You are on page 1of 5

Suportadong Kaalaman

Ipinatupad na ang full face to face classes sa paaralan ng Ulip National High School (UNHS) sa
taong 2020-2023. Ito’y binigyang halaga ng Punong Guro na si Gng. Alrey Callao dahil mas maraming
matutunan ang mga mag-aaral kung meron talagang magtuturo rito. Naging maligaya ang mga guro,
magulang at mag-aaral sa pagbabalik ng face to face classes sa paaralan.

Dahil sa pagkalat ng pandemya sa bansa, naging rason ito upang mabago ang sistema ng pasukan.
Dahilan kung bakit itinigil ang pagtuturo ng face to face sa taong 2019-2021.

Pagkatapos ng 3 taong pamemerwisyo ng Covid-19 sa bawat lugar, negosyo at tao, nagkaroon na


ng pagkakataong iipagpatuloy ang klase mismo sa paaralan. Dahil rito nabigyan na ng pag-asa ang mga
batang maipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ayon sa panayam ni G. Callao, nang lumaganap ang pandaigdigang krisis sa bansa at ipinatupad ang
modular at online class sa bawat paaralan, mas maraming mga mag-aaral ang hindi nabigyang pokus ang
pag-aaral. Dumagdag pa ang mga estudyanteng hindi marunong bumasa at sumulat.

Mas lamang ang face to face kaysa sa mga modular at online class, ayon pa nito. Dahil makikitaan
ito ng mga kahinaan, una, ang sa modular, hindi lahat makakayang intindihin ng mga bata kaya’t
kailangan talaga nito ang gabay ng mga guro.

Pangalawa, ng sa online class naman, pahirapan ang paghahanap ng signal para rito dahil mayroong
mga lugar na hindi gaanong makitaan ng signal kaya’t laking pasasalamatan ng mga guro, magulang at
mag-aaral na ibinalik na ang face to face class.

Dahil sa pandemic, kadalasang mga mag-aaral ang nangungulelat sa akadeko lalo na noong
lumaganap ang pandemya sa bansa. Samantalang ang ibang mag-aaral inuubos ang oras sa paggamit ng
cellphone kaysa sa pagsagot sa mga module aat iba pa na kaugnay sa pag-aaral.

Dapat na ipatuloy ito, dahil malaking tulong ang naidulot nito sa mga mag-aaral dahil sa
pamamagitan nito madadagdagan lalo ang mga kaalaman ng mga ito. Mas maiintindihan nila ang
nakapaloob na nakasulat sa mga librong ibinibigay sa kanila.
Katas ng 4P’s

Bawat laro, may husay na kailangang ipamalas. Ngunit, hindi nangangahulugang na sa husay
lamang umiikot ang lahat. Upang maging mahusay at kahanga-hangang manlalaro, mahalaga na bitbit
mo ang katangiang tiyak na magpapanalo sayo sa kahit anong kompetisyon. Ang sikretong
pinanghahawakan ng Ulipians.

Paggalang. Pakikitungo. Pagpapakumbaba. At pagpapahalaga. Ito-ito ang mga sandata mayroon


ang mga manlalaro ng Ulip National High School (UNHS) sa ginanap na samu’t- saring patimpalak sa loob
at labas ng paaralan. Isang pinakamagandang halimbawa rito ang pagkapanalo ni Manuel H. Lapuz Jr.
mag-aaral, sa ginanap kamakailan lamang lang na Davao Regional Athletic Association (DAVRAA).
Patunay na epektibo ang hawak-hawak nating sikreto.

Laging lumalaban ng patas at mapagkumbaba. Inuuna ang kapakanan ng bawat isa bago ang
tropeyo. Ito ang nagpasikat sa “Home of Holistic Learners” at nagbigay daan upang tularan hangaan na
pagkapanalo.

