You are on page 1of 17

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang
Akademik
Kuwarter 2 - Modyul 10:
Etika sa Akademikong Sulatin

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Filipino – Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 -Modyul 10: Etika sa Akademikong Sulatin
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga
materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi
inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral


Manunulat: Daisy S. Sabidor
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor

Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD


Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone
Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 2 - Modyul 10:
Etika sa Akademikong Sulatin

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong
mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkah

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Para Saan Ang Modyul na Ito ........................................................................................................i

Ano Ang Inaasahan Mo................................................................................................................... i

Paano Mo Matutunan ......................................................................................................................i

Mga Icon ng Modyul........................................................................................................................ii

Ano Ang Nalalaman Mo................................................................................................................. iii

Aralin 1: Etika sa Akademikong Sulatin


Alamin …………………………………………………………………………….1
Subukin: Pagsusuri sa Pahayag ………………………………………………1
Balikan: Pagsulat ………………………………………………………………...2
Tuklasin: Pagsusulat ............................................................................................ 3
Katuturan,Layunin at Kahalagahan Pagsulat ……………………...4
Suriin: Pagsagot sa Katanungan .........................................................................5
Pagyamanin : Pagtukoy sa akademikong Sulatin........................................... .6
Isaisip: Paghahambing sa Layunin ng Pagsulat………………………………7
Isagawa: Pagbuo ng Islogan
Tayahin : Pagpapatunay kasagutan …………………………………………..8
Karagdagang Gawain:Pagtatalata

Lagom

Tayahin (Pangwakas na Pagtataya)

Susi sa Pagwawasto

Mga Sanggunian
Para Saan ang Modyul Na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong
Pagsulat na inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng
ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at
masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga etika sa akademikong sulatin. Hahasain ka
sa pagsusulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan ng maayos na pagsunod
sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa


kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan ,
napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip .

Ang modyul na ito ay may aralin:

Aralin 1 : Etika sa Akademikong Sulatin

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:


1.Naisaalang-alang ang etika sa binubuong sulatin.CS_FA11/12EP-0p-r-40

Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa , pag-unawa at


pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin,
 Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap at katalinuhan .
 Manaliksik sa iba pang sanggunian sa aklatan at websites ukol sa aralin upang
maragdagan ang kaalaman .
 Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma
at tumpak na sagot..
 Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit .

i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang


lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan


ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba
pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan


ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .

SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay


PAGWAWASTO at mga Gawain

ii
Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya
1. Anong gawain na nakasaad sa Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at
obligasyon ng mga may-akda?
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
2. Ano ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin
ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa
mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao,
katapatan, at pagtitiwala.
a. Etika b. Pagpapahalaga c. Batayan d. Obligasyon
3. Ano ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,
lengguwahe, at pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na
magmukhang kaniya.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
4. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o
pahayag
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
5. Ano ang hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod
(summary) at hinalaw
(paraphrase)?
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
6. Kasama dito ang imbensiyon ng datos?
a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
7. Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang datos.
a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
8. Ito ang pagbago o modipikasyon ng datos
a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
9. Noong bata pa'y nakapagsulat na ng kuwentong binigyang pamagat na "The
Frost King".
a.Hellen Keller b. Margaret T. Canby c. Yusuf abu Hillah d. Sen. Tito Sotto
10. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at
interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

iii
Aralin Etika sa Akademikong Sulatin
1
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Unang Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1.Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin

Subukin

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG :Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa
paksa

________1. Ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-kanilang


mga kalooban... ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya ang kaniyang kaisipan sa
agos ng panlipunang kamalayan. De Castro (1998)
________2. Ito'y hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at
magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at
lipunan.

________3. Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap. Kailangan


ang kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kanyang
ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat.
________4. Pinangangatuwiranan nang naayon sa etika at pagpapahalagan ng komunidad
na tagabasa ang anomang ideyang gustong patunayan.

________5. Ito'y ang hindi basta-bastang pagsusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin
ang iba't-ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos, gayundin ang paraan ng
pagpapahayag ng katuwiran.

1
Balikan

Panuto: PAGSULAT:Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang


katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.
Isulat ang natutunan mo sa paggawa ng poisyong papel.

Tuklasin

Etika at Pagpapahalaga sa Akademya


Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating
sarili sa o pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin, tumutulong ito upang magkaroon ng
kaayusan at katahimikan sa isang lipunan.

Etika
Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter.”
Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino.
Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang “moral, moral
na karakter.”
Ginawa itong ethics sa Ingles at etikasa Filipino.
(www.merriamwebsterdictionary.com)
Ang etika para kay Chris Newton (www.ehow.com) ay tumutugon sa mahalagang tanong ng
moralidad, konsepto ng tama at mali, mabuti at masama, pagpapahalaga at pagbabalewala,
pagtanggap at di-pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito.
Ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao
bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga.
Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao,
katapatan, at pagtitiwala.
2
Pagpapahalaga
Mga istandard o batayan—mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya,
paaralan, at negosyo—na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.
Tumutulong ito upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon.
Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin o
emosyon ukol sa isang bagay na dinedesisyunan.

