You are on page 1of 16

ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL NG BRAND NEW AT

UKAY-UKAY NA DAMIT SA MGA MAG-AARAL NG


CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

Nina:
De Guia, Mark Angelo P.
Piedad, Helery Adore V.
Miranda, Francis Jay S.
Guillandez, Arjay C.

Isang Pananaliksik na iniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng


mga Sining at Agham, Central Luzon State University, Bilang katugunan
sa Pangangailan ng Asignaturang Filipino 1105-
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.

Disyembre 209
KABANATA 1
ANG KASAYSAYAN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula
“What you ware is how you present yourself to the world,
especially today when, human contacts are so quick. Fashion is instant
language.”-Muiccia Prada.

Sa mabilis na pagbabago ng modernong panahon kasabay nito ang mabilis na


pagbabago ng mga bagay na sumisikat at tinatangkilik ng mga kabataan ng
makabagong henerasyon. Halimbawa nito, ang mabilis na pagpalit-palit ng mga
nauusong kasuotan na magiliw na sinusunod ng mga kabataan. Marami ang
mga bagay na nakaka-apekto at nakakaimpluwensya sa pag sunod natin sa mga
nauusong kasuotan ngayon. Isa na dito ang impluwensya ng ibang kulturang
ating tinanggap at sinusunod.

“We are mirrors. The fashion sense of the Filipino youth only
reflects what the youth of the other countries are doing.” (Nik Juban 2018).

Tayo ay mga sumasalamin sa kultura ng ibang tao,, mga repleksyon ng


mga kabataan ng ibang mga bansa.

“We are so influenced by other cultures that we are not creating our
own identity,fashion-wise.”

