You are on page 1of 16

ARALIN 11

Mga Bahagi ng Pananaliksik


LAYUNIN NG PANANALIKSIK

1. Makadiskubre ng bagong kaalaman.


2. Maging solusyon sa suliranin.
3. Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
4. Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

 Nagpapayaman ng kaisipan, Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa


walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng
interpretasyon.
 Lumalawak ang karanasan napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa
mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng
mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literature.
 Nalilinang ang tiwala sa sarili, tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at
matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.
 Nadaragdagan ang kaalaman, ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman
kaninuman. Dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng
pananaliksik.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

 PRELIMINARING PAHINA/PAMANAHONG PAPEL


-isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa
kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang
kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din
itong term paper.
 FLY LEAF
-ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa
madaling salita blangkong papel ito.
 PAHINA NG PAMAGAT
-ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino
iniharap o ipInasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at
komplesyon.
 DAHON NG PAGPAPATIBAY
-inutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y
nararapat na pasalamatan.
 TALAAN NG NILALAMAN
-nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala
ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
 TALAAN NG MGA TALAHANAYAN, GRAF
-nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel
at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

 IKALAWANG FLY LEAF


-isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
 ANG MGA PRELIMINARING PAPEL AY DI NILALAGYAN NG BILANG; KUNG
MINSAN, MATATAGPUAN DIN ANG PAHINA NG PAGAALAY NA MAAARING
OPSYONAL. KANINO INIAALAY O INIHAHANDOG NG MANANALIKSIK ANG
PAPEL, ITO ANG NAKASULAT SA PAHINANG ITO NA MAIKLI LAMANG
NGUNI’T TUMUTUKOY SA KANYANG MGA INSPIRASYON SA PAGSULAT.
TUNGKULIN AT REPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.


2. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.
3. Bigyang kahulugan ang suliraninng pananaliksik.
4. Pumili ng mahahalagang datos/ impormasyon.
5. Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa suliranin ng
pananaliksik.
6. Kakayahang lumikha ng makabuluhang kongklusyon, palagay o hinuha.
7. Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na pamamaraan.
STRATEHIYA NG PANANALIKSIK

1. Pasundang pag - aaral (follow - up studies) -isinasagawa ito upang subukan ang
resulta ng inyerbensyon para sa ebalwasyon ng tagumpay ng isang programa.
2. Pag - aaral na Kalakaran (trend studies) -inilalarawan ang bilis at direksyon ng mga
pagbabago upang mahulaan ang mga sitwasyon.
3. Pangkasaysayang pananaliksik (historical research) -pangunahing layunin nito ang
pagbuo ng nakaraan upang subukan ang isang hipotesis kaugnay nito.
4. Pagpapaunlad ng pag - aaral (developmental studies) -inilalarawan dito ang anyo
ng pagunlad o pagbabago sa takbo ng panahon.
5. Sarbey (survey) -isa itong malapitang pagsusuri ng phenomenon Na karaniwang
batay sa instrumentong pampananaliksik na talatanungan.
6. Pangkalagayang pag - aaral (case study) -layunin nitong magbigay ng mahigpit
ng paglalarawan ng partikular na yunit ng lipunan.

7. Panlabas na Pag - aaral (field study) -inilalarawan dito ang isang phenomenon
sa kanyang natural na kapaligiran kung saan ito nagaganap.
PROSESO SA PAGASASAGAWA NG SULATING PANANALIKSIK

