng Panghihikayat (Editorial of Persuasion)
• Editoryal ng Panunuligsa (Editorial of criticism)
• Editoryal ng Pagpaparangal (Editorial of Praise or Commendation)

Mga Bahagi ng EDITORYAL


1. Pamagat (Title/Headline)
-Dapat nakakukuha ng atensiyon ng mambabasa
2. Simula (Lead)
Di tulad ng sa balita na itinuturing na ‘puso’ ng kuwento ang lead, sa editoryal, ang
‘puso’ ay maaaring nasa gitna o wakas, depende sa kapritso at istilo ng editorial
writer.Hindi kailangang sundin ang tradisyunal na ASSKPB.Mas may kalayaan
ang manunulat ng editorial na maging malikahin kaysa manunulat ng balita sa
pagsulat ng‘lead’. Maaaring isang makabuluhan at makatawag-pansing
pangungusap tungkol sa paksa o isyu na mapagtatalunan/matatalakay
opagsasalaysay na naghahayag ng suliranin o isyu.News peg ay isang maikling
pahayag tungkol sa isang balita na pinagbatayan ng editoryal o napapanahong isyu
nanangangailangan ng agarang solusyon.
3. Katawan
Naglalaman ng mga ‘basic facts’, mga sanhi at bunga sa likod ng mga pangyayari,
sitwasyon at argumento. Inilalahad dito ang mga
detalye ng mga katotohanan tungkol sa isyu, kalakip angopinion o prinsipyong
pinapanigan ng patnugutan.
4.Konklusyon/Wakas
- Naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan, tagubilin, mungkahi o direksyon na
maaaring payo, hamon osimpleng buod ng akda
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Editoryal

1. Planuhin ang isusulat.


Pumili ng paksa. Maaaring kahit anong isyu, pangyayari at personalidad na laman
ng mga balita pero hangga’t maaari, tiyaking
taglay ng editoryal ang mga sumusunod:
Napapanahon
Malaman
Naghahayag ng Pananaw
Walang ‘conflict of interest’
2. Tiyaking nauunawaang mabuti ang sitwasyon o isyu.
3. Gawing makatawag pansin at kawili-wili ang panimula na binubuo ng
batayang balita at reaksyon.
4. Kailangang magtaglay ng isa lamang ideya o panukal
a. -Hango ang paksa sa mga balitang pangkasalukuyan na may malaking
kahalagahan sa nakararami, maging sa mga mag-aaral,mga mamamayan o sa
buong bansa.
5. Magbasa at magsaliksik para sa mga impormasyon at datos.
6. Ipaliwanag ang isyu gaya ng ginagawa ng isang reporter at sabihin ang
kahalagahan ng sitwasyon
7. Unahing ilahad ang magkaibang pananaw na may ‘quotations’
at ‘facts’.
8. Kontrahin, tanggihan o pabulaanan (refute/reject) ang isang pananaw at
palawakin ang iyong panig gamit ang mga patunay,detalye, bilang at tahasang
sabi.
Kailangang mas maraming patunay para mapahina ang kabilang argumento
habang mas mapapalakas naman angpinaninindigang panig.
9. Gayunpaman, bigyang-pansin pa rin ang magandang puntos ng oposisyon
upang mas maging kapani-paniwala ang editoryal.10. Ulitin ang mga susing
parirala (key phrases) upang bigyang-diin ang kaisipan o ideya sa isipan ng
mga mambabasa.
11. Magbigay ng mga reyalistikong solusyon sa suliranin na hindi karaniwang
alam ng iba.
12. Hikayatin ang mga mambabasa na magkaroon ng kritikal o masusing pag-
iisip at maging pro-active ang reaction.
13. Gawing matipid sa mga salita subalit gawing mabisa at kaakit-akit ang mga
pangungusap.
14. Kailangan itong maging makatwiran
15. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon
16. Magbigay ng mga mahahalaga at makatotohanang halimbawa
bilang suporta sa pinapanigan.
17. Sabihin ang mga pinagkunan ng datos.
18. Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinyon.
19. Magbigay ng estadistika kung kinakailangan.
20. Kung magbigay ng argumento, simulan sa pinakamahalaga.
21. Huwag sulatin sa unang panauhan. Bagama’t kadalasan
iisa lamang ang sumusulat ng editorial, ngunit ito aykumakatawan sa buong
patnugutan.

Pang Aabuso sa mga Estudyante


Sabik ang mga estudyante sa pagbabalik ng face-to-face classes. Kaya nang magbukas ang
F2F noong Agosto 22, 2022, marami sa kanila ang excited. Ang mahigit dalawang taon na
sa online classes sila nakatutok ay naputol na at inaamin nilang mas maraming natutunan
sa F2F kaysa sa distant learning. Lubhang kakaiba kung nasa loob ng classroom ang lahat
at sama-samang nag-aaral at nagdidiskusyon. Mas maraming pumapasok sa utak kaysa sa
online na hilaw at kulang-kulang ang nalalaman.

Maski ang karamihan sa mga magulang ay naniniwalang kakaunti ang nakukuhang


kaalaman ng kanilang mga anak sa nagdaang dalawang taon ng online classes. Walang
natamo ang mga anak kaya nagpapasalamat sila sa pagkakabalik ng F2F. Sa wakas
mayroon nang matututunan ang kanilang mga anak.

Subalit kasabay sa pagbabalik ng F2F classes, nagsulputan na ang mga reklamong pang-
aabuso ng mga guro sa kanilang estudyante. Samu’t saring kaso ang naitala mula nang
mag-umpisa ang F2F noong nakaraang buwan.
Halimbawa ay ang nangyari sa Kalinga, Apayao na nakunan ng video ang pagpalo at
pagpingot sa taynga ng dalawang estudyante sa elementarya ng kanilang guro. Umano’y
nahihirapang magsolb ng math sa blackboard ang dalawang estudyante na ikinayamot ng
guro kaya pinalo niya at piningot sa taynga ang mga ito. Kinondena ng Commission on
Human Rights (CHR) ang ginawa ng guro na pananakit sa estudyante.

Kamakailan, limang guro sa Bacoor National High School ang sinuspende ng 90 araw dahil
sa alegasyon ng sexual harassment sa mga estudyante. Ganito rin ang sitwasyon sa
Philippine High School for the Arts sa Mount Makiling. Umano’y nakaranas ng sexual,
physical at emotional abuse ang mga estudyante mula sa kanilang guro.

Sabik ang mga estudyante sa pagbabalik ng F2F pero ganito pala ang kanilang
mararanasan. Mas matindi sapagkat pang-aabuso ang mararanasan. Kung ganito ang
mangyayari at walang magagawang aksiyon ang mga awtoridad laban sa mga mapang-
abusong guro, mas mabuti pa kung mag-online classes na lang uli—ligtas pa ang mga bata
sa bahay. Nababantayan pa ng mga magulang.
• Highlight
• Add Note
• Share Quote

You might also like