You are on page 1of 18

Malikhaing Pagsulat Senior High School Alternative Delivery Mode

kwarter 1 – Modyul 1: Malikhaing Pagsulat at Iba pang anyo ng Pagsulat


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay

Malikhaing
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang

Pagsulat
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Unang Kwater- Modyul 1:
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Malikhaing Pagsulat at Iba pang Anyo ng


Pagsulat

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio,
Bonifacio N. Gegato Jr., Marben A. Oco, Ian Oclaman, Jean G. Jo,
Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit, Maria Concepcion A.
Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor: : Desiree E. Mesias
Language Editor: Louella Jane B. Mariano
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Management Team: Dr. Sally S. Aguilar

Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS;
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief;
Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager;
Loucile L. Paclar, Librarian II;
Malikhaing
Pagsulat
Kwarter 1- Modyul 1
Malikhaing Pagsulat at Iba
Pang Anyo ng Pagsulat

Ang Aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

PANIMULANG MENSAHE
Kumusta ka na mahal kong mag-aaral? Ito ang una mong aralin. Aking
ikinagagalak na iyong pag-uukulan ng pag-aaral ang tungkol sa pagkakaiba ng
makathaing pagsulat sa iba pang angyo ng pagsulat.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng


kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Malikhaing
Pagsulat na para lamang sa mga mag-aaral ng HUMSS. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling
pagsisikap.

Ang modyul na ito ay hinahanda ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri


ng iba’t ibang anyo ng pagsulat sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain
na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang sulatin. Ang modyul na ito ay
hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na


sisikapin nating matamo sa buong semestre.

Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman


tungkol sa paksa.

Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito matututunan mo ang araling itinakda


na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip
at isagawa.

Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo


ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong
kaalaman.

Karagdagang Gawain –Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong


kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang tapusin sa bahaging
ito.
Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na
Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo
pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga
ay matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!
Mga May-akda
ALAMIN
Kumusta ka na kaibigan? Isang malaking karangalan para sa akin ang
makasama ka sa pag-aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo ang
bagong araling inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman ang
mapapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang-araw-araw
na gawain.

Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na binubuo ng balikan,


tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng
modyul na ito ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman
bago matapos ang aralin at mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor).

Nakapaloob sa modyul na ito ang Gabay ng Pagtuturo sa Baitang 12-


HUMSS. Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat mong malinang bilang
isang mag-aaral.

 Natutukoy ang pagkakaiba ng makathaing pagsulat sa sa iba pang anyo ng


pagsulat ( HUMSS_CW/MP11/12- LAB 1)
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin


ang pagsusulit na ito upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

A. Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang


patlang ang salitang WAGAS kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung
mali.
_____1. Balita, editoryal at opinion ay isang halimbawa ng malikhaing pagsulat.
_____2. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang
pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan
_____3. Masining ang pagsulat kung ito ay nakapokus sa imahinasyon ng
manunulat.
_____4. Ang malikhaing pagsulat ay maaaring piksyon o di-piksyon
_____5. Ito ay tinatawag sa Inlges na Creative writing na naglalayong magsulat
batay sa malawak na imahinasyon ng isang manunulat.
_____6. Ang mga tula, dula at maikling kuwento ay hindi makitaan ng malikhaing
pagsulat.
_____7. Ang pagsulat ay may ibat ibang uri.
_____8. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo 
(screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay,
subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.
_____9. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim
sa malikhaing pagsulat.
_____10. Kadalasang makikita ang ganitong uri ng pagsulat sa mga nobela, tula at
maikling kuwento.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa teknikal o


komersyal na layunin.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
2. Ito ay isang Intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
3. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum , anunsiyo, at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagano magasin.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
4. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil
sa isang paksa.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
5. Uri ng Pagsulat na nakatuon o eksklusiv sa isang tiyak na na propesyon.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal

YUGTO NG PAGKATUTO
BALIKAN
Sa nakaraang taon, natutunan mo na ang tungkol sa “Pagbasa at Pagsulat ng
Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”. Isulat sa loob ng Hugis - Puso ang
kahalagahan nito.

___________________ ___________________
_____________________________________________
________________________________________________
_________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________
________________________________________________
______________________________________________
__________________________________________
_____________________________________
_______________________________
__________________________
__________________
_________
_____
_

TUKLASIN
Suriin ang mga larawan sa ibaba at lagyan ng M kung ang larawan ay
nagpapahiwatig ng Malikhaing Akda at H naman kung Hindi. Isulat ito sa patlang.
1. _________

