Professional Documents
Culture Documents
Aminin man natin o hindi, sa lipunan ng tao, maliit ang pagtingin sa mga may
kapansanan. Ito ay bunga ng mga tira-tirang bahagi ng makalumang kultura na
hanggang ngayon ay nananatili sa makabangong panahon.
Aminin man natin o hindi, ang lipunan ay mapanghusga. Ito ang naglalagay ng
malaking pasanin sa mga taong hindi kumpleto ang bahagi ng katawan. Sa halip na
sila ay palakasin tulad ng pagpapalakas ng lipunan sa mga buo ang katawan, sila ay
pinahihina at iniiwanan.
Ang mga ahas, bagamat walang mga kamay at paa, ay mas mabilis na nakakikilos
kumpara sa mga taong kumpleto nito. Nakaaakyat sila ng puno, nakalalangoy sa
tubig, at nakahuhukay ng mga butas sa lupa.
Kaya’t ang taong may kapansanan ay higit na may pagkakataong luminang ng mas
maraming kasanayan lalu na’t sila ay gumagamit ng isipan. Sila ay pinapanday din
ng kalagayang hindi iba sa kalagayan ng mga mababangis na hayop sa kagubatan.
Ikalawa, ang mga may kapansanan ay may mas malawak na pagkakaintindi kung
ano ang tunay na pagsubok. Nakikita nila ang kanilang kahinaan at kalauna’y
nagagamit ang kahinaang ito upang maging malakas. Ang kawalan ng paa ay
nakapagpapalakas ng mga kamay at braso tulad ng pagpapalakas sa pakiramdam ng
kawalan ng paningin.
Ikatlo, hindi hadlang ang kapansanan upang magtagumpay sa buhay dahil ang
sangkap sa bawat tagumpay ay tibay ng loob na hindi nangangailangan ng
kumpletong bahagi ng katawan maliban sa pusong hindi alipin ng lungkot at takot.
Higit sa lahat, hindi hadlang ang kapansanan upang magtagumpay dahil ang
kabiguan ay kadalasa'y dulot pa nga ng pagsunod at pagparehas sa nakararami.