You are on page 1of 20

“ANG DEPRESYON NA NARARANASAN NG MGA

KABATAAN”

Senior High Thesis Research to the


Senior High School Department
ANGOYAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sandig-Ambolong Marawi City.

Pananaliksik sa Filipino,
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING, MATHEMATICS
(STEM 12)

Pampang, Anna Sharina Bolao


PANGALAN
Mrs. Sania Dimas - Mustapha
PANGALAN NG GURO
Talaan ng nilalaman

I. Kabanata I . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
II. Kabanata II (Kaugnay na Literatura) . . . . . . . . . . . . .
a.) Ano ang Depresyon?
b.) Mga pangkat ng depresyon
c.) Sintomas ng depresyon
d.) Mga pinsalang dulot ng depresyon
e.) Prebensiyon sa depresyon
f.) Ang mag aaral at ang depresyon
g.) Rehabilitasyon
h.) Sintesis ng Pag-aaral
III. Kabanata III (Disenyo Ng Pag-aaral) . . . . . . . . . . . . .
IV. Kabanata IV (Pagtatapos) . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . .
i. Lagom
ii. Konklusyon
iii. Rekomendasyon
KABANATA I
PANIMULA
Ang depresyon ay isang tumataas na karaniwang karamdaman ng kalooban sa
makabagong panahon. Ipinakikita ng nga dating pag-aaral na may mahigit sa 300
libong mga pasyente ng depresyon sa pilipinas. Ayon sa world health
organization, may mahigit sa 100 milyong tao ang may depresyon sa buong
mundo, ngunit mas mababa sa 25% sa kanila ang kailanman ay humingi ng
paggamot. Tinataya sa taong 2020, magiging pangalawang pinaka mahalagang
kalagayan sa kasalukuyan ang depresyon kasunod ng saliit sa puso sa mundo.
Ang isang sanhi ng stress na maaaring mauwisa depresyon ay ang paghihiwalay o
pagdidiborsiyo ng mga magulang, pagkamatay ng mahal sa buhay, pisikal o
seksuwal na pang-aabuso, malubhang aksidente, pagkakasakit, o problema sa
pagmatuto lalo na kapag nadama ng isa na nilalayuan siya dahil dito. Nakaka-
stress din kapag sobrang taas ang inaasahan ng magulang sa anak, gaya ng maging
honor student. Posibleng dahilan din ang pambu-bully, pagkabahala sa
kinabukasan, malayo ang loob sa nadedepress na magulang, at pagbago-bagong
pakikitungo ng magulang.
Sa kabila nito, depresyon ay isang malawak na sakit na hindi matukoy.
Nakakaapekto ang banayad na depresyonsa pang-araw-araw na gawain ng isang
tao habang maaring humantong ang malubhang depresyon sa mga pagtatangkang
mag pakamatay. Gayunman, maaring magamot ang karamihan kaso ang
depresyon at ang mas maagang pagsisimula ng paggamot, mas mabisa ito.
Layunin ng pag-aaral na ito ang maghandog nang impormasyon hinggil sa
depresyon nang mga kabataan sa panahon ngayon, nais nitong mabatid ang mga
magulang at mga kabataan ang dahilan nang depresyon, ang espekto nito at kung
paano ito maiiwasan.
Sa gagawing pananaliksik ng mga may-akda, tiyakang sinagot ang mga sumusunod
na katanungan:
1. Ano-ano ang mga sanhi ng depresyon?
 Maraming sanhi ng depresyon, isa dito ay pag nawawalan sayo ang mahal
mo sa buhay. Mag dudulot ito sayo ng kalungkotan at pag sumobra ang
iyong kalungkatan ay maaaring ma-depress ka.
2. Paano maiiwasan ang depresyon?
 Kailangan mong libangin ang sarili mo tulad ng pag e-exercise, upang
maiwasan ang pagiisip gn negatibong bagay at limitahan ang pag gamit ng
cellphone o di kaya ay social media dahil maaaring may mga negatibong
makita ka sa social media na di makakatulong sayo.
3. Ano-ano ang mga nai-dulot na ng depresyon sa mga kabataan?
 Ang mga naidulot nito sa mga kabataan ay ang pagliit ng kanilang timbang o
pagpayat dahil hindi sila nakakakain ng maaayos.
4. Ano-ano ang mga sintomas ng depresyon?
 Sintomas nito ay ang pagkawala ng interes sa mga libangan, kaibigan, at
aktibidad na dating nag bibigay ng kaligayahan sayo, malungkot ka araw
araw gabi gabi at gusto mo nalang na matulog nalang.
5. Paano makakatulong sa mga taong may depresyon?
 Kausapin siya ng masinsinan at pakinggan mo lahat ng sasabihin niya para
mailabas niya lahat ng gusto niyang sabihin hanggang sa nababasawan na
ang kanyang pagigigng depress dahil ramdam niyang may taong umintindi
sakanya.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na kadalasang biktima nang


