You are on page 1of 3

Monthly Health Campaign for the month of August

DENGUE
Ang Dengue ay isang viral infection na kumakalat dahil sa
kagat ng infected na lamok. Ito ay isang mapanganib na infection na maaaring
pagmulan ng malalang komplikasyon at posibleng kamatayan. Pero, kung maaga ang
diagnosis at maagap ang paggamot, maaaring mailigtas ang buhay ng tao.

Paano kumakalat ang dengue virus sa ating katawan?


Kapag tayo ay nakagat ng lamok na may dalang dengue virus, pumapasok ang virus na
ito sa pamamagitan ng pagbubutas ng ating ugat. Ang ugat na ito ay konektado sa
ating artery o ang parte ng ating circulatory system na nagdadala ng dugo sa katawan
mula sa puso.

Mahalagang maintindihan natin kung bakit binibilang ng ating doktor ang platelets ng
pasyenteng may dengue fever. Ito ay dahil may tatlong cells na bumubuo sa ating
dugo (red blood cells, white blood cells, at platelets) na pinoprotektahan ng
“plasma”. Kapag ang plasma natin ay nabutas dahil sa virus, nagkakaroon tayo ng
“plasma leakage” na siyang dahilan kung bakit bumababa ang ating white blood cell
count at platelet count. Dahil dito, humihina ang ating immune system.

Ano ang sintomas ng dengue?


 Lagnat (dengue fever) na inaabot ng dalawa hanggang pitong
araw
 Sakit ng ulo
 Pananakit ng katawan at kalamnan
 Pagdurugo ng ilong at gilagid (dengue hemorrhagic fever)
 Skin rashes
 Pananakit sa likod ng mata
 Pagsusuka
 Pagkahilo
 Walang gana kumain at matamlay pa rin kahit nawala na ang
lagnat
 Pantal sa balat na katulad sa tigdas

Ano ang sanhi ng dengue?


Ang dengue fever ay nakukuha sa kagat ng babaeng Aedes aegypti na lamok at
kalimitan ito sa mga tropikal o sub tropikal na rehiyon tulad ng ating bansa, lalo na sa
panahon ng tag-ulan.

Ano ang mga dapat gawin  kung may sintomas ka ng dengue?


Kapag nararanasan mo na ang mga nabanggit na sintomas at senyales ng dengue,
pinapayo na kumonsulta agad sa doctor.

Paano alagaan ang taong may dengue?


 I-monitor ang lagnat ng pasyente.
 Iwasang tumaas ang lagnat ng mahigit 39 degrees Celsius ang temperatura ng
katawan.
 Kontrolin ang lagnat sa pamamagitan ng pagpapainom ng paracetamol kada
anim na oras. Huwag papainumin ng aspirin o ibuprofen.
 Huwag hayaang ma-dehydrate ang pasyente.
 Pakainin ang pasyente ng masustansiyang mga pagkain.
 Patulugin at pagpahingahin nang maayos ang pasyente.
 Kumonsulta agad sa doktor at ipa-test ang pasyente kung siya ay nakakaranas
na ng pagdurugo sa ilong o gilagid

Paano maiiwasan ang dengue?


 Panatilihing malinis ang palagid.
 Itapon o kaya ay takpan ang nakaimbak na tubig na pwedeng pamugaran ng
mga kiti kiti.
 Palakasin ang immune system
 Kumain nang mabuti at regular na mag-ehersisyo.
 Gumamit ng insect repellant tulad ng citronella spray
 Ayon sa mga eksperto, ang lamok na may dengue virus ay
lumalabas mula 9  am  hanggang 11 am at 4 pm hanggang 6 pm. Kaya
kinakailangan na protektado ang sarili buong araw.
 Magsuot ng mahahabang damit tulad ng long sleeves o pajama.
Ang pagsusuot nito ay upang hindi agad makagat ng lamok.
 Magkulambo kapag natutulog at I-check ang screen sa pinto o
bintana kung may butas.
 

SOURCE: www.ritemed.com.ph

Prepared By:

ROSRAIO R. TIONGSON, RN
Company Nurse

Noted By:
RESTY S. ZAPANTA
Plant Manager

You might also like