You are on page 1of 19

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

DEPRESYON

Ang paminsan-minsang pansamantalang damdamin ng kalungkutan ay


isang likas na bahagi ng buhay. Gayunpaman kung madalas mong
maramdaman ang ganitong paraan, o kung ang mga damdamin ay labis,
maaari kang magdusa mula sa depresyon.

Ayon sa NIMH (National Institute of Mental Health), humigit-kumulang


9.5% ng populasyon o halos 19 milyong matatanda sa US ang nagdurusa
mula sa ilang uri ng depression.

Ayon sa akda ni Mark Schwartz. Ang depresyon ay maaaring


nakapipinsala. Maaari itong sirain ang buhay ng iyong pamilya, sirain ang
iyong mga pagkakaibigan at personal na relasyon at mabawasan ang
iyong kakayahang mag-isip, dahilan at gumana. Sa kaliwa untreated,
depression maaaring rob ka ng anumang kislap ng pag-asa o kaligayahan.
Maaari itong pigilan ang anumang pagkakataon na humantong ka sa isang
mayaman, buong buhay. Ngunit hindi ito kailangang maging ganito. Ang
depresyon ay magagamot!

Mayroong iba't ibang mga sintomas na nauugnay sa depression. Hindi


lahat ng naghihirap mula sa depresyon ay nakakaranas ng bawat
sintomas. Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas lamang ng ilang mga
sintomas, habang ang iba ay maaaring makaranas ng marami. Ang
kalubhaan ng mga sintomas ay nag-iiba sa mga indibidwal at maaaring
mag-iba din sa paglipas ng panahon. Sa pangkalahatan bagaman, kung
nakakaranas ka ng apat o higit pa sa alinman sa mga sintomas sa loob ng
dalawang linggo o higit pa, dapat kang humingi ng propesyonal na tulong .

10
Nararamdaman ang stress depende sa pamumuhay o ginagawa ng
isang tao. Kapag tumatagal ang masamang kondisyon ng katawan ng hindi
alam ang sanhi, posibleng mayroon nang depresyon. Kung may problema,
huwag sarilihin mag-isa. Kumonsulta sa pamilya o kaibigan. Kapag
nararamdaman ang depresyon, kailangang pagpahingahin ang puso’t
isipan ng mabuti. Kailangan na rin uminom ng gamot depende sa
kalagayan ng pasyente. Kaya humingi kayo ng tulong sa psychiatrist,
neurologist o mental health specialist" Ayon din dito, kahit sino, maaaring
magkaroon ng depresyon, hindi maliban sa mga bata.

Nararamdaman na rin ng mga bata ang stress at dahil sa mga stress,


nagkakaroon ng depresyon kagaya ng mga matatanda. Maaaring
magkasakit mula sa mga 10 taong gulang. Kung hindi pa umabot sa 10
taong gulang, kahit napansin ninyo ang tanda ng depresyon, madalas ito
ang pansalamantalang pagkalumbay o problema sa paglaki ng bata. Hindi
parehas ang tanda ng depression ng bata at adult, kaya kailangang mag-
ingat. Karaniwan, ang mga batang may depresyon ay nagpupumilit
magsabi ng kanilang damdamin at kalooban. Maaaring tanda ng
depression ang mga sintomas na pisikal kagaya ng sakit sa ulo, sakit sa
tiyan, pagbaba ng score o pagsasabi ng ayaw pumasok sa paaralan.
Kadalasan hindi tumatagal ang depresyon ng bata at minsan lang sa
buhay ang pagkakaroon ng depresyon.

Ayon sa akda ni Christa Orcollo, isang miyembro ng NDT, malaki


ang epekto ng mahabang pagklase sa pag-aaral lalo na at nakakapagod
sa pisikal ang pagkaklase ng wala man lang pahinga o break. Ayon sa
kanya, hirap daw ang mga estudyante na makapagpokus sa kanilang pag-
aaral sapagkat iba't iba ang kanilang pinag-aabalahan at nakakaragdag ito
sa stress o kaya namam ay tensiyon na kanilang nararamdaman.