depresyon, ang mga magulang para magabayan nang mabuti ang anak na maaring
makaranas nito at ang mga guro para mabigyan nila ng mga payo ukol sa mga
sanhi, epekto, at mga lunas o paano iwasan ito, sa paaralan at pamayanan ito ay
sa kadahilanang nakapasaloob sa pag-aaral na ito ang mga bagay na dapat nating
malaman para sugpuin ang napakatinding suliranin ng ating bansa kaugnay sa
depresyon nararanasan ng mga kabataan.
KABANATA ll
KAUGNAY NA LITERATURA
A. ANO ANG DEPRESYON

Masarap at masaya ang buhay Teenager! Kung maraming naaaliw, mayroon


din namang nalulungkot dahil mayroon silang pinagdadaanang hindi nila
kontrolado at ito ang Depresyon.
Ang Depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam
ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya ay sanhi ng mga
pagbabago sa utak at Hormones, Problema sa Neurotransmitters (Mga kemikal na
naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), Mga pangyayari sa
buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik.
“Talagang dumadaan sa depresyon ang bawat kabataan lalo't nasa edad sila na
hindi na bata, pero hindi pa rin matanda. Ito ang puntong naghahahanap siya ng
kalayaan. You have to respect also na ang teenager would want privacy,”
Paliwanag ni Dr. Genuina Ranoy, Child and Adult Psychiatrist sa The Medical City.

Ang Depresyon ay resulta ng maraming pinagsama-samang sanhi. Maaaring


epekto ito ng pagtrato ng ibang tao, Stress, o pisikal na salik na ito ay Kadalasan
nang namamana ang depresyon. Maaari ding salik ang sakit sa puso, pabago-
bagong Hormone level, at patuloy na pag-abuso sa substansiya na maaaring
maging sanhi o magpalala sa depresyon.

Ang Depresyon ay isang kondisyon kung saan ikaw ay nakararanas ng lungkot,


kawalan ng pag-asa at hindi na interesado sa buhay. Ito ay maaaring makaapekto
sa pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang Depresyon ay maaaring namamana
sa pamilya, Maaari rin na ang mga magulang na may negatibong pananaw ay
natututunan ng mga bata kaya nagsasanhi ito ng depresyon.
Nagmumula ito sa mga kaganapan na sobrang stress tulad ng problema sa
pera, sa paaralan, nabu-bully, pagkawala ng kaibigan, pagkawalay sa magulang o
pagkamatay ng miyembro ng pamilya o alagang hayop. Ang depresyon ay mas
malala kapag nagsimula ito sa iyong kabataan sa edad na 9 o 10. Mas peligro
kapag ang mga bata ang nakararanas ng sakit na ito babae man o lalaki. Ayon sa
pag-aaral, sa mga teenager ay babae ang mas nakararanas ng depresyon kaysa sa
lalaki.
Ang Depresyon sa mga bata ay maaaring minsan ang problema o maaaring
magpatuloy. Karamihan sa mga bata ay nahihirapan nang ilang linggo o buwan.
Kung walang paggagamot, maaaring bumalik ang depresyon at lumala. Ang mga
batang nagkaroon na ng depresyon ay mas malaki ang peligro ng depresyon sa
huling mga taon ng kanilang kabataan at nasa sapat na gulang.

B. MGA PANGKAT NG DEPRESYON


Mayroong mga kapangkatan ang Depresyon. Pinagpapangkat-pangkat ang mga
ito ayon sa mga sumusunod:

A. Anxiety disorder/ pagkabalisa (Ansayti Disorder)


Ito ay nangangahulugang sobra sobrang pangamba at takot. Ang mga taong
may ganitong paguugali ay kadalasang nakaranas ng maraming pangamba sa
buhay at walang kasiguraduhan sa mga nangyayari sa kanyangbuhay. Ang
“phobia” ay nangangahulugang pagkatakot sa isang ispesipikong bagay, sitwasyon
o aktibiti.

