You are on page 1of 5

IKALAWANG PANGKAT SA PAGPAG, IKA-APAT NA

MGA NILALAMAN

1. Kabutihang Dulot O, Kahalagahan Ng Pananaliksik


2. Direktang Pagsisipi
3. Nilalaman Ng Kabanata V Sa Pananaliksik
4. Random Sampling: Simple Random, Stratified Random, Cluster Random

Kabutihang Dulot O, Kahalagahan Ng Pananaliksik

● NAGDARAGDAGAN ANG KAALAMAN


Una ay ang nadaragdagan ang kaalaman ito ay naglalayong palalimin at palawakin ang
kaisipan sa mga partikular na paksa na maaaring isaliksik. Biinibigyan din nito ng
oportunidad ang mananaliksik na tumuklas ng mga bagong kaalaman na siyang
magiging tulay upang makabuo ng isang pag-aaral, katulad na lamang ng epekto ng
temperatura sa pag-aaral ng mga estudyante na napapanahon sa kasalukuyan. At
maiuugnay ito sa gamit ng pananaliksik na maaaring makatuklas ang isang
mananaliksik ng bagong kaalaman o interpretasyon sa mga nakalipas na pag-aaral at
mas lalo pa itong palawakin.

● LUMALALIM AT UMUUNLAD ANG KAMALAYAN SA PALIGID

Isa rin sa kabutihang dulot ng pananaliksik ay ang paglalim at pag unlad ng ating
kamalayan sa ating paligid. Sapagkat, sa pananaliksik ay nakakapagbasa tayo ng
bagong kaalaman kung saan ito'y nagbibigay sa atin ng kamalayan sa kung ano ang
mga nangyayari sa ating mga paligid at unti-unti rin nitong binabago ang ating kaisipan.

● NALALAMAN ANG IBANG BAGAY NA HINDI PA ALAM AT NAIBABAHAGI


SA KAPWA

Ang pananaliksik ng mga bagay ay mas nakakapagpalawak ng ating mga nalalaman,


dahil ito mas marami rin tayong natutuklasan na mga bagay na hindi pa natin alam
patungkol doon at dahil dito mas lumalalim ang ating pagkakaintindi. Ang pananaliksik
ng kaalaman ay nagbibigay rin saatin ng kakayahan na magbahagi sa ibang tao tungkol
dito.

● NALILINANG ANG KAKAYAHANG MAKAHANAP NG SOLUSYON


Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagsasaliksik ng mga kaalaman o bagay na hindi pa
natin alam o gaanong naiintindihan ay dahil gusto nating makahanap ng solusyon o
kasagutan para sa mga ito. Dahil rin sa pagsagot sa mga tanong natin sa tulong ng
pananaliksik mas lumalawak at napapalalim nito ang ating kaalaman.

● NAKAKATULONG SA PAG UNLAD NG IBA’T IBANG LARANGAN NG


ESPECIALIDAD

Nakakatulong ang pananaliksik sa pag unlad ng ibat ibang larangan ng espesyalidad


dahil sa pananaliksik tayo ay nag iimbestiga at inaaral natin ang mga bagay bagay gaya
na lamang kung nais mong malaman ang larangan ng panitikan o kaya naman ng
medisina o agrikultura dahil sa pananaliksik ay marami tayong nalalaman at nasasagot
ang mga tanong sa ating mga isipan.

● NALILINANG ANG TIWALA SA SARILI


Paliwanag: Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay nakakatulong sa atin upang mas
tumaas pa ang ating kumpyansa o tiwala sa ating mga sarili kung maayos at
matagumpay na naisasagawa ang alinmang pag aaral na isinasagawa.

● NAKAKATULONG SA PAGUNLAD NG IBAT IBANG LARANGAN NG


ESPESYALIDAD

Nakakatulong ang pananaliksik sa pag unlad ng ibat ibang larangan ng espesyalidad


dahil sa pananaliksik tayo ay nagiimbestiga at inaaral natin ang mga bagay bagay gaya
na lamang kung nais mong malaman ang larangan ng panitikan o kaya naman ay
medisina o agrikultura dahil sa pananaliksik ay marami tayong nalalaman at nasasagot
ang mga tanong sa ating isipan.

      ●    NAGPAPAYAMAN NG KAISIPAN

Paliwanag: Pinagyayaman o mapapalawak nito ang kaisipan ng isang mananaliksik


dahil sa walang tigil na pagbasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad ng interpretasyon.
Mapapaunlad rin nito na sa proseso ng pananaliksik ang kritikal at analitikal na pagiisip
ay magreresulta sa pagiging matatag sa buhay. Dahil sa mga kaalaman na natutunan,
nahahasa nito at naiipon ang mga ideya at pananaw na mula sa iba't ibang manunulat.

DIREKTANG PAGSISIPI
Ano ang Kahulugan ng sipi?
● Ginamit ang direktang sipi kapag nais bigyang-diin sa sulating pananaliksik ang
ideya at pagkakapahayag ng manunulat. Bukod dito, nais ng mananaliksik o
mag-aaral na mapanatili ang kaisipang kailangan niya sa isinasagawang
pag-aaral.
● May ilang pahayag na magagamit sa pagkuha ng direktang sipi gaya ng
sang-ayon kay, batay kay, sinabi ni,ipinaliwanag ni, ayon kayat iba pa.
● Nailalagyan ng panipi (“”) ang tuwirang ipinahayag ng isang tao.