Ang stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay


nararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at

11
mga mag-aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Ngunit ang stress
ay lubhang nakakaapekto sa isang tao sa kaniyang pampisikal at sa pag-
iisip. Ito ay maaaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o
pagkalungkot sa puso. Dito mahihinuha na kinakailangan ng mga mag-
aaral na magkaroon ng 'break time' upang sila ay makapaghanda at
makapagpahinga ng kahit sandal lamang. Nakasaad sa akdang !Ang
buhay estudyante ng Koleheyo na hindi talaga madali ang buhay
estudyante sa kolehiyo, dahil sa maraming mga pinapagawa ng kaniyang
mga propesor at sa sobrang paggigipit niya sa oras. Ang kanyang dagdag
panayam. Lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto,
takdang-aralin, mgareport, at meron pang pag pa- practice ng sayaw sa
dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip
kung ano ang uunahin. sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa
ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. $aya minsan late nang
makapasok sa umaga.

Yung ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa kanilang iskedyul, mas


lalong mahihirapan ang mga working students o mga estudyanteng
kailangang maghanap-buhay para lang matustusan ang kanilang pag-
aaral. Ayon sa akdang na ibinahagi ni Tey nq hindi lahat ng estudyante ay
nabiyayaan na magkaroon ng sapat na panggatong sa kanilang
pamumuhay. Ang mga estudyanteng ito ay kinakailangang pang
magtrabaho para makatulong sa pamilya at matustusan ang pag-aaral nila
para makatulong sa kanilang magulang.

Mahirap gawin ang pag-aaral sa umaga at trabaho sa gabi, dahil


mawawalan na sila ng oras para sa kanilang pagpahinga. Dagdagan mo
pa ng pagkakaroon ng kumplikadong iskedyul ay tila wala na silang ibang
magagawa kundi ang umiyak sa sulok hanggang sa magpatong-patong na
ang kanilang mga problema. Marami ang naaapektuhan sa pagkakaroon
ng kumplikadong iskedyul. Hindi lamang ang mga estudyante, pati na rin
ang mga guro na halos parehas lang rin ang kanilang hirap at pagod na

12
nararanasan. Ayon sa ginawang sarbey ni Agnacio Auare, , ang nabuo
niyang konklusyon sa natamong datos ay ang mga guro ay lalong
nahihirapan sapagkat pa-minsan ay ang kanilang mga estudyante ay
nahuhuli sa kanilang mga klase athindi nakakapagpasa ng kanilang mga
schoolwork o nakakapag-exam sa tinakdang oras. Hindi nila naitatala ang
kanilang mga marka datapwat wala naman talagang marka ang kanilang
mag-aaral.Ayon sa ginawang akda Panahon ng pagseseryoso ni John
Michael. Morelos, isinabi niya na siya ay hindi makapag-aral ng mabuti
dahil nakakatamad daw ang pagpasok, dahil sa sunud-sunod na mga
inaasikaso sa kanyang mga subject.

13
EPEKTO NG DEPRESYON SA PAG-AARAL

Ayon kay John Michael P. Morelos, Panahon ng Pagseseryoso, sinabi


niya na siya ay hindi makapag-aral ng mabuti dahil nakakatamad daw ang
pagpasok dahil sa sunod na mga inaasikaso sa kanyang mga subject. Ang
mga terror na guro pa ang mas lalong nagpapa-init ng kanyang ulo sapakat
lalo lang silang nagbibigay ng tension sa kanila. Hindi niya magawang
mag-seryoso dahil alam niyang hindi niya rin naman matatapon agad ang
mga pinapasang mga requirements dahil kulang siya sa oras.

Ayon kay Margarita Tartakovsky sa kanyang pananaliksik na


Depression and Anxiety among College Students, ang depresyon at
pagkabahala ang pinaka pangunahing problema sa kinakaharap ng mga
estudyante sa kolehiyo saan mang sulok ng daigdig. Sa katunayan, sa
nakalipas na 15 na taon, ang bilang ng mga nabibiktima ng depresyon ay
dumoble samantalang ang bilang ng mga nagpapakamatay ay labis ang
itinaas. Ayon rin sa isinasagawang serbey sa Anxiety Disorder Association
of America, ang mga kolehiyo at unibersidad ay nakakitaan ng mga
estudyanteng naghahanap ng paggabay mula sa ganitong karamdaman.

