You are on page 1of 10

Abstrak

Ang pagsulat ay isa sa mga mabisang pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon. Bahagi


na ito ng ating kultura at akademya. Ito ay ginagamitan ng iba’t-ibang lenggwahe
o wika, at pamamaraan o istilo ng isang manunulat.

Sa pagsulat hindi lamang utak, papel at lapis ang kailangan. Nangingibabaw pa rin ang laman ng
ating mga damdamin upang maiparating natin nang lubusan ang ating mga mensahe.
Sa pagsulat hindi lamang utak, papel at lapis ang kailangan. Nangingibabaw pa rin ang laman ng
ating mga damdamin upang maiparating natin nang lubusan ang ating mga mensahe.

Halimbawa ng Abstrak na Sulatin

Basahin ang isang halimbawa ng abstrak sa ibaba. Ito ay abstrak tungkol sa mga teknik
na ginagamit ng sangka-estudyantehan para makapag-aaal ng husto. Masdan kung
papaano nagbibigay ang abstrak ng isang maikling buod ng akademikong sulatin.

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na babaengestudyante,
nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at metolohiyang ginagamit ng mga mag-aaral
sa Pilipinas upang makapag-aral ng husto. Ang aming pagsasaliksik ay tumagal ng isang
buwan. Kami ay gumamit ng software gaya ng SPSS upang masuri at maintindihan ng maigi ang
mga datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na datos karamihan sa mga
estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang edukasyon ay hindi gumagamit ng teknik na
kung tawagin ay “rote learning”. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng kanya-kanyang
proseso upang makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.

Kahulugan
Maraming uri ang mga sulatin na ating nababasa, isa na rito ay ang abstrak na sulatin.
Ang abstark na sulatin ay kadalasang tinatawag na akademikong sulatin.

Kadalasan ito ay ginagawa ng mga mag-aaral bago sila matapos ng kanilang mga
asignatura. Thesis paper ang madalas na itawag dito. Mababasa sa mga thesis na ito
ang mga pag-aaral, pananaliksik at pagkakalap ng mga datus at mga tala na
kapakipakinabang para sa napiling diskusyon.

Abstrak na Sulatin Para sa Pananaliksik


Sa mga siyentipiko, ginagamit din ang abstrak na sulatin sa paglilimbag ng mga datus
na kanilang nakakalap mula sa kanilang mga pananaliksik.
Ginagamitan pa ito ng mga dokumentaryo para mas maipahiwatig ng mga siyentipiko
ang aral na gusto nilang ipaintindi sa napili nilang magbabasa o sa kumunidad na
kinabibilangan.
Sa mga sumusulat ng kanilang mga personal na journal, at mga , abstrak rin ang uri ng
sulatin na kanilang ginagamit.Ang mga personal na journalay gumagamit lamang ng
mga maiiksi ngunit may kompletong inpormasyon sa kanilang mga sulatin.

Samantalang ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga kompletong detalye at tala


para sa kabuuan ng kanilang mga pag-aaral.

Mga Elemento ng Abstrak


1. Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang pagkakaroon ng
elementong ito ay nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para ito ay mahikayat na
basahin ang gawa ng isang manunulat.
2. Mayroong malinaw katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat
ng abstrak. Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para magamit ng mga
mambabasa.
3. Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstark. Magkaroon ng
sariling istilo o pamamaraan ng panulat.
4. Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o
problema sa abstrak na sulatin ay magkaroon ng direktibang sagot u tugon para mapunan
ang kabuuan ng nasabing sulatin.
5. Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga aral na
balang araw ay magagamit ng bumasa ng akda ng isang manunulat.

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin


May dalawang uri ng abstrak na sulatin. Ito ay ang inpormatibong uri ng abstrak at ang
deskriptibo na uri ng abstrak. Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit
sa panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng isang
manunulat.

Deskriptibo man o inpormatibong abstrak, pareho itong nagtataglay ng mga


mahahalagang inpormasyon at pagbibigay halaga sa kung sino at kung saan nakuha
ang mga inpormasyon sa mga nalimbag na abstrak na sulatin.

Deskriptibong Abstrak
Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang
daan na mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa
sa uri ng abstrak na ito.
Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang
manunulat.

Impormatibong Abstrak
Marami sa mga abstrak na sulatin ay inpormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng
abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga
inpormasyon na makikita sa babasahing ito.

Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba
kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at
limampong salita o higit pa.

Karagdagang Kaalaman:
 Talumpati Tungkol Sa Pagtatapos
 Talumpati Tungkol Sa Korapsyon
 Lipunang Sibil

 Masasamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang


Pagsusuri.
 Sa pag-aaral na ito inilahad ang mga impormasyon tungkol sa polusyon
ng ingay bilang isang uri ng polusyon na nakapagduduloy ng panganib sa tao o
hayop. Ito ay maaaring magmula sa mga bahagi ng lipunan na may kapasidad
na gumawa ng malakas na ingay tulad ng tao, hayop, industriya at
transportasyon. Ang pananaliksk na ito ay isinagawa dahil ang polusyon ng
ingay ay kadalasang binabalewala bagamat may mga masamang epekto itong
idinudulot kung saan lingid ito sa kaalaman ng nakararami. Layunin nito na
mailahad ang masasamang epekto ng polusyon ng ingay sa mga tao at hayop.
Kabilang samga masasamang epekto nito sa tao ay ang sakit sa puso,
pagkabingi, problema sa pagtulog, kawalan ng konsentrasyon at ang kalusugan
ng bata sa sinapupunan. Kabilang naman sa masasamang epekto nito sa hayop
ang pagkasria ng pandinig ng mga ito, masking, non-auditory physiological
effect, at ang behavioral effect.Inilahad din sa pananaliksik na ito ang mga
hakbang na dapat gawin upang mabigyang-solusyon ang polusyon ng ingay. Sa
kasalukuyan, kakaunti palamang ang maaaring solusyon upang mabawasan ang
polusyong ito kagaya na lamang ng paglalagay ng insulator, pag-iwas sa
maiingay na lugar at pakikinig sa maiingay na tugtog.
 Pasague, Wilnadette R.
12- ABM 1
impormatibong abstrak
Ang layunin nito ay gawing posible para sa mga mambabasa na malaman agad kung
ang babasahin nila ay may kaugnayan sa pinapag-aralan nila.

deskriptibong abstrak

Abstrak
ito ay dapat nagbibigay-alam sa
mga mambabasa. Dapat sila gumawa ng malinaw na pananaliksik at magbigay ng
pangunahing impormasyon mula sa sa bawat sekson ng ulat.

Parte ng impormatib na abstrak


Ang mga ito ay karaniwang maikli,
isang pangungusap o dalawa.
Maari na lumitaw sa pahina ng
pamagat.
Ito ay nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing paksa at layunin, kasama na ang
pangkalahatang-ideya ng mga nilalaman.

FILIPINO SA PILING LARANG


HANAPIN

Halimbawa ng Abstrak
Marso 10, 2018

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga

pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,

relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at

ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng

mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima

(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.

Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng

anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at

kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral

at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa

estadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September

2015

Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik


KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-

apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-

aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga

sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at

ekstemporenyo.Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-

rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa

mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo.Ang

instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa

ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa

pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang

paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati

upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa

pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa

pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa

kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang

sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.


Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

ABSTRAK

Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay isang

nabuong kilusang naglalayon ng indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating

bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay

gumagamit ng mga konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng

mga espesialista mula sa kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa

at angkop ang siyentipikong pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay

galing sa katutubong karanasan ng komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na

matatamo ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao, sa

kanyang kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng kanyang lipunan. Binibigyang

kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang indihenisasyon sa kasalukuyang pagsisikap tungo sa

pambansang kaunlaran.
Green Highlight- Rasyunal

Blue Highlight- Metodolohiya

Gray Highlight- Resulta

Yellow Highlight- Konklusyon

Abstrak
Marso 10, 2018

ABSTRAK Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa

pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at

teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o

disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title

page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung


akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang

abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng

sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura,

metodolohiya, resulta at konklusyon.

Nilalaman nito: ·Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-

aaral ·Saklaw at Delimitasyon ·Resulta at Konklusyon

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak ·Lahat ng mga detalye o


kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin,

hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa

ginawang pag-aaral o sulatin. ·Iwasan ang statistical fi…

OP bilang 2:
Impormatibong Abs
trak
Sanhi sa paglalaro at pagsali sa Esports
Ang pag-aaral na into ay maaring tumulong sa bawat kabataan nalululong o naadik sa
paglalaro ng esports na maaring maging sanhi ng pagbaba ng grado nila. Importante
na alamin ang ganitong uri ng pananaliksik upang magkaroon tayo na sapat na
kaalaman sa mga bagay-bagay na posibleng makaapekto sa ating buhay. Habang
binabasa at iniintindi ko ito naunawan ko kung bakit kung bakit maraming magulang
ang ayaw isali ang kanilang mga anak upang mabigyan pansin ang kanilang pag-aaral
at dito magpokus ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Ang mga nakaengganyong pagsali sa mga esports ay isang dahilan kung bakit
estudyante at bumababa ang marka. Ang layunin ng pagsusuri na ito na bigyan
impormasyon ang mga kabataan tungkol sa maaring imaging epekto ninto sa kanila
kung ikaw ay sasali sa esports maaring ang oras mo at limitado, dahil imbis na umowi
o magpahinga ka pupunta ka pa sa mga kasamahan mo upang magpraktis ng inyong
napiling esports. Ang isa pa sanhi at adiksyon sa paglalaro ng esports na maaring
mawalanng oras upang mag-aral sa mga pagsusulit na darating. Pero importante din
naman na maglaro ang bawat estudyante ngunit kailangan Mas tounan natin ng pansin
ang ating pag-aaral, dahil ang mga lalaro o esports at nandyan lang ngunit ang pag-
aaral at nangangailangan ng sapat na antensyon at or as upang makamit ang tagumpay
natin.

Mahalagang malaman at maunawaan natin ang kahalagahan ng esports sa ating buhay


ngunit mas kailangan bigyan importansya ang ating pag-aaral upang makamit ang
ating tunay na kaligayahan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito
maraming kabataan ang maaring bigyang pansin lalo ang kanilang pag-aaral at
makakonbensi sila na mas bigyang oras ang kanilang pag-aaral sa kanilang mga
tahanan. Kaya hindi naman masamang maglaro ngunit mas pagtuunan natin ng pansin
ang ating pag-aaral, dahil ito ang tunay na kaligayahan, tagumpay, at tunay na
mahalaga sa ating buhay na maaring maging tulay natin sa tunay na kalayaan
kayaman sa mundong ito.

Tulao, Christine M.
12- ABM 1

You might also like