You are on page 1of 22

HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

MGA AKADEMIKONG SULATIN


LAYUNIN:
Nakapagsasagawa ng panimulang
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
gamit, at katangian ng iba’t- ibang anyo ng
sulating akademiko
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

ARALIN 3 – MGA AKADEMIKONG SULATIN

Ating Alamin:
Mayroong iba’t ibang uri ng akademikong sulatin:
• Abstrak Sintesis/buod
• Katitikan ng Pulong Pictorial Essay
• Bionote Posisyong Papel
• Talumpati Replektibong Sanaysay
• Agenda Lakbay sanaysay
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

ABSTRAK
-mula sa salitang latin abstracum na ang ibig sabihin ay “maikling
buod ng artikulo” o maikling ulat na inilalagay bago ang introduksyon ng
isang saliksik o ulat.
-isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng thesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur
at mga report.
- Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik at pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
- naglalaman ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

- Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan


ng pananaliksik at pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
- naglalaman ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat
- Bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang
mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko, tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at
konklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi
ng sulatin o ulat (Philip Koopman 1997)
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

• KAILAN ITO ISINUSULAT?


Akademikong papel na huling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng propesor, o eksaminer ng panel upang malaman ang
pangkalahatang ideya ng pananaliksik. Kaya naman napakahalagang
maging maingat sa pagsulat nito. Isinusulat ang abstrak na may
pandiwang nasa aspetong pangnagdaan o past tense. Maiksi lamang ito
at may limitadong bilang ng mga salita
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

DALAWANG URI NG ABSTRAK


A. Deskriptibo – binubuo ng isang daan o kulang sa isang daang
mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang
mababasa sa uri na ito ng abstrak.
Nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing paksa at layunin
Taglay lamang nito ang: kaligiran ng pag-aaral, layunin, at pokus o
paksa ng pag-aaral
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

B. Impormatibo –
-Nagbiubigay ng pangunahing impormasyon, kadalasang
ginagamit sa larangan ng siyensya, engineering, sikolohiya
-may 200 salita lamang
-Nagtataglay ng Kaligiran, layunin ng pag-aaral,
metodolohiya, kinalabasan at kongklusyon ng pananaliksik.
-Detalyado at malinaw ang pagkakasulat
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

GABAY SA PAGSULAT
a. Maging maingat sa pagbabasa ng abstrak sapagkat ito ay bunga ng
masinop na pag-aaral. Tukuyin dito ang layunin, metodolohiya,
sakop, kinalabasan, kongklusyon at rekomendasyon
b. Itala ang nilalaman ng bawat bahagi ng abstrak sa isang bukod na
papel bilang burador. Iparapreys ang mga salita at huwag kopyahin
ang orihinal na teksto. Gumamit ng sariling salita subalit hindi
naiiba ang diwa mula sa orihinal na teksto
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

c. Muling balikan ang mga naunang talata upang masuri at maiwasto


ang maaaring maging kahinaan o kakulangan sa wastong
pagkakahanay at daloy ng ideya. Pagisipan ang mahahalaga at di
gaanong kailangang datos. Magtanggal kung kinakailangan.*
d. Huwag kalilimutang basahing muli, bilang pinal na pagtingin ang
binuong abstrak. Kuhanin ang buong pangalan ng mananaliksik,
pamagat ng saliksik at maging ang tagapayo.
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

Tanong:
1. Ano ang maitutulong ng pagsunod sa gabay bilang hakbang sa
pagbuo ng isang sulating abstrak?
2. Sa iyong palagay, bakit kailangang iparapreys ang mga orihinal na
pangungusap na hinango mula sa ibang teksto?
3. Muling isa-isahin ang mga hakbang sa pagsulat ng isang abstrak na
gamita ang sariling pananalita batay sa mga sujmusunod na susing
salita:
a. Maingat b. Pagtatala c. Balikan d. basahing muli
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

PANUTO
Basahin at unawain ang halimbawa ng isang abstrak. Suriin ayon sa
ibinigay na tanong:
Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mabatid kung ano ang mga


pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na aspekto: emosyonal,
espirituwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

Ang sinabing pananaliksik ay sumailalim sa quantitative method at


ginamitan ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience” Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpu’t limang (35)batang ina na may
edad na labindalawa hanggang labingwalo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang
mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling
pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag grinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na
salik kapag igrinupo sa estadong
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at


mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag
igrinupo sa estadong
marital. Iminumungkahing magkaroon ng pagtulong sa iba-ibang aspekto
sa mga batang ina lalo na at sila ay nasa murang edad. )Averion, Eric at
Garcia, 2015)
Luntian: Rasyunal
Asul: Metodolohiya
Itim: Saklaw at Delimitasyon
Pula: Resulta ng Pananaliksik
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

BAHAGI NG ABSTRAK NILALAMAN

Layunin Nais matukoy ng pananaliksik na ito ang maaaring


mararansasn ng isang ina na nasa murang edad kung paano
naaapektuhan ang kanyang emosyonal, ispirituwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal na aspekto

