You are on page 1of 2

Pag-aalbularyo

Rationale

Ang mga Pilipino ay likas na ispiritwal, malakas ang paniniwala sa mga ispiritu na kung tawagin
ay anitos at engkanto na namumugad sa mga bundok, kweba, dagat at bato. Kung kaya’t napakadali
para sa mga Pilipino ang makipag-usap o makipag-ugnayan sa ganitong uri ng lakas nanakatutulong sa
kanilang panggagamot. Dahil ang mga Pilipino ay hindi dumidepende lamang sa limang uri ng
pakiramdam, sila’y may kakayahang tumanggap ng konseptong di pangkaraniwan. Ang mga Pilipino ay
likas na palakaibigan at kalmado, dahil dito malakas ang kanilang pakiramdam at may kakayahang
buksan ang isipan sa masmalawak na sakop kumpara sa ibang tao. Ito’y sadyang totoo sa mga Pilipinong
taga baryo o probinsya.

Nang dahil sa mga paniniwala ng mga Pilipino sa mga elemento at iba pang mga kababalaghan
na nangyayari sa paligid na hindi maipaliwanag, kaya sa mga albularyo tayo lumalapit, sila ay kilalang
alternatibong manggagamot sa Pilipinas. Sila ay bantog lalo na sa mga maralita para sa kanilang
panggagamot sa abot-kayang halaga. Sila ay kadalasang nakikita at pinipilahan sa mga barrio o mga
barangay. Sila ay nagtataglay ng kaalaman sa paggamit ng halamang gamot upang makapagpagaling ng
iba't ibang sakit. Maliban sa halamang gamot, sila rin ay gumagamit ng salmo o awit kasabay sa
paggamit ng langis at ipinapahid sa parte ng katawan ng may sakit. Ang kanilang kakayahan ay
pinaniniwalaang nagbuhat sa basbas ng mga espiritu at anito sa kagubatan. Ang pagsusuring kanilang
isinasagawa ay hindi lamang sa pisikal na pamamaraan kundi sa emosyonal at espirituwal na antas.

Halos bawat kultura rin sa Pilipinas ay mayroong kanya-kanyang uri ng albularyong umaayon sa
kani-kanilang klase ng pamumuhay. Madalas silang matatagpuan sa mga rural na lugar kung saan
mahirap matamasa ang modernong medisina. Maraming tumatangkilik sa mga serbisyo nila dahil higit
na mas mura ang alternatibong ito kung ikukumpara sa komersyal na mga gamot at operasyon. Tunay na
masasabing napapanahon pa rin ang mga albularyo kahit sa kasalukuyang henerasyon.

Karaniwang base ang pamamaraan ng kanyang panggagamot sa mga katutubong paniniwala at


lapit na relihiyoso. Gumagamit sila ng mga halamang gamot at pambihirang mga bagay tulad ng pagkit
ng kandila at balahibo ng hayop para sa matatawag marahil na ritwal ng panggagamot. Madalas,
tinatawag rin ng mga albularyo ang ‘di umano’y kapangyarihan ng Espirito Santo upang gamitin sa isang
orasyon o bulong na may layunin pagalingin ang pasyente. Importante rin marahil tukuyin na ang mga
serbisyo ng isang albularyo ay karaniwang kinakailangan kapag ang diperensya ng isang tao ay may
katangian ring mistikal o mahiwaga. Halimbawa na lamang rito ang mga biktima ng kulam at mga
kababaihang nililigawan daw ng mga kapre, tikbalang at ng kung anu-ano pa.

Ang mga albularyo ay isa na sa mga tradisyon sa Pilipinas na sinasangguni ng iba’t ibang klase ng
tao na may paniniwalang maaari itong makagamot ng kanilang sakit. Mayroong iba’t ibang katawagan
ang mga tradisyunal na manggagamot dito sa Pilipinas, ang mga ito ay: manghihila, manghihilot,
mangluluop, mangtatawas, babaylan at albularyo. Laganap ang mga albularyo sa Pilipinas lalo na sa mga
probinsiya. Bagama’t walang tiyak na lunas ang hatid nito sa mga may sakit, tinatangkilik pa rin ito ng
mga mamamayan sa Pilipinas, ang pagpapagamot sa mga albularyo ay itinuturing na sukatan ng tibay ng
pananampalataya at tatag ng pananalig sa tagapaglikha.
Ang mga albularyo ay hindi sang-ayon sa medisina. Sila ay nagpapagaling na sang-ayon sa
matandang paniniwala. Dahil na rin sa murang serbisyo, at kaunting kaalaman sa panggagamot na
kanilang ginagawa kaya sila ay mas tinatangkilik kesa sa mga ospital na mahal na ang mga gamot at
malayo pa ang barrio ng mga taga probinsiya mula sa bayan. Mahirap silang masisi dahil na rin sa hirap
ng buhay at kulang pa ang programa ng gobyerno sa mga gantong mga bagay kaya ang ilan sa doktor ay
boluntaryong nagpupunta sa mga liblib na lugar para makapanggamot at makatulong sa kapwa.

Suliranin

Hinahangad ng mananaliksik na maipakilala sa madla ang pag-aalbularyo bilang isa sa mga tradisyonal na
paraan ng panggagamot, maipaliwanag kung bakit tinatangkilik pa rin ito hanggang ngayon, at upang
bigyang pagkilala ang mga taong nagsasagawa ng ganitong tungkulin na layong makatulong sa kanyang
mga kababayan.

Related Literature

Tinalakay ni Bren Lovin (2010) Napatunayan na hindi basehan ang katayuan sa buhay ng isang
pasyenteng nais magpagamot sa mga albularyo. Hindi rin sukatan ang natamong diploma ng mga
tumatangkilik dito sapagkat base sa panayam at obserbasyon ng mananaliksik, marami pa rin ang mga
taong may-kaya at nakapagtapos ng pag-aaral ang naniniwala sa tradisyunal/ folk medicine.

“Base sa kinalabasan ng aking pag-aaral ang isang dahilan ng kung bakit tinatangkilik pa rin ang mga
albularyo ay dahil sa mura na ang serbisyo at tanging ang albularyo lang ang tanging malalapitan ng mga
nasa baryo kapag sila ay nagkakasakit.” Lance Valdez (2014)

You might also like