Ayon kay Abby Jackson (2015), Depresyon is no longer the no.1


Mental-Health Concern among College Students, kung dati raw ay naging
pangunahing karamdaman sa pag-iisip ang depresyon sa kolehiyo, nagtala
naman ngayon ang New York times na hindi na daw ito napapanahon.
Ayon sa huling pagsusuring naisagawa ng Times, isinaad nitong mahigit
100,000 na estudyante ang lumalapit sa mga campus clinics para himingi
ng tulong ukol sa labis na pagkabahala. Sinasabi ng mga Mental health
Counselors na mas nahihirapan ang mga kabataan na harapin ang stress,
lalo na kung patungkol sa pang akademikong pagkabahala dahil sa mga
magulang na patuloy ang pagbibigay ng presyur sa kanilang mga anak.

Ayon kay Christina Orcollo, isang myembro ng NDT, Malaki ang epekto

14
ng mahabang pagklase sa pag-aaral lalo na at nakakapagod sa pisikal ang
pagklase ng wala man lang pangiha o break. Ayon sa kanya, hirap daw
ang mga estudyante na makapagpukos sa kanilang pag-aaral sapagkat
iba’t iba ang kanilang pinag-aabalahan at makakaragdag ito ng stress o
kaya naman ay tension sa kanilang nararamdman.

Ayon kay Andrew B. at Wilding J.M (2004), sa kaniyang pananaliksik na


The Relation of Depression and Anxiety to Life-Stress and Achievement in
Students, Ang tumataas na kaso ng pinansyal na kahirapan at iba pang
presyur na buhay ang itinuturong mas nakaapekto sa pang akademikong
performance ng isang estudyante sa sinasakop naman ng students mental
health issues.

Ayon kay Michel Kerr (2015) sa kaniyang pananaliksik na Depresyon


and College Students, ang kakulangan sa tulog, hindi tamang pagkain, at
hindi sapat na pag-ehersisyo ay maaring magtulak sa isang estudyante
upang makaranas ng depresyon. Ang presyur ng mga pang-akademikong
gawain, ang makakuha ng mataas na marka, mga pinansyal na problema,
at problema sa relasyon sa mga taong nakapaligid ay sapat upang
mapilitan ag isang estudyante sa kolehiyo upang itigil ang pag-aaral. Sa
makatuwid, ang depresyon ang pangunahing dahilang ng pagtigil ng mga
estudyante sa kolehiyo.

Ayon kay Vivek B. Waghachavare, et al (2013), A Study od Stress


among od Professional Colleges from an Urban Area, sinasabing ang mga
mag-aaral na kumukuha ng medisina ay mayroong mataas na posibilidad
na magkaroon ng depresyon. Ang mga akademikong aspeto ang
nagbibigay ng mataas na posibilidad ng depresyon. Ang pagpapakilala ng
stress management education sa kurikulum sa kolehiyo ay mabisang
paraan upang labanan ang ganitong problema.

15
Ayon kay Rana Moustafa (2014) sa kanilang pananaliksik na Students
Depression often hideen from trends, profession, ang mga estudyante
kolehiyong nakakaramdam ng depresyon ay madalas na humahanap sa
mas mahihirap na sitwasyon o pagsubok. Silang mga mas mahihirapan ay
nababasa ng taong nakapaligid na hindi nakakaintindi bilang isang “poor
classroom or social performance”.

Ayon kay Tara Culp-Ressler (2015), Record Numbers of College


Students that are Struggling with Depression and Anxiety, ang mga
tagapagsaliksik ng UCLA. Para sa kanilang 2014 na pag-aaral tinanong
nila ang mahigit kumulang 153,000 freshmen students upang malaman
ang kabuuan na kalagayan ng kanilang mental health. At lumabas na ito
ang pinakamababang naitala kung ikukumpara sa mga nauna ng sarbey
na nagawa sa UCLA. Sa ibang pag-aaral naman na ginawa ng American
College Health Association sinabing halos kalahati ng mga estudyante sa
kolehiyo ang napag-alamang nakaranas ng “overwhelming anxiety” at
mahigit 30% sakanila ang nagsabing sa sobrang pagkadepres ay
nahihirapan silang kumilos sa eskuwelahan. 40% naman ang nagsasabing,
naramdaman nila na wala na talagang pag-asa.

Ayon kay Brianna Dennison (2015), What I Need my Professors to


Understand abou Dealing with Depression in College, ang stress sa
kolehiyo ay hindi na bag sa lahat. Ngunit ang isang taong dumaraan sa
matinding pagkabahala o sa ingles “ anxiety disorder” kagaya ni Brianna,
Bukod pa sa tensyon na binibigay ng mga pang akademikong gawain
kasabay nito ang pagkabahala na binibigay ng buhay niya sa nakaraan.

