You are on page 1of 8

Sinaunang agham Pinoy?

By
Tomas U. Santos
-
November 17, 2008
0
464

TUWING may hindi maipaliwanag na pinagmumulan ng sakit o karamdaman ang karamihan sa ating
mga Pilipino, ipinagpapalagay na gawa ito ng isang nilalang, totoo man o hindi, o ng kalikasan.

Sa isang pananaliksik ni Dr. Michael Tan sa kanyang aklat na Usug, Kulam, Pasma: Traditional
Concepts of Health and Illnesses in the Philippines, binigyang obserbasyon at paliwanag ang mga
hindi pangkaraniwang sakit na nararanasan ng ilan sa ating mga Pilipino.

Nabati, nakulam, napaglaruan (ng lamang lupa), binangungot, para kay Tan, kapalit ng bawat bagay
na ginagawa ng tao ang pagkakaroon ng mga kakaibang sakit na nagmula sa mga nabanggit.

Ayon sa aklat ni Tan, isang paniniwalang Kristiyano na nakapagdudulot ng sakit sa sanggol ang
malakas na hininga ng isang tao. Kaya upang maiwasan ito at mapangalagaan ang bata, nakagawian
na ng mga matatandang lawayan ang paa, ang noo, o ang tiyan ng isang sanggol kung unang beses pa
lamang nitong makikita ang bata upang hindi mausug.

Sakaling nagkasakit ang bata, dinadala ito sa albularyo upang matawas. Magpahanggang ngayon,
marami pa rin ang naniniwala sa ganitong klase ng panggagamot. Marami rin ang naniniwala na
tanging ang mga “quack doctors” na ito ang makapagbibigay-lunas sa mga hindi maipaliwanag na
karamdaman.

Ani Dr. Alex Erasmo, direktor ng Research Center for the Health Sciences ng UST Hospital, walang
kasiguraduhan ang ganitong klase ng panggagamot.

“Sa albularyo at maging sa ibang faith healers, walang tamang obserbasyon ukol sa sakit,” sabi ni
Erasmo. “Hindi ka rin makakasiguro sa klase ng gamot at proseso ng panggagamot na ginagamit
nila.”
Dagdag pa ni Erasmo, dulot din lang marahil ng psychosomatic ang pagkakaroon ng ganitong
karamdaman.

“It can be a psychosomatic disease. A disease coming from the mind manifesting with bodily
syndrome.”

Aniya, may iilan din namang alternatibong medisina tulad ng halamang gamot, ang tanggap ng mga
espesiyalista.

“May mga active components ang mga halamang gamot na epektibo sa ilang karamdaman, pero
hindi ganap na nabibigyang lunas ng mga gamot na ito ang lahat ng uri ng sakit.”

Bagaman hindi lubos na mapipigilan ng mga doktor ang patuloy na pagtangkilik sa ganitong uri ng
medisina, iminungkahi ni Erasmo na kumonsulta muna sa mga lisensyadong doktor bago tumungo sa
mga faith healers o albularyo.

“Nagagawa kasing maipaliwanag ng mga doktor ang sakit base sa kanilang mga napag-aralan,” ani
Erasmo. “Gayunpaman, may iilan pa ring umaasang ang alternatibong medisina ang makapagbibigay
ng lunas sa kanilang lumalalang karamdaman.”

Samantala, hindi man kagagawan ng isang nilalang ang pasma hindi gaya ng usug, marami pa rin ang
may maling persepsyon tungkol dito. Dulot marahil ng kalikasan, sinasabing pinagmumulan ng
pasma ang paghuhugas sa isang bahagi ng katawan, partikular na sa kamay, matapos ang isang
mahaba at nakakapagod na gawain. Nagdudulot ng sobrang pagpapawis ng kamay ang taong
pasmado.

Ayon kay Tiffany Mallillin, physical therapist at guro sa College of Rehabilitation Sciences, na
walang terminong medikal ang salitang pasma.

“Sa medisina, tinatawag ang ganitong irregularity sa pagpapawis na palmer hyperhydrosis,” ani
Mallillin.
“Sa karamdamang ito, nagiging hyperactive ang ilang bahagi ng nervous system na nagdudulot ng
sobrang pawis na lumalabas mula sa sweat glands.”

Dagdag pa ni Mallillin, hindi lamang kamay ang maaaring magkaroon ng palmer hyperhydrosis.
Puwede rin umano ito sa ulo, kilikili at ilan pang bahagi ng katawan.

Ipinaliwanag ni Mallillin na walang scientific basis ang pasma. Ang paniniwalang ito, dulot marahil
ng kakulangan ng impormasyon ng ilang Pilipino lalung-lalo ang mga nasa mas malayong lugar tulad
ng mga probinsya.

