You are on page 1of 5

Ayon sa mga kasabihan ni lolo Amang Tanda na “ Ang mabigat ay gumagaan pag napagtutuwangan”.

Ang lahat ng problema o suliranin na dumarating sa ating buhay ay may karampatang solusyon kung ang
bawat isa ay magtutulungan at mayroong papel na ginagampanan sa ating lipunang kinabibilangan,
bilang mag-aaral, mamamayan at manunulat.

Ang bawat isa ay may angking kakayahan upang makapagbigay tulong sa ating lipunan. Halimbawa
bilang isang estudyante, makakatulong ang mga mag-aaral sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng
pag-aaral ng mabuti dahil marami ang mga kabataan ngayon na hindi nkakapag-aral. Maraming mga
kabataan ang nalululong sa mga masasamang gawain at bisyo. Ayon sa Department of Education-
National Capital Region (DepEd-NCR) may kabuuang 7.3 milyong bata ang hindi pumapasok sa paaralan,
sa edad na 12-taon pababa, may 3.3 milyon at habang apat na milyon naman ang 12-pataas ang bilang
ng mga kabataang hindi nakapag-aral.

Bilang mamamayan, kailangang may kooperasyon sa gobyerno, ang re-sponsableng mamamayan ay


sumusunod sa batas at gumagawa ng mabuti. Halimbawa nalang ng pagbayad ng buwis na ginagamit ng
gobyerno para sa kanilang mga proyekto na makakatulong sa ating bansa.

Alamin at sundin ang mga batas na ipinapatupad, mahalaga ang batas upang mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan ng isang lipunan.

Kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili ang isa’t-isa dahil kung walang disiplina, walang kaayusan na
mangyayari gaya nalang ng pagboto ng tapat na walang anumang kapalit na hinihintay. Ang boto ay
dapat tapat at hindi nabibili.

Bawat manunulat ay may tungkulin na ginagampanan na maipahayag ang mga bagay na nasa kanyang
damdamin at ang nangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. Magbigay ng tapat na impormasyon,
magpahayag ng opinion, makapaghayag ng makatotohanang balita at mang-aliw sa mga mam-babasa.

Ang pagkakaisa ng mga mamamayan, manunulat at mamamahayag ay makatutulong sa paglutas ng


panlipunang isyu gaya ng tanim-bala scam, APEC Summit at ang nalalapit na halalan sa taong 2016.

Sa pamamagitan ng pagsulat, maipapahayag o maipapaalam sa mga mamamayan ang ilan sa mga isyung
dapat bigyang pansin sa ating lipunan upang makatulong kahit sa simpleng paraan.Isa sa mga ito ay sa
pamamagitan ng pagsuporta sa mga solusyon na gagawin ng pamahalaan para sa mga suliraning
kinakaharap ng ating bansa. Sa pamamagitan nito mapoprotektahan natin ang ating bansa sa anumang
kapahamakan at isyung nakakasira sa reputasyon nito.
Ang kasabihang “Ako ang simula ng Pagbabago”, ay nagpapahiwatig na ang bawat isa ay may malaking
bahagi sa pag-unlad ng ating lipunan. Unang ikonsidera ang pagbabago sa pagpili ng tapat,
mapagkakatiwalaan, makamasa at higit sa lahat pinunong may takot sa ating Poong Maykapal. Ang
pagkakaroon ng ganitong klase

nag pinuno ay susi sa pagkakaunawaan ng bawat na siyang daan sa mabilisang pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa at masolusyonan ang mga suliraning pinagdadaanan nito. Sa mga mamamayan, kabataan at
manunulat na maaaring makatulong sa ikababago at ikagaganda ng pamamalakad ng ating pamahalaan
dapat isaalang-alang na kung wala ang presensya ng isa ay magreresulta sa mabagal na pag-usad ng
ekonomiya at sa pagkamit ng maunlad na bansa.

Para sa magandang ibubunga ng pagresolba sa mga suliraning panlipunan upang magkaroon ng pag-
unlad at kapayapaan. Ako, ikaw, tayong lahat ay may sari-sariling ginagampanan para sa ikabubuti ng
lipunan. Kung ang bawat isa ay may adhi-kaing makatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa , walang
hirap na makakamit ang tagumpay na inaasam. Magtulungan hindi lamang sa ikabubuti ng kani-kaniyang
lipunan at ng bawat indibidwal kundi para sa pag-unlad ng buong bansa.

Sabi nga “ang isang piraso ng tingting ay madaling mapuputol kung ito lamang ang gagamitin ngunit
kung pagsasamahin ang maraming piraso nito at maging ganap na isang bungkos ng walis, matibay itong
magagamit at marami itong malilinis”. Sama-sama, magkaisa at mag-tulungan para sa ban-sang
progresibo at matagumpay.###

K to 12 tungo sa kaunlaran

Ang K to 12 sa edukasyon ng Pilipinas ay sinimulang ipatupad noong Nobyembre 16, 2011 ni Bro. Armin
Luistro. Ang programang ito ay nagla-layong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa.

Layunin nito na ihanda ang mga kabataan sa panghinaharap. Tulong ito upang ang bukod na talento ng
bawat kabataan na dadaan sa Curriculum Framework na ito ay mahasa pa at maging ganap eksperto.

Ang K to 12 Curriculm Framework ay binubuo ng Kindergarten at labindalawang taon na pag-aaral; anim


na taon sa elementarya, apat na taon sa Junior High School at dalawang taon sa Senior High School.