Ang pagpapanik ay isang uri ng pagkabalisa kung saan ang tao ay nagiging
padalo dalos at biglaan ng lang pagkatakot at ang palatandaan nito ay mabilis
natibok ng puso at kahirapan sa paghinga. Ang mga taong mayroon “obsessive –
compulsive disorder” ay nakakaranas ng pagka obsess sa isang bagay, ideya o
imaheo kaya naman ay nagkakaroon ng matindi hangarin na maisagawa
B. Mood Disorder
Ang mood disorder, tinatawg ding apektib disorder (Affective Disorder) ay
lubhang nakakaapekto sa aspetong emosyonal ng buhay ng tao. Ang mga
halimbawa nito ay deoresyon, mania o labis na pagkahilig sa isang bagay at
Bipolar Disorder o manic depressive illness. Ang mga sinomas ng depresyon ay
pagkamalungkutin, laging nawawalan ng pagasa at itinuturing ang sarili na walang
kwenta.
Ang pananakit ng katawan pagbabago-bago ng dami ng kinakain o apetayt, oras
sa pagtulog at paminsan-minsang panghihina ay palantandaan dion ng depression
kabaligtaran ng depresyon ay mania at sa kalagayang ito, Ang ibidibidual ay
nagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa kanyang sarili, nagiging OA
(overreacting) nakakaranas ng pagkainita, sobra eksayti at kaunting oras ng
pagtulog. Ang bipol disorder naman ay pinaghalong mania at depresyon.

C. Schizophrehnia at paranoia
Ang taong may Schizophrehnia ay tila napapalayo sa realidad. Ang sintomas
nito ay kinabibilangan ng paghahalusunasyon, mga maling paniniwala, hindi
maaayos na pagiisip at pagsasaslita mga kakaibang kilos at paguugali hindi
pakikisama sa ibang tao at parang walang emosyon. Hindi rin nila
nagagampanman ng maayos ang kanilang tungkulin at nawawalan sila ng
kakayahang maisagaw ang mga gawain sa lipunan at nawawalan sila ng
kakayahang maisagaw ang mga gawain sa lipunan, sa trabaho o sa eskwelahan.