“Konti lang kasi ang health information campaign na pumupunta sa mga remote areas,” sabi ni
Mallillin.

Sang-ayon ang dalawang espesyalistang sina Erasmo at Mallillin na kinakailangang mabigyan ng


sapat na impormasyon ang mga mamamayan upang hindi na sila maniwala pa sa ganitong mga
hakahaka.

Ani Erasmo, hindi man mapanganib ang ganitong medisina, wala naman itong naidudulot na lunas.

“Maaaring wala namang paggaling na maranasan ang mga nagpapagamot sa mga albularyo at faith
healers,” aniya. “Dahil na rin sa kahirapan, napipilitan na rin ang ilang mamamayan na sa mga
alternatibong medisina na sumalalay.”

Para naman kay Tan, bagaman samut saring pananaliksik na ang ginawa upang lubusang
maipaliwanag ang ganitong paniniwala, hindi pa rin maaalis sa mga ilang mga mamamayan lalung-
lalong na sa mga tribong etniko ang maniwala sa mga mitolohiya at kaugalian ng kanilang lahi. Mary
Elaine V. Gonda
KONSEPTONG PAPEL
LAYUNIN
Ang layunin ng grupo ay magsaliksik ukol sa mga pinakamabenta at pinakaepektibong gamot sa
sakit ng ulo. Layunin din nitong magsagawa ng sarbey sa mga pharmacy at mga konsyumer ukol
sa mga gamot na mas epektibo ayon sa kani-kanilang karanasan.
Sa mga datos na malilikom, layunin ng grupong gawing mulat at maalam sa mga epektibong
gamot para sa sakit ng ulo.
METOLODOHIYA
Ang mga mananaliksik ay naglalayong malaman ang pinakamabisang gamot para sa sakit ng ulo
ayon sa mga konsyumer o taumbayan at sa mga pharmacists o mga nagtitinda ng gamot. Sa
pangangalap ng mga datos, hindi lamang mga impormasyon mula sa mga aklat, magasin, dyornal
at iba pang batayan ang tututukan ng mga mananaliksik. Gagamit ng sarbey ang grupo sa
pangongolekta ng mga impormasyon na maaring makatulong sa pag-aaral. Bukod sa sarbey,
gagamit din ng panayam ang grupo. Kakapanayamin ang mga konsyumer at mga pharmacist
upang makakuha ng mas ispesipikong mga datos na maaring mas makapagpalawak ng kaalaman
ng mga mananaliksik, at mas makapagbigay pokus sa mga pagkakapareho sa mga kani-kaniyang
karanasan ng mga kakapanayamin.

INAASAHANG OUTPUT

RESULTA NG SARBEY

RASYUNAL
Ang pagiging mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, lalo na ng UST-AMV College of
Accountancy, ay isang maiituring na isa sa mga pangyayari na nakapagpabago sa buhay ng isang
estudyante. Dahil sa hindi biro ang pagpasok sa unibersidad at kolehiyong ito, inaasahan na ang
mga estudyante ay ang tinatawag na cream of the crop--ang pinakamagagaling sa lahat. Bunga
nito, malaki ang nakapatong na responsibilidad sa mga estudyante upang mapunan ang mga
hinahangad at expectations ng mga taong nakapalgid sa kanila, lalo na ng mga tao sa unibersidad
at lalo na ng kolehiyo para sa kanila-- ang maging pinakamagagaling sa larangan ng pagtutuos o
accounting.
Karaniwan ng maririnig sa corridors ang mga katagang, "Ang sakit ng ulo ko, grabe." Bilang
isang aktibong parte ng lipunan, kahit na ang karamihan ng oras ay nailalaan sa pag-aaral, may
oras rin para sa pamilya, kaibigan, komunidad, at sa ilan, buhay pag-ibig. Sa mga salik na
nabanggit makakagawa tayo ng mga tanong na may kinalaman sa sakit ng ulo at mga estudyante.
Alin sa mga ito ang karaniwang dahilan ng sakit ng ulo? Paano ito nakakapekto sa mga
estudyante? Nakakaapekto din ba ito sa kabuuang productivity ng mga mag-aaral? Kung oo,
paano? Naaapektuhan din ba ang mga tao sa kanilang paligid? Ang kanilang mga grado?
Sa isang problema, may mga solusyon. At sa sakit ng ulo, nandyan ang mga gamot, pahinga,
pagsasaya ng walang iniisip na kahit na ano at iba pa. Ang layo ng mga mananaliksik ay
malaman mula sa mga botika na malaman mula sa mga botika na malapit sa unibersidad na kung
ano sa mga gamot ang pinakamabenta para sa sakit ng ulo. Ang isa pang oobserbahan ay kung
paano nakakaapekto sa badyet ng mga mag-aaral ang gastos sa mga gamot at kung may matindi
itong epekto sa ilalaang pera.
Ang mga estudyante ang nais pag-alayan ng nasabing pananaliksik. Sa pamamagitan nito,
magkakaroon ng iba't ibang kaalaman at kasanayan ang mga estudyante ukol sa kanilang
problema sa sakit ng ulo. Malalaman din kung ano nga ba ang mabisang gamot at solusyon para
dito.