Masyado tayong naiimpluwensyahan ng ibang mga kultura at hindi na


tayo nakakagawa ng sarili nating pagkakakilanlan at kaalaman sa fashion. Dahil
sa mga banyagang kulturang ating natutunan ay nagiging malaki na ang epekto
nito sa ating pamumuhay lalo na sa ating pananaw pag dating sa ating kasuotan.
Nagiging maingat na tayo at mapili pag dating sa ating mga damit, lalo na
ngayong may roon tayong sinusundan na “fashion trend”. Halos lahat ng
kabataan ay ayaw mahuli sa sa fashion trend na ito, at pilit na nakikipag sabayan
dito.
May mga kabataan na nahuhulog sa mga branded na kasuotan, mga
kasuotang nagkakahalaga na ilang daan na at kung minsan ay libo pa nga. Ayon
kay Fernandez, P (2009) ang epekto ng branding ng isang kagamitan sa mga
kabataan pagdating sa kasuotan ay isang implikasyon na sila nagkakaroon ng
kamalayan pagdating sa brand ng mga damit na kanilang isinusuot. Para sa
kaniya ang pagkakaroon ng kamalayan pagdating sa brand ng isang produkto ay
nangangahulugan na ang mga kabataan ay nakakagawa ng kanilang sariling
imahe o identidad para sa kanilang sarili. Ayon pa sa kaniya isa sa mga malaking
nagkakaimpluwensya sa mga kabataang ito na tumangkilik ng mga branded na
gamit o kasuotan ay ang kanilang mga kaibigan dahil sa sila ang kanilang
madalas na kasama. Idinagdiag din niya na mayroon ring ambag ang mga
kilalang mga personalidad na nageendorso ng mga produktong ito.
Ayon naman kay Khare, A (2010) sa mga umuunlad na mga bansa
katulad ng bansang Pilipinas, mas nagiging maalam ang mga mamimili
pagdating sa fashion brands. Ito rin ay ambag ng mga banyang ating mga
iniidolo sa ibang mga bansa. Ngunit ang pag sunod sa mga fashion trends at
branded na kasuotan ay sadyang magastos at talaga namang nakaka butas ng
bulsa para sa mga kabataan at kung minsan ay para sakanilang mga magulang
narin. Hindi naman kase, lahat ng kabataan ay mayroong mga kakayahang
makabili ng mga branded na kasuotan, kung kayat may mga kabataang
gumagawa ng paraan at naghahanap ng alternatibong pamilihan kung saan sila
ay pwedeng makabili ng mga branded na kasuotan ngunit sa mababang presyo.
Ang problemang ito ang sinusulusyonan ng konsepto ng ukay-
ukay. “Ang ukay-ukay ay isang pamilihan kung saan binebenta ang mga damit
na galing sa ibang bansa sa mas mababang presyo. Maaaring bago o nagamit
na dati (second-hand) ang mga produktong makikita sa loob ng ukay-ukay.
(Celso Atuan II, Jasmin Noreen Leonido, etal., 2018)”. Sa ukay-ukay ang
karaniwang takbuhan ng mga taong gustong makahanap ng magandang
kasuotan sa mababang presyo. Ayon nga kay, Abueg, L (2005) Ang ukay-ukay
ay nagsisilbing alternatibong pamilihan upang makamura ang mga mamimili
kaysa sila ay pumunta sa mamahaling mga botika o mall. Nag simula ang pag
usbong ng ukay-ukay market sa Baguio, kung saan ang unang tawag dito ay
“wagwagan” na kalaunan ay tinanangkilik na rin ng ibang mga lugar at probinsya
sa bansa. Ang pag sisimula ng industriya ng ukay-ukay ay nag simula lamang sa
mga maliliit ng mga stalls sa lansangan at sa loob ng dalawang taon, na italang
higit PhP1.2 million ang kinikita ng isang ukay-ukay business araw-araw.
(Cabreza 2001). Makikita natin na marami talaga ang mga tumatangkilik sa ukay-
ukay, hindi lamang dahil sa mura na ito kundi dahil may mga produkto din ditong
branded o original at higit na mapapakinabangan pa.
Ayon sa pag aaral na isinagawa sa West Visayas State University,
Janiuay Campus School of Teacher Education na may pamagat na Impact of
ukay-ukay in the community, ang malaking pursiyento ng mga mamimili ng ukay-
ukay ay ang mga nasa low at middle class na grupo ng mga mamamayan na ang
pangunahing rason ay ang mababang presyo nito o affordability. Habang ang
mayroon namang maliit na pursiyentong hati ang mga nasa upper clas na grupo
ng mga mamayan na ang mga pangunahing rason ay originality, uniqueness at
quality. Makikita natin na maski ang may mga kakayahan na makabili ng brand
new na kagamitan ay minsan pinipili ring bumili sa ukay-ukay.
Ngunit kung may mga taong magiliw na tumatangkilik sa ukay-ukay,
mayroon paring mga taong, hindi komportableng bumili sa ukay-ukay at mas
pinipili paring bumili ng mga brand new na damit. Maraming dahilan at mga
bagay na nakaka apekto at impluwensya sa kanila na bumili ng bagong damit.
Ayon sa survey na isinagawa ni Yexre Wraige noong taong 2015 na may titolong
“Filipino Consumers on Clothing” na mayroong limangput-limang (55) kalahok ,
sa kumunidad ng Unibersidad ng Pilipinas. Ilan sa mga bagay na nakaka apekto
sa pag didisesyon ng mga mamimili bago sila bumili ng damit ay ang mga
sumusunod. Presyo, kalidad, disenyo at brand image sa pagbili nito. Lumalabas
sa survey na isinagawa na 36.4 na pursiyento ng mga kalahok sa survey na
presyo ang pinaka nakaka apekto sa kanilang desisyon sa pag bili ng damit,
sinundan ito ng kalidad na mayroong 34 pursiyento at brand image na mayroong
29 na pursiyento huli ang disenyo na mayroong 25 pursiyento. Ipinapakita ng
survey na ito na malaki ang pursiyento ng mga taong naapektuhan ng presyo ng
damit ang kanilang desisyon sa pag bili.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga
komparatibong katangian at pagkakaiba ng brand new at ukay-uaky na damit.
Saan nga ba mas pinipili ng mga mag aaral ng Central Luzon State University na
bumili ng kanilang damit? at kung ano ang pagkakaiba ng kanilang mga
pamantayan pagdatin sa pagbili nila ng brand new o ukay-ukay na damit.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang pagkakapareho


at pagkakaiba ng pagdedesisyon sa pagbili ng brand new at ukay-ukay na damit
ng mga estudyante ng Central Luzon State University.