Metodolohiya Gumamit ng quantitative method at non-random


convenient sampling
Sakop Ang bilang nf mfa respondente ay tatlumpu’t lingang (35)
batang ina na may edad na labindalawa hanggang
labingwalo na naninirahan sa Sta Rosa Alaminos, Laguna
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

Resulta ng pag-aaral Kapag ang datos ay pinangkat ayon sa edad, sa anim


na salik at identidad at kung tumigil man o
ipinagpatuloy ang pag-aaral, wal itong pagkakaiba sa
mean score. Nagkaroon lamang ng pagkakaiba sa
mean score sa mga salik na emosyonal at sosyal kapag
pinangkat ayon sa estadong marital.
Magkaroon ng rekomendasyon sa pagtulong sa iba’t ibang
aspekto sa mgfa batang ina lalo na at sila sa nasa murang
edad pa lamang

Rekomendasyon Iminumungkahi na mabigyan ng tulong ang iba pang


aspekto ng mga batang ina lao’t higit sila ay wala pang
sapat na kakayahan dahil sa kanilang edad.
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

Mga Tanong:
1. Muling balikan ang halimbawang abstrak na iyong binasa, angkop ba ang nilalaman
nito sa tinalakay na uri at katangian ng abtrak ba sulatin?

2. Ano ang napansin mo sa nilalaman nb bawat bahagi ng abstrak? Tahasan bang sinipi
ang nakasulat sa orihinal na abstrak? Ipaliwanag.

3. Isa-isahing muli ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak gamit ang iyong sariling
pananalita
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

KARAGDAGANG GAWAIN:
Panuto: Tunghayan ang isang ginulong abstrak. Muli itong isaayos
ayon sa tamang hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin. Isulat ito
gamit ang sariling pananalita. Matapos mabuo ang abstrak, sagutin ang
ilang inihandang tanong.
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

Kaasalang Sekswalidad at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga lalabintaunin


Roberto E. Javier Jr.
• Isang deskriptibong pag-aaral ito na naglalahad ng nalalaman ng mga lalabintaunin tungkol sa
sexually transmitted infection o STI particular ang HIV/AIDS kaugnay ng panahon ng pag-unlad
sa aspektong pansarili, pang-sekswalidad at pansosyal
• Nabatid na nasa may 243 mga binata, binatilyo, dalaga, dalagita at dalaginding ang nananatiling
takot sa mga sakit kaugnay ng sekswalidad lalo na ang HIV/AIDS; kabilang din ang mga sakit
gaya ng tuberculosis o cancer, gayundin iyong may kinalaman sa aspektongsosyal, halimbawa’y
bunga ng pandidiri, pag iwas ng iba sa kanila. Marami ang salat sa kaalaman tungkol sa banta ng
pagkalat at pagpigil ng HIV/AIDS.
• Kahit pa nga marami na ang nalalaman tungkol sa AIDS/HIV laganap pa din ang maling kabatiran
tungkol dito.
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

• Pinatitibayan ng mga literaturang naipon ang nananatiling feminized at


stigmatized na pananaw ng mga lalabintaunin lalo na ang mga lalaki sa
HIV/AIDS at ang mga nakakabagabag na kanilang pag-uugali kaugnay ng
kanilang sekswalidad na maaaring maglagay sa kanila sa tiyak na kapahamakan
ng pagkakahawa at pagkalat nito.
• Ginamitan ng pagtatanong-tanong ang pananaliksik na ito sa paghahagilap ng
datos sa larangan, at sinuri ang mga sagot sa kwalitatibong pamamaraan. Sa mga
umpukan isang panahon ng tag-araw, tinanong-tanong ang kabataan sa mga
lungsod sa kamaynilaan at piling nayon sa lalawigan tungkol sa kanilang
libangan, ligawan at lambingan (Javier, 2011)
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

• Panuto:
1. Nasagot ba ng binasa mong abstrak ang iba’t ibang hakbang sa
pagbuo ng ganitong sulatin? Patunayan
2. Ano ang mga ipinamalas na katangian ng binasang teksto upang ito
ay mauri sa isang akademikong sulatin
3. Bakit mauri ito sa impormatibong abstrak? Patunayan.
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

• Suriin ang kahulugan, kalikasan, mga katangian, layunin, gamit, anyo ((porma) ng abstrak. Isulat ito sa tsart

ABSTRAK
KAHULUGAN
KALIKASAN

KATANGIAN

LAYUNIN

GAMIT

ANYO/PORMA
HOME OF SCHOLARS, WHERE EXCELLENCE IS A WAY OF LIFE

GAWAIN (January 11, 2021)


Mula sa iyong nagging sariling pananaliksik noong nagdaang taong
panuruan, isulat ang ang nabuo mong abstrak batay sa mga natutunan
mo sa talakayan. Bigyang pansin ang mga gabay sa pagsulat nito.

Rubriks sa pagmamarka
Organisayon – 10 pts
Nilalaman – 15 pts
Pamimili ng salita – 15 pts
Kombensyon (walang maling baybay,o bantas ) 10 pts

You might also like