D. Personality disorder
Ang personality disorder ay isang sakit na nakakaapekto rin sa ating utak. Kung
saan ang isang tao ay hindi nakagagawa ng maayos sa anumang aspeto. Dahil
ilang mga persepyon sa kanilang sarili o maging sa ibang tao. Sila ang mga taong
halos walang tiwala sa sarili, maiksi ang pasensya, madalas na masangkot sa gulo
at maling emosyonal na pagtugon.
E. Kognitib disorder
Ang pagkabaliw ay maituturing na isang uri ng kognitib disoreder kung saan ang
tuluyang nawawala ang maayos na pagiisip. Ang mga palatandaan nito ay
mahinang memorya, kahirapan sa pagsasalita o di maayos na pakikipagusap,
kahinaan sa abstrak na pagiisip at kawalan ng kakayaahng matukoy ang mga
pamilyar na bagay. Ang mga ganitong sitwasyon ay karaniwang resulta ng maling
paggamit o pagaabuso sa mga gamut o kaya naman ay paggamit ng lason.
F. Dissociative behavior
Ang Dissociative Disorder ay kinabibilangan ng mga sakit na nakakaapekto sa
persepsyon, kamalayan, mga akala at identidad ng isang tao. Nakahanay sa
kategoryang ito ang amnesia na walang dulot sa pisikal ng katawan, “Dissociative
Identity Disorder” kung saan ang isang tao ay mayroong Dalawa o higit pang
magkakaibang katauhan o karakter na naghahalinhinan “De Personalization”
pagkakaroon ng pakiramdam ng pagkakahiwalay o pagkalayo sa sariling katawan
o pagiisip at “Disssociative Fugue” kung saan biglang nawawala ang memorya
kasabay ng biglaang pagalis o paglayo sa bahay o trabaho.
G. Somatoform Disorder
Ang salitang ito ay nagmula sa salitang Griyegong soama na ang ibigsabihin ay
katawan. Ang somatoform disorder ay may mga pisikal na sintomas na hindi
maipaliwanag sa pamamagitan ng medisina o kondisyong mediakl at ng iba pang
sakit sa utak. Dahil ditto ipinalagay na lang ng mga pisiyan ng ang mga sintomas
na ito’y sanhi ng problema sa spykolohiyang na aspeto.
Ang halimbawa nito ay “Conversion Disorder” na tinatawag din na histerya kung
saan ang isang tao ay maaring makaranas ng pag pagkabulag o pagkabingi pero
(hindi naman matukoy ng pisisuan) wala naming kahit anong diprensya sa mga
organ na apektado. Ang mga tao naming may “Hypochondriasis” isa pang uri ng
Somatoform Disorder, ay natatakot na ang simpleng sakit nila mauuwi sa
malubhang sakit at pinagkakamalian nila na ang simpleng pisikal na sintomas ay
ebidensya ng mga sakit na kinakatakutan.
H. Factitous Disorder
Ang mga taong may Factitous Disorder ay gumagawa ng paraan para
makapagprodyus o makapagpakita ng pekeng sintomas ng sakit para mabigyan ng
Medical na atensyon at pagaalaga. Halimbawa ang isang tao ay maaaring
magsinungaling na kinakapos siya ng hininga para maadmit siya sa ostpital,
magtatakang magpakamatay para makaagaw ng atensyon o kaya naman ay
maglagay ng dugo sa ihi para masabing may sakit siya
J. “Subtance-related disorder”
Ang Subtance-related Disorder ay sanhi ng pagaabuso sa droga, Mga Side Effect
ng medikasyon at eksosyun sa nakakalasong kemikal. Nabibilang sa kategoryang
ito ang pagkasugapa sa alak ay sa bawal na gamut. Bilang karagdagan ang
paggamit ng mga gamut ng iba pang mental disorder tulad ng depresyon, ansayti
at saykosis. Ang mga gamot na mauugnay sa Substances-related Disorder ay
Caffeine, Nikotina, Cocaine, Heroin, Ampetamina, Hallucinogen at seduktib.
K. “Organic mental disorder”
Kabilang nito ang mga karamdamang na ang sikolohikal na sintomas ay
direktang may kaugnayan sa pinsala sa utak o abnormalidad sa bayokemikal na
kapaligiran maaring magresulta sa pagtanda, malalang karamdaman sa Nervous
System o pagkalason. (halimbawa, pagkalason sa “Lead” o labis na pagkalulong sa
alcohol.
L. “Psychosexual disorder”
Kabilang ang mga problema identidad ng kasarian, paraan ng
pakikipagtaliksekswal na layunin. Ang pagiging “Homosexual” ay ikinokonsider
bilang isang kapansanan kung saan ang isang indibidwal ay hindi marunong
makuntento sa kanyang sariling kasarian at hinahangad na ito ay mabago o
baguhin pa.
M. Eating disorder
Ang Eating Disorder ay sakit na nararanasan ng isang tao na lubhang nakaapekto
sa tamang pagkain niya. Ang mga taong may “Anorexia Nervosa” ay mga taong
may malaking takot na madagdagan ang kanilang timbang at inaayawan din nila
ang pagkain ng tama o maging panalitilin ang normal na bigat ng tao.
Ang mga may “Bulimia Nevosa” naman ay ang paulit ulit na kumakain pero
kasunod ay pamimilit sa sarili na mapasuka para mailabas ang kinain. Kung
minsan ay ginagamit sila ng Laxatives o Dairetics at iba pang gamut para mapigilan
ang pagtaas ng timbang. Ang Eating Disorder ay madalas na nararanasan ng mga
batang kababaihan sa kanlurang asya ay mangilan ngilan naman sa ibang bansa pa
ng asya.

N. Impulse-control disorder
Kadalasang hindi nakakaiwas sa mga bayolenteng pangyayari ang mga impulse
central disorder dahil hindi nila makontorl ang kanilang sarili at ito’y itinuturing na
sakit. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sobrang pagkagalit o pagkamagagalitin,
di mapigilang ng sakit sa pagiisip, tulad ng mania, Schizophrenia at Personality
Disorder ay ang mga sintomas ng kawalang kontrol sa sarili .

C. SINTOMAS NG DEPRESYON

Mayroong iba't ibang mga sintomas na nauugnay sa depression. Hindi lahat ng


naghihirap mula sa depresyon ay nakakaranas ng bawat sintomas. Ang ilang mga
tao ay maaaring makaranas lamang ng ilang mga sintomas, habang ang iba ay
maaaring makaranas ng marami.
Ang kalubhaan ng mga sintomas ay nag-iiba sa mga indibidwal at maaaring
mag-iba din sa paglipas ng panahon. Sa pangkalahatan bagaman, kung
nakakaranas ka ng apat o higit pa sa alinman sa mga sintomas sa loob ng
dalawang linggo o higit pa, dapat kang humingi ng propesyonal na tulong.
Bagamat ang sintomas ng depresyon ay nagbabago base sa tindi nito mayroong
pamantayan na sintomas na dapat bantayan.
Ang depresyon ay hindi lang nakakaapekto sa isip at damdamin ng isang tao, ito
rin ay nakakaapekto kung paano tayo kumikilos, kung ano ang ating sinasabi at
maging sa relasyon natin sa ibang tao. Kabilang sa mga karaniwang sintomas nito
ang:

