You are on page 1of 1

EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA

Ang edukasyon ay mahalaga sa paghubog ng kakayahan at katauhan ng isang tao upang


magkamit ng maganda at maayos na kinabukasan. May mahalaga itong papel na ginagampanan
sa pagbabago at pag-unlad, hindi lamang ng sarili kundi maging ng bansa. Ngunit, sa hindi
inaasahang pangyayari, lumaganap ang isang hindi pangkaraniwang sakit na humantong sa
isang pandemya. Nagdulot ito ng pagkabahala at takot sa mga tao, at nagdulot din ng malaking
epekto sa ekonomiya, lipunan, at higit lalo sa edukasyon.

Dahil sa bantang kapahamakan sa kalusugan ng mga mag-aaral na maaaring idulot ng sakit na


COVID-19, bumalangkas at nagpanukala ang sektor ng edukasyon ng panibagong mga
alituntunin at paraan ng pagkatuto. Kung dati ay kinakailangang pumasok ng mga mag-aaral sa
paaralan, ngayon ay mananatili na lamang sila sa bahay at doon mag-aaral sa pamamagitan ng
online, modyular na paraan o ang tinatawag na blendend learning kung saan pinaghalo-halo
ang mga naunang nabanggit na pamamaraan. Ang mga magulang ang magsisilbing tagaturo at
mag-aasikaso sakanila. Subalit, ito ay malaking problema para sa magulang sapagkat may mga
gawain rin sila na ginagawa sa bahay at ang iba naman ay abala sa paghahanap-buhay.
Malaking suliranin din ito para sa mga magulang na hindi kayang magturo sa kanilang mga anak,
lalo na yung mga hindi nakapag-aral. Malaki rin ang gastos lalo na sa online dahil
nangangailangan ito ng mga gadget at internet. Liban pa riyan, may masamang epekto rin ang
pagiging tutok ng mga mag-aaral sa gadyet dahil sa radiation nito. Maraming estudyante lalo na
sa kolehiyo ang hindi na kinaya ang hirap ng pag-aaral sa gitna ng pandemyang ito. Ang iba ay
huminto muna at ang nakakalungkot, may ibang kabataan ang kinitil ang kanilang buhay dahil
sa hirap na kinaharap sa pag-aaral. Maraming mga estudyante rin ang dumadaing sa dami ng
mga gawain na kanilang kailangang gawin at tapusin sa itinalaang panahon. Sa kabilang banda,
hindi lamang ang mga magulang at mga estudyante ang nahihirapan sa ngayon. Maging ang
mga guro ay nahihirapan din dahil sa mga karagdagang gawain na kanilang kailangan gawin,
tulad ng paggawa ng mga modyul at pagbibigay nito sa mga mag-aaral.

Hindi biro ang pagkakaroon ng pandemya. Marami itong naidulot na kapahamakan at pagkasira
ng sana ay maayos na lagay ng ating ekonomiya at lipunan. Isang malaking balakid ito sa
pagbibigay ng kalidad na edukasyon. At nagpapahirap sa buhay ng bawat isa sa atin. Ngunit,
ano man na pagsubok ang ating kinakaharap sa ngayon, mahalaga na maging positibo at huwag
sumuko. Sapagkat ito ay matatapos din at tayo ay mananalo sa hamong ito.

You might also like