You are on page 1of 3

Bayanihan para sa Kabataan ,Magkapit bisig sa Hamon ng Bagong Normal.

Naninibago man ang lahat sa paraan ng pag aaral  dahil sa panahon ng pandemya.
Pero papatunayan ng marami hindi ito hadlang sa nasabing bagong normal.
Pagbabayanihan ang kailangan upang maabot ang layunin ng Edukasyon para sa
lahat.  Noong taong 2020-2021 maraming samahan at organisasyon ang nagtulong
tulong upang makapagbahagi ng tulong para sa mga bata o sa mga mag aaral dahilan
para hindi sila malungkot at para na din maibsan ang hirap na kanilang nararamdaman
dulot ng bagong paraan ng pagkatuto. Bukod pa rito ang lahat ng mga Iskolar ay
nakatanggap ng cash allowance na nagkakahalaga ng 3000 upang pangtustos nila.
Lalong higit sa pagbili nila ng kanilang kakailangan sa bawat magdaan na araw. 

Pamamahagi ng School Supplies


Umani ng papuri at pasasalamat ang mga Sanguniang Kabataan (Sk) dahil natapos
nilang ipamigay ang mga libreng “school supplies sa mga mag aaral. Nakatanggap
naman ang mga mag aaral mula Daycare hanggang Kolehiyo ng
Papel,Ballpen,Lapis,Krayola at iba pang kagamitan sa mga mag aaral habang meron
naman flashdrive,earphone, at 300 cash allowance ang mga naipamahagi sa mga
kolehiyo.  Dagdag pa dito ay binuksan din ang mga E-Library upang makapagbigay ng
libreng serbisyong may kaugnayan sa Internet. At upang hindi na mahirapan ang bawat
mag aaral para sa kanilang pag aaral. Kaya naman importante sa  atin ngayon ang
matuto.Sapagkat Ang pagkatuto ay ang paglinang at pagpapalakas ng kasalukuyang
kaalaman, gawi, kakayahan, kaugalian, o kagustuhan at maari ring may pagsama-sama
ng iba't ibang uri ng impormasyon. At siyempre upang  magkaroon tayo ng magandang
propesyon at magandang kinabukasan.Ito ang nagbibigay sa atin ng lakas upang
ipagpatuloy ang ating nasimulan simula pagkabata hanggang ngayong pagtanda. Kaya
naman ayon sa mga Kabataan “Ang edukasyon ay kailangan natin sapagkat ito ang
magiging sandata natin sa buhay at sa kinabukasan.Ito ang susi natin sa pag unlad at
hindi lang para sa atin kundi para sa lahat,At  sa ating komunidad na kinabibilangan.”

Internet Connection Libre


At upang matulungan ang mga kabataan na may online class o ang mga kabataan na
nagtatrabaho subalit nahihirapan sa kanilang pag aaral dahil sa kawalan ng Internet
connection binuksan ng mga asa pamahalaan o may katungkulan sa Brgy ang kanilang
mga Brgy hall upang mabigyan ng tulong ang mga kabataan na kanilang nasasakupan
para maging maayos ang pagtitake nila ng kanilang online class at upang hindi na sila
lumayo pa. Malaking tulong ito para sa kanila dahil dito
Maiisearch nila ng mas mabilis ang kanilang takdang aralin at ang kanilang proyekto ay
mas mapapabilis at siyempre hindi na magagastusan pa ng malaki ang kanilang mga
magulang at hindi na makakadagdag ng isipin sa kanila. Isa pa ay mas mapapanatag
ang mga ito dahil asa malapit lang ang mga ito. Gayunpaman mayroon lang mga
hihingiin na patunay ang brgy na ang mga bata na kanilang bibigyan ng libreng internet
connection ay nag aaral at hindi naglalaro lamang. Kaya naman kinakailangan nila ng
patunay o certificate na sila ay nag aaral at may takdang aralin na gagawain. Isa pa ay
kailangan din nilang sumunod sa health protocols kaya naman kinakailangan nila na
palaging magsusuot ng facemask at panatilihin ang pagsosocial distancing at ang
pagdadala ng alcohol, at ibang gamit na kakailanganin upang maiwasan ang
panghihiram at pagkakaroon ng “interaction” sa isat isa. 
Ito ang patunay na bawat isa ay kailangan ng pagbabayanihan sapagkat kung hindi
magtutulungan ang bawat isa ang kabataan na ating pag asa ay mawawalan nalang ng
saysay at hindi matututo at hindi maabot ang mga mithiin na gusto nila. 

Kasangga ng Kabataan
Matagumpay na naipaabot sa 25 iskolars ng Technical Education Skills Development
Authority (TESDA) ang libreng Lenovo Tablet na magsisilbing sandalan ng kabataan
para sa kanilang pag aaral at pagsasanay upang matugunan ang kanilang pag aaral at
upang mapabuti ito.  Sa pangunguna ng mga asa pamahalaan at mga kaibigan na may
matinding kakayahan para tumulong sa mga hirap lalo na sa kanilang pag aaral.
Naisakatuparan ang pamimigay ng gadget na magiging kasangga ng kabataan para sa
kanilang maayos na pakikipagbalikatan sa eskwelahan. At nagsagawa din ng iba’t
ibang training ang TESDA para sa mga kabataan na walang wala at upang
maipagpatuloy ang hamon ng buhay na ating nararanasan. 
At sa Kabuuan na pagdanas natin sa  Bagong Normal maraming paghihinuha sa isipan
ng marami ang nangyare. Isa na doon ang pasasalamat sapagkat nagkaroon ng
bayanihan ang bawat isa upang matugunan ang pangangailangan ng marami at lalong
higit na ng kabataan. Dito makikita na kaya binuo ang pamahalaan upang tumulong sa
nangangailangan at upang alalayan ang mga asa laylayan higit sa lahat upang
matustusan ang pangangailangan ng mga batang nangangarap para sa kanilang mithiin
sa buhay. At bilang isang kabataan na nangangarap kahit anong mangyare sa buhay
huwag dapat tayong sumuko gaya ng di pagsuko sa atin ng ating komunidad,guro at
mga magulang. Bigyan natin ng hustisya ang lahat ng hirap na kanilang dinanas at
binigay na tulong sa atin. Sapagkat sila ang tanging may alam ng lahat dahil sila ang
mas nakakatanda sa atin. Kumabaga sila ay pabalik na at tayo ay papunta pa lamang
kaya kailangan natin na sumunod at tanggapin ang kanilang bawat pangaral sapagkat
hindi tayo magiging tayo kung wala sila at hindi natin malalampasan ang pagsubok
kung wala sila. Kaya patuloy tayong mangarap at unti unting kamitin ang rurok ng ating
tagumpay upang magampanan natin ang ating layunin di lang sa ating komunidad kundi
pati na rin sa ating mga magulang na naghirap at naging kaagapay natin sa bawat araw
na magdaan. Sabi nga sa kasabihan “Wag ninyong sasabihin na nagsasawa na kayo
mag aral.Yung iba nga gustong gusto nilang mag aral pero wala silang
kakayahan.Magpasalamat ka sa kung anong meron ka dahil wala ang lahat ng ito kundi
sa sakripisyo at tatag ng magulang mo para lang makatapos at matustusan ka.” Hindi
hadlang ang Bagong Normal sa Lahat kaya mas pagbutihin at ayusin natin. Para sa
pangarap.

You might also like