You are on page 1of 1

Exercise is defined as any movement that makes your muscles work and requires your body to burn calories.

 Being active has been shown to have many health benefits, both physically and mentally. It may even help you live longer.
 Aim for at least 30 minutes of physical activity every day.
 Minimize the amount of time spent in prolonged sitting and break up long periods of sitting as often as possible.
 Physical activity and exercise can have immediate and long-term health benefits.
 Most importantly, regular activity can improve your quality of life.

1. Pinapalakas ang iyong mga muscles. Ang pananatiling aktibo ay nakapagpapanatili ng malakas na muscle at joints. Ginagawa ring flexible ang
tendons at ligaments para sa mas madaling paggalaw at makaiwas sa mga injury. Kapag malakas ang iyong muscles at ligaments maiiwasan ang
pagsakit ng mga kasukasuan at pagsakit ng likod. Maganda rin ang iyong balance at coordination. Ang mga weight bearing exercises gaya ng
paglalakad, pagtakbo o mga weight tranings ay mga ehersisyong kailangan upang makaiwas sa mga sakit sa buto tulad ng osteoarthritis at
osteoporosis.

2. Pinapataas ang iyong energy level.

Ang pag-eexercise ay nakapagpapalakas at nakapagpapatatag ng cardiovascular system. Napapabuti ang sirkulasyon ng dugo kung saan nakakakuha
ng sapat na oxygen at nutrients para sa muscles. Maayos na trabaho ng cardiovascular system, mataas na energy para sa iyo. Nagkakaroon tayo ng
lakas na gumawa ng mga araw araw na gawain sa ating mga tahanan.

3. Mapanatili ang tamang timbang. Kapag madaming galaw madami ring calories ang nabuburn. Nadedevelop na mabuti ang mga muscles at
gumagaganda ang metabolic rate. Resulta nito ay ang pagbawas ng timbang at magandang katawan. When you engage in physical activity, you
burn calories. The more intense the activity or ehersisyo na ginagawa natin ay mas madami ang mga calories na mabu-burn natin.

4. Naiimprove ang function ng brain.

Napapaganda ang daloy ng dugo at level ng oxygen sa brain sa tuwing nag- eexercise. May mga brain chemicals din o mga hormones na nirerelease
ang brain kapag nag-eexercise na nagpapabuti sa level ng konsentrasyon, magandang memorya, tamang judgement at wastong reasoning.
Nakaktulong din ang ehersisyo para makaiwas sa paghina ng isip na maaaring mauwi sa Alzheimer’s disease. Hindi lang sa physical ang benepisyo
ng ehersisyo kundi pati narin sa ating mga utak.

5. Ang ehersisyo ay maganda para sa puso. Ang pag-eexercise ay nakapagpapababa ng LDL (bad cholesterol) at nakapagpapataas ng HDL (good
cholesterol),napapababa rin ang blood pressure kaya less stress sa puso. Ang regular na ehersisyo kasabay ang tamang pagkain ay
nakapagpapababa ang risk sa pagkakaroon ng coronary heart disease o sakit sa puso.

6. Ang pag-eexercise ay nakakapagpalakas ng immune system. Napapaganda ng pag-eehersisyo ang daloy ng oxygen at nutrients sa katawan. Sa
ganitong paraan nasusuplayan ng kailangang fuel ang mga cells na lumalaban sa mga bacteria at viruses.

7. Maayos ang tulog kapag nakakapag-ehersisyo. Sa tuwing napapagod bunga ng exercise mas nagiging masarap ang tulog. Kapag husto ang tulog,
naiimprove ang pangkabuuang kalusugan at nababawasan ang ma-stress.

8. Gumaganda ang mood at pakiramdam sa regular na exercise. Tuwing nagiging aktibo ang katawan, na-stimulate at narerelease ang endorphins
na siyang nagbibigay ng magaang pakiramdam at relax na isipan. Sa ganitong paraan naiimprove ang iyong mood at bumababa ang stress level kasi
nakakalimutan din natin yung mga problema na nararamdaman natin.

You might also like