You are on page 1of 7

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa ambag ng mga mamamayan sa political

na aspeto sa lipunan. Ang Sangguniang Kabataan bilang mga tinaguriang isa din sa mga

tumutulong sa pag-angat ng isang lipunan.

Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga mag-aaral ng Grade 10 sa Adelina 1

National High School (Sampaguita Annex) sa pamamagitan ng pamimigay ng mga

“survey questionnaires” sa mga kabataan at ilan pang mamamayan na maaaring may

mga naging karanasan sa pagiging bahagi ng samahan ng mga S.K.

Ang Sangguniang Kabataan ay tinatawag noon na Barangay Kabataan.

Huminto ang pagdaloy ng mga proseso nito noon ngunit hindi ito tuluyang inalis. Noong

Enero 2016, ipinatupad ito ng batas at nagbigay ng ilang pagbabago sa S.K. at

nagsagawa ng bagong iskedyul ng eleksyon sa buwan ng Oktubre sa taong 2016 din.

Nakilala ito noong taong 1975 na tinawag na Kabataang Barangay na mayroong 41, 995

na Chairmen at 293, 365 na Kagawad bilang mga posisyon sa buong Pilipinas. Ang

huling eleksyon naman ay naganap noong Mayo 2018.


Ang mga S.K. chairmen ang namumuno sa buong Sangguniang Kabataan sa

iba’t-ibang barangay sa bansa. Ang Kabataang Barangay noon ay ipinatigil ni Senator

Aquilino Pimentel dahil sa mga alegasyong naranasan at nakaharap ng samahan ng mga

Kabataang Barangay.

Ang mga Kagawad ang silang nagapatupad ng mga resolusyon at mga pera na

kakailanganin ng “council”. Ang Chairman naman ay direktang uupo sa barangay

council bilang “ex official” member at awtomatik na magiging chairman ng sanggunian

ng mga kabataan at ng isports. Ang bawat oisyal ay uupo sa kani-kanilang mga posisyon

sa loob ng isang taon.

Ang pangangalap ng datos namin ay isinagawa noong Pebrero 15, 2019 sa

ganap na ika 5 hanggang ika 7 ng gabi na nilahokan ng 50 na kabataan na aming na

pinagtanungan kung sila ba ay maaaring makabigay ng kanilang opinyon patungkol sa

mga SK sa kanilang barangay San Antonio. Ang mga kuwestyonaryo na aming

ipinagbigay sa mga kabataan ay nakatulong upang malaman kung ang mga SK ba ay

naisasakatuparan ang kanilang programa sa kanilang lipunan at kung naapektuhan ba

ang mga kabataan ng barangay San Antonio. Ang aming mga impormasyong nakalap
ay magiging kapaki pakinabang ito upang patunayan at mabigyan ng kasagutan ang

aming paksa.

Sa ganitong paraan nalaman namin ang mga opinyon ng mga mamamayan ng

barangay San Antonio patungkol sa mga SK maging ang mga kasagutan ng mga

kabataan. Sa aming pananaliksik iba’t iba ang opinyon ng bawat indibidwal at amin

itong pinagsama sama upang matuklasan kung ano nga ba talaga ang kahalagahan ng

mga programa ng SK at kung nabibigay ba ito sa magandang paraan lalo na sa mga

kabataan.

Lumabas sa mga impormasyon at datos na aming nakalap ay sinasabing hindi

lahat ng kabataan ay nahihikayat ng Sangguniang Kabataan sa iba’t-ibang aspeto tulad

ng paghubog ng kanilang tao maging ang pagiging aktibong kasapi ng pamayanan. Ang

S.K. ay mas kilala sa larangan ng pagpapaliga at social media kung san sila ay mas

sumisikat dahil dito sila kadalasang nakikilala ng kabataan. Ang Sangguniang Kabataan

din ay mas aktibo at mas makikitaan ng pagsasama-sama sa mga seminars. Ngunit sa

kabila ng mga ito ay mas umaangat ang benepisyong kanilang nakukuha sa magiging

mga opisyal ng S.K.-ang pagkakaibigan.


Sa dulo ng pananaliksik na ito ay makikita at mababasa ang ilan pang mas

detalyadong pag-intindi sa mga datos na aming nakalap gayundin ang ilang mga

rekomendasyon patungkol sa usaping ito.

PASASALAMAT
Taos- puso po ang aming pasasalamat na ipinaabot sa mga sumusunod na

indibidwal , at sa iba pang naging bahagi ng aming pag- aaral para sa kanilang walang

humpay na suporta , tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay

ang aming pag- aaral.

Sa mga kabataan na aming naging tagatugon na naglaan ng kanilang mga oras

upang sumagot sa aming mga katanungan.

Kay Ginang Elizabeth Ariola, ang aming guro sa araling panlipunan sa

pagtulong sa amin sa pag - aayos na gagamitin sa pananaliksik at sa pagbibigay

kaalaman sa amin.

Sa aming mga magulang na tumulong at umintindi sa amin sa panahong abala

kami sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na

suporta.

At lalong-lalo na sa Poong Maykapal , sa pagbibigay sa amin ng

determinasyon,kaalaman at kalakasan upang maisakatuparan ang pag - aaral na ito


Maraming-maraming salamat po!

- Mga mananalisik

10- DIAMOND

PAGHAHANDOG

Buong puso na hinahandog ng mga mananaliksik ng pag- aaral na ito sa mga

gumabay, tumulong at nakibahagi upang matagumpay ang pag- aaral na ito.


Sa Makapangyarihang Diyos Ama na siyang nagbigay ng kaalaman, kalakasan at

patnubay upang maisakatuparan ang pag- aaral na ito.

Sa aming mga guro na sila ang nagturo at gumabay sa pagsagawa ng pag- aaral na

ito.

At sa lahat ng miyembro ng pangkat na ito na nagbuhos ng oras at pagod upang

maisagawa at naging matagumpay ang pag- aaral.

You might also like