1. Ano ang sosyo-demograpikong katangian ng mga estudyanteng bumibili


ng brand new at ukay-ukay na damit ayon sa;
1.1. edad;
1.2. kasarian;
 Babae
 Lalaki
 LGBT
1.3. kurso at taon;
2. Anu-ano ang pamantayan at mga bagay na kinokonsidera ng mga
estudyante sa pagbili ng damit?
2.1. Presyo
2.2. Kalidad
2.3. Brand image
2.4. Disenyo
3. Gaano kataas ang consumer satisfaction na nakukuha ng mga estudyante
sa pagbili ng ukay at brand new na damit?
4. Sino-sinu ang mga karaniwang bumibili o tumatangkilik ng mga brand new
at ukay na damit?
5. Ilang pursiyento ng mga estudyante ng Central Luzon State University ang
bumibili ng brand new o ukay na damit.?
6. Gaano kalaki ang perang ginagastos ng isang estudyante sa pag bili ng
ukay o brand new na damit?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag aaral na ito ay para malaman kung ano ang madalas
na bilhin o tangkilikin, amng branded na damit ba o ang ukay na damit?
1. Para malaman ang sosyo-demograpikong katangian ng mga studyante
ayon sa
1.1 edad;
1.2 kasarian;
1.3 kurso at taon;
2. Para malaman kung anu-ano ang pamantayan at mga bagay na
kinokonsidera ng mga estudyante sa pagbili ng damit.
2.1 Presyo
2.2 Kalidad
2.3 Brand image
2.4 Disenyo
3. Para malaman kung gaano kataas ang consumer satisfaction na
nakukuha ng mga studyante ng clsu sa pagbili ng ukay o brand new na
damit?
4. Pra malaman kung anu-ano ang mga positibong at negatibong epekto ng
pagbili ng brand new na damit o ukay na damit.
5. Para malaman kung ilang pursyento ng mga studyante ng clsu ang
bumibili ng ukay o brand new na damit.
6. Para malaman kung gaano kalaki ang perang ginagastos ng isang
studyante sa pagbili ng ukay o brand new na damit.
Konseptuwal na Balangkas
Ang pag-aaral na ito ay naka sentro sa pagkukumpara at pagkakapareho
ng mga nakaka-apekto sa desisyon ng mamimili sa pagbili ng ukay-ukay at
brand new na damit. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Yexre Wraige na may
titolong “Filipino Consumer on Clothing” (2015) na isinagawa sa Unibersidad ng
Pilipinas, malaki ang epekto ng Presyo sa pagdidisisyon ng isang mamimili,
sinundan ito ng kalidad, brand image, at ang huli ay disenyo.
Sa pag-aaral na ito ay aalamin ng mga mananaliksik sa kaparehong
baryabol na ginamit kung malaki rin ang kuntribusyon ng presyo sa
pagdedisisyon ng isang mamimili sa pag bili ng isang damit.
Makikita sa Pigura 1 ang Paradigma Konseptuwal ng kasalikuyang pag
aaral.

Independent Dependent

Presyo Desisyon sa pagbili ng ukay-

Disenyo ukay at brand new na damit.

Kalidad

Brand image

Kontrol Baryabol

Edad

Kasarian

 Lalaki

 Babae

 LGBT

Kurso
Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan sa mga mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay na sapat at


mapagkakatiwalaang impormasiyon tungkol sa komparatibong pag-aaral ng
brand new at ukay na damit. Sa pag-aaral nito, makakatulong ito sa mga
studyante upang malaman ang mga dahilan kung bakit bumibili ang mga to ng
brand new at ukay-ukay na damit.

Kahalagahan sa mga nagtitinda ng brand new at ukay-ukay na damit.

Makakatulong ito sa mga nagtitinda upang malaman ang mga bagay na


nakaka apekto sa pag dedesisyon ng mga estudyante sa pag pili at pag bili ng
damit.

Kahalagahan sa Gobyerno

Makaka tulong ito sa gobyerno upang malaman nila ang estado ng


indutriya ng brand new at ukay-ukay na damit at ang kontribusyon nito sa ating
ekonomiya.

Kahalagahan sa mananaliksik sa hinaharap

Magsisilibing batayan ang pananaliksik na ito sa mfa hinaharap na


mananaliksik at makapagbigay ng mga karagdagang impormasiyon na maaring
palalimin at makatuklas pa ng mga pnuibagong ideya.
Saklaw at Limitasyon
Saklaw ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang pagkukumpara ng brand new at


ukay-ukay na damit sa mga estudyante ng Central Luzon State University.
Saklaw din ng pag-aaral na ito ang mga pamantayan at mga bagay na
kinokonsidera ng mga estudyantes sa pagpili at pagbili ng damit.

Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante


mula sa mga mag-aaral ng Central Luzon State University na mayroong iba’t
ibang kurso. Nais makabuo ng 150 na babaeng respondante at 150 na lalaking
respondante na may kabuoang 300 na kalahok na estudyante ng Central Luzon
State University.

Depinisyon ng mga Termino

Ukay-ukay- Isang paraan nang pagbebenta ng mga samutsaring mga gamit sa


murang halaga. Ito ay nag mula sa salitang halukay na ang ibig sabihin ay
paghalungkat o paghahanap.
Isang lugar na nagsisilbing alternatibong pamilihan para sa mga taong nagnanais
na makatipid at makahanap ng magandang kalidad ng damit o iba pang kauotan.

Brand New- Ang tawag sa mga kagamitan na nabili mula sa orihinal na gumawa
nito at ikaw ang unang nag mamay-ari.
Mga kagamitan na maaring nagkakahalaga ng malaking presyo.
Fashion wise- Ang pag papakita ng katalinuhan pandama sa estilo ng damit.
isang katangiang unti unting tinataglay ng mga kabataan sa ating henerasyon
ngayon. Isang kamalayan pagdating sa fashion trends na idinidikta ng publiko o
mga maimpluwensyang tao sa bansa o mundo.

Presyo- Ang katumbas nang bagay o serbisyo sa pera base sa kalidad at


pagkakagawa nito. Ang sapat halaga ng isang produkto na ating binabayaran.

Disenyo- Ang kadalasang mga palamuti o itsura nang isang kagamitan na


nagbibigay nang kagandahan dito.
Mga bagay na nag daragdag ng pagpapaganda sa isang kasuotan o bagay na
nakakaakit sa ating interest.

Kalidad- Tumutukoy sa kung paaano ginawa ang isang produkto o serbisyo


base sa kagamitan, tibay at disenyo.
Ito ang bagay na lagi nating hinahanap sa isang bagay bago natin ito bilhin. ang
isang produkto ay pinepresyohan batay sa kalidad nito.

Brand Image- Isang pinagsama-sama ng mga paniniwala, ideya, at impression


nahawak ng isang customer patungkol sa tatak ng isang produkto.
Ito rin ay nagsisilbing mukha ng isang produkto sa paningin ng mga mamimili.
Importante ang brand image dahl may mga mamimili ang mas tinitingnan ang
brand image ng isang prodkto bago nila bilhin ito dahil kasama sa brand image
ang kasiguraduhan na ito ay nanggalig sa isang kilalang kompanya o may
maayos na imahe pagdating sa negosyo.

LGBT- Salitang tumutukoy sa “Lesbian”, “Gay”, “Bisexual” at “Transgender”. Sila


ang mga indibidwal na may kakaibang attraksyon sa mga kapareho nilang
kasarian. Masasabing kakaiba dahil mula noon at hanggang ngayon dalawang
kasarian lamang ang kinikilala sa ating lipunan, ang babae ay para sa lalake at
ang lalake ay para sa babae lamang.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay binubuo ng iba’t-ibang pag-aaral at literatura


na may kaugnay sa pag-aaral na ito. Ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura
na ilalahad dito ay may malakaing tulong upang malaman ang kasalukuyang
estado ng kaalaman kaugnay sa paksang ito.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang kalikasan ng ukay-ukay ay ang halos bagsak presyo na halaga ng