Ayon kay Samantha Gomes (2009), Depression and Anxiety in College


Students, ang pagbagsak at pagtatagumpay ng isang estudyante ay
nakadepende sa kanilang pang akademikong gawain. Sinasabing ang
pagbaba ng GPA ng isang estudyante ng 49 ay maaring magkaroon ng
malaking impak sa pagkakaroon ng depresyon. Maaring magamot ito kung

16
makakaroon mula ng karagdagang 49 ang GPA ng isang estudyante.

Ayon kay Justin Hunt, et al (2010), Mental Health Problem and Help-
Seeking Behavior among College Students, ang mental na pangkalusugan
sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay hindi lamang isa sa mga isyu na
binibigyang pansin bagkus tinitignan rin ito bilang isang oportunidad. 65%
na mga magsisipagtapos sa sekondarya ay maaring umulit ng kanilang
pag-aaral kung sila’y makakaranas ng mental disorder. Sa parte naman ng
mga mag-aaral sa kolehiyo, sinasabing ang buhay rito ay isa sa mga
pagahahanda sa realidad kung kaya naman hirap at bigat ng mga gawain
ay tumatas rin upang paglabas ng mga estudyante sa kani-kanilang
institusyon, ay magiging handa sila sa mga hamon na ibibigay sa kanila ng
buhay. Kung kaya naman mahalagang magkaroon ng paggabay ukol sa
isipan ng mga mag-aaral ng sa gayon ay hindi mapurnada ang kanilang
pagtatapos ang pagiging malapit sa karanasan na maari nilang maranasan
paglabas ng kani-kanilang paaralan.

Ayon kay Jan Halfman (2015), Anxious Students Strain College Mental
Health Center, ang pagkabahala ay isang terminolohiya kung saan
sinasaklaw pa ang ilan sa mental disorders na mayroon tayo tulad ng
social anxiety disorder agoraphobia. Ang mga estudyanteng dumaraan sa
ma ganitong mental health issue ay nakakaramdam na para bang hindi
totoo o importanteang mga inaalala nila dahil nga sa nagiging normal na
ang mga ganitong kaso sa panahon ngayon.

Ayon sa pagsusuring ginawa ng American College Health Association


College depression. The warning signs you need to know taon-taon ay
umaabot sa mahigit 1,000 ang nagpapakamatay na mga estudyante na
may edad 15-24 pataas kolehiyo, 86% ang nakaramdam ng pagka galak
habang 45% ang nawawalan ng pag-asa at 57% naman ang
nakakaramdam ng kalungkutan. Halos 30% ng mga estudyante sa
kolehiyo ang dumadaan sa depresyon at nahihirapang kumilos ng dahil

17
dito. Maraming kabataan ang nahihiya o nakakaramdam ng pagiging
mahina sa mga ganitong pinagdaraanan kung kayat bihira ang mga
lumalapit upang humingi ng tulong kahit nasa harap na nila ito.

SINTOMAS NG DEPRESYON

18
Ang Depresyon ay magkaiba sa mga bata at mga teen kaysa sa mga
sapat na gulang. Ang mga sapat na gulang ay kadalasang ng kalungkutan
at kawalang pag-asa na kasama ang kapaguran. Ang mga batang
depressed ay kadalasang mas irritable at moody. Maaaring silang maging
matigas ang ulo. Maaaring madaling magbago ang kanilang mood mula sa
kalungkutan papuntang pagka-itita o biglang galit. Ang ilang bata at teen ay
hindi alam na sila ay depressed. Imbes na pag-usapan ang tungkol sa
kung gaanong kasama ang kanilang nararamdaman, maaari silang
magpahayag sa kilos. Maaaring tignan mo ito bilang maling pag-uugali o
pagsuway.

