You are on page 1of 1

POSISYONG PAPEL

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay isang samahan ng mga kabataang Pilipino


na may layuning makilahok sa pagpapaunlad ng kanilang mga komunidad. Ito ay isang
institusyon sa Pilipinas na may mahalagang papel sa pagpapalakas ng partisipasyon at
pagpapahalaga sa kabataan sa antas ng barangay. Bilang isang SK chairman, ang
aking posisyon sa mga sports tournaments sa lokal na antas ay may mga
mahahalagang aspeto na dapat isaalang-alang bago magdesisyon kung dapat pa bang
ituloy ang ganitong mga gawain at bigyan ng kaukulang badyet. Ako ay sang ayon na
ipagpatuloy ang pagdaraos na liga dahil maliban sa sinusuportahan ko ang ikakasaya
ng mga kabataan, ang sports tournaments ay maaaring maging mahalaga para sa
aktibong pamumuhay at kalusugan ng mga kabataan sa barangay.

Bilang isang SK ay responsabilidad ko ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga


proyekto at programa na may kaugnayan sa pangangailangan at interes ng mga
kabataan sa barangay. Ito ay maaaring tumukoy sa mga aktibidad na may kinalaman sa
edukasyon, sports, kultura, at iba pang larangan na makakatulong sa pag-unlad ng
kabataan. Gayunpaman, sa pagdedesisyon kung dapat ituloy ang ganitong mga
gawain, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na aspeto. Una, Kung mayroong
malakas na suporta at interes sa mga liga o sports tournaments, maaari itong isaalang-
alang na ipagpatuloy. Ikalawa, Pamamahala at Organisasyon, Kailangan tiyakin na may
maayos na pamamahala at organisasyon para sa mga liga. Ang mga aktibidad na ito ay
dapat na maayos na pinaplano at pinamamahalaan upang maging epektibo at hindi
masayang ang pondong inilaan. At panghuli, kung sakaling may mangyayaring
aksidente sa ipagdadaraos na liga, may mga hamon sa kalusugan, kaligtasan na
mahalaga ring isaalang-alang ang ng mga kabataan. Kailangang magkaroon ng mga
patakaran at hakbang para sa kaligtasan ng lahat sa pagdaraos ng mga ganitong
aktibidad. Ako ay sang ayon na ituloy ang pag daraos na liga sa nalalapit na fiesta dahil
ang mga aktibidad na ito ay nagbibigay hindi lamang ng pagkakataon para sa pisikal
na aktibidad kundi pati na rin para sa pakikipag-kompitensya, disiplina, at
pakikisalamuha sa iba. Kung ang pondo ay maaaring magamit ng mabuti at may
magandang pagkakataon para sa malaking pakinabang ng mga kabataan, maaari itong
maging dahilan para ituloy ang mga ito

Kung ako ay isang SK chairman, magkakaroon ako ng konsultasyon at pag-


uusap sa mga kabataan at iba pang mga sektor ng barangay upang masuri ang
pangangailangan at interes ng komunidad nang sa ganon ay magkaroon tayo ng isang
maaliwalas at masayang fiesta.

Krizzy Ann Estoce 12-Polaris

You might also like