Bilang pagtatapos, ang punto ng pananaliksin na gagawin ay kung ano ang mga dahilan, paano
maiibsan, ano ang mga mabisang gamot, lahat ng iyan para sa sakit ng ulo ng mga estudyante.

PANANALIKSIK SA PINAKAMABENTA AT EPEKTIBONG GAMOT SA SAKIT NG ULO


Ang disenyo ng pananaliksik na gagawin ng grupo ay deskriptibo o naglalarawan. Gamit ang
mga sarbey at interview, kukuha ng mga datos ang mga mananaliksik, at titignan ang
pagkakaparepareho ng mga kagustuhan at karanasan ng mga kabilang sa populasyon ukol sa
mabisang gamot sa sakit ng ulo. Deskriptibo ang napiling disenyo sapagkat ang sarbey
nagagamitin ay may kani-kaniyang berbal na interpretasyon. Sa pamamagitan nito, mas
mailalahad ng mga sasagot ang kanilang karanasan na maaring makatulong sa pagsagot sa mga
katanungang nakapaloob sa pag-aaral. Gagamitan ng statistika upang makakuha ng kalahatan
mula sa magkakaibang sagot sa sarbey. Sa paraang ito, malalaman ng mga mananaliksik, pati na
rin mga taumbayan ang pinakaepectibong gamot sa sakit ng ulo ayon sa mga pag-aaral, sarbey at
mga pakikipanayam.
Walang pili ang mga kalahok sa sarbey. Ang sarbey ay isasagawa ng random upang maging
valid ang mga resulta. Ang nasabing sarbey ay isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng unibersidad,
sa iba’t ibang tindahan ng gamot, pati na rin sa labas ng unibersidad. Magsasarbey ang mga
mananaliksik sa pamamagitang ng isang questionnaire na ipapamahagi sa mga nasabing lugar.
Ang gagamiting questionnaire ay ang ginawa mismo ng mga mananaliksik na naglalaman ng
mga tanong o mga pahayag na naglalarawan ng mga maaring karanasan sa paggamit ng isang
gamot, o di kaya’y mga epekto nito. Sasagutin ito sa pamamagitan ng pagpili sa mga
nakahandang sagot na may kani-kaniyang bilang at berbal na interpretasyon. Hindi
kinakailangang ilagay ang pangalan, bagkus may mga demograpikong impormasyon din na
kailangang punan ang mga kalahok.

Matapos maisagawa ang sarbey, gagamit ang mga mananaliksik ng statistical tool upang suriin
ang mga datos na nakalap. Gagamit ng weighted arithmetic mean ang mga mananaliksik upang
makuha ang kabuuan sa pamamagitang ng average na makukuha mula rito. Ang Pormula sa
pagkuha ng WAM ay ang sumusunod:

Kung Saan:
x = Weighted Arithmetic Mean
𝛴 = Summation/kabuuang bilang ng sumagot
f = Frequency/bilang ng kadalasan ng sagot

Bago kunin ang WAM, ihahanay sa isang table ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng
pagtatala o tallying. Pagkatapos makuha ang WAM, gagawa ang mga mananaliksik batay sa
resulta ng isang kalahatan o generalization na makakasagot sa katanungang ipinopokus ng mga
mananaliksik, ‘ano ang pinakamabisang gamot para sa sakit ng ulo?’

Bukod sa sarbey, makikipagpanayam din ang mga mananaliksik sa ilang mga di piling tao na
maaring sumagot sa kaunting katanungan ng grupo. Ito ay mas makakapagpalawak at mas
makakapagpalalim ng sakop ng impormasyong kukunin. Magtatala ang mga mananaliksik ng
mga sagot ng mga pinapanayam. At matapos makuha lahat ng resulta ay ibabaseng muli rito ang
generalization.

Pagkatapos nga sarbey at panayam, ay susuriing muli ng mga mananaliksik ang mga resulta
mula sa dalawang paraang ginamit nila sa pangangalap ng impormasyon. Titignan at ihahambing
ang mga ito upang mas makagawa ng mas matibay, mas makatotohanang paglalahat sa mga
impormasyong nakalap. Matapos gawin ito, ihahambiong din ang nakuhang resulta ng mga
mananaliksik sa mga impormasyong nakasaad sa iba’t ibang sources tulang ng iba pang mga
pag-aaral, mga aklat, magasin at iba pa.

You might also like