You are on page 1of 21

TSAPTER 5

▪BUOD
▪KONKLUSYON
▪REKOMENDASYON
▪ABSTRAK
BUOD
▪ Isang pagpapanibagong-diwa ng akda sa iba.
▪ Ito ay paglalahat ng mga kaisipan at natutuhang
impormasyong nakuha sa akdang binasa.
▪ Ang epektibong pagbubuod ay pagtatalata ng
pangunahing ideya at pansuportang detalye sa
pagtatanggal ng ibang mga hindi kahalagaang detalye.
▪ Sa pangkalahatan, mas maikli ito ng 50% sa orihinal na
teksto subalit hindi bumaba ng 10% sa orihinal na
teksto.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD

1. Basahing mabuti ang buod akda upang maunawaan


ang buong diwa nito.
2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng
pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata.
3. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
4. Gumagamit ng sariling pananalita.
5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na
akda.
KONKLUSYON
▪ Ang pagbuo ng konklusyon ay isang paraan ng
pangangatwirang ibinatay sa resulta ng pamamasid ng
mga tiyak na pangyayari o kaisipan.
▪ Ang katumpakan ng konklusyon ay depende sa
kaangkupan ng mga ebidensyang sumusuporta nito.
 Lahat ng konklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga
datos at impormasyong nakalap.
 Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga
katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral.
Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang
mga katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga
kasagutan sa konklusyon.
 Dapat matukoy sa konklusyon ang mga paktuwal na
napag alaman sa inkwiri.
 Huwag bumuo ng konklusyon batay sa mga implayd o
indirektang epekto ng mga datos o impormasyong
nakalap.
 Gawing maiikli at tuwiran ang mga konklusyon, ngunit
tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang
impormasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng
mga tiyak o ispesipikong tanong sa Layunin ng Pag-
aaral.
 Maging tiyak paglalahad ng mga konklusyon. Hindi
dapat ipahiwati ng mga mananaliksik na sila’y may
pagdududa o alinlangan sa validity at reliability ng
kanilang pananaliksik.
HALIMBAWA:
Ang pagkakaroon ng impeksyon na HIV ay hindi
nangangahulugang may AIDS na. Ang AIDS ay ang
huling lebel at siyang pinakamataas sa ngayon sa
ganitong uri ng impeksyon. Maaring magkaroon ng HIV-
AIDS ang isang tao kapag nasalinan ito ng dugo na may
HIV, di ligtas na pakikipagtalik, at paggamit ng karayom
na nagamit na ng isang tao na may HIV. Maaaring
magsagawa ng isang testing ang isang taong naghihinala
na may HIV ito lalo na kung nilalagnat ito, namamaga
ang lalamunan at kasukasuan. Maaaring maagapan ang
HIV, mapabagal sa pagtuloy sa AIDS kung mabibigyan ng
tamang medikasyon sa lalong panahon.
REKOMENDASYON
▪ Isang solusyon upang malutas ang problema na
kinakaliangan ng pagpatunay o pagbibigay ng malalim
na pag-aaral.
▪ Rekomendasyon o pagrerekomenda ng isang solusyon
upang maresulba ang problema.
Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin
ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon.
Huwang magrekomenda ng mga solusyon sa ano
mang suliraning hindi naman natuklasan sa
imbestigasyon.
Bagama’t ang mga rekomendasyon maaring maging
ideya, kailangang ang bawat isa’y maging praktikal,
naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at
makatarungan.
Dapat maging balid at lohikal ang bawat
rekomendasyon.
Dapat ipagtungkol ang bawat rekomendasyon sa
indibidwal, pangkat tanggapan o institusyong nasa
posisyong magpatupad ng bawat isa.
Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan,
kailangang irekomenda ang pagpapanatili,
pagpapatuloy at/o pagpapabuti nga mga iyon at/o mga
hakbang o paraan kaugnay niyon.
Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang
pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-
aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokaliti,
at populasyon upang ma-verify, ma-amplify o
mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
HALIMBAWA:
Iminumungkahi ng mananaliksi ang mga sumusunod:
a. Pagpapaliwanag ng kampanyang pamahalaan lebel
ng barangay at paaralan kontra HIV-AIDS,
b. Malawakang information drive na kasangkutan ng
lahat ng Sektor ng lipunan hinggil sa sakit na ito,
c. Pagsagawa nga mga pananaliksik tungo sa
pagdiskubre ng lunas ng sakit na ito, at
d. Paggawa nga mga pag-iingat at iba pang
pamamaraan upang makaiwas sa sakit na ito.
ABSTRAK
▪ Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na
inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na
bersiyon ng mismong papel.
BAHAGI O NILALAMAN NG
ISANG ABSTRAK
▪ KAGILIRAN AT SULIRANIN
– Tinatalakay kung kalian, paano at saan nagmula ang
suliranin.

▪ LAYUNIN
– Dahilan ng pagsasagawa ng pag-aaral at kung
paano makakatulong ang pag-aaral sa paglutas ng
suliranin.
▪ POKUS
– Ibinabahagi dito ang paksang binibigyang diin o
emphasis sa pananaliksik.

▪ METODOLOHIYA
– Maikling paliwanag ukol sa paraan o estratehiyang
ginagamit sa pagsulat ng pananaliksik.
▪ KINALABASAN AT KONKLUSYON
– Tiyak na datos na nakalap sa pananaliksik.
– Kwantiteytib o Kwaliteytib.
– Matagumpay o hindi.
URI NG ABSTRAK

Deskriptibong Abstrak
– Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing
ideya ng papel.
– Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at saklaw ng
papel.
– Sanaysay, editorial, libro
– 50 to 100 na salita.
Impormatibong Abstrak
– Ipinahahayag sa mga mambabasa ang
mahahalagang ideya ng papel.
– Kadalasan ginagamit sa siyensya, engineering,
sikolohiya
– Binubuod dito ang konklusyon, layunin,
metodolohiya, resulta.
– 200 na salita lamang.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA
ABSTRAK
1. Binubuo ng 200-250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
3. Walang impormasyonh hindi nabanggit sa papel.
4. Nauunawaan ng target na mambabasa.

You might also like