You are on page 1of 2

“”BUHAY WORKING STUDENT ””

May ibang tao na hindi na nakakapag-aral


Mga bayaring na mistulang napakamahal kulang pa pangkain sa araw-araw
Sabi nila’y dahil ito sa kahirapan ng buhay
Sa kayamanan sila’y pinagkaitan napakalupit daw nang kapalaran.

Ngunit para sa akin hindi naman talga hadlang ang kahirapan


Para matustusan ang mga pangangailan sa aking pag-aaral
Mag-sipag ka , humanap ka ng paraan
Walang mahirap , sa taong nag sisikap at may pangarap sa buhay
Hindi man lahat ay madaliang nakukuha
Ngunit lahat nang iyan ay nakukuha kung ito’y pag sisikapan

Ito nga pala ako nag aaral kasabay ng pag tatrabaho.


Nagtatrabaho ako para may pang tustos ako sa mga pangangailan ko sa skwelahan
Para may ibaon ako sa tuwing papasok ako,
Pumapasok sa trabaho sa isang sikat na fastfood chain
Kapalit ng sahod na pang bayad ko sa iskwelahan
Na walang kakayahang mag bayad ng tama sa oras

Pumapasok upang mag silbi sa mga kostumer


Gumagawa ng mga produktong kanilang binbili
Minsan nama’y nag si serve ng mga pag kain sa mga kostumer
At minsan nama’y nag liligpit ng kanilang pinagkainan
Kahit minsan din ay inaabot ng mga pang iinsulto
Ngunit isa lang ang sinabi ko sarili ko hindi ko dapat isa alang alang ang pangrap ko
Sa mga insulting natatanggap ko sa mga kostumer na pinag sisilbihan

Pag labas ko naman galling trabaho ay diretso ako sa iskwelahan


hawak ko naman ang aking telepono upang pag aralan ang mga binigay na takdang aralin

hindi naman kasi talga mahirap ang mag aral kasabay ng pag tatrabaho
yun nga lang wala na tayong oras para sa sarili natin at sa pamilya
hindi na nakakasama sa gala ng barkada kasi pag katapos ng klase
Pahinga lang sabay pasok na namn ulit sa trabaho
Dahil sa pagod ay parang gusting gusto mo nang sumuko
Minsan inaantok pa pag pasok ng klase dahil sa pagod sa trabaho

Ngunit ano nga bang ang rason kung bakit tayo nandito??
Ano ba ang makukuha natin pag nakatapos tayo??
Ano bang saysay ng mga sakripisyong ito??
Ito lang ang maibabahagi ko sa inyo

Pagdating nang araw ang lahat ng sakripisyong ito ay mag kakaroon ng saysay mag kakaroon tayo ng
mgandang trabaho kaya hanggat nandyan pa an gating mga magulang huwag nating hayaang manatili
nalang tayong mahirap patunayan natin na kaya nating makasabay kahit tayo’y isang mahirap lang dahil
sabi ka sa math hindi mo masasagot ang problema kung hindi ito idadaan sa formula at solution kahit sa
paanong paraan mo pa idaan madapa ka man pilitin mo paring tumayo dahil hanggat ang tao’y
nabubuhay ay may pag asa.

You might also like