Ang mga karaniwang nagiging biktima ng depresyon ay mga pag-aaral


sa Senoir High at kolehiyo. Isa sa mga tinitignang dahilan sa insidenteng
ito ay ang dami ng mga gawaing pang akademiko na naiipon sapagkat
hindi binibigyang halaga ang oras. Karamihan sa mga mag-aaral ay
pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga gawain sa isang lingo bago ang
itinakdang panahon o mas mababa pa saiang lingo. Dahil dito, hindi nila
maiwasang mabahala na kalauna’y maaring magbunga ng depresyon.
Bukod pa rito, ang mga problemang kinakaharap ng bawat isa ay hindi rin
natin maaring isantabi. Ang bugso ng mga gawaing pag akademiko, ang
mga problemang kinakahap sa pisikal, mosyonal, mental, pinansyal at
marami pang iba ay nakadaragdag ng posibilidad upang ang isang tao ay
makaranas ng sinasabing depresyon. Datapwat, hindi dapat nating alisin
sa ating pag-iisip na ang buhay ay tunay ngang punong-puno ng
pagsubok. Mga pagsubok na maaring magpalakas o maging dahilan ng
ating pagbagsak.

Kailangan ng isang taong nakaranas ng depresyon ng suporta at gamay


ng mga malalpit na tao sa kanila. Makakatulong rin ang pagsama sa kanila
sa mga pagkakataong siya’y nakararanas ng matinding kalungkutan o
dinadama kaya ay matindingkasiyahan sapagkat hndi natin alam ang

19
maaring niyang gawin sa kanilang sarili sa mga pagkakataong siya’y nag-
iisa. Mainam rin ang positibong pakikipag komunikasyon sa mga
nabibiktima nito sapagkat maaari iyong maging susi upang maibsan ang
pagkabahala sa kanilang pinagdadaanan.

Ang mga suusunod ay indikasyon na ang isang tao ay dumaranas ng


depresyon.
 Kawalan ng interest sa mga libangan na minsan nakapagpasaya sa
kanila.
 Hirap gumawa ng desisyon.
 Bagsak na mga grado.
 Hirap sa pagtulog (kulang sa tulog o subra sa pagtulog)
 Pagbabago ng timbang (bumibigat o pumapayat)
 Madalas na pagsakit ng ulo o sakit ng tyan.
 Bigla biglang nagagalit o umiiyak ng walang kadahilanan.
 Inaalala o pumipirmi sa mga bagay ng nakaraan.

Hindi madaling mapansin ang mga pagbabago na ito, lalo na’t kung
ang iyong anak ay nag aaral ng malayong lugar. Kaya impotante na
kausapin o nang kausapin ang iyong anak ng madalas. Wag matakot na
magtanong tungkol sa kanyang nararamdaman, at makinig sa mga
palatandaan, dahil baka ang iyong anak ay depressed. Ipaalam mo sa
iyong anak na ikaw ay handang tumululong. Marahil masabi mo sa iyong
anak na ‘Magiging maayos din ang lahat”, pero hindi ito makakatulong sa
kaniya.

Kadalasan ang mga sintomas ay pisikal at sikolohikal na damdamin ng


mga taong may depresyon. Kung mayroon kang ilan sa mga sumusunod
na sintomas na nakagagambala sa iyong pang-araw-araw na buhay (tulad
ng trabaho at mga aktibidad sa pag-aaral) nang pinalawig na panahon,
maaaring nagdudusa ka sa depresyon.

20
Mga pisikal na sintomas:
 Sakit ng ulo
 Insomnia
 Pakiramdam ng pangkalahatang panghihina
 Pagduduwal
 Kakapusan ng hininga
 Mga problema sa pagtunaw
 Pagkapagod at kakulangan ng enerhiya.
 Pagkakaroon ng maraming panaginip at pakiramdam na hindi ka
nakatulog sa buong gabi.
 Hindi maipaliwanag na mga pananakit.

Mga emosyonal na sintomas:


 Pagkamayamutin
 Ninenerbiyos
 Mababang kalooban at kakulangan sa pagganyak
 Kawalan ng interes sa mga bagay
 Mga paulit-ulit na pag-iisip ng mga hindi kasiya-siyang karanasan
 Mga damdamin ng kawalang-halaga, mababang pagpapahalaga sa
sarili at pagkakasala.

Ayon kay Jason M. Nelson sa kaniyang pananaliksik na Depresyon


and Anxiety among Transitioning Adolescents and College Students with
ADHD, Dyslexia or COmorbid ADHD/Dyslexia, sinasabing ang mga taong
mayroon dylexia, ADHD kabilang na ng mga transitioning adolescents ay
hindi nalalayo sa mga mag-aaral sa kolehiyo, maliban na lamang ang
pinakapangunahing epekto it sa kasarian na sinasabing ang mgababaeng
mayroong dyslexia ay nakakararanas ng mas maraming sintomas ng
depresyon at pagkabahala kumpara sa mga lalaking mayroong
ADHD/Dyslexia ay naiulat na nakakaranas lamang ng kaunting sintomas
ng depresyon at pagkabahal.