Marami ang nagsasabing magsisilbing pahirap ito sa mga magulang at mga nagpapaaral. Mahirap na nga
ang kabuhayan ng marami lalo pa silang maghihirap sa pagkayod at pagbuno ng buto upang matugunan
ang mas dadami pang kakailanganin ng mga mag-aaral.
Sa kabila nito, mas lalo pang pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng K to
12 Curriculum Frame-work.

Isinakatuparan ito at patuloy na inimplemento. Sa katunayan patuloy din ang pagpapatayo ng mga gusali
at pasilidad para sa nalalapit na implementasyon ng Senior High School. Kapansin-pansin na rin ang
pagkumpleto ng mga gamit pagtuturo tulad ng Teaching Guides at Learning Materials.

Ang nasabing framework ay ikinonsiderang solusyon sa mas mataas na antas at kalidad ng mga
manggagawang Pilipino sa panghinaharap. Ito ay sagot sa mababang kalidad ng edukasyon.

Nais lamang ng pamahalaan na tugunan ang lumalaking suliranin sa kabataan. Binibigyang halaga ang
mga batang nais mag-aral at pursigidong makapagtapos na handa sa pakikisabak sa mas seryosong
buhay manggagawa.

Ang dalawang taong dagdag na pag-aaral sa sekundarya ay libre. Ito ay sagot sa kakapusan ng pera para
makakuha ng kurso sa kolehiyo. Layunin nito na hasain ang kaalaman ng bata sa pagkakaroon ng sariling
pagkakakitaan gamit ang napag-aralang skill.                                                     Sa pamamagitan nito hindi na
pahirap sa magulang o sinumang nag-papaaral ang pag-iisip kung saan kukuha ng pangmatrikula sa
kolehiyo sapagkat katuwang na nila ang ka-nilang anak sa paghahan-apbuhay.

Ang interes ng bata ay siya ring binibigyang pansin at halaga sa K to 12. Kung ano ang skill na gusto
nilang mahasa ay iyon lamang ang kanilang tutukang pag-aralan. Sa gayong paraan nagiging mas seryoso
ang bawat kabataan sa pag-aaral at nagbubunga ito ng mabuti. Nailalayo ang mga kabataan sa mga
negatibong aktibidad tulad ng pagkalulong sa bawal na gamot, pagkasangkot sa krimen, pagiging
lasenggero na maaaring magbunga ng aksidente , mamatay tao, at ang mga katulad nito.

Ang K to 12 Curricu-lum Framework ang maka-katulong sa mabilis na pag-angat ng ating ekonomiya at


sagot sa kahirapan na ating tinatamasa ngayon. Kung edukasyon ang pinag-uusapan, huwag nating isipin
ang bilang ng taon na ilalagi sa paaralan kundi tingnan natin ang magandang idudulot nito sa ating
buhay.

Lahat tayo ay nag-mimithing makatapos sa larangan ng edukasyon. Ito ang tanging solusyon sa hindi
matapos-tapos ng kahirapan sa ating bansa.###

Manunulat

Taon-taon isinasagawa ang Programang Campus Journalism Seminar-Workshop upang hasain ang
kakayahan ng mga manunulat. Kaya naman ang bawat ma-nunulat ay nagpupursigi upang madagdagan
pa ang kanilang kaalaman .
HINDI MAGKANDA-UGAGA. Ang mga manunulat ng ‘Taluktok’ ay dibdibang nag-eensayo para sa
nalalapit na RSPC, December 1. (Julie P. Tinawe)

Ayon kay Worielyn Wangdali “Ang pluma ay pag-asa”. Makakatulong sa pag-lutas ng panlipunang isyu.
Sa mga kabataang manunulat, kahit gaano kayo kabata, kayo ay maaaring instrumento ng pagbabago,
upang maipahayag ang mga isyu sa lipunan na kailangang masolusyonan.

Hindi madali ang gawaing ito sapagkat nakasalalay dito ang kanilang buhay na kailangan nilang mag-
ingat sa bawat detalye na kanilang isinusulat. Nakatuon ang kanilang pansin sa lahat ng bagay na
nangyayari sa kanilang paligid. Maging ak-tibo sa mga bagay na nangyayari sa kanilang kapaligiran upang
magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagayna nangyayari sa buong daigdig. Halimbawa ang tanim-bala
at halalan 2016 na pagtuunan ng pansin upang magkaroon ng impormasyon at ideya tungkol dito.
Maraming kara-nasan ang pinag-dadaanan na dito binabase ang mga sulating ginagawa na binibigyan ng
solusyon.Magkaroon ng interes sa kanilang ginagawa, may kaalaman, karanasan at may pangarap sa
buhay na kailangang abutin.

Bawat manunulat ay laging nanghihikayat ng kanilang mambabasa at para makayanan nilang ipahayag o
ipakita ang kanilang ideya sa paraang magustuhan at masiyahan ang kanilang mga mambabasa.

Magbasa o makinig ng balita, maging matalino at masikap na mananaliksik, pagtuunan ng pansin ang
isinusulat, alaming mabuti ang proseso sa panunulat, pag-aralang mabuti ang itinuturo ng instructor at
tanggapin ang anumang pagkakamali upang mahasa ang kakayahan at manatiling maayos ang pagiging
isang manunulat, nagpupursigi sa ginagawang trabaho upang may maipagmalaki na maipapakita sa
lahat.

Huwag hamakin ang pagsulat dahil dito nagsisimula ang paghahanap para sa katotohanan, pag-asa,
pagbabago at sa bawat galaw ng pluma sa ibabaw ng papel, ang mga pangarap ng bawat pilipino’y
matutupad.###

Advertisements

Share this:

Categories: Uncategorized

Leave a Comment

You might also like