 Kalungkutan
 Kapaguran
 Hirap sa konsentrasyon o pokus
 Panlulumo
 Magagalitin
 Iritable
 Pagkabigo
 Kawalan ng interes sa mga masayang aktibidad
 Problema sa pagtulog (sobra o kulang)
 Kawalan ng sigla
 Pananabik sa mga pagkaing hindi naka-kabuti sa kalusugan
 Pagkabalisa
 Paglalayo ng sarili sa ibang tao
 Kawalan ng pahinga
 Pag-aalala
 Hirap sa pag-iisip ng mabuti o pagdedesisyon
 Kawalan ng gana sa trabaho o eskuwela
 Hindi pagsali sa mga aktibidad
 Kinokonsensiya
 Mababang pagtingin sa sarili
 Pag-iisip ng pagpapakamatay
 Pananakit ng ulo o kalamnan
 Pag-abuso sa paggamit ng droga o alkohol
 Delusyon o kaya ay halusinasyon
D. MGA PINSALANG NAIDULOT NG DEPRESYON
Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng Depresyon ay ang mga sumusunod:
1. Madalas na mairita, uminit ang ulo, magkaroon ng madalas na silakbo ng
paninigaw o pagrereklamo, o padaskul-daskol na pagkilos.
2. Sinisira ang mga bagay tulad ng mga bagay na pambahay o mga laruan.
3. Nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “I hate myself” o “I’m stupid”
4. Nawawalan ng interes sa mga bagay na dating gusto niya at kadalasang gustong
mapag-isa.
5. Makalimutan ang mga bagay at mahirapan sa pag-iisip nang malalim.
6. Matulog nang matagal, mahirapang makatulog sa gabi, o magising sa gabi at
hindi magawang makabalik sa pagtulog.
7. Mawalan ng ganang kumain, maging mapili sa pagkain, o kumain ng mas
marami kaysa sa karaniwan.
8. Maging sobrang sensitibo sa pagtanggi o kabiguan.
9. Ma-guilty nang walang dahilan o maniwala na wala siyang kuwenta.
10. Saktan ang kanyang sarili, tulad ng pagkagat, paghampas, o paghiwa sa
kanyang sarili
11. Pag-usapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, tulad ng pagsasabi
ng, “I wish I was dead”.
May mga uri ang dulot ng Depresyon ito ay ang mga sumusunod:
Biochemical
May mga tao na madaling mapapansin ang pagbabago sa kanilang utak kapag
may depres-yon. Bagamat ang potensyal na sanhi na ito ay hindi maintindihan,
nagmumungkahi naman ito na ang depresyon ay nagsisimula sa paggamit ng utak.
May ilan ding mga psychiatrist na tinitingnan ang brain chemistry sa mga kaso ng
depresyon.
Ang mga neurotransmitters ng utak tulad ng serotonin, dopamine o
norepinephrine ay nakakaapekto sa pakiramdam natin tuwing masaya tayo at
posibleng mawala ito sa balanse sa mga taong may depresyon. Ang paggamit ng
antidepressants ang nagbabalanse sa mga neurotransmitters lalo na ang
serotonin. Subalit hindi pa rin maintindihan kung bakit nawawala sa balanse ang
mga neurotransmitters at kung ano ang eksaktong ginagampanan nila kapag
dumaranas ng depresyon.
Hormonal
Ang pagbabago sa produksyon at paggamit ng hormone ay maaaring humantong
sa pagsisimula ng depresyon. Ang anumang pagbabago sa estado ng hormone
kabilang na ang menopause, panganganak, problema sa thyroid o iba pang
karamdaman ay nagiging sanhi ng depresyon.
Seasonal
Tuwing umiigsi ang liwanag ng araw, maraming tao ang nakakaramdam ng antok,
pagod at kawalan ng interes sa mga araw-araw na gawain. Ito ang tinatawag na
seasonal affective disorder o SAD at isa itong kondisyon na agad naman nawawala
kapag ang mga araw ay muling humahaba.
Situational
Ang panahon ng trauma, malaking pagbabago o pagsubok sa buhay ay nagiging
mitsa ng depresyon. Ang pagkawala ng mahal sa buhay, pagkakatanggal sa
trabaho, pagkakaroon ng problemang pinansyal at iba pang seryosong pagbabago
ay nagiging malaking dagok sa isang tao.

E. PREBENSIYON SA DEPRESYON

Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang pagkaranas ng


Depresyon ng mga kabataan. Nagbigay din ng ilang payo ang DOH para maiwasan
ang depresyon tulad ng pag-eehersisyo o pagpunta sa gym. Nakakatulong kasi ang
ehersisyo dahil nailalabas ng katawan ang mga endorphins o tinatawag na "joy
hormones" na nakakatanggal sa stress.
Makatutulong rin sa mga nakakaranas ng depresyon ang pakikipag-usap sa
ibang tao, pagkakaroon ng “break”o recreational activities, pagkakaroon ng
healthy at positive lifestyle, at pagkakaroon ng support group mula sa mga
kaibigan at kapamilya.

