You are on page 1of 2

Benepisyo ng Pag-eehersisyo

Sa panahon natin ngayon, maraming kabataan ang nakababad


lamang sa paggamit ng kanilang mga gadget tulad ng paglalaro, pag-
iiskrol sa sosyal medya, at panonood gamit ang selpon. Dahil dito,
marami ang hindi na nakakapag-ehersisyo, wala na silang panahon
upang maging aktibo at alagaan ang kanilang mga katawan.

Ang patuloy na pagsali sa pisikal na aktibidad ay ang pinaka


magandang gawin para sa ating katawan o kalusugan. Ang pagiging
aktibo sa pisikal ay mayroong mga magandang benepisyo tulad ng
mapabuti ang kalusugan ng pag-iisip, mabantayan ang ating bigat,
mabawasan ang malalang sakit, mapalakas ang ating buto at laman, at
ang pang huli ay mapabuti ang ating kakayahan na makagawa ng mga
gawain pang-araw-araw. Bukod sa pagpapalakas ng ating katawan,
nakakatulong din ang pag-ehersisyo para maging pokus ang isang
indibidwal dahil nagbubuo ito ng disiplina para sa sarili. Ang pag-
eehersisyo ay naka-pagpapalakas at naka-pagpapatatag ng
cardiovascular system. Napapabuti ang sirkulasyon ng dugo kung saan
nakakakuha ng sapat na oxygen at nutrients para sa muscles. Maayos na
trabaho ng cardiovascular system, mataas na energy para sa iyo. Ito rin
ay maganda para sa ating puso dahil kapag tayo ay aktibo sa pisikal
naka-pagpapababa ito ng LDL (masamang kolesterol) at naka-
pagpapataas ng HDL (mabuting kolesterol), nagpapababa rin ng blood
pressure kaya less stress sa puso.Ang regular na ehersisyo kasabay ang
tamang pagkain ay naka-pagpapababa ng risk sa pagkakaroon ng
coronary heart disease o sakit sa puso.

Ang malakas na pangangatawan ay napakahalaga lalo na sa


panahon ngayon na marami ang lumalaganap na sakit sa mundo,
makukuha ito sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, mas malakas na
pangangatawan mas mataas ang proteksyon laban sa sakit. Marami ang
magandang benepisyo ng pag-eehersisyo, kaya naman hanggat tayo ay
kabataan pa palang mas mabuti na simulan na natin ito.

TALANGSANGGUNIAN
Juan, M. (ika-30 Agosto, 2015). Dahilan Bakit Kailangan Mong Mag-
exercise. Wordpress. (Nakalap noong ika-13 ng Marso, 2023). (Nakalap mula
sa
https://masiglangsijuan.wordpress.com/2015/08/30/benepisyo-ng-
ehersisyo/)
CDCP. (Ika-16 ng Hunyo, 2022). Benefits of Physical Activity. Centers for
Disease Control and Prevention. (Nakalap noong ika-14 ng Marso, 2023).
(Nakalap mula sa Benefits of Physical Activity.)

You might also like