You are on page 1of 18

PAGSULAT NG

ABSTRAK
GROUP 1
ANO ANG ABSTRAK?
Ang abstrak ay boud ng
pananaliksik na
karaniwan ay isang talata
lamang at hindi hihigit sa
300 salita.
Karaniwang laman ng abstrak ang
mga sumusunod na elemento:
 Sitwasyon o penomenon na naging dahilan upang
maging interesado ang mga mananaliksik sa
paksa.
 Pangkalahatang layunin at kahalagahan ng
pananaliksik.
 Pangkalahatang perspektiba at/ o batayang
teoritikal o konseptuwal ng pananaliksik.
 Saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
 Pangunahing resulta (key result) at/o kongklusyon
at rekomendasyon ng pananaliksik.
HALIMBAWA
KARANASAN NG ISANG BATANG INA:
ISANG PANANALIKSIK
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at
mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa
anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim
sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga
respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad
na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa
antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o
ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba
sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences
Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
 Green Highlight: Rasyunal
 Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
 Violet Highlight- Saklaw at Delimitasyon
 Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik
DALAWANG URI NG ABSTRAK
 Deskriptibong Abstrak
 Impormatibong Abstrak
DESKRIPTIBONG ABSTRAK
 Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang
ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita.
Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang
mababasa sa uri ng abstrak na ito.
 Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang
na dapat na sundan ng isang manunulat.
HALIMBAWA
Masasamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng
Ingay: Isang Pagsusuri.

Sa pag-aaral na ito inilahad ang mga impormasyon


tungkol sa polusyon ng ingay bilang isang uri ng
polusyon na nakapagduduloy ng panganib sa tao o
hayop. Ito ay maaaring magmula sa mga bahagi ng
lipunan na may kapasidad na gumawa ng malakas na
ingay tulad ng tao, hayop, industriya at transportasyon.
Ang pananaliksk na ito ay isinagawa dahil ang
polusyon ng ingay ay kadalasang binabalewala
bagamat may mga masamang epekto itong idinudulot
kung saan lingid ito sa kaalaman ng nakararami.
Layunin nito na mailahad ang masasamang epekto ng
polusyon ng ingay sa mga tao at hayop.
Kabilang samga masasamang epekto nito sa tao ay ang
sakit sa puso, pagkabingi, problema sa pagtulog, kawalan
ng konsentrasyon at ang kalusugan ng bata sa
sinapupunan. Kabilang naman sa masasamang epekto
nito sa hayop ang pagkasria ng pandinig ng mga ito,
masking, non-auditory physiological effect, at ang
behavioral effect.Inilahad din sa pananaliksik na ito ang
mga hakbang na dapat gawin upang mabigyang-solusyon
ang polusyon ng ingay. Sa kasalukuyan, kakaunti
palamang ang maaaring solusyon upang mabawasan ang
polusyong ito kagaya na lamang ng paglalagay ng
insulator, pag-iwas sa maiingay na lugar at pakikinig sa
maiingay na tugtog.
Pasague, Wilnadette R.
12- ABM 1
IMPORMATIBONG ABSTRAK
 Marami sa mga abstrak na sulatin ay
inpormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento
ng abstrak na sulatin ay napaloob sa
impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang
mga inpormasyon na makikita sa babasahing
ito.
 Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa
mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara
sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at
binubuo ng halos dalawang daan at limampong
salita o higit pa.
HALIMBAWA
Sanhi sa paglalaro at pagsali sa
Esports
Ang pag-aaral na into ay maaring tumulong sa bawat
kabataan nalululong o naadik sa paglalaro ng esports
na maaring maging sanhi ng pagbaba ng grado nila.
Importante na alamin ang ganitong uri ng
pananaliksik upang magkaroon tayo na sapat na
kaalaman sa mga bagay-bagay na posibleng
makaapekto sa ating buhay. Habang binabasa at
iniintindi ko ito naunawan ko kung bakit kung bakit
maraming magulang ang ayaw isali ang kanilang mga
anak upang mabigyan pansin ang kanilang pag-aaral
at dito magpokus ang kanilang mga anak sa pag-aaral.
Ang mga nakaengganyong pagsali sa mga esports ay
isang dahilan kung bakit estudyante at bumababa ang
marka. Ang layunin ng pagsusuri na ito na bigyan
impormasyon ang mga kabataan tungkol sa maaring
imaging epekto ninto sa kanila kung ikaw ay sasali sa
esports maaring ang oras mo at limitado, dahil imbis na
umowi o magpahinga ka pupunta ka pa sa mga
kasamahan mo upang magpraktis ng inyong napiling
esports. Ang isa pa sanhi at adiksyon sa paglalaro ng
esports na maaring mawalanng oras upang mag-aral sa
mga pagsusulit na darating. Pero importante din naman na
maglaro ang bawat estudyante ngunit kailangan Mas
tounan natin ng pansin ang ating pag-aaral, dahil ang mga
lalaro o esports at nandyan lang ngunit ang pag-aaral at
nangangailangan ng sapat na antensyon at or as upang
Mahalagang malaman at maunawaan natin ang
kahalagahan ng esports sa ating buhay ngunit mas
kailangan bigyan importansya ang ating pag-aaral upang
makamit ang ating tunay na kaligayahan ng bawat isa. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito maraming kabataan ang
maaring bigyang pansin lalo ang kanilang pag-aaral at
makakonbensi sila na mas bigyang oras ang kanilang
pag-aaral sa kanilang mga tahanan. Kaya hindi naman
masamang maglaro ngunit mas pagtuunan natin ng
pansin ang ating pag-aaral, dahil ito ang tunay na
kaligayahan, tagumpay, at tunay na mahalaga sa ating
buhay na maaring maging tulay natin sa tunay na
kalayaan kayaman sa mundong ito.
Tulao, Christine M.
12- ABM 1
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG ABSTRAK
 Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay
rito ay dapat makikita sa kabuoan ng
papel
 Deskriptibo man o inpormatibong abstrak,
pareho itong nagtataglay ng mga
mahahalagang inpormasyon at pagbibigay
halaga sa kung sino at kung saan nakuha
ang mga inpormasyon sa mga nalimbag
na abstrak na sulatin.

You might also like