Hindi lang pag-asenso sa kakayahan ang dapat na maisakatuparan kundi higit na mahalaga na
mahubog din ang etika at tamang pag-uugali, sapagkat ito ang pinakamahalaga sa lahat ang pagkaisport.
Ito rin ang magiging tulay nila upang masumpungan ang hinahangad na pagkapanalo.

Mas nagiging makabuluhan ang laro dahil sa ipinamalas na kabutihan at pagkamakatao ng bawat
manlalaro sa kanyang katunggali. At ito ang nakaukit sa puso ng batang Ulipians. Kaya laging nauuwi ang
kampeon, bilib, at papuri.

Gayunpaman, hindi ito makakamit kung wala ang ilaw at gabay na nagmumula sa mga butihing
guro ng UNHS na nagsisilbing tagapagsanay at modelo ng mga palabang manlalaro. Sa kanila
nanggagaling an gmga sikretong sangkap ng matamis na tagumpay.

Ito ang magpapalakas sa mga nagnanais na maging magaling at manalo. Sapagkat, napatunayan
at subok na ito ng Ulipians sa mahaba-habang panaahon ng pakikilahok sa ibat-ibang mga patimpalak.

Nawa’y tulad ng Ulipians, magkamit ang lahat ng tagumpay gamit ang mga sandatang mabisa
upang maging karapat-dapat sa pagkapanalo. Laging isaisip na hindi lang sa husay lubos na humahanga
ang lahat, kundin sa ugali, disiplina, at dedikasyon.
Asal ng bagong henerasyon

Maraming mga estudyante ang hindi marunong gumalang sa nakakatanda sa mga guro at
magulang nila. Ito’y nakakadismaya dahil parang kahapon lang ang mga kabataan marunong pang
rumespeto kung ihambing ngayon.

Ayon kay Gng. Cheryl Fornolles, isang guro ng Ulip National High School, hindi na marunong
rumespeto o gumalang sa mga guro o sa mga nakakatanda ang karamihan sa mga kabataan ngayon.
Nawawalan na ng kagandahang-asal dahil sa impluwensiya ng social media at barkada.

Sa isang ulat, iminungkahi ni Sen. Lacson na ibalik ang asignaturang GMRC o Good Manners and
Right Conduct lalo na sa mga bagong henerasyon upang maituring muli ang respeto, paggalang at iba
pang kagandahang asal.

Dagdag pa rito kung bakit nawawalan ng asal ang mga kabataan ngayon ang hindi na maituro sa
tahanan ang kagandahang asal dahil subsub na sa trabaho ang mga magulang nila.

Samantala, lantad din ang mga kabataan ngayon sa gadgets at social media na kung ano-ano ang
mga nilalaman. Isa ang impluwensiya ng mga kaibigan o kapwa nila kabataan ang mga dahilan kung kaya
kulang sa kagandahang-asal.

Kasama na din ito sa dahilan kung bakit wala ng magandang-asal ang mga bata dahil sa
naipatupad na batas na makukulong ang mga magulang na kung sinuman ang magbubuhat kamay sa
kanilang mga anak at nagkakaroon ng pasa-pasa anng mga katawan.

Hindi na naging maayos ang mga pangyayari ngayon dahil ang mga kabataan unti-unti ng nag-iba
ang mga ugali lalo na sa mga bagong henerasyon.

Dapat nating disiplinahin ang mga bata dahil pwede din itong makatulong sa kanila, upang
magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Simula patungo sa pangarap

Special Program in Journalism (SPJ) sa Ulip National High School, napagkasunduang isagawa
noong nakaraang taon. Dahil sa palagi itong dumadalo sa mga kumpetisyon at madalas na umuuwing
may bitbit na mmga parangal. Tunay na malaking tulong ito sa mga mag-aaral upang mabihasa pa lalo
ang mga talento nito.

Ayon sa pahayag ni Gng. Cheryl M. Fornolles, guro at School Paper Adviser ng UNHS, malaking
tulong ito upang sanayin pang mabuti ang mga mag-aaral na merong talent sa pagsulat, sa paggawa ng
artikulo sa journalism.

Dapat na maituro sa kanila kung ano ang hindi at pwedeng isulat tungkol sa mga artikulo. Hindi
pwedeng kung ano ang nasa isip ng mga bata yun na ang isusulat sa papel. Dahil mayroon itong mga
pamantayan na dapat sundin.

Sapagkat, mayroong ibat-ibang batayan ang pagsulat ng mga ito. Sa parte rin ng mga guro,
nadadagdagan ang kanilang kaalaman tunkol dito.

Malaki rin ang dalang benepisyo at kalamangan nito sa mga mag-aaral na kasali sa journalism
dahil sa pagdating ng panahon magagamit din nila ang mga ito lalong-lalo na pagtutungtong ng kolehiyo.

Isinagawa rin ito upang magkaroon pa ng maraming karanasan ang mga mag-aaral mula sa ibat-
ibang paaralang pinagdausan ng kompetisyon at pagsasanay. Nakakatulong din ito para mapalabas ang
kumpiyansa sa sarili ng mga estudyante.

Ang SPJ, ang isa sa mga pamamaraan para malaman ang takbo ng mundo. Ito’y maya angking
taglay na kagandahang nagdaragdag s mga kaalaman ng bawat mag-aaral na kasali rito.

Maganda’t mainam na ipagpatuloy ang programang ito sapagkat malaki ang maitutulong sa
paghubog ng kakayahan sa pagsulat. Sa kadahilanang ito maraming mga kabataan ang nagiging handa
at nagiging matalino sa pagkuha ng impormasyon.
Nakakatakot na presyo

Maraming mga magulang ang nagprotesta dahil sa pagtaas ng bilihin ngayon sa bansa, kahat
kinakailangan nilang magdoblekayod upang matustusan ang pangangailangan sa araw-araw. Dapat na
matigil ang pagtaas ng mga bilihin dahil mas lalo itong nagpapahirap sa mga mamamayan.

Ayon kay Gng. Remigilda Etoc, Canteen Incharge ng Ulip National High School, malaki ang
epekto nito lalong-lalo na sa mga katulad niyang umaasa sa pagtitinda ang kanyang hanapbuhay.
Ngayong tumaas na ang bilihin, mahirap na ring panatilihin ang nakasanayang presyo ng mga ito.

Kagaya ng harina, asukal, softdrinks, at marami pang iba na kailangan na ring itaas ang presyo
upang merong maibalik na puhunan sa kanilang mga iginastos para rito, kabilang narin dito ang mga
bigas at agrikulturang produkto.

Hiling pa ni Gng. Etoc, na sana humanap ng paraan ang pamahalaan upang maipababa ang
presyo ng mga bilihin at matustusan ang pangangailangan ng mga tao lalong-lalo na sa mga mahihirap.
Dahil hindi kalakihan ang kita ng mga ito.

Gayunpaman, sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin dumagdag pa ang epekto ng panahon ngayon.
Sa sobrang tindi ng init ngayon sa bansa, isa sa mga naapektuhan ang mga magsasaka.

Kaya’t mas lalong walang pag-asang maibaba ang presyo ng mga paninda. Dahil na rin sa
pagababa ng supply ng mga gulay at prutas at iba pa sa mga pamilihan.

Isa sa mga nagpapalugmok lalo na sa mga mahihirap ang walang humpay na pagtaas ng mga
bilihin. Kaya’t mayroong mga kabataan pinipili ang magtrabaho upang may pangtustos sa kanilang
pamilya at dahil na rin hindi na sila kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.

Dapat na ipatupad ng gobyerno ang pagpapababa ng mga bilihin. Magsagawa ng proyekto o


programa na magtutukoy sa pagbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka upang hindi maubusan o lumiit
ang supply ng mga bilihin.

You might also like