You are on page 1of 2

Monthly Health Campaign for April 2019

Heat Stroke
Ang Heat Stroke ay isang karamdaman kung saan lubhang tumataas ang
temperatura ng katawan na hindi napapawi ng pagpapawis dahil sa
dehydration. Maaaring ihalintulad ang heat stroke ng tao sa 'overheat' ng mga makina.
Ang sakit na ito ay tinatawag din na heat injury o sun stroke at kailangan ng agarang
atensyon o gamutan dahil ito ay nakakamatay o maaaring maging sanhi ng damage sa
utak at iba pang internal organ. Ang mahabang pagkababad sa matinding init at labis
na aktibidad ay maaaring maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion na
maaaring mag-resulta sa heat stroke.

Ano ang mga senyales ng Heat Stroke?


Pagkahilo at pagsusuka
Pagkawala ng malay
Pananakit ng ulo
Panghihina
Pagkabalisa
Malamig na pagpapawis sa kabila ng mainit na panahon
Pamimintig ng mga muscle
Mabilis na pagtibok ng puso
Kapos na paghinga
Pamumula at paghapdi ng balat
Pagkatuyo ng dila
Pagtaas ng temperatura ng katawan mula 40°C pataas
 
Ano ang first aid para sa mga taong na-heat stroke?
Mga bagay na maaaring gawin para sa taong nakakaranas ng heat stroke.
1. Agad na dalhin sa malamig na lugar ang pasyente at kung maaari ay hubaran ng
damit na nakasasagabal sa kanyang paghinga para bumaba ang temperatura ng
katawan. Mainam na itapat sa harap bentilador o aircon.

2. Ihiga ang pasyente upang gumanda ang daloy ng dugo sa utak.

3. Kumuha ng tuwalya o panyo na basa at ipunas ito sa katawan ng pasyente.


4. Lagyan ng ice packs ang kilikili, pulso, singit, leeg at likod ng pasyente para
bumaba ang temperatura ng katawan dahil ang mga area na ito ay may high
concentration of blood vessels.

5. Kung gising ang pasyente, pwede syang painumin ng tubig. Kung wala namang
malay, huwag painumin.

Ang heat stroke ay isang seryosong kondisyon na maaaring makaapekto sa paggana ng


katawan lalo na sa utak, at kung mapapabayaan ay maaari makamatay. Mahalagang
madala agad sa ospital ang sinumang makaranas ng heat stroke.

 
Ano ang maaaring gawin para maiwasan ang heat stroke?
 
Uminom ng maraming tubig.Mahalagang manatiling hydrated lalo na kung tag-init.
Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape at alak.
 
Magsuot ng maluluwag, manipis at brightly colored na damit na gawa sa light
materials. Ang mga dark colored na damit ay mas nakaka-absorb ng init kaya mas
mainit kung ito ang suot.
 
Gumamit ng sumbrero o payong kung nasa labas para mabawasan ang exposure sa
araw.
 
Limitahan ang pagbibilad sa araw. Kung nasa beach, paminsan minsang pumunta sa
lilim para hindi ma-dehydrate. Ang matagal na pananatili sa lugar na mainit ay mas
nagpapataas ng tsansa ng heat stroke.
 
Iwasan ang mabibigat na aktibidad kapag mainit ang panahon.Gawin ang mabibigat
na gawain gaya ng pag-eehersisyo sa umaga o hapon kung kailan ang panahon ay
malamig pa.
 

Source: www.ritemed.com.ph

Prepared By:

Rosario R. Tiongson, RN
Company Nurse

Noted By:

Annabel Adriano
HRMD Supervisor

You might also like