Ang pag iwas sa depresyon, kabilang ang mga sumusunod:

1. Magtakda ng makatotohanang mga layunin para sa iyong sarili sa liwanag ng


depresyon. Huwag itakda ang iyong sarili para sa kabiguan sa pamamagitan ng
pagtatakda ng hindi makatotohanang o hindi matamo layunin.
2. Hatiin ang mga malalaking gawain sa mga mas maliit, itakda ang ilang mga
prayoridad at gawin kung ano ang magagawa mo hangga't maaari. Hatiin at
lupigin.
3. Subukan na lumabas at magpalipas ng oras sa ibang mga tao; kadalasan ay mas
mahusay kaysa sa nag-iisa.
4. Subukan upang magtiwala sa isang tao; ito ay karaniwang mas mahusay kaysa
sa pagpapanatiling ang lahat ng ito bote sa loob o pagiging lihim.
5. Makilahok sa mga aktibidad na iyong tinatamasa o na maaaring maging mas
mahusay ang pakiramdam mo.
6. Ang kakayahang mag-ehersisyo, pagpunta sa mga pelikula o ballgame, ang
pakikilahok sa panlipunan, relihiyon o iba pang mga aktibidad ay maaaring
makatulong.
7. Asahan ang iyong kalagayan upang mapabuti ang dahan-dahan, hindi kaagad.
Ang pakiramdam ng mas mahusay ay nangangailangan ng oras.
8. Kung maaari, ipagpaliban ang mga mahahalagang desisyon hanggang sa ang
depression ay itataas at mas malamang na maging layunin sa paggawa ng mga
desisyon.
9. Labanan ang paghimok sa mga droga na pang-aabuso o alak sa pagtatangka na
makatakas mula sa depresyon. Ang pang-aabuso ng substansiya ay bubuo lamang
sa iyong mga problema at maantala ang iyong pagbawi.
10. Huwag asahan na "lumabas ka lang". Ang overcoming depression ay maaaring
tumagal ng ilang oras. Sa halip ay dalhin ito isang araw sa isang pagkakataon.
11. Tulungan ka ng iyong pamilya at mga kaibigan.

F. ANG MAG AARAL AT ANG DEPRESYON

Sa mga larangan ng sikolohiya at sikyatriya, ang depresyon na kilala sa Ingles


bilang Major depressive disorder (MDD), recurrent depressive disorder, clinical
depression, major depression, unipolar depression, o unipolar disorder ay isang
sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan
ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng
interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain. Ang kumpol ng
mga sintomas o sindromang ito ay inilarawan at inuri bilang isa sa mga
diperensiya ng mood ng 1980 Diagnostic and Statistical Manual of Mental
Disorders.
Sa Estados Unidos, ang mga 3.4% ng mga indibidwal na may pangunahing
depresyon ay nagpapakamatay at halos 60% ng mga nagpapakamatay ay may
depresyon o may iba pang diperensiya ng mood. Ang diagnosis ng pangunahing
depresyon ay batay sa sariling karanasan ng pasyente, sa pag-aasal na iniulat ng
mga kamag-anak o kaibigan at sa pagsisiyasat ng estado ng kaisipan ng pasyente.
Walang pagsusuring laboratoryo para sa pangunahing depresyon, bagamat ang
mga doktor ay humihiling ng mga pagsusuri para sa mga kondisyong pisikal na
maaaring magsanhi ng parehong mga sintomas.