2. _________

3. _________

4. _________

5. _________
SURIIN
MALIKHAING PAGSULAT
AT IBA PANG ANYO NG PAGSULAT

Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat bagamat maaaring fiksyonal o di-fiksyonal ang akdang isinulat.
Ang malikhaing pagsusulat (Ingles: creative writing) ay anumang pagsusulat na
lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, 
pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na
pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o
kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng
mga tropong pampanitikan. Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa
pagsusulat na katulad ng mga tampok na kuwento upang maituring bilang
malikhaing pagsusulat, bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil
sa ang nilalaman ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at
pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay
kapwa sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng
mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maiikling kuwento, at mga tula. Sa
kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang
pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa
pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na
mga henerong katulad ng krimen o katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at
entablado— pagsusulat ng senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay
itinuturo nang magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing
pagsusulat.
MGA URI NG PAGSULAT

1. TEKNIKAL Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon


para sa teknikal o komersyal na layunin.
 Ulat Panlaboratoryo
 Kompyuter
2. AKADEMIK Ito ay isang Intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
 Kritikal na Sanaysay
 Lab Report
 Eksperimento
 Term Paper o Pamanahong Papel
3. Jornalistik Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum ,
anunsiyo, at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga
pahayagano magasin.
4. Referensyal Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian hinggil sa isang paksa.
 Bibliography , index, note cards
5. PROFESYONAL Uri ng Pagsulat na nakatuon o eksklusiv sa isang tiyak na na
propesyon.
 Police Report
 Investigative Report
 Leagl forms
 Medical Reports
GAWAIN 1

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang Malikhaing Pagsulat para sa iyong sariling pag-unawa at


pag-intindi?
2. Ano ang pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa iba pang uri ng
pagsulat?
3. Bakit kailangan matutunan ang pagkakaiba –iba ng paraan sa
pagsulat nito?
4. Sa isang manunulat, mahalaga bang matutunan ang kahalagahan
ng malikhaing pagsulat?

PAGYAMANIN
Basahin ang halimbawa ng malikhaing pagsulat

May Mga Halaman sa Aking Katawan


Rowena P. Festinuno

Puno ng kamatsili ang aking braso


Matalim na tinik ang natutuyong balat
Habang paunti-unting nalalagas na kaliskis
Puno ng bayabas ang aking mga binti
mumuti, nangingitim, namamalat,
Tila naglulugong balat ng ahas
At sa aking mga paa
Unti-unting gumagapang
Ang sanga-sangang ugat
Pababa sa lupa
At dahan-dahan
Ako’y magiging pataba
At malayang bababa sa lupa
Ang mga halamang
Namahay sa aking katawan.
GAWAIN 2

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1.Sino ang nagsasalita sa tula? Ano ang paksa ng tula?


2.Ano ang mga imaheng binubuo o ipinapahiwatig ng tula?
3.Gamit ang karaniwang paglalarawan, ilarawan ang hitsura ng isang matanda.
Ikumpara sa tula ang sinulat mong paglalarawan. Paghambingin ang dalawang
paglalarawan. May pagkakaiba at pagkakatulad ba? Anu-ano ang mga ito?

Gawain 3

Gamit ang Venn Diagram, Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng


Malikhaing Pagsulat at Akademik.

Pagkakaiba pagkakaiba

pagkakapareho
ISAISIP

Tandaan na ang Malikahing Pagsulat ay ginagamit ang mayamang imahinasyon ng


manunulat na maaaring totoo at hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay ang
akdang isinusulat tulad ng pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang
masining na katha.
Maaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng manunulat.
Masining ang paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng damdamin, ideya, at
mensahe ng manunulat.
Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang
pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa
pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na
mga henerong katulad ng krimen o katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at
entablado— pagsusulat ng senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo
nang magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2033201#readmore

ISAGAWA
Gawain 4

Sumulat ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng sarili.

Rubriks sa Pagmamarka
Masining at Malikhain 50%
Orihinal 15%
Nilalaman 35%
Kabuuan 100%
TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang


patlang ang salitang WAGAS kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung
mali.
_____1. Balita, editoryal at opinion ay isang halimbawa ng malikhaing pagsulat.
_____2. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang
pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan
_____3. Masining ang pagsulat kung ito ay nakapokus sa imahinasyon ng
manunulat.
_____4. Ang malikhaing pagsulat ay maaaring piksyon o di-piksyon
_____5. Ito ay tinatawag sa Inlges na Creative writing na naglalayong magsulat
batay sa malawak na imahinasyon ng isang manunulat.
_____6. Ang mga tula, dula at maikling kuwento ay hindi makitaan ng malikhaing
pagsulat.
_____7. Ang pagsulat ay may ibat ibang uri.
_____8. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo 
(screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay,
subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.
_____9. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim
sa malikhaing pagsulat.
_____10. Kadalasang makikita ang ganitong uri ng pagsulat sa mga nobela, tula at
maikling kuwento.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa teknikal o


komersyal na layunin.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
2. Ito ay isang Intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
3. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum , anunsiyo, at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagano magasin.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
4. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil
sa isang paksa.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
5. Uri ng Pagsulat na nakatuon o eksklusiv sa isang tiyak na na propesyon.
a. Teknikal b. Akademik c. Referensiyal d. Jornalistik e. Propesyonal
KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 5

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng teknikal na pagsulat, jornalistik


na pagsulat at malikhaing pagsulat?
Isulat sa bakanteng kahon ang iyong sagot.