Etika vs Pagpapahalaga
Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademya
a. Copyright
Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No.
8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar,
tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa
ng mga ito. Mahalagang malinawan ang mga karapatan at obligasyong ito upang maiwasan
ang anumang di- pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at pagbubuod, lalo na sa mga
layuning akademiko.
Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba
pang impormasyon.
b. Plagiarism
Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at
pahayag” ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya.
Ayon kay Diana Hacker (www.newworldencyclopedia.com), tatlong paglabag ang
maituturing na plagiarism: 1) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan
ng ideya; 2) hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag; at 3) hindi
ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw
(paraphrase).
c. Paghuhuwad ng Datos
1) Imbensiyon ng datos
Sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga pag-aaral ng kaso, maaaring
maengkuwentro ang ganitong problema. Malinaw na sinadyang pandaraya ito at malaki ang
kabayaran dito paris ng pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon nang ilang semester o
taon.
2) Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos
3) Pagbabago o modipikasyon ng datos
d. Pagbili ng mga Papel o Pananaliksik
Pagbili sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan
upang ipasa sa guro.
Hindi lamang ito di-etikal kundi ilegal na gawain.
e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at
angkinin bilang sariling papel na isusumite sa guro.

3
f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at
iba pa. Malinaw na pandaraya ito. Kaugnay nito, ang gumagawa at nagpapabayad para
gawin ang mga ito ay sangkot din sa pandaraya.

Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademya


a. Kababaang-loob
Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos. Magagawa ito
sa pamamagitan ng pagtukoy kung kanino galing ang ginamit na ideya o datos.
b. Lakas ng loob
Harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatuwiranan ito.
c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba
Maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga salita upang maiwasan ang
insulto at pananakit ng damdamin. Tinutukoy ng mga salitang ito ang mga may kaugnayan
sa kasarian, kalusugan o pisikal na kaanyuan, laki, bigat, taas, grupong kinabibilangan,
kalagayan ng pag-iisip.
d. Integridad
Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at
interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
e. Pagsisikhay
Hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba’t ibang pamamaraan
upang makakuha ng mga datos sa legal at matapat na paraan.
f. Paniniwala sa katuwiran
Pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa
ang anumang ideyang gustong patunayan.
g. Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin
May matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya, at mga gawain.
h. Kamalayang mapanuri
Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap (tagapagpagalaw at actor).
Kailangan ang kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng
kaniyang ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat.
i. Pag-aatubili
Hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat
upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan.
j. Hiya
Ayon kay Dr. De Castro (1998), ang “hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang
mapagtugma ang kani-kanilang mga kalooban … ang gabay ng indibidwal upang maiangkop
niya ang kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan.”

4
Suriin

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasa at napag-aralang


katuturan,layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng
wastong paggamit ng wika.

1. Ano ang Etika ng Akademikong Sulatin?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________.
2. Ipaliwanag ang copyright.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________.

5
Pagyamanin
Panuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga halimbawa ng
akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at kaalaman ukol
dito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa loob ng kahon sa bawat bilang.

1.
Integridad

2.

Pag-aatubili

3.

Pagsisikhay

4.

Switzerland

5.

Plagiarism

A. Ang bansang nagkataong/hindi sinasadyang makapareho ng slogan sa


Pilipinas. Namatay ang isyu at sinuportahan naman ng kanilang ambassador
ang Pilipinas.
B. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit,
at interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng
katuwiran.
C. Ito'y hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik
at magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang
angkop sa kultura at lipunan.
D. Ito'y ang hindi basta-bastang pagsusuko sa gitna ng mga pagsubok.
Gagamitin ang iba't-ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos,
gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
6
E. Ito ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,
lengguwahe, at pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na
magmukhang kaniya.
F. Ito ay ang hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng
ideya.
G. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o
pahayag.
H. Ito'y kinikilalang _____, kapag
hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod
(summary) at hinalaw (paraphrase).
.

7
Tayahin
Panuto:PAGPAPATUNAY SA KASAGUTAN: Sagutin ng TAMA o MALI
ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat. Sa nakalaang linya ay
magbigay ng malikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot.

1. Anong gawain na nakasaad sa Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon
ng mga may-akda?
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

2. Ano ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang
kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng
alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.
a. Etika b. Pagpapahalaga c. Batayan d. Obligasyon

3. Ano ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at


pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

4. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

5. Ano ang hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary)
at hinalaw (paraphrase)?
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

6. Kasama dito ang imbensiyon ng datos?


a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga

7. Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang datos.


a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga

8. Ito ang pagbago o modipikasyon ng datos


a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga

9. Noong bata pa'y nakapagsulat na ng kuwentong binigyang pamagat na "The Frost King".
a.Hellen Keller b. Margaret T. Canby c. Yusuf abu Hillah d. Sen. Tito Sotto

10. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at


interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

8
Susi sa Pagwawasto

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like