mga produkto kung ikukumpara sa mga malalaking pamilihan. Kung sa mga mall
ay nagtataasan ang mga presyo, sa ukay-ukay, kahit hindi panahon ng sale ay
sobrang baba ng mga presyo ng mga damit. Nang dahil sa bagsak presyong
mga produkto, mas tinatangkilik ng masa ang mga ibinebenta dito. (C. Atuan II,
J.N. Leonido et al., 2018)
Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang industriya ng
ukay-ukay sa bansa. Dahil sa likas na matipid ang mga Pilipino, mas tinatangkilik
natin ang mga produktong mas makakatipid tayo, ika nga nila, duon tayo sa mas
praktikal. Dahil bakit kapa bibili sa mga mahal na mall o department store kung
pwede ka naman makabili sa ukay-ukay na kung minsan ay may makukuha ka
din namang magandang kalidad at branded na damit or iba pang gamit.
“Mayroong mga branded na mga kagamitan na ibinebenta sa mga ukay-ukay”
(FFE Life and Lifestyle Staff, 2014)
Ayon rin sa pag-aaral ni Luisito Abueg (2005) na The Economics of
Secondhand Retail Trade: An Analysis of the Market for Ukay-ukay, naging isang
magandang alternatibo ang ukay-ukay upang makamura ang mga mamimili
kaysa pag bumili sila sa mga botika o sa mga malalaking pamilihan tulad ng SM,
Robinsons, at iba pa.
Dahil nga sa dami ng mga damit at iba pang produktong pwedeng mabili
sa ukay-ukay nag kakaroon ng pagkakataon ang mga mamimili na makatipid at
makabili ng mas maraming bilang ng damit kaysa sa pagbili sa mga department
store. Sa pahanon ngayon, mas tinatangkilik ng mga maimili kung saan sila mas
makaka mura at ang ukay-uaky ang lugar na pianka perpektong alternatibong
pamilihan ng damit.
Ayon sa pag aaral na isinagawa sa West Visayas State University,
Janiuay Campus School of Teacher Education na may pamagat na Impact of
ukay-ukay in the community, ang malaking pursiyento ng mga mamimili ng ukay-
ukay ay ang mga nasa low at middle class na grupo ng mga mamamayan na ang
pangunahing rason ay ang mababang presyo nito o affordability. Habang ang
mayroon namang maliit na pursiyentong hati ang mga nasa upper clas na grupo
ng mga mamayan na ang mga pangunahing rason ay originality, uniqueness at
quality.
Mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy ang pag usbong at pag lawig
ng industriya ng ukay-ukay sa buong bansa. Nagiging isa rin itong paraan ng
pagkakakitaan ng mga Pilipinong walang maayos na trabaho.
Ang branded na damit ay nag kakaroon ng isang malaking epekto sa
pagkatao at pamumuhay ng isang tao. Ayon sa pag aaral na ginawa ni Neelam
Singh isang Ph.D scholar mula sa University, Meerut, Uttar Pradesh, India na
may pamagat na, A study of buying behaviour of youth toward branded fashion
apparels in Mawana city , ang malaking epekto ng branding o brand sa mga
kabataan, sa pagpili ng kasuotan ay nag papahiwatig na sila ay mga brand
conscious. At ang pagiging brand conscious ng isang kabataan ay isang
implikasyon ng pagkakaroon nila ng sariling identidad. Nakaka-apekto rin dito
ang kanilang mga kaibigan at adbertasyon ng isang produkto.
Ayon kay Khare , A (2010) karamihan sa mga umuunlad na bansa
katulad ng Plilinas ay mas nagiging matalino o mayroong kaalaman pagdating sa
fashion brand. Ito ay base sa kaniyang pagaaral na isinagawa sa mga kabataan
mula sa India.
Ayon sa survey na isinagawa ni Yexre Wraige noong taong 2015 na may
titolong “Filipino Consumers on Clothing” na mayroong limangput-limang (55)
kalahok , sa kumunidad ng Unibersidad ng Pilipinas. Ilan sa mga bagay na
nakaka apekto sa pag didisesyon ng mga mamimili bago sila bumili ng damit ay
ang mga sumusunod. Presyo, kalidad, disenyo at brand image sa pagbili nito.
Lumalabas sa survey na isinagawa na 36.4 na pursiyento ng mga kalahok sa
survey na presyo ang pinaka nakaka apekto sa kanilang desisyon sa pag bili ng
damit, sinundan ito ng kalidad na mayroong 34 pursiyento at brand image na
mayroong 29 na pursiyento huli ang disenyo na mayroong 25 pursiyento.
Makikita sa pag-aaral na ito na malaki sa nagiging epekto ng presyo ng
isang damit sa pagdedesisyon ng isang tao sa pagbili. Hindi parin nawawala ang
isa sa mga kalikasan ng kultura ng mga Pilipino pag dating sa pagbili.
Ayon rin sa pag-aaral na isinagawa nina Parul Mittal at Sandeep Aggrawal
na may pamagat na Consumer Perception Toward Branded Graments: A Study
of Jaipur (2012), isa sa pinaka mataas na pursiyento ng bagay na nakaka apekto
sa pagdedesisyon ng isang tao sa pag bili ay Presyo. Lumabas sa brand
influence analysis na kanilang isinagawa na 49% na nakaka apekto sa pag
dedesisyon bumili ang isang tao ay dahil sa presyo.
KABANATA III
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan at metodolohiya na
ginawa ng mga mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon at ng
respondante para sa “Isang Komparatibong Pag-aaral ng brand new at ukay-
ukay na damit sa mga mag-aaral ng Central Luzon State University”

Disenyo ng Pag-aaral
Kuwantitatibo, descriptibo at komparatibong pag-aaral ang gamit ng mga
mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral na ito. Upang malaman ang
pagkakiba at pagkakapareho ng persepsiyon sa pamantayan ng mga mag-aaral
ng Central Luzon State University pagdating sa pagbili ng brand new at ukay-
ukay na damit. Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tutukoy sa sistematiko at
emperikal na imbestigasyon ng iba’t-ibang paksa at penomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadikal, at mga teknik na pamamaraan na
gumagamit ng kompyutasyon. Kadalasang ginagamit din ito ng mga nasusukat
at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gamit ang survey at
ekperimentasyon.
Ang deskriptibo pinag-aaralan ang mga palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng
tugon sa mga tanong na sino, ano, kalian, at paano na may kinalaman sa paksa
ng pag-aaral. Ang komparatibong pananaliksik ay nag lalayong maghambing ng
ano mang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa.
Instrumento sa Pananaliksik
Sa bahaging ito ang mga mananaliksik ay inilalarawan ang paraang
ginamit sa pangangalap ng datos at mga impormasyon. Talatanungan o survey
questionnaire ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng
datos na ginamit ng mga mananaliksik na pinasagutan sa mga mag aaral ng
Central Luzon State University bilang mga respondante ng pag-aaral na ito. Isa
sa mga dahilan kung bakit survey questionnaire ang ginamit sa pananaliksik na
ito ay dahil sa laki ng bilang ng mga respondanteng kinailangan upang mas
maraming datos ang makalap kung saan mas magiging makatotohanan ang mga
impormasyon,
Na-akama ang pag-gamit ng survey questionnaire sa pananaliksik na ito
dahil n ais ng mga mananaliksik na palabasin ang pagkakaiba at pagkakapareho
ng persepsyon ng mga mamimili sa ukay-ukay at brand new sa pamamagitan ng
pagkuha ng mean at frequency ng mga inilahad na independent baryabol.

Pagkuha ng Datos
Ang mga mananaliksik ay inilalarawan ang mga hakbang at proseso na
ginamit upang makakalap ng mga impormasyon at datos. Ang pagkuha ng datos
ay isinagawa sa Central Luzon State University, kung saan ang lugar ng
pagsasagawa ng pananaliksik sa unang semester ng taong palatuntunan 2019-
2020. Ang mga respondenteng kinuhanan ng datos ay namula sa iba’y-ibang
kolehiyo ng Unibersidad at nabibilang sa iba’t-ibang kurso, gulang at kasarian.

Paraan ng Pananaliksik
Inilahad ng mga mananaliksik sa bahaging ito ang mga pamamaraan
upang maisagawa ang pag aaral. Isasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral
sa Central Luzon State University. Ang mga napiling respondante ay ang mga
mag-aaral ng Central Luzon State University. Random sampling ang ginamit na
pamamaraan ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga respondante. Ang ramdom
sampling, ang pinaka popular na sample o paraan ng pagkuha ng datos sa mga
respondente dahil ito ay lottery o raffle na sampling at ito. Ang paraan ng
pagkuha ng datos sa paraang ito ay nakakabawas sa pagkakaroon ng bayas o
kinakatigan ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay lumabas sa
kanilang kolehiyo at nag nahap ng mga estudyanteng kanilang naging
respondente. Mga estudyanteng nang galling sa iba’t-ibang kolehiyo at
mayroonng iba-t ibang edad, kasarian, at kurso. Nag pamahagi ng mga survey
questionnaire ang mga mananaliksik ng hindi sapilitan at sa maayos na
pamamaraan.

Pag-aanalisa ng Datos
Sa huling bahagi ng kabanatang ito ay ilalahad ang mga hakbang na
ginawa ng mga mananaliksik sa pag-aanalisa ng mga datos na kanilang nakalap.
Ang mga datos ay nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral
ng Central Luzon State University na tumugon sa talatanungan ng mga
mananliksik.

You might also like