TEKNIKAL

JORNALISTIK

MALIKHAIN

Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 1.

Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa susunod na


modyul. Nawa’y patnubayan ka ng Maykapal.
SUSI SA PAGWAWASTO

Panimulang Pagtataya
A.
1. Wasak
2. Wagas
3. Wagas
4. Wagas
5. Wagas
6. Wagas
7. Wagas
8. Wagas
9. Wagas
10. Wagas
B.
1.Teknikal
2. Akademik
3.Jornalistik
4. Reperensyal
5. Propesyonal
BALIKAN
Nakadepende sa opinion ng mag-aaral
TUKLASIN
1. M
2. M
3. M
4. H
5. M
SURIIN
Gawain 1: Nakadepende ang sagot ng mag-aaral ngunit sumasailalim sa
malikhaing pagsulat
PAGYAMANIN
Gawain 2: Mga posibling sagot
1. Isang matandang babae o lalaki
2. katandaan
3. Nakadepende sa sagot ng mag-aaral

Gawain 3: Nakadepende sa sagot ng bata ngunit natalakay ang pagkakaiba


ng malikhaing pagsulat sa iba anyo ang pagsulat

ISAGAWA
Gawain 4:
Nakabatay sa:
Rubriks sa Pagmamarka
Masining at Malikhain 50%
Orihinal 15%
Nilalaman 35%
Kabuuan 100%
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A.
1. Wasak
2. Wagas
3. Wagas
4. Wagas
5. Wagas
6. Wagas
7. Wagas
8. Wagas
9. Wagas
10. Wagas
B.
1. Teknikal
2. Akademik
3. Jornalistik
4. Reperensyal
5. Propesyonal

KARAGDAGANG GAWAIN:
sagot 1:

Nilalaman
ang pagsulat ay isang sanggunian sa impormasyon na nais ng mga tagagawa
ng website tungkol sa kanilang mga mambabasa tungkol sa kanilang mga
produkto, serbisyo, o ideya.

Teknikal
ang pagsulat ay karaniwang naglalarawan kung paano ginagawa ang isang
bagay, isang pagsusuri sa proseso, o kung paano gumagana ang isang
bagay, mga tagubilin. "Paano baguhin ang langis sa isang kotse" ay teknikal
na pagsulat. Paano embalm isang katawan ng tao ... Paano ginawa ang mga
baseballs. Paano itapon ang isang curve.
Malikhain
ang pagsulat ay isang kaakibat ng imahinasyon ... karaniwang kumukuha ng
anyo ng Fiction (nobela, maikling kwento) Drama (Theatre Productions,
pelikula, TV Drama) Tula (Pagsusulat ng mga coveys na nangangahulugang
sa pamamagitan ng mga imahe (mga larawan ng salita).
TALASANGGUNIAN

A. INTERNET

https://www.google.com/search?
q=tula+larawan&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=z3d1iq6UGNsNsM
%252CXsCjBEKy6YtX_M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kSmP6ng5v60FyXpNWqR4j9b-
i1nGA&sa=X&ved=2ahUKEwiBgqSPiLrqAhXOP3AKHVfpCv8Q9QEwAHoEC
AoQEg&biw=1366&bih=657#imgrc=z3d1iq6UGNsNsM

https://www.google.com/search?
q=dula&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiU8a25ibrqAhUVMd4K
HcK-
CpMQ_AUoAXoECBMQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=WDJ4KyVhaT9tRM

https://www.google.com/search?
q=nobela+picture&tbm=isch&hl=en&ved=2ahUKEwjp18X9ibrqAhVoE6YKHTy
tAIQQrNwCKAF6BQgBEOUB&biw=1349&bih=657#imgrc=0YAcYj8kiPh7PM

https://www.google.com/search?
q=balita&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjK6cnRirrqAhWYad4
KHQ_2AIEQ_AUoBHoECAwQBg#imgrc=YMP0cujSFpVr9M

https://www.google.com/search?
q=maikling+katha&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjun4TFi7rq
AhXEad4KHQkiBCsQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=Dp6yt
u6me1Io3M

https://www.slideshare.net/LynZafra/malikhaing-pagsulat-114165368

https://www.slideshare.net/LynZafra/malikhaing-pagsulat-114165368
https://tl.wikipedia.org/wiki/Malikhaing_pagsusulat

https://www.coursehero.com/file/41094777/LESSON-1pptx/

https://www.coursehero.com/file/41094777/LESSON-1pptx/
For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address

You might also like