Dahil kadalasang di madaling makumpirma ang depresyon ng isang tao,


napagkakamalan itong karaniwang estado ng kalungkutan lamang na maaaring
maisaayos ng mga salitang nang-uudyok ng kasiyahan o gawaing makapagbabalik
ng sigla. Sa huling tala ng World Health Organization, umaabot na sa 350 milyong
tao na may iba’t ibang edad ang naapektuhan ng depresyon. Bagama’t may mga
gamot dito, kakarampot lamang ang nalulunasan.
Ang isa pang nakakalungkot na katotohanan: isa lamang sa bawat limang
teenager na dumaranas ng depresyon ang natutulungan. Hindi kagaya ng
matatanda, karaniwa’y umaasa pa rin ang mga kabataan na mapapansin ng
kanilang mga magulang o ng iba pang nakatatanda ang kanilang nararamdaman.
Ayon sa mga eksperto, mahalagang malaman ng magulang ang mga palatandaan
ng sakit na ito. Kapag hindi agad natulungan ang bata at hindi naiwasan ang
masasamang dulot nito, maaari itong mauwi sa pagpapakamatay.
Nasa 3 milyong Pilipino ang nakakaranas ng "depressive disorder", ayon sa pag-
aaral ng World Health Organization at sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN
Investigative and Research Group.
Kaugnay nito, nagbabala ang mga espesyalista na hindi biro ang depresyon dahil
maaari itong humantong sa suicide o pagpapakamatay kapag hindi naagapan.
Mahigit 2,000 kaso na ng suicide ang naitala ng WHO sa bansa noong 2012. Sa
buong mundo, ang suicide ang naitatalang pangalawa sa mga pangunahing
dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-29.
Sa artikulong, kasalukuyang pag-unawa ng depression sa mga kabataan (14-18
taong gulang) kabataan batay sa aming programa ng pananaliksik (Oregon
Adolescent Depression Project). Sa partikular, natugunan ang mga sumusunod na
kadahilanan tungkol sa depresyon sa kabataan: (a) phenomenology (hal., paglitaw
ng mga tiyak na sintomas, epekto ng kasarian at edad, komunidad kumpara sa
mga halimbawa ng klinika); (b) epidemiology (hal., pagkalat, saklaw, tagal o
panahon, edad); (c) comorbidity kasama ang iba pang mental at pisikal na
karamdaman; (d) psychosocial - katangian na kaugnay bago magkaroon ng
depression at pagkatapos ng depresyon; (e) ang mga rekomendadong
pamamaraan ng pagtatasa at pagsusuri; at (k) sa bisa ng isang panghihimasok sa
paggamot ay binuo para sa mga adolescent depresyon, the Adolescent Coping
with Depression Course.
G. REHABELISASYON

Ang mga propesyunal sa mental na kalusugan ay gumagamit ng ibat ibang


paraan sa paggamot sa mga taong may Depresyon. Ang 2 sa pinakakaraniwang
panggagamot ay ang “drug therapy” at “psychotherapy”. Sa “drug therapy”, ang
tao ay regular na gumagamit o umiinom ng doses ng gamut na resetang medico
upang mabawasan ang sintomas ng Depresyon. “Psychotherapy”, ay ang
panggagamot na Depresyon na gumagamit ng berbal at di berbal na
kumonikasyon sa pagitan ng pasyente at ng propesyunal. Ang tao ay maaaring
makatanggap ng “psychotherapy” ng mag-isa o ng grupo.
Ang uri ng panggagamot na ginagawa ay depende sa uri o antas ng kapansanan.
Halimbawa, ang mga doctor ang kadalasang ginagamot ang “schizophrenia” sa
pamamagitan ng gamot o drugs ngunit ang espesyal na uri ng “psychotherapy” ay
mas epektibo sa panggagamot ng mga phobias. Sa ibang uri ng Depresyon.
Kahit na ang ibang uri ng pasyenteng may malalang sakit ay maaaring hindi na
ganap na gumaling. Karamihan sa mga taong mas nakakaranas ng depresyon ay
maaaring mapabuti sa tulong paggamot at maaaring makabalik sa normal nilang
pamumuhay. Sa kabila ng mga epektibong panggagamot, halos 40% lamang ng
mga taong may sakit sa pag-iisip ang humihingi ng tulong sa mga propesyunal.
Ang ibat ibang propesyunal sa mental na kalusugan ay nagmumungkahi ng iba't
ibang klase ng panggamot sa depresyon. Kabilang dito ay ang mga saykayatris,
saykologis, saykoterapus, saykayatrik workers at saykayatrik nurses.

H. SENTISIS NG PAG AARAL

Ang depresyon ay maaaring nakapipinsala. Maaari itong sirain ang buhay ng iyong
pamilya, sirain ang iyong mga pagkakaibigan at personal na relasyon at
mabawasan ang iyong kakayahang mag-isip, dahilan at gumana.
Sa kaliwa untreated, depression na sa anumang kislap ng pag-asa o kaligayahan.
Maaari itong pigilan ang anumang pagkakataon na humantong ka sa isang
mayaman, buong buhay. Ngunit hindi ito kailangang maging ganito.
Ang depresyon ay magagamot. Sa pangkalahatan bagamat, maaari kang
makakuha ng tulong o mga referral mula sa anumang isa o higit pa sa mga
sumusunod na mapagkukunan:
1. Mga doktor (ie, Family Doctors)
2. Ang mga espesyalista sa kalusugan ng isip, tulad ng mga psychiatrist, mga
sikologo, mga social worker o mga tagapayo sa kalusugang pangkaisipan
3. Mga Programa sa Pagtulong sa Empleyado (EAP's)
4. HMOs (Health Maintenance Organizations)
5. Mga sentro ng pangkaisipang kalusugan ng komunidad
6. Mga departamento ng saykayatrya sa ospital at mga klinika ng outpatient
7. Mga programang kaakibat ng paaralan o medikal na paaralan
8. Mga ahensya sa ospital sa ospital ng estado
9. Lokal Clergy
10. Mga pribadong klinika at mga pasilidad
11. Lokal na medikal at / o saykayatris na lipunan
KABANATA III
DISENYO NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pagkalap ng mga datos sa


