You are on page 1of 5

1.

Introduksyon

Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo ay lalo ring naging kapansin-pansin. Ang pagkahapo ostress ay isang bagay na hindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos arawaraw. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral. Nararanasan din ito ng mga taong mayroong problema sa pamilya at iba pang mga personal na suliranin.

May mga ibat ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hinde komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman para sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo.

Sa pag-aaral na may pamagat na Ibat Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ng Pagkahapo ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Nursing, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng mga magaaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sa kani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga ibat-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang pagkahapo at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.

2. Layunin ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:

1. 2.

Tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkahapo sa mga mag-aaral. Alamin kung ano ang epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral.

3. 4.

Tukuyin ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng pagkahapo.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay ang nakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing at kung aling mga diskarte o paraan ang kanilang ginagawa upang maibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila mababawasan ang pakiramdam ng pagiging hapo na siyang nagsisilbing balakid sa kanila upang magawa nila ang kanilang mga gawain na puno ng kalidad.

Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro, propesor o mga magulang na gustong malaman kung paano nilang matutulungan ang kanilang mga estudyantet mga anak upang mabawasan ang pakiramdam ng pagkahapo na siyang maaaring dahilan ng kanilang pagiging iritable, malungkutan o kayay paghina ng kanilang kalusugan.

Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing maaaring sabihin na naaangkop pa rin ito sa ibat ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos pareho lamang ang dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring hatiin sa tatlong aspeto: sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan.

4. Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pag-aaral ay ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo ng mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos.

Animnapung mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing ang sumagot ng talatanungan. Inabot ng isang lingo ang pamimigay at pangongolekta ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.

Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito:

Bawal na gamot mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta sa merkado. Halimbawa nito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak na nagdudulot ng ng pagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadlasa'y humahantong sa pagkalulong

Bisyo kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao

Disposisyon estado ng utak ukol sa mga bagay-bagay.

Emosyon

ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal, atbp.

Kaibigan isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad, o social status

Kapaligiran ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa isang tao; isang lugar na nakapaligid sa isang tao o bagay.

Karamdaman ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng karamdamang pangangatawan o pang-isipan.

Karanasan ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-bagay habang ang mga itoy nagaganap sa kurso ng oras.

Kontrol maehersisyo ang kontrol o pagbibigay ng direksyon sa iba o mga bagay: mangibabaw

Memorya ang kakayahan ng pag-iisip na alalahanin at panatilihin ang mga impormasyon, impresyon, pangyayari, mga nakaraang engkwentro, atbp

Simtomas isang senyales o indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo na tuwing nakararanas ang isang tao ng pagiba mula sa karaniwang gawi,pakiramdam, ohitsura.

Stimulus -- isang bagay na maaaring magdulot ng madaliang pag-responde o kaya'y pakiramdam

Tahanan isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Dito maaring magkaroon ng interasyon ang mga myembro ng pamilya.

Trabaho anumang bagay na obligadong gawin ng isang tao; obligasyon; responsibilidad

You might also like