You are on page 1of 3

ISA AKONG NURSE

Ako'y sumulat ng isang katha

Aking ilalatag bawat pahayag

Bawat salita't pantig, maging ang bawat titik ng salita ay tutugma sa bawat kataga

Ito'y nagmula sa aking isip na nagtatanong at pusong isa lamang ang ipinipintig

Ako sana'y pakinggan nyo

Sapagkat nais ko lamang ipahayag ang mga katotohanang aking napagtanto

Akin nang uumpisahan at sana'y intindihin nyo ito

Kung may mga matatamaan man, patawad pero yun ay totoo

Isa akong nurse

Oo tama kayo ng rinig, nurse ang propesyong pinili ko

Buong pagmamalaki ko itong sinasabi at hnd ako mahihiyang ulit-ulitin ito

Dahil ang aking napili, hnd lamang propesyon kundi isang panghabambuhay na bokasyon

Nursing aking napili, kaya naman ako ngayo'y nandito sa entablado

Nagpupumilit na marinig, kahit ako'y may maliit lamang na tinig �

Bago ako nakarating dito, syempre byumahe muna ako �

Pero seryoso, maraming pagsubok ang pinagdaanan ko bago ko marating ito.

Handa na ba kayong makinig sa aking kwento?

Apat na taon, ako'y nakibaka at sumabak sa napakalaking hamon ng buhay

Maraming oras, sandamakmak na pawis aking ibinuhos para tuparin aking pangarap
Ang pangarap kong pagsilbihan ang kapwa ko Pilipino

Isa akong nurse, bihasa sa mga procedure

Duty, return demonstration at lecture

Halos dumugo na ang utak ko sa dami ng impormasyong kailangan ipasok dito

Dagdag pa ang makukulit na pasyente na nagpapasakit sa aking ulo

Pero bakit hnd man lng nila makita ang aking halaga?

Madalas puro pangmamaliit ang nakikita ko sa kanilang mapanghusgang mata

Alam nyo ba ang hirap? Ramdam nyo ba ang pagod?

Pero hindi ko yan iniisip dahil ang pagsilbihan kayo ang kasiyahan ko

Mabuti pa nga sa pag ibig pwdng magkamali para matuto

Pero sa nursing procedure hnd pwdng magkamali dahil buhay ang nakasalalay dito

Hnd kmi katulad ng ex mo na kapag tinusok ka, mag aaspirate at sa huli

Iiwan ka lng din pala

Para lang din kaming taong nagmamahal, handang masaktan maibigay lamang ang serbisyong iyong
kailangan

Alagang may TLC, naku magaling kami dyan

Khit nga sa bed este bed making pala expert rin kmi dyan

Kaya kung magmamahal ka, kming mga nurses na ksi bukod sa maalaga na, safe ka pa

Pero bakit ba ang unfair ng mundo

Yung mga nagsasakripisyo para magsilbi sa tao, sila pa ung madalas na hnd nirerespeto

Kmi pa ung madalas masisi kapag may mali sa pasyente


Naku pasensya na po, tao lng din nmn kami, may posibilidad na magkamali

Amin lng na pakiusap, sana'y wag nyo kaming husgahan

Dahil binibigay nman namin 100% ng aming kakayahan

Kapag kami'y kailangan, dumarating kmi ng walang pag aalinlangan

Masiguro lamang na kayo'y ligtas sa anumang karamdaman

Kaya't kung ika'y nag iisip ng propesyong tatahakin, saamin kna lng

Ang mga nurses hnd nang iiwan

Bawat desisyon aming pinaninindigan

Galaw naming mga nurse laging may dahilan

Hnd kami nakadepende sa utos ninuman

Hnd kami basta bastang utusan lamang

Inyong pakatandaan, kami ang puso ng pagamutan

Sana'y inyong nagustuhan ang inyong napakinggan

Sa muli, isa akong nurse, propesyong ipinagmamalaki ko sa buong sanlibutan..

You might also like