You are on page 1of 6

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A.ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sumasabay ang pagbabago ng paraan ng pag-iisip ng mga tao sa mabilis

na pag-ikot ng mundo.Ang tila ba grupo na paraan ng pagbabahagi ng mga

kaalaman ng mga propesor o guro ay nagdudulot ng maganda at di-magandang

epekto

sa pag-iisip ng mga mag-aaral.Ang mga kaalamang may kaugnayan sa

akademikong buhay ng mga ito,kapag sinabayan ng panggigipit ng paligid at ng

mataas

na ekspektasyon ng mga taong nakapaligid na ang personal na kagustuhan ng

karagdagang bigat ay nagiging dahilan sa pagkakaroon ng depresyon at

pagkabahala.

Sa kasalukuyan,nakapagtala ng mga insedente ng pagpapatiwakal at

“suicidal attempt” ng ilan sa mga mag-aaral na nakaranas ng depresyon at

pagkabahala.Kaya naman,mahalagang malaman ang dahilan at epekto ng mga

ito sa pisyolohikal at sosyolohikal na pag-aaral nga namang nagdadala ng

napakalaking impak lalo na sa mga mag-aaral na makakaranas rin ng ganitong

insedente
sa hinaharap.Nang sa gayon ay maging bukas sila sa mga paraan na maari nilang

gamitin upang hindi sila umabot sa ganitong sitwasyon,ang sitwasyon ng labis na

pagkabahala na magiging isang malaking susi sa pagkakaroon ng depresyon.

B.PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay upang suriin ang Pisyolohikal at Sosyolohikal ng

pagkakaroon ng depresyon ng mga mag-aaral. Ang mga sumusunod ay mga

epekto o dahilan ng depresyon:

. Kawalan ng interes sa mga libangan na minsan nakapagpasaya sa kanya.

. Hirap gumawa ng desisyon.

. Bagsak na mga grado.

. Hirap sa pagtulog(kulang sa tulog o sobra sa pagtulog).

. Pagbabago ng timbang(bumibigat o pumapayat).

. Madalas na pagsakit ng ulo o sakit ng tiyan.

. Bigla biglang nagagalit o umiiyak sa walang kadahilanan.

. Inaalala o pumipirmi sa mga bagay ng nakaraan.


C.KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Kami ay naniniwala na malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito upang

Upang maagapan ang nabibiktima ng depresyon. Maaari itong magsilbing sa

kinauukulan na bumuo ng aksyon upang mabawasan o kung maaari ay matigil

ang paglaki ng bilang ng mga mabibiktima ng depresyon.

Magsisilbi itong gabay nang sa gayon ay magkaroon ng kaalaman ang mga

magulang ng mga mag-aaral o mga biktima na nagkakaroon ng depresyon upang

mas lalo pang pagbutihin ang kanilang paggabay sa kanilang mga anak.

Karagdagang pa,magsilbing itong panuntunan sa mga mag-aaral sa

sekondarya o kolehiyo na malapit sa pagkakaroon ng depresyon upang malaman

ang mga dahilan at epekto ng depresyon na magsisilbing pangmulat upang hindi

nila piling magkaroon nito.

D.SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga taong karaniwang nabibiktima

ng deprseyon partikular na sa mga mag-aaral sa kolehiyo o “high school” na may

malaking posibilidad na magkaroon nito.Tatalakayin sa pananaliksik na ito ang

epekto ng depresyon.Bukod pa nito,magbibigay kaalaman rin ito kung paanong


nagkakaiba ang pagkabahala sa depresyon at kung paanong ang simpleng

pagkabahala ay magsisilbing tulay sa pagkakaroon ng depresyon kapag hindi

maagapan.

Ang limitasyon na ito ay tanging mga mag-aaral ng “Sta.Fe Stand-alone

Senior High School” na nasa “Grade 11” ang bibigyan pansin upang malaman at

maintindihan kung bakit sila nagkakaroon nito at ano ang mga bagay na maaring

magsilbing solusyon upang maagapan o malagpasan ang pagkakaroon ng

depresyon.

E.DEPENISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga mananaliksik ay naglaan ng mga kahalagahan ng mga

pangunahing terminolohiya upang higit na maintidihan ang nais ipabatid ng

pananalikisik na ito.

.Depresyon - isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang

mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili(nawala ang pagpapahalaga

sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga

gawain.

.Pagkabahala - labis na pag-aalala sa kung ano ang pwedeng mangyari.


.Sosyolohikal - pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na

binibigkas at hinihiwalay ang mga tao hindi lamang bilang indibidwal kundi bilang

Kasapi ng mga asosasyon,grupo at institusyon.

.Pisyolohikal - ay ang pag-aaral ng galaw at tungkulin ng bawat bahagi ng

pangangatawan.

.Magulang – isang ina o ama na nagpupunla o nanganganak ng isang supling at

Nagpapalaki nito.

.Biktima – ay ang mga taong nadadamay sa isang sitwasyon.

.Kapaligiran o paligid – katulad ng likas na kapaligiran ay ang lahat ng panlabas

na mga puwersa,mga kaganapan,at mga bagay na gumagalaw sa ibabaw ng

isang bagay.

.Mga gawaing pang-akademiko – ito ay ang iba’t ibang gawain na ibinibigay sa

loob ng paaralan upang sanayin ang mga estudyante at subukin ang kanilang

kakayahan.

.Problema – isang sitwasyon o kaganapan sa buhay na maaring nahihirapan ang

isang tao.

.Pag-iisa – isang sitwasyon sa kung saan pinipili ng isang tao mapag-isa o dumis-

tansya sa mga tao at bagay sa kaniyang paligid.

You might also like