You are on page 1of 3

COSTALES, DANIELLA MAE B.

11-STEM

“Ano nga ba ang tumatakbo at tunay na nararamdaman ng taong may


Depression(depresyon) at Anxiety (pagkabalisa)?”

Introduksyon

Ano ang sakit na pagkabalisa?Ang sakit na pagkabalisa ay nagsasanhi ng


matinding pakiramdam ng pagkasindak at takot. Ang mga damdaming ito ay
maaaring lumitaw nang walang dahilan. At ang mga ito ay maaaring magpaulit-
ulit. Mapipigil ng mga ito ang pagkaya mo sa buhay at magdudulot sa iyo ng
malubhang pagkahapis. Bilang resulta, iiwasan mo ang mga bagay na nag-uudyok
ng takot sa iyo. Sa mgamalalang kaso, maaaring ayaw mo nang umalis ng bahay.
Ang sakit na pagkabalisa ay maaaring magsanhi ng ibang sintomas tulad ng:

-Malabis na kaisipan na hindi mo makontrol

-Malagiang bangungot o masakit na paggunita ng nakaraan

-Pagkahilo, pagpapawis at tensiyon ng kalamnan

-Kahirapan sa pagtulog o konsentrasyon

Ano naman ang Depresyon?

Sa mga larangan ng sikolohiya at sikyatriya, ang depresyon na kilalasa ingles


bilang Major depressive disorder (MDD), recurrent depressive disorder,clinical
depression, major depression, unipolar depression o unipolar disorder ay isang
sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan
ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng
interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain. Ang kumpol ng
mga sintomas o sindromang ito ay inilarawan at inuri bilang isa sa mga diperensiya
ng mood ng 1980 Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders. Ang
salitang "depresyon" ay hindi malinaw. Ito ay kalimitang ginagamit upang tukuyin
ang sindromang ito ngunit maari ring tumukoy sa ibang mgadiperensiya ng mood o
sa mababang mga estado ng mood na #alang kahalagahangklinikal" Ang
pangunahing depresibong diperensiya ay isang nakapipinsalang kondisyon na labis
na nakaapekto sa pamilya ng pasyenteng meron nito satrabaho, sa pag-aaral, sa
pagtulog, pagkain at sa kabuuang kalusugan.

Sa Estados Unidos, ang mga 3.4% ng mga indibidwal na may pangunahing


depresyon ay nagpapakamatay at halos 60% ng mga nagpapakamatay ay
maydepresyon o may iba pang diperensiya ng mood. Ang diagnosis ng
pangunahing depresyon ay batay sa sariling karanasan ng pasyente, sa pag-aasal na
iniulat ng mga kamag-anak o kaibigan at sa pagsisiyasat ng estado ng kaisipan ng
pasyente. Walang pagsubok laboratoryo para sa pangunahing depresyon, bagaman
ang mga doktor ay humihiling ng mga pagsubok para sa mga kondisyong pisikal
na maaaring magsanhi ng parehong mga sintomas. Ang pinakakaraniwang
panahonng pagsisimula nito ay sa pagitan ng 20 hanggang 30 anyos na may
kalaunang sukdulan mula sa pagitan ng 30 hanggang 40 anos. Sa karaniwan, ang
mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng mga antidepressant at sa
maraming mga kaso ay ng sikoterapiya o pagpapayo. Ang hospitalisasyon ay
maaaringkailangan para sa mga kasong kaugnay ng kapabayaan sa sarili o
malaking panganib sa sarili o sa ibang tao. Ang maliit na bilang ng mga
pasyenteng maydepresyon ay ginagamit ng elektrokonbulsibong terapiya. Panahon
ng sakit na ito ay iba iba mula sa isang episodyong tumatagal ng mga linggo
hanggang sa panghabang buhay na kapansanan na may paulit ulit na episodyo. Ang
mga indbidwal na may depresyon ay may inaasahang maikling buhay kumpara sa
mga wala nito sanhi sa isang bahagi ng pagiging marupok sa mga sakit at
pagpapatiwakal. Hindi pa maliwanag kung ang mga antidepressant ay umaapekto
sa panganib ng pagpapatiwakal ng mga indibidwal na umiinom nito. Ang pag-
unawa sa kalikasan at mga sanhi ng depresyon ay nagbago sa loob ng mga siglo
bagaman ang pagkakauna#ang ito ay hindi pa kumpleto at maraming pang mga
aspeto ngdepresyon ang paksa ng talakayan at kasalukuyang pagsasaliksik. Ang
mga minungkahing sanhi nito ay kinabibilangan ng sikolohikal, sikososyal,
hereditaryo, rebolusyonaryo at mga biolohikal na paktor. Ang ilang mga uri ng
pangmatagalang paggamit ng droga ay maaaring parehong magsanhi at magpalala
ng mga sintomas na depresibo. Ang mga paggamot na sikolohikal ay batay sa mga
teoriya ng personalidad, komunikasyong interpersonal at pagkatuto. Ang
karamihan sa mga biolohikal na teoriya ng depresyon ay nakapokus sa
monoaminong mga kemikal naserotonin& norepinephrine at dopamino na likas na
matatagpuan sa utas attumutulog sa pakikipagugnayan sa pagitan ng mga neuron.