21
Ayon kay Valle, 20 percent ng natatanggap na tawag ng DOH Suicide
Hopeline simula nang inilunsad ito noong Setyembre nakaraang taon ay
tungkol sa depresyon. Dagdag ni Valle na karamihan ng tawag ay nagmula
sa edad na 13 hanggang 29. Impotanteng magbigay ng atensyon at wag
basta mag-judge habang kumakausap sa mga taong may suicidal thoughs
para matulungan sila.

Ayon sa World Economic Forum (WEF) tinatayang 320 milyong katao


ang may mental depression sa buong mundo. Ayon pa sa World Health
Organization (WHO), Ang depresyon ay kasama na ang anxiety, ay malaki
ang epekto sa global economy. Umaabot ng 1 trillion ang gastos dito ng
maraming bansa hindi lamang dahil sa treatment kundi dahil maraming
biktima nito ang lumilisan sa traba

22
DEPRESYON SA HENERASYON NGAYON

Ayon sa isang artikulo ng Nagoya International Center, ang depression


ay isang sakit sa mental na tinatawag na “Sipon ng Puso". Kahit sino, kahit
anong nasyonalidad, kahit ilang taong gulang, kahit babae o lalaki man,
maaaring magkaroon ng depresyon. Ang tanda ng depresyon ay tumatagal
ang isang kondisyong pagkalumbay o matamlay na karamdaman, kawalan
ng sigla o gana sa buhay, kawalan ng halaga o mababang pagtingin sa
sarili, insomnia o hindi nakakatulog, kahirapan sa konsentrasyon, kawalan
ng ganang kumain o iba pa. Mahigit 120 milyon ang pasyente ng
depresyon sa buong mundo. Ang depresyon ay isang pansamantalang
kondisyon kung mabibigyan ng maagang lunas. Iba’t iba ang sanhi ng
depresyon.

Depresyon bilang isang Sistematikong Sakit - Jorge Luis Sotelo, MD.


University of Miami. Ang depresyon ngayon ay tumutukoy bilang isang
sistematiko na sakit dahil sa neurobiological na mekanismo na ipaliwanag
kung paano ito nakakaimpluwensya sa iba pang mga uri ng sakit.
Makabuluhang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang ipaliwanag ang
mga mekanismo kung saan, ang depresyon ay pinatataas ang panganib ng
isang dati ng nararamdamang sakit. Biological na proseso bilang
magkakaibang bilang pamamaga, neuroendocrine regulasyon, platelet
activities, aktibidad ng sistema, at homeostasis ay naiimpluwensyahan ng
depresyon. Layunin ng pag-aaral na magpapaliwanag ng mga mekanismo
na kung saan naaapektohan ng depresyon ang pasyente na may sakit sa
puso, cancer, stroke, diabetes, at osteoporosis. Ito ang kondisyon kung
saan ang mga pagtutulungan sa pagitan ng depresyon at medikal na
karamdaman ay patuloy na sinisiyasat.

Pangunahing Sakit na Depresyon sa mga Kabataan: Pagkalat, ang


mga Panganib, at mga Klinikal na Implikasyon - Lewinsohn PM at Rohde

23
P. Seeley Jr. Oregon Research Institute, USA. Sa artikulong, kasalukuyang
pag-unawa ng depression sa mga kabataan (14-18 taong gulang)
kabataan batay sa aming programa ng pananaliksik (Oregon Adolescent
Depression Project). Sa partikular, natugunan ang mga sumusunod na
kadahilanan tungkol sa depresyon sa kabataan: (a) phenomenology (hal.,
paglitaw ng mga tiyak na sintomas, epekto ng kasarian at edad, komunidad
kumpara sa mga halimbawa ng klinika); (b) epidemiology (hal., pagkalat,
saklaw, tagal o panahon, edad); (c) comorbidity kasama ang iba pang
mental at pisikal na karamdaman; (d) psychosocial - katangian na kaugnay
bago magkaroon ng depression at pagkatapos ng depresyon; (e) ang mga
rekomendadong pamamaraan ng pagtatasa at pagsusuri; at (k) sa bisa ng
isang panghihimasok sa paggamot ay binuo para sa mga adolescent
depresyon, the Adolescent Coping with Depression Course.

