Professional Documents
Culture Documents
Para sa karagdagang katanungan, makipag-ugnayan: sa health workers ng ospital o lying-in clinic/birthing homes o health centers O Newborn Screening Center - National Institutes of Health Building H, UP Ayala Land Technohub Complex Brgy. UP Campus, Commonwealth Ave., Diliman, Quezon City Newborn Screening Center - Central Luzon Angeles University Foundation Medical Center MacArthur Highway, Brgy. Salapungan, Angeles City Newborn Screening Center - Visayas West Visayas State University Medical Center E. Lopez St., Jaro, Iloilo City Newborn Screening Center - Mindanao Davao Medical Center J.P. Laurel Ave., Bajada, Davao City Newborn Screening Reference Center National Institutes of Health University of the Philippines Manila 625 Pedro Gil St., Ermita, Manila 1000 E-mail: info@newbornscreening.ph URL: http://www.newbornscreening.ph
Isinalin sa Filipino ng SENTRO NG WIKANG FILIPINO Unibersidad ng Pilipinas - Manila PAKIUSAP: HUWAG ITAPON. IPASA ITO SA KAPWA MAGULANG.
NBS-PBT-01202012
Saan maaring magpa-newborn screening? Maaaring magpa-newborn screening sa mga ospital, lying-in o paanakan, health centers, at pribadong klinik.
*Ang newborn screening ay bahagi ng Philhealth Newborn Care Package
- Maaaring may problema sa blood sample ng bata - Maaaring ang unang test ay nakitaan ng posibleng problema sa kalusugan. Sasabihan kayo ng doktor kung kailangang ulitin ang test kaagad. Ano ang dapat gawin kung positibo ang resulta sa alinmang kondisyon? Ipa-konsulta kaagad sa pinakamalapit na ospital o espesyalista ang sanggol para sa confirmatory test at sa iba pang dapat gawin. Ano ang mangyayari sa dried blood spot matapos ang screening? Matapos dumaan sa pagsusuri, ang dried blood spot ay mananatili sa isang ligtas na lugar. Ito ay itatago at maaring gamitin para sa pananaliksik na binigyang-pahintulot ng lupon ng etika para sa kapakinabangan ng nakararami. Maari bang tumanggi ang magulang ipa-newborn screening ang kanyang anak? na
Paano makukuha ang resulta ng NBS? Kunin ang resulta sa ospital/lying-in kung saan ito isinagawa. Ang resulta ng NBS ay maaaring makuha 7-14 working days pagkatanggap ng NSC. Ang positibong resulta ay agad na ipinapapaalam sa mga magulang. Siguraduhing tama ang mga impormasyon ng tirahan at telepono na ibibigay sa ospital/lying-in/health center. Ano ang ibig sabihin ng mga resulta? Negatibong resulta (Negative) nangangahulugan na NORMAL ang test. ay
Positibong resulta (Positive) ay nangangahulugan na dapat dalhin kaagad ang sanggol sa doktor para sa karagdagang pagsusuri. Bakit may mga ilang sanggol na kailangang ulitin ang test? Ito ang mga posibleng kadahilanan sa pag-ulit ng test: - Maaaring ang sanggol ay kinunan ng dugo kulang sa 24 oras mula pagkapanganak.
Ang isang magulang ay maaring tumanggi na ipa-newborn screening ang kanyang anak. Gayunman, kailangan niyang lagdaan ang Katibayan ng Pagtanggi. Kinikilala ng pagtangging ito na maaring malagay sa panganib ang sanggol kung mayroon siyang isa sa mga kondisyong sinusuri ng NBS.