Katawan (body)

Karaniwang mga kabataan o mga nasa edad 13-30 ang madalas nagkakaroon
nito. Ang dalawang sakit na ito ay totoo, hindi mito. Hindi rin ito kaartehan lamang
o pagdradrama lang. Seryosong sakit ito pagkat nakapaloob dito ang pagiisip
ngisang indibidwal.

Mga sanhi ng pagiging balisa; ang sakit na pagkabalisa ay maaaring dahil sa


pamilya. Para sa ibang tao, ang pag-abuso sa kabataan o kapabayaan ay maaring
dahilan. Para sa iba, ang mga nakakastress na kaganapan sa buhay o trauma ay
maaaring mag-udyok ng sakit na pagkabalisa. Ang pagkabalisa ay nag-uudyok ng
mababang pagpapahalaga sa sarili at mahinang abilidad na pagkaya.

Mga sanhi naman ng depresyon; Ang modelong biosikososyal ay


nagmumungkahi ng ang biolohikal, sikolohikal at mga paktor na panlipunan ay
lahat gumagampan ng papel sa pagsasanhi ng depresyon. Ang modelong diathesis;
stress ay nagsasaad na ang depresyon ay nagreresulta kapag ang isang umiiral na
pagiging marupok o diathesis ay napagana ng mga pangyayari sa buhay na nakaka-
stress. Ang umiiral na karupukang ito ay maaaring henetiko, na nagpapahiwatig
nginteraksiyon sa pagitan ng kalikasan kesa pagpapalaki o skematiko na
nagreresulta mula sa mga pananaw ng mundong natutunan sa pagkabata.

Ang mga magkakaugnay na modelong ito ay nagkamit ng suportangempirikal.


Halimbawa, ang mga mananaliksik sa New Zealand ay kumuha ng prospektibong
pakikitungo sa pag-aaral ng depresyon sa pamamagitan ng pagdodokumento sa
mahabang panahon kung paanong ang depresyon ay lumitaw sa simulang normal
na cohort ng mga tao. Ang mga mananaliksik ay nagkonkludna ang bariasyon sa
tagahatid ng serotonin (serotonin transporter) (5-HTT) gene ay umaapekto sa
tsansa na ang mga indibidwal na nagkaroon ng mga pangyayari ng nakaka-stress
ay magpapatuloy na makaranas ng depresyon. Sa spesipiko, ang depresyon ay
maaaring sumunod sa mga gayong pangyayari ngunit mas malamangna lumitaw sa
mga taong may isa o dalawang maikling allele ng 5-HTT gene. Sa karagdagan, ang
isang pag-aaral na Swedish ay tumantiya ng pagmamana ngdepresyon na digri
kung saan ang pagkakaiba ng mga indbid#al ay nauugnay sa pagkakaibang
henetika-mga 40% para sa mga kababaihan at 30% para sa mgakalalakihan, at ang
mga ebolusyonaryong sikolohista ay nagmungkahing anghenetikong basehan para
sa depresyon ay malalim na nasa kasaysayan ng naturalna napiling adaptasyon.
Ang isang pinukaw ng substansiya o drogang depresyon na katulad ng sa
pangunahing depresyon ay naiugnay sa pangmatagalang paggamit ngdroga o pag-
abuso ng droga o pagtigil mula sa ilang mga sedatibo at hipnotikongdroga.

Konklusyon:

Ang magkaraoon ng ganitong sakit ay di biro. Hindi mo agad makikita sa isang


tao kung may pinagdadaanan siyang ganito. Madalas kung sino pa yung
mgamasiyahing tao kapag maraming kasama, sila pa yung madalas na umiiyak
mag-isa. Mga taong aakalain mong walang problema pero ang totoo, sila yung
marami nito. Madalas rin na sila yung takbuhan ng ibang tao kapag may
problema, pero pag sila na mas pinipili nilang mapagisa na lang sa kadahilanan na
hindi namansila maiintindihan ng marami at makakadagdag lamang sila sa
problema ng iba. Madalas nilang sabihin na okay lang sila pero ang totoo
nadudurog na sila sa loob.

Lahat ng pag-uugali ng tao at pagkilos nito ay may dahilan. Kaya marapat


namatuto tayong umintindi at huwag maging mapanghusga. Isipin ang mga
salitang gagamitin pagkat hindi mo alam ang epekto ng isang simpleng salita sa
ibang tao. Laging maging handang makinig sa problema ng iba dahil magiging
malakingtulong ito sakanila. Huwaag gawing katatawanan ito pagkat isa ito sa mga
rasonkung bakit maraming nagpapakamatay.

https://www.academia.edu/31785566/Basic _Research

You might also like