You are on page 1of 3

Monthly Health Campaign for the month of June

Paano Mawawala ang Nginig, Ngalay, at Pamamanhid


ng Kamay Ko?
Ang mga kamay ang ilan sa mga parte ng katawan na palagi nating ginagamit. Bihira ang
activities na hindi nangangailangan ng tulong ng mga kamay para mapabilis at mas maging
efficient ang pagtatrabaho. Dahil dito, hindi maiiwasan kung minsan ang makaramdam ng
sakit sa ibang bahagi nito. Kapag nangyayari ito, madalas ay dinadaan na lang sa
pagpapahinga ng mga kamay, pagpapatunog ng mga buto ng daliri, o ‘di kaya naman ay
pagpapamasahe nito sa iba.
  
Nginig, Ngalay, at Pamamanhid ng Kamay – Ano ang pinagkaiba?
 Ang panginginig o tremors ay dala ng maraming sanhi. Maaaring toxin sa paligid, pagtanda, stress,
pagod, at sobrang pagkonsumo ng caffeine. Ang tawag sa pinaka-common na uri nito ay essential
tremor. Kadalasan, ang madalas na panginginig ng kamay lalo na kung ikaw ay gumagalaw ay umpisa
pa lamang ng panginginig na mararanasan sa iba pang bahagi ng katawan dahil sa problem sa nervous
system. Hindi rin naman dapat ikawalang-bahala ang panginginig ng kamay dahil maaaring senyales ito
ng Parkinson’s Disease, multiple sclerosis, at iba pang kondisyon.
 
Pagdating naman sa ngalay, ito ang pangangawit at pagkapagod na nararanasan ng kamay at iba pang
parte ng katawan lalo na kapag may paulit-ulit na movement na ginagawa. Pwede rin naman itong
makuha sa pagiging steady nang matagal na oras. Madalas itong maranasan ng mga taong manual labor
ang trabaho gaya ng pagta-type o pag-eencode, pagbabalot ng produkto, pagsusulat, at iba pa. Hindi
ito dapat mapagkamalang muscle pain lalo na kung nararanasan ang ngalay sa balikat, batok, likod, at
mga binti.
 
Ang pamamanhid ng kamay naman ay ang kawalan ng pakiramdam nito. Madalas dine-describe na
“tinutusok” ang parte ng katawan na namamanhid. Sa English, ang tawag sa ganitong pakiramdam ay
“pins and needles.” Karaniwan, ang  pamamanhid ng kamay ay hindi seryoso at nakukuha lang sa labis
na pressure sa mga ugat kung nahihigaan o nadadaganan ang mga kamay.
 
Mga Sanhi ng Nginig, Ngalay, at Manhid
 Bukod sa physical activities, mayroon ding epekto ang poor nutrition at kakulangan sa pahinga sa
pagkakaroon ng panginginig, pangangalay, at pamamanhid sa kamay. Ito ang ilan sa mga posibleng
dahilan:
 
 Labis na pagtatrabaho at activity nang walang pahinga o pagre-relax ng kamay;
 Kawalan sa proper warm-up, stretching, at exercise bago magsimula sa gawain;
 Mababang blood sugar;
 Stress;
 Mga fracture o bali;
 Overactive na thyroid gland;
 Withdrawal sa pagitigil sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alcoholic beverages;
at
 Kakulangan o deficiency sa vitamins at minerals na kailangan para maging healthy and mga
nerves o ugat.
 
Tips para Maiwasan ang Panginginig, Pangangalay, at Pamamanhid ng Kamay
Sa katunayan, ang nginig, ngalay, at pamamanhid ay hindi dapat ikabahala maliban na lamang kung
talagang nagkakaroon na ang mga ito ng masamang epekto sa pang araw-araw na buhay. Para
maiwasan o maibsan ang pag-experience ng mga ito, suriin at gawin ang sumusunod na
rekomendasyon:
 
1. Magkaroon ng Vitamin B-rich diet
 Ang Vitamin B-Complex na binubuo ng B1, B6, at B12 na kailangan ng mga nerves para maging healthy
sa paggawa ng functions nila sa katawan. Sa tulong ng Vitamin B-Complex, nakakapagbuo ng protective
na covering sa paligid ng nerves para makaiwas sa damage ng mga ito. Ilan sa mga pagkain na
mayaman sa Vitamin B ang:
 
 Meat kagaya ng chicken;
 Atay;
 Fish katulad ng tuna at salmon;
 Shellfish kagaya ng talaba at halaan;
 Dark green vegetables;
 Nuts at seeds;
 Beans; at
 Dairy products gaya ng milk at cheese.
 
Para masigurado na magkakaroon ng sapat na mga bitamina na ito ang katawan, gawin ding regular
ang pag-inom ng Vitamin B-Complex para matugunan ang recommended daily allowance nito araw-
araw, lalo na kung ang mga pagkaing mayaman dito ay ipinagbabawal ng doktor dahil sa ilang health
conditions. Nakakatulong ang pag-inom nito para makaiwas sa nerve pain at inflammation.
  
2. Mag-stretching
Bago magsimula ng kahit anong manual activity na ginagamitan ng kamay, ugaliing mag-stretch muna
ng mga daliri para dumaloy ang dugo sa nerves at makahinga ang mga ito mula sa pressure ng
pagkakagaling sa tulog.
 
Ilan sa mga inirerekomendang hand exercises ang mga sumusunod:
 Close-open;
 Paggamit ng stress ball;
 Pagpapagpag ng mga daliri; at
 Dahan-dahang pag-ikot ng wrists clockwise at counter
clockwise;
  
3. Magpahinga
Importante ring ipahinga ang mga kamay lalo na kung dire-diretso ang patratrabaho, Kapag nasobrahan
sa pressure ang nerves, ang proteksyon sa paligid ng mga ito ay masisira, lalo na kung mayroong
Vitamin B-deficiency. Dahil dito, mahihirapan ang mga kamay na gampanan ang kanilang tungkulin. I-
relax ang mga kamay lalo na kapag nagsisimula nang makaramdam ng pagod.
 
4. I-manage ang stress
 Kapag may hinahabol na deadline, quota, o oras sa paggawa ng manual labor, madalas ay nagsasanhi
ito ng stress. Nakakaapekto ang ganitong klaseng tension sa performance ng mga kamay dahil
kadalasan ay nakakapag-pamanhid ito. Bantayan ang mga nagiging dahilan ng iyong stress para maging
handa na harapin ito.
 
5. Panatilihin ang tamang posture
 Nakakaapekto rin ang pagkakaroon ng hindi maayos na posture habang gumagawa ng
activities para makaranas ng nginig, ngalay, at pamamanhid ng kamay. Dahil
magkakadugtong ang nerves sa balikat at likod, maaaring umabot sa mga kamay ang epekto
ng hindi tamang pagpwesto habang nagtatrabaho. Siguraduhing tama ang posture ng buong
katawan bago pa man magsimula sa mga gagawin.
Hindi dapat abusuhin ang anumang bahagi ng ating katawan. Bigyang-pansin ang mga sintomas na
nararanasan sa mga kamay para matukoy kung paano reresolbahin ang nararamdamang sakit o
discomfort.
 

Source:
 
https://www.ritemed.com.ph

Prepared By:

ROSARIO R. TIONGSON, RN
Company Nurse

Noted By:

ANNABEL A. ADRIANO
HRMD Supervisor

You might also like