You are on page 1of 1

Panukala Para Sa Liga ng Mayapa 2021

Deskripsyon ng Panukalang Proyekto

Ang “Ang Panukala Para sa Liga ng Mayapa 2021” ay isang liga na inilunsad ng
mga kabataan para masulosyunan ang kanlang kalusugan at libangan. Ito ay para sa
mga kabataan na hindi na napapanatiling maayos ang kalusugan. Sa proyektong aming
nilulunsad, ang maari lamang makapaglaro ang mga kabataang kumpleto sa bakuna at
walang sintomas ng kahit anong sakit.

Layunin
Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang nakakaranas ng depresyon sa
kadahilanang nawawala na ang dating saya ng kanilang pagkabata. Kaya naming
naisipang ilunsad ang proyektong ito ay upang maibalik ang dating saya at sigla ng mga
bata ng bagong henerasyon. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay babad na sa mga
gadget at hindi na din nakakain ng maayos at nakakapgehersisyo. Sa pamamagitan ng
panukalang ito, nais naming manghikayat ng mga kabataang nais makilahok sa aming
proyekto sa pamamagitan ng pagpapanatili ng maayos na pangangatawan .

Ang basketball ay nagpapabuti ng flexibility at tibay ng isang manlalaro.


Itinataguyod din nito ang bilis, liksi, at lakas n gating katawan. Ang mga kakayahang ito
ay natagpuan upang mapabuti ang cardiorespiratory fitness at pagpapahalaga sa sarili
sa pamamagitan ng pagpapanatili ng isang malusog na timbang ng katawan at
paghihikayat ng mas mataas na pisikal na ehersisyo. Bukod sa pangangalaga sa
kanilang pisikal na katawan, layunin din naming mapangalagaan ang kalusugan ng
kaisipan ng mga manlalaro. Ang larong ito ay nakakatulong na bumuo ng tiwala at
mapabuti ang iyong pangkalahatang pagpapahalaga sa sarili. Nakakatulong din itong
mapabuti ang iyong mga gawi sa pagtulog at mabawasan ang stress.

Higit sa lahat, ang proyektong aming inilulunsad ay nagpopokus sa pisikal


kondisyon ng kaisipan ng mga manlalarong nais lumahok dito. Nais naming maglunsad
ng ligtas at payapang proyekto kung saan pwedeng maglibang ang mga batang
matagal nang hindi nakakalabas ng kanilang mga tahanan. Layunin naming maibalik
ang saya at siglang naranasan ng aming henerasyon nung araw. Muli, ang aming
panukala ay patungkol sa paglunsad ng mga libangan at pagpapanatili ng maayos na
pangangatawan at pag-iisip ng mga kabataan.

You might also like