pamamagitan ng mga libro at babasahin o ang tinatawag na secondary source. Ito
ang paraang ginamit sapagkat hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ayos
ng isang panayam sa isang taong may kinalaman sa paksa o suliranin na mas
mainam sana. Ganunpaman ang mga datos na nakalap ay nasisigurong may
pinagbasehan at totoo.
Gumamit din ang mga mananaliksik ng internet para mas lalo pang mapaliwanag
ng maayos ang paksa. Nakatulong ito sa pagbibigay ng opinion at rekomendasyon
para sa paksang napili para sa pag-aaral.
Mayroon pang ibang ginamit tulad na lamang ng paggamit ng talaan ng
mga tanong o questionnaire, kung saan nakasaad ang mga tanong na
kapakipakinabang sa pananaliksik. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakuha ang
mga mananaliksik ng mga datos na ginamit sa graph na kabilang sa
dokumentasyon.

KABANATA IV
A. LAGOM
Ang depresyon ay malawak na sakit na hindi matukoy. Ito Ay nagsisimula sa
stress na maaaring ang mga sanhi nito ay ukol sa pag ibig, sa magulang, sa
pisikal o sekswal na pang aabuso, sa pagkakasakit at maaari ring sa
akademikong Gawain na maaaring humantong sa pagtangkang
peagpapakamatay. Sa kabila nito ay maaring magamot ang sakit na ito kung
sa una pa lang ay maagapan na, ngunit mas mababa pa sa 25% ang mga
humingi sakanila nang lunas.
Ayon sa World Health Organization, may mahigit sa 100 milyong tao ang may
depresyon sa buong mundo, at sa 300 libong taong pasyente ang meron
ang pilipinas.
Tinataya na sa taong 2020 ay magiging pangalawang pinakalikas na sakit ang
depresyon kasunod nito ang sakit sa puso sa buong mundo.
B. KONKSLUYON
Ang mga kabataang nagging biktima nang depresyon ay mas mababa pa sa 25%
ang humimgi sa nang lunas. Ang mga ito ang mga gustong magbagong buhay at
piniling tangggapin na lamang ang mga nangyari sa kanila at mag move on. Ngunit
ang 75% naman sa kanila ang gusto na lamang magpatangay sa saki t dahil
pakiramdam nila wala nang patutunguhan o direksyon ang kanilang buhay at
hindi maka move on. Hindi biro ang kanilang mga pinagdaraanan kung kaya’t
minsan kapag hindi na kaya nang puso isip at katawan ay humahantong sila sa
puntong gusto na lamang nila magpakamatay.
Napakahirap para sa isang kabataan ang maranasan ang ganitong sakit, nasisira
ang kaniyang buhay at maging ang kanyang kinabukasan. Mahirap rin lutasin ang
ganitong klaseng sakit, lalong lalo na kung walang magulang at mga kaibigan na
uunawain ka at magtutulungang makaahon ka sa sakit. Pero kapag nandyan ang
mga taong nagmamahal sayo at may malasakit, nagkakaroon nang lakas na loob
ang bata na harapin at lutasin ang kanyan problema dahil may inspirasyon. Isa ito
sa magandang hakbang upang masolusyunan ang depresyon na nararanasa ng
mga kabataan.
C. REKOMENDASYON
Dapat ito bigyang pansin nfg gobyerno at magbigay nang sapat na rehabilitasyon
na magbibigay na ispiritual, emosyonal, at pisikal na tulong para sa mga
nakakaranas ng depresyon at kung paano ito maiiwasan. Para mabawasan na rin
ang bilang nang pasyente ng depresyon dito sa pilipinas at maranasan ng mga
kabataan ang kagandahan ng buhay.
Inererekomenda ng mga mananaliksik na gawin ang pamanahong papel sa
mahabang oras , sikapin din na maghanap pa nang iba pang pagkukunan ng
imppormasyon tulad ng departmento.

You might also like