1. PAMIMILI AT PAGPAPAUNLAD NG PAKSA.


-Kinawiwilihan, kapaki-pakinabang ang paksa, at napapanahon.
-Magkaroon ng sapat na sangguniang pagbabasihan ng napiling paksa.
-Pumili ng paksang hindi magiging malawak at masaklaw.
-Pumili ng paksang maaring lagyan ng kongklusyon o pasya upang
makapagbigay ng kuro-kuro matapos suriin at maglatag ng ebidensya o
katibaya
2. PAGDIDISENYO.
-sa antas na ito, maari na ring iakda ang iba pang bahagi ng pananaliksik:
Teaorikal na Gabay at Konseptual na Balangkas, Sako[ at Delimetasyon ng Pag
aaral, at Daloy ng Pag aaral.
3. PANNGANGALAP NG DATOS
-Sa bahaging ito nangyayari ang produksyon ng bagong datus na pagbabatayan ng kakalabasan
ng pananaliksik kung kayat mahalagang maging masinop, matiyaga, at matapat ang pananaliksik.
-sa bahagingito rin isinasagawa ang pakikipagpanayam, surbey, obserbasyon, o pagsusuri ng
dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag aaral. Pagkatapos ay isasaayos at
ihahanda ang nkalap na mga datos para sa presentasyon at pagsusuri.
4. PAGSUSURI NG DATOS
-Sa bahaging ito ginagawa ang isa sa pinkamahalagang tungkulin ng mananaliksik, ang lumikha
ng bagong kaalaman sa pamamgitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datosna nakalap.
Tandaan na nakasalalay ang sistematikong presentasyon ng datos sa husay ng mapanuring
interpretasyon, kaya dapat kailangang pag isipang mabuti ng mananaliksik ang pinakamabisa at
angkop na presentasyon.
5. PAGBABAHAGI NG PANANALIKSIK
-Titiyakin ng mananaliksik sa bahaging ito ang mahahalagang nagung
konklusyon. Ito ay maaring sa pamamagitan ng paglathala ibat ibang
publikasyon gaya ng mga reffered journal (online o hindi), libro, at iba pang
pang uri ng lathalain. Maaari ding ibahagi ito sa mga pelnary o parallel sesseion
ng mga pambansa at pandaigdigang kumperensya batay sa halaga at husay ng
kinalasan ng pananaliksik.
Mga bahagi ng pananaliksik

Kabanata I. Ang Suliranin at Sanligan Nito


a. rasyonal at kaligiran ng pag aaral.
b. paglalahad ng suliranin
c. layunin at kahalagahan ng pag aaral
d. rebyu ng kaugnay na literatura
e. teoritikal na gabay at konsepttuwal na balalangkas.
f. sakop
PARAAN SA PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Magbasa ng maraming babasahin. Ang iyong paksa ay malawak sa dahilang wala kang gaanong
kaalaman dito. Kaya marahil ay kailangang magsarbey ka pa ng literatura. Halimbawa ang napili mong
paksa ay tungkol sa interes.
2. Bilang unang hakbang, -ibigay ang kahulugan sa ibat’ ibang sanggunian. -matutong magtala at sumulat
ng mga kahulugan sa kard. - magbasa ng aklat na isinulat ng mga banyaga, kumunsulta rin sa mga lokal na
awtor.
3. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng literatura. Ano ang sinasabi ng mga awtor tungkol sa interes?
4. Anong espesyal na aspekto ng interes ang iyong natipon?
-Maaari ka bang magbigay ng ilang baryabol?
-Ang seks ba ay may kaugnayan sa pagkakaiba ng interes?
-Ang mga grupo ba ng iba’t ibang antas ng lipunan ay may pagkakaiba rin ng interes?
5. Magbasa ng mga pag-aaral na ginawa tungkol sa interes. Anu- ano ang mga resulta
ng mga nasabing imbestigasyon? Anu-ano ang mga baryabol ang kanilang ginamit?
Ang lahat ng mga resulta ay dapat isulat sa kard o kapirasong papel, isang
mananaliksik sa bawat pahina. Nagkaroon ka na ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang
epekto ng interes, anong mga pagsisiyasat ang nagawa na at ano pa ang resulta nito?
6. Sa puntong ito madedelimitahan mo na ang malawak na suliranin. Maaaring
handa ka ng pumili ng iyong mga baryabol. Isa o dalawa lamang. Dahil sa ikaw ay
baguhan pa lamang.
7. Maaari mo nang ipahayag ang iyong mga suliranin. Pag-aralan ang iyong mga
baryabol na napili, gayon din ang mga kalahok na iyong gagamitin. Ipahayag ang
suliranin sa pormang patanong.

You might also like