Mga Halimbawa
● Sang-ayon kay R. Recto, “Makikita rin sa lehislatibong sangay ng pamahalaan
ang kahalagahan ng wikang pambansa. Lahat ng mamamayan ay nakapaloob at
dapat sumunod sa sistema ng batas ng Pilipinas.”
● Ayon kay Edmunds (2004), "it explains the action of drugs in the body, or what
the body does to the drug."

Bakit natin kailangan sipiin ang pinagmulan?


● Kailangan natin sipiin ang pinagmulan ng isang teksto upang magkaroon ng
kredibilidad ng isinasagawang research paper sapagkat nagtatala ito ng mga
makatotohanang pahayag na angkop para sa paksang napili. At mabibigyan ng
kredito ang may-akda ng mismong tekstong pinagkuhanan na makatutulong
upang maiwasan ang plagyarismo. Maaari din itong maging gabay upang mas
maintindihan ng mga mambabasa ang teksto.

Ito ay ginagamit ng mananaliksik kapag nais niyang:

● Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang


argument
● Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor
● Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o
sipi
● Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista

Nagsisilbi ang pagsipi bilang isang tool sa pagsusuri sa katotohanan:

● Kapag nagsusulat ng nilalaman ng anumang uri, mahalaga ang kawastuhan.


Mas mahalaga din ito kapag nag-sipi ka ng mga katotohanan at numero. Kapag
binasa ng iyong mga mambabasa ang nilalaman, kung mayroon itong tamang
pagsipi, maaari nilang tingnan ang mga sanggunian na nabanggit mo, at
nagsisilbing isang tumpak na pagsusuri para sa iyong pagsulat.
Ang pagbanggit ay nagbibigay ng katotohanan sa iyong trabaho:

● Kapag tumpak mong binanggit ang mga mapagkukunan sinasabi nito sa mga
mambabasa na nagawa mo na ang iyong pagsasaliksik. Ito ay nagbibigay
konteksto sa iyong pagsulat at nagbibigay kredibilidad sa mga paghabol na iyong
ginawa sa teksto. Dahil din sa pagsipi ay mas nagiging madali ang proseso ng
pag verify ng mga impormasyon na iyong inilagay.

BAHAGI AT NILALAMAN NG PANANALIKSIK SA KABANATA V

● Lagom o Buod
Pagpapaikli at pagsasama-sama ng mga mahahalagang impormasyon at datos
na nakalap sa pag-aaral.
● Konklusyon
Ipinapabatid sa mga mambabasa kung ano ang dapat gawin sa nakuhang
impormasyon. Tungkulin ng konklusyon na maglaan ng basehan para sa
pagkilos o pagdedesisyon.
● Recommendation
Inilalahad sa bahaging ito ang mga importanteng impormasyon na maaaring
makatulong para sa mga mananaliksik sa hinaharap.

RANDOM SAMPLING: SIMPLE RANDOM, STRATIFIED RANDOM, CLUSTER


RANDOM

SIMPLE RANDOM SAMPLING


- Ito ay isang uri ng probabilidad na sampling kung saan ang mga mananaliksik ay
gumagamit o pumipili ng mga sample sa pamamagitan ng random na pagpili.
- Lahat ng mga kalahok (participants) sa isang pananaliksik ay mayroong pantay
pantay na pagkakataon/tyansa para mapili.

- Ang simpleng random na sampling ay ang pinaka basic at karaniwang uri


ng sampling na paraan na ginagamit sa dami ng pananaliksik sa agham
panlipunan at sa agham na pananaliksik sa pangkalahatan.

-  Ang pangunahing pakinabang ng simpleng random na sample ay ang bawat


kasapi ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na mapili para sa
pag-aaral. Nangangahulugan ito na tinitiyak nito na ang sample na pinili ay
kinatawan ng populasyon at ang sample ay pinili sa isang walang pinapanigang
paraan.

STRATIFIED RANDOM SAMPLING


- Ito ay isang pamamaraan ng sampling na kung saan ang populasyon ay
nahahati sa hiwalay na units na tinatawag na strata batay sa kanilang
magkakatulad na mga katangian.

- Explanasyon: Ang isang stratified sample ay isa na nagsisiguro na ang mga


subgroup (strata) ng isang partikular na populasyon ay sapat na kinakatawan sa
loob ng buong sample na populasyon ng isang pananaliksik na pag-aaral.
Halimbawa, maaaring hatiin ng isa ang isang sample ng mga nasa hustong
gulang sa mga subgroup ayon sa edad, tulad ng 18–29, 30–39, 40–49, 50–59, at
60 pataas. Upang pagsama-samahin ang sample na ito, random na pipili ang
mananaliksik ng proporsyonal na dami ng mga tao mula sa bawat pangkat ng
edad. Ito ay isang epektibong pamamaraan ng sampling para sa pag-aaral kung
paano maaaring mag-iba ang isang trend o isyu sa mga subgroup

CLUSTER RANDOM SAMPLING


- Ang cluster random sampling ay isang proseso nang pagsasama-sama ng mga
indibidwal na may iba't ibang katangian upang mahati-hati at makabuo ng mga
grupo base sa kanilang katangian. Ang bawat grupo ay may pantay-pantay na
tyansa upang mapili at maging sample ng isang partikular na pag-aaral.

- Ang ilan sa halimbawa nito ay paaralan, silid-aralan, at kapitbahayan.

You might also like