You are on page 1of 10

DEPRESSION

(DEPRESYON)
ANO NGA BA ANG
DEPRESYON?
• Ang depression ay karamdamang pang-
kaisipan (mental disorder) kung saan ang tao
ay nakakaranas ng depressed mood.
• Ang depressed mood na ito ay maaaring
sinasabi ng tao na nakakaranas nito kahit
hindi halata sa muka nila.
• Ang taong nakararanas ng depressed mood
lamang ang masasabing merong MAJOR
DEPRESSIVE ORDER O MAJOR
DEPRESSION.
BAKIT TAYO NAGKAKAROON
NG DEPRESYON?
• Ang eksaktong sanhi ng depresyon ay hindi
nalalaman. Ang utak ay gumagawa ng mga
kemikal na nakakaapekto sa pag-iisip,
emosyon, at mga kilos. Kung wala ang
tamang balanse ng mga kemikal na ito,
maaaring may mga problema kung paano
mag-isip, makaramdam o kumilos ang isang
taong nadepressed.
NAGAGAMOT BA ITO?
* Sa pamamagitan ng anti-depressants,
maaaring maibalik sila sa dati nilang
gawain.
* Ang mga anti-depressants ay
karaniwang matagal bago tumalab,
tatlong linggo o hanngang isang buwan
bago makaramdam ng pagbabago.
SINO ANG NAKARARANAS
NITO?
• Ang mga kabataan o “teenagers” ay ang
madalas na nakararanas nito. Sa
ganitong edad, nakakaya na nila ng
magtago ng mga problema sa kanilang
mga magulang. Magaling rin silang
magtago ng emosyon. Kaya nilang
magkunwaring masaya, para di
magmukang mahina.
DAHILAN NG DEPRESYON
PISIKAL NA SALIK. Kadalasan nang namamana
ang depresyon. Ipinakikita nito ang genes ay may
malaking papel at malamang na nakakaapekto sa
kemikal na proseso ng utak. Maari ding salik ang
sakit sa puso, pabago-bagong hormone level, at
patuloy na pag-abuso sa substansiya na maaaring
maging sanhi o magpalala ng depresyon.
STRESS.
Totoong nakabubuti ang kaunting stress. Pero
kapag tuloy-tuloy o sobra na ang stress,
makakasama ito sa katawan at isip na kung
minsan ay nagiging sanhi ng depresyon sa isang
kabataang dumaranas ng mga pagbabago sa
katawan. Gayunman hindi pa rin matukoy ang
eksaktong sanhi ng depresyon at maaaring hindi
lang iisa ang dahilan, gaya ng nabanggit na.

You might also like