DAHILAN NG DEPRESYON

Ayon kay John Hoffman sa kaniyang pananaliksik na Anxious


Students Strain College Mental Health Centers, ang pinakapangunahing
dahilan ng depresyon ay ang mala-bundok na gawaing pang akademikong
mula sa murang edad pa lamang at ang labis na paghihigpit ng mga
magulang kabilang na ang labis na paggamit ng “social media”. Ang
pagkabahala ay naglalaro ng pinakaimportanteng ganap sa buhay ng isang
estudyante. Subalit sa kasalukuyan,ang mga estudyante ay labis nang
nakakaranas ng pagkabahala kaya naman sila ay naghahanap ng
matinding pagagabay at mga programa na makakatulong sa kanila.

Ayon kay Sara Mackenzie (2011), Depression and Suicide Ideation


amog Students accessing campus Healthcare, ang depresyon at
pagpapakamatay ang pangunahing binibigay pansin sa iba’t ibang
umibersidad. 25% ang bilang ng mga lalaking nagkakaroon ng depresyon
samantalang 26% naman sa mga babae. Ang porsyento ng
pagpapakamatay naman ay nagsasabing ang mga lalaki ay mayroong 13%

24
na mas mataas kumpara sa mga babae 10%. Ang paninigarilyo,
emosyonal na pananakit, di inaasahang pagtatalik ay maaaring maging
dahilan upang depresyon ay maranasan.

Ayon kay Michelle Mickean (1997) sa kanilang pananaliksik na


College Students-Academik Stress and Its relation to thier Anxiety, Time
management and Leisure Satisfaction, Ang hindi paggamit ng oras ay
isang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng matinding pagkabahala. Ang
pagkabahala time management at leisure satisfaction ay mayroong
kaugnayan sa isa’t isa. Sinasabing ang nasabing tatlo; kapag binawasan
ang pagkabahala; binigyan ng kaukulang pansin ang oras at dinagdagan
ang leisure satisfaction, maaating ang isang mag-aaral ay malayo sa
pagkakaroon ng depresyon.

Ayon kay Jan Hoffman (2015), Anxious Students Strain College


Mental Health Centers, ang pagkabahala ay isang terminolohiya kung saan
sinasaklaw pa ang ilan sa mental disorder na mayroon tayo tulad ng social
anxiety disorder at agoraphobia. Ang mga estudyante dumaraan sa mga
ganitong mental health issue ay nakaramdam na para bang hindi totoo o
importante ang mga inaalala nila dahil nga sa nagiging normal na ito
kanila.

Sinasabi ni Lidesy Holnes (2015), Statistics that will change the way
you think about depression, na ang depresyon ay mayroong paraan upang
lasunin ang utak kahit pa ng pinakamasayang tao sa mundo. Mapapansin
na kung noon ang mga simpling bagay na nakapagpapasaya na tao ay
kaayaaya pa ngunit nababago ng depresyon ang paningin na ito at dahang
dahang mawawalan ng interes ang sino mang dumaan sa kalagayang ito.
Sinasabing ang porsyento ng mga nagdadalaga at mga nagbibinatang may
depressive disorder sa edad na 18 ay 70%.

Ayon kay Professor Franceso Cappuccio mula sa Warwick University

25
“ Ang mga kakaunting oras ng pagtulog at mga higit na antas ng pagtulog
ay naging kaguluhan sa pagkat ng mga industriyalismo lipunan. Kung saan
ang pagbabago ay madalas resulta ng pagputol sa pagtulog upang lumikha
ng mga maraming oras para sa paglilibang at shift sa trababo, na ithala na
ang mga ulat na pagkapagod, pagkahapo at pagka antok sa mga labis na
araw ay mas karaniwan kaysa sa mga ilang dekada na ang nagdaan”
Dagdag niya ang pagtulog ay kumakatawan sa pang-araw-araw na
proseso ng pisyolohikal na pambayad-pinsala at pangbawi, sa kakulangan
ng pagtulog ay may malaking epekto.

