You are on page 1of 6

Ang Pagbabalik ng Harapang Klase:Hamon at Tugon

Sa loob ng mahigit dalawang taon na pasakit ng pandemya, ngayong taon


ay muli ng nagbukas ang mga paaralan para sa dating ayos ng pagkatututo. Ngunit
anon ga ba ang babalikan ng mga mag-aaral? Anon a ang mga nagbago at mga
pagababago? Saan tayo dadalhin ng transisyon na dulot ng pandemya?
Ang harapang klase o ‘face to face class’ ay ang pagtuturo na nagaganap sa
isang tradisyunal na klase kung saan ang mga mag-aaral at guro ay magsasama sa
isang silid-aralan. Ang mga mag-aaral ay direktang nakikipag-usap sa guro at
nakikinig sa pagtuturo.
Sa naging mensahe ni ikalawang pangulo at kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon na si Sara Duterte, mas malaki daw ang benepisyo ng ‘face to face
class’ bagamat hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng Covid-19 sa
mga eskwelahan. Aniya, ang mahalaga raw ay may nakalatag na heath protocols
sa mga paaralan at tuloy-tuloy na access ng bakuna at gamot.
Ngunit hindi maipagkakaila ang bakas na iniwan ng pandemya sa
edukasyon. Binago ng pandemya ang sistema ng edukasyon sa bansa. Biglang
nagbago sa ‘distance learning’ mula sa nakagisnang face to face noon. Sa
Dorganda naging kanlungan ng mga batang uhaw sa karunugan ang mga modyul
at lerning activity sheets sa kanilang pag-aaral. Naging paaralan ang mga bahay at
naging guro ang mga magulang. Ang pagbabagong ito ay hindi naging madali.
Maraming mga pagsasaayos ang kinailangan upang masagot lamang ang mga
puwang sa pag-aaral.
Hindi man naging madali ang pagyakap sa distance learning, marami na din
ang nasanay sa nasabing modalidad. Ngunit sa pagbabalik ng harapang klase,
bagong hamon na naman ito sa mga mag-aaral, guro at magulang. Ang muling
pagbubukas ng mga paaralan ay hindi na nangangahulugan ng dating
nakasanayan bago pa man dumating ang pandemya. Pagsusuot ng mask, social
distancing, limited na bilang sa klase, at health protocols – ito ang mga
naghihintay sa bagong taong panuuruan.
Ang layunin umano ng pagkakaroon ng face to face class ay upang
matugunan ang problema ng mga estudyante at guro sa epektibong pagtuturo.
Ang mga mag-aaral ay may mas malaking pagkakataon na makipag-ugnayan sa
kanilang guro at maging epektibo sa pag-aaral. Nagbibigay din ito ng pagkakataon
para sa mga guro na magbigay ng konkretong pagtuturo at gugulin ang oras sa
personal na pag-uusap at pagtuturo sa mga estudyante.
Ngunit kaakibat pa rin ng face-to-face class ang mga dati at bagong
pagsubok – pamamahala ng mga disiplina ng mga estudyante at mas mataas na
pagkabigo sa mga araling akademiko. Dahil hindi lahat ng mga estudyante ay
handa ng magsagawa ng pag-aaral sa face to face, ang ilan ay maaaring
magkaroon ng mas mataas na pagkabigo sa mga araling akademiko at
nakakaapekto sa pag-unlad ng kasanayan ng komunikasyon. Hindi lahat ng mga
estudyante ay handa ng makipag-usap sa kapwa-estudyante. Gayundin, ang mga
magulang ay maaaring magkaroon ng mga dagdag na gastusin sa transportasyon
o sa pagbili ng mga gamit para sa face-to-face class at maaaring maging isang
potensyal na kalagayan para sa pagkalat ng mga sakit, kung saan ang mga
magulang ay maaaring mag-alala tungkol sa kalusugan at seguridad ng kanilang
mga anak.
Dagdag pa rito, hindi naging madali ang gawain sa paghahanda sa full face
to face class sa ating paaralan dahil sa kakulangan ng mga kagamitan at
kailangang sumunod sa napakaraming Health Protocol ng IATF na ipinapatupad ng
Kagawaran ng Kalusugan. Nariyan ang pagpapatayo ng handwashing area na
kinailangan pa ng mga magulang ng mga estudyante na magbigay ng konting
tulong at minsan ay nawawalan ng suplay ng tubig, pagtatayo ng triage para sa
mga batang may mataas na temperatura at paghahanda ng isolation room.
Idagdag pa rito ang kailangang pagpipintura ng sahig para sa social distancing,
pagpapaskil sa dingding ng lahat ng mga panuntunan sa pag-iwas sa covid 19 at
iba pa, upang makamit ang maayos na pagpapatupad nito.
Kaya nga ang ‘face to face class’ ba ay bago na namang suliranin o ang
inaasam na solusyon? Suliranin dahil maaaring hindi ito ligtas dahil ito ay
magdudulot ng higit na panganib sa kadahilanan maaring maikalat lamang ang
virus Covid-19 at sa kakulangan ng kahandaan sa mga kagamitan para sa
makabagong panukala sa pagtuturo at pangkalusugan. Kasali rin dito ang dagdag
na gastusin ng mga magulang para sa uniporme at baon ng mga anak. Sa mga
guro nama’y pasakit din ang pahirapang preparasyon sa pagtuturo. Ngunit sa
isang banda, maaring ang pagbubukas ng mga paaralan ay makakapagbigay ng
mahusay na kalidad ng pagtuturo at karanasan sa mga mag-aaral dahil sila ay
pwedeng matutukang mabuti.
Tunay ngang marami pang dapat gawin at isaalang-alang sa muling
pagbubukas ng ‘face to face class. Kailangang ibigay ng gobyerno ang sapat na
tulong sa mga guro upang maihandang mabuti ang mga paaralan. Gayundin,
dapat ding isaisip ng mga namumuno magmula sa pinakamataas at
pinakamababang posisyon ang mga salik na kung saan kailangang ng eskwelahan
ang suporta gaya na lamang ng pagpapatupad ng mga safety health protocols.
Kailangang bigyang pansin ang hinaing ng mga magulang at mga daing ng
mga guro at mag-aaral. Pagtutulungan ang kailangang upang sa muli makaabante
tayo sa isa na namang transisyon na ating kinalalagyan. Tayo mismo ang
makakapagsabi kung ang taong panuruang ito ay magiging isang hamon o
solusyon para sa pagsulong ng edukasyon.

DOHS, Wagi sa 2022 Mobile Photography Contest


Alinsunod sa selebrasyon ng National Children’s Month nasungkit ni Jae
Louie A. Taracatac ang ika-apat ng pwesto sa Senior High School at si Beverly Kim
Amok ay nagkamit ng ika-siyam na pwesto sa Junior High School nang makilahok
sa 2022 Mobile Photography Contest na isinagawa onlayn noong ika-12 ng
Oktubre 2022.
Sa pahayag ng mga guro, si Jae Louie A. Taracatac at Beverly Kim Amok ay
kinakitaan ng kahusayan ng pagkuha ng mga larawan at sa pagkakaroon ng
kaalaman tungkol sa temang “Kalusugan, kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata
ating Tutukan”. Kayat siya ang napili sa 44 na paaralan na nagtunggali. Sa kanilang
paghahanda naging mahirap dahil sa kakulangan ng mga gamit pero ginawan nila
ng solusyon. Ani ni Jae Louie at Beverly, “kailangan mong gawin ang best mo at
magtiwala ka sa sarili”.
Ayon kay Jae Louie at Beverly, sila ay kabado dahil sa magiging resulta ng
kanilang pinasang awtput dahil nakita nila ang mga pinasa ng kanilang mga
katunggali. Sa sobrang kaba sa paggawad ng parangal sa pamamagitan ng pag-
post ng resulta sa facebook noong nalaman nila ang ang resulta namutawi ang
ngiting tagumpay sa kanilang mga labi sa naging resulta
Umuwing may galak sa puso sina Jae Louie A. Taracatac at Beverly Kim
Amok kasama ang kanilang mga tagasanay na sina Charlene May A. Andres at
Jayson B. Daquioag.

Patalim: Salamin ng Karahasan


Rugby, knuckle, kutsilyo, baril, espada - mga bagay na makakapanakit sa
ibang tao. Mga bagay din na ipinagbabawal sa pambublikong lugar ngunit hindi
maikakaila na sa mga paaralan ay naipapasok narin ang mga ito. Dito sa Dorganda
ay may tatlong kaso ng naitala ng pagdadala ng kutsilyo at knuckle simula noong
Pebrero.
Ang pagdadala ng patalim sa paaralan ay isang bagay na hindi dapat gawin.
Gaya ng kutsilyo, nickmga bagay na makapapanakit sa ibang tao. Ang pagdadala
nito ay maaring maging mapanganib para sa kaligtasan ng iba pang mag-aaral at
mga guro. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay maaaring maging sanhi ng
pagkabalisa, pananakot, at iba pang mga problema sa paaralan. Ang pagdadala ng
‘deadly weapon’ ay maaaring makaapekto sa pag-aaral ng mga bata at maging
sanhi ng pagkasira ng tiwala sa paaralan. Sa kabila nito, ang pagdadala nito ay
kriminal at maaaring maging dahilan para sa pagkakasala. Ang mga ganitong pag-
uugali ay dapat na hadlangan at palagi na makipatuglungan sa mga awtoridad
para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa paaralan.
Ayon sa batas bilang 1780, ito ay naglalaman ng mga probisyon sa
regulasyon ng pag-angkat, pagbibigay, pag-aari, at paggamit ng ‘deadly weapons.’
Kaakibat dito ang batas na nagsasabi kung sino man ang magdala ng bowie knife,
dirk, dagger, kris at iba pang uri ng ‘deadly weapon o maglabag sa batas na ito ay
mapaparusahan ng multang aabot ng ₱500.00 o pagkakakulong ng 6 na buwan
depende sa desisyon ng korte.
Kaugnay dito, isang problema sa paaralan ang kakulangan ng security guard
kaya nakakapagpuslit ng mga patalim ang mga estudyante. Malaking bagay ang
sapat na security force upang matiyak ang seguridad ng mga mag-aaral at guro.
Ilan naman sa mga dahilan kung bakit may mga nagdadala ng mga ‘deadly
weapons’ sa paaralan ay ang agawan ng girlfriend o boyfrienda at hindi
pagkakaunawaan. Sa maraming mga kaso, ang mga estudyanteng ito ay tungkol
sa mga krimen o sa mga simpleng alitan na nangyayari sa loob ng paaralan.
Ang pagdadala ba ng patalim ay nakakaangas ba o pamantayan ng pagiging
isang tunay na lalaki? O ito ay senyales ng kaduwagan? Ang pagdadala ng patalim
ay hindi nagpapakita ng pagiging isang tunay na lalaki at ito ay isang malaking
responsibilidad dahil ito ay nangangailangan ng isang matatag na desisyon o
pananagutan at ito ay hindi dapat gamitin para sa anumang uri ng pang-aabuso o
pagpapatunay ng kalakasan. Kaakibat ng paggamit ng patalim ay ang tamang
pagpapasya kung ito ay ba ay makakatugon sa isang mabuting layunin gaya na
lamang kung ikaw ay nasa harap na ng kapahamakan. Sa kabilang banda ang
pagdadala ng ‘deadly weapon’ ay nagbibigay sa mga indibidwal ng kakayanang
proteksiyonan ang kanilang sarili at maging ligtas. Ito ay maaaring magdulot ng
pagtataguyod ng seguridad sa pagitan ng mga tao at higit sa lahat maari din itong
magbigay ng isang tiyak na elemento ng disiplina, na maaaring makatulong sa
pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng isang komunidad. Gayon nga,
kaakibat ng paggamit ng mga ganitong bagay ang disiplina,dahil kung hindi ito
gagamitin para sa magandang intensyon ay kapahamakan lamang ang idudulot
nito.
Ang pagpapasya ay isang mahalagang bahagi ng buhay upang magkaroon
ng kakayahang tumugon sa isang pagpipilian at bumuo ng isang kaisipan batay sa
impormasyon ng mga pag-aaral at pinapayagan nito ang mga tao na magkaroon
ng kontrol sa kanilang mga buhay at maging responsible sa mga resulta. Ika nga sa
isang kasabihan na “Pag-isipan mo muna nang maraming beses bago ka gumawa
ng anumang pasiya,” sa bawat desisyon dapat isipin kung paano ito
makakaapekto sa atin at sa mga taong nakapaligid at mas mabuti nang huwag
gawin ang isang bagay kung alam mo naman na walang midudulot na kabutihan.
Sabi pa ni Confucius,”Magkaroon ng isang kapuri-puring etika at maging
matuwid sa mga gawain mo. Huwag mong gawin sa iba ang hindi mo gustong
gawin nila sa iyo”. Ito ay isang payo na nagpapahiwatig na ang isang tao ay dapat
magkaroon ng pagpapahalaga sa karapatan at kapakanan ng iba.

You might also like