You are on page 1of 2

Monthly Health Campaign for the Month of May

HYPERTENSION

Hypertension : Mataas na presyon ng dugo

Ang Hypertension o altapresyon ay ang labis na taas ng blood pressure na dumadaloy sa mga
ugat. Kapag nagpatuloy ang karamdaman, ang malakas na puwersa ng dugo ay maaaring
makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Ito ay maaaring magdulot ng
malulubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso, stroke at sakit sa bato kaya dapat
panatilihin ang normal blood pressure.

Mga Sanhi ng hypertension

Hindi pa natutuklasan ng mga mananaliksik ang mismong sanhi ng hypertension ngunit


kadalasang nag-uugat ang karamdaman sa mga ito:
 Sobrang pag-konsumo ng maaalat na pagkain.
 Paninigarilyo at pag-inom ng alak
 Edad 55 pataas
 Pagiging overweight at kakulangan sa ehersisyo
 Laging stress at pagod
 Namana sa pamilya

Mga Sintomas ng Hypertension


Tinaguriang “silent killer” ang altapresyon dahil hindi madaling mahalata ang mga sintomas
nito. Ang mga sintomas ay kadalasang nararamdaman kapag malubha na ang karamdaman.
Kung minsan, hindi pinapansin ang mga ito marahil sa kanilang pagiging karaniwan lalo na
kung ang tao ay laging busy o pagod. Ugaliing magpa-check up sa iyong doktor upang
maiwasan ang mga epekto ng high blood.
 Kalimitang pagkapagod
 Pananakit ng ulo
 Pananakit ng dibdib
 Lumalabo ang paningin
 Hirap sa paghinga
 Hindi regular na pagtibok ng puso
Paano matutuklasan kung ikaw ay may hypertension?
Kinakailangang gumamit ng sphygmomanometer upang masukat ang blood pressure. Ugaliin
ang regular na pagapapatingin sa doktor para masuri ang iyong blood pressure.

Lunas sa Hypertension
Ang sentro ng hypertension ang lubhang pagtaas ng blood pressure. Para mapagaling ito at
maiwasan ang malubhang komplikasyon, kailangang uminom ng mga gamot na sadyang
magpapababa ng presyon ng dugo.

Paano maiiwasan ang hypertension?


Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at balanced diet ang pinaka mabisang sandata laban sa
altapresyon. Upang makaiwas sa kondisyong ito, sundin ang mga sumusunod:
 Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain.
 Magbawas ng timbang
 Limitahan ang pag-inom ng alak
 Tumigil o umiwas sa paninigarilyo
 Iwasan ang lubos na kapaguran at stress
 I-monitor ang presyon sa bahay
 Lumahok sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation.
 Kumunsulta sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng tamang
lunas para sa inyong hypertension.

Prepared By:

ROSARIO R. TIONGSON, RN
Company Nurse

Noted By:

ANNABEL ADRIANO
HRMD Supervisor

You might also like