Ayon kay Franesca D. Meglio (2012), Stress takes its tool on college
students, ang mga taong nagtarabaho na hindi akma sa kanilang mga
pang-aaral ay sinasabi nakaranas ng matinding presyur sapagkat sa
mahabang taon ng kanilang pag-aaral, na kung saan karamihan sa kanila
ay nakapagbayad ng malaking halaga sa kanilang tuition fee na naging
dahilan ng pag lubog nila sa utang ay sinasabing malaki ang posibilidad na
dumanas ng depresyon. Ang pag taas ng ekonomiya ng bansa na kung
saan hindi nararamdaman ng mga tao partikular na ang mga mag-aaral na
magsisipagtapos n sa kolehiyo ay naging dahilan ng kanilang pagkabahala
kung makakakuha ba sila ng maayos ay akmang trabaho bago nila lisanin
ang kanilang institusyon.
Ayon kay Dr.Sheila Marie Hocson, direktor ng Guidance and
Counseling ng Far Estern Univarsity, isang seryosong usapin ang
pagpapakamatay pero hindi ito gaanong nabibigay ng pansin. Ang
pagpapakamatay ay naiisip ng mga tao na wala ng nakikitang pag-asa sa
buhay. Kapag naramdaman niya na wala na siyang kuwenta, na wala na
siyang halaga at hindi na niya kayang gawin ang mga bagay na dapat
niyang gawin, nade-depress ito at maaaring siyang mag-udyok para
magpakamatay.

Ayon sa WHO, ang depresyon ay karaniwang mental disorder. Ang


mga biktima nito ay nakaranas ng matinding kalungkutan at kawalan ng

26
gana sa mga gawain na kadalasan naman niyang ginagawa at ikinasisiya.
Marami sa mga biktimad nito ay hindi kayang ipagpatuloy ang kanilang
ordinaryong gawain.

PARAAN UPANG LABANAN ANG DEPRESYON

Ayon kay Diana Rodrigez (2015), How to cope up with anxiety and
depression, sinasabing isa sa mga mabisang paraan upang labanan ang
depresyon ay ang paglalaan ng oras upang hindi gawin ang mga bagay na
nagbibigay ng pagka bahala katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho at pag-
iisip ng mga bagay na nakakapagpasakit ng ulo. Kailangan ng bawat tao
na maglaan ng oras para sa sarili upang maka isip-isip at magsaya kahit sa
maikling panahon lamang.

Ayon sa Amy Novotney (2014) sa kanilang pananaliksik sa Students


under Pressure, tumutulong na ang mga Psychologists upang mabigyan ng
pansin ang lumalalang kaso ng mga Mental Health problem tulad ng
pagkabahala. Sinasabing gumagawa na ng mga hakbang ang mga
researchers upang maipahayag ang kahalagahan ng kaayusan ng mental
health ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan o campuses. Isinaad
din sa artikulo na ang mga estudyante dumaranas sa labis na pagkabahala
at depresyon ay ang mga batang mas malaki ang posibilidad na mag drop
out, ngunit kung bibigyan ng sapat na tulong at counseling maaring
maagapan at matulungan ang mga ito.

Ayon kay Barb Nefer (2014) sa kaniyang pananaliksik na Anxiety


Overtakes Depresyon as Most Common Mental Health Issues, ang
pagkabahala ay maaring malunasan sa pamamagitang ng pansariling mga
paraan o ang medikasyon. Isa sa mga paraan ay pagbawas ng pag-inom
ng kape, paglalaan ng oras para sa sarili tulad ng pagliliwaliw paminsan,
pag-eehersisyo araw-araw at pagkain ng masusustansiyang pagkain. Kung
ikaw ay estudyate na naghahanap ng gabay, isa sa mga taong maari mong
lapitan ay inyong doctor sapagkat maari nila kayong bigyan ng pangunang

27
lunas laban sa pagkabahalang inyong nararanasan.

Ayon kay Chasty Laskey, Anxiety on the rise among College Students,
83% ng mga eskwelahan sa mundo ay nagbibigay g libreng paggabay at
gamut upang maiwasan ang depresyon at hindi na ito lumala pa ng
tuluyan. Sa kabilang banda, sinasabi rin na ang mga mag-aaral ay maaring
magsagawa ng thereapy kasama ang CAPS counselores, o di kaya’y
maaari rin silang ilipat sa isang paaralan o unibersidad na nagbibigay rin
ng gabay na ayon